Tawang-tawa ako kay Sir Nicholo nang iwanan ko siya sa mesa niya at magtungo sa pantry para ipagtimpla siya ng kanyang kape. Tahimik lang ako tumatawa dahil baka makita niya ako ay mas lalo siyang magalit sa akin. Nakakatawa kasi ang mukha niya nang humarap ako sa kanya. Tapos inasar ko pa siya na gandang-ganda ako sa sarili ko kaya mas lalo siyang nainis. Mukha pa naman siyang monster kapag nagagalit siya. At ayaw ko naman na mas lalong mag-alab ang galit niya sa akin kaya pilit akong nagtitimpi. Kita kong diring-diri siya sa itsura ko at hindi ko na naman mapigilan ang bumungisngis sa kinaroroonan ko. Mabuti na lang at malayo itong pantry sa table niya at nasa sulok pa kaya naman hindi niya ako maririnig. Alam ko naman na ito ang una niyang pupunahin kapag pumasok ako ng opisina niya