"Siya pala ang boss mo, hija. Napakagwapo naman," kinikilig na turan sa akin ni Yaya Conchita nang lumabas kaming dalawa buhat sa kwarto ko, pagkatapos naming pagtulungan na ihiga sa kama ang lasing na lasing na amo ko. Kasama ko rin siyang nagpalit ng pang-itaas ni Sir Nicholo dahil basa ng pawis ang suot niya. Pareho kaming hiningal matapos namin iyong gawin dahil sobrang bigat ng katawan ng boss ko. Ilang beses din niya kaming sininghalan dahil ayaw niya magpalit ng damit bago namin siya napalitan ng t-shirt. Nakakatawa ngang isipin na nakaya namin siyang akayin ni Yaya Conchita mula sa parking lot hanggang dito sa kwarto ko. Sa laki niyang tao at lapad ng katawan ay talaga nga namang sobra kaming nahirapan sa kanya. "At napakalupit," dagdag ko sabay higop sa tasa ng aking kape. Hi