"Good morning, Ma'am," bati ko kay Mrs. Reyes nang umagang iyon.
First day ko sa trabaho at inagahan ko talaga ang pagpasok dahil i-t-train ako ni Mrs. Reyes sa mga dapat kong gawin.
"Good morning too, Ms. Dimapigilan," nakangiting bati naman ni Mrs. Reyes. All smiles siya sa pagbigkas sa apelyido ko samantalang ako ay napangiwi nang marinig ito sa kanya. Mabuti na lang at hindi niya napansin ang reaksyon ko dahil wala namang nabago sa reaksyon niya.
Mag-re-request na talaga ako mamaya na sa pangalan na lang niya ako tawagin dahil naaalibadbaran talaga ako sa apelyidong ginamit ko. Sana pala umisip na lang ako ng simple at hindi mabantot bigkasin para hindi ako napapangiwi ng ganito.
"Ang aga mo, ha? I like that, hija. Sana magtuloy-tuloy 'yang maaga mong pagpasok dahil ganyan ang gusto ng boss natin," pangaral niya.
Talagang aagahan ko talagang pumasok araw-araw dahil gusto kong magpa-impress para matuwa ang boss ko sa akin kahit pa may konting inis ako sa kanya.
Hindi ko pa nakakalimutan ang linya niya sa akin sa tabing-dagat.
Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako rito at ako pa ang bago niyang sekretarya?
Kaya lang naisip ko, ang feeling ko naman masyado yata. Hindi niya matatandaan ang mukha ko dahil sobra kong pangit.
Malalaman ko mamaya kung matatandaan niya ako dahil papasok na ako sa opisina niya mamaya kapag natapos na ang training ko kay Mrs. Reyes.
Ang pagtitimpla ng kape ang unang itinuro ni Mrs. Reyes sa akin.
"He wants black coffee, no sugar. Just plain two teaspoons of coffee that you should brew first before you serve to him. Make sure rin na hindi masyadong mainit ang ise-serve mo dahil baka mapaso ang dila niya at mamura ka niya ng wala sa oras."
Napalabi ako sa narinig. Ano kayang lasa ng kape niya? Sobrang pait sigurado na halos hindi ko kayang lulunin.
"Ah, Ms. Dima—"
"Excuse me, Ma'am." Putol ko sa sinasabi ni Mrs. Reyes. Hindi na talaga ako nakatiis at naglakas-loob na ako na makiusap sa kanya. "Ma'am, pwedeng po bang Manika na lang po ang itawag niyo sa akin? Dito po ako sanay," medyo alanganin kong sabi. Ngumiti pa ako ng medyo tagilid dahil baka bigla siyang mainis sa akin.
"Sure," nakangiti niyang pagsang-ayon. No problem to me. If that's what you want then be it. Mas gusto ko nga ang Manika, mas madali bigkasin."
"Thank you, Ma'am." Nakahinga ako ng maluwag.
"Yeah. Anyway, balik tayo sa pinag-uusapan natin. May hindi pa pala ako nasasabi sa iyo, Manika."
Napatuwid ako nang tayo sa sinabi niya. Ano na naman kayang idadagdag ni Mrs. Reyes sa mga lecture niya kahapon?
"Our boss is so impatient. Ayaw na ayaw niya na pinaghihintay mo siya. Gusto niya mabilis at maayos magtrabaho. Kaya ikaw, hija. Mag-pay attention kang mabuti para hindi ka masigawan. He is ruthless, arrogant and sometimes psychotic." Bumuntunghininga ang matanda pagkatapos nitong masabi iyon.
Tila lumungkot pa ang itsura nito na parang may naalalang kung ano.
Psychotic? Dito ako medyo naging curious, ibig sabihin may sa baliw ang magiging amo ko.
"P-Pero hindi naman po siya nananakit, Ma'am?" alanganin kong tanong. Kung mananakit pala siya ay aalis na lang ako.
"Syempre hindi. May time lang na muntik na siyang manakit. Iyong huling sinundan mo rito, muntik na niyang masampal dahil hindi na ginagawa ng maayos ang trabaho. Wala ng ginawa kung hindi ang magpapansin at akitin ang boss natin. Kaya hayun, muntik sampalin ni Sir Nicholo."
Napalunok ako sa kwento ni Mrs. Reyes. Grabe naman pala ang lakas ng karisma ng boss namin. Kung bakit naman kasi hindi trabaho ang inaatupag ng mga nag-apply dito? Kung jowa pala ang hanap 'di sanay nag-apply na lang sila na jowa ng boss namin. Hindi iyong idadahilan ang trabaho para masungkit ito.
"Kaya ikaw, Manika. Paghusayin mo ang trabaho mo. Magandang ang benefits ng kumpanyang ito at alam kong matutuwa ka sa sweldo mo."
Nagningning ang mga mata ko sa aking narinig. Ito ang pinakahihintay ko!
Wala pa kasi silang pinapapirmhan sa aking kontrata kaya hindi ko pa alam kung magkano ang suswelduhin ko.
"You're earning fifty thousands per month. Iba pa ang mga privilege na matatanggap mo sa kumpanya. Like food allowance, transpo, and of course freebies and promotions kapag maganda ang performance mo."
Lumuwa ang eyeballs ko sa sinabi ng matanda. Speechless talaga ako sa mga sinabi ni Mrs. Reyes. Nakakamangha na malaman ang mga pribilehiyo na matatanggap ko sa kumpanyang ito. Matutuwa si Yaya Conchita mamaya kapag nakwento ko sa kanya ito.
"Halika na, Manika. Ipapakilala na muna kita kay Sir Nicholo bago ka pumirma ng kontrata. Alam kong matutuwa siya na makita ka dahil alam kong ikaw ang hinahanap niya para sa trabahong ito. You will never break the rule and I'm sure you will work well."
"Yes, Ma'am," wala pa rin sa sariling sabi ko.
Napakaswerte ko naman at nakakita ako ng magandang trabaho. Pero nakakapagtaka pa rin na mabilis akong na-hire. May parte tuloy sa akin nag-aalangan dahil mabilis lang akong natanggap.
Nababahala rin ako sa ugali ng boss namin na sinabi ni Mrs. Reyes. Hindi ako mapakali nang sinabi niyang may pagka-psychotic ang amo namin.
Sumunod ako kay Mrs. Reyes nang lumabas na siya ng kanyang tanggapan. Halos namamangha ako sa mga nakikita ko sa loob ng building. Nakakamangha ang disenyo ng building lalo na ang mga malalaking jars na palamuti sa sulok na hinuha ko ay nagkakahalaga ng mahal.
Pati ang mga ilaw na nagbibigay ng tanglaw sa amin ay mukhang hindi lang libo ang presyo. Nagsusumigaw ng karangyaan ang bawat tapunan ng aking mga mata.
Walang duda na mayaman nga ang amo namin. Mas mayaman pa sa inaakala ko. Nanliit ako bigla dahil kahit pa isa kami sa pinakamayaman sa Villa Estella. Pag ikinompara sa boss ko ay alikabok lang ang kayamanan namin kung tutuusin.
Dalawang beses pinindot ni Mrs. Reyes ang button na nasa labas ng pintuan ng CEO bago ito bumukas at kaagad na sumalubong sa amin ang malamig na aircon.
Lahat yata ng mga gamit din dito ay puro high-tech?
Sabagay, maunlad naman na lugar itong napuntahan ko kaya hindi na ako nagtaka na makakita ng mayayaman dito.
"Good morning, Sir," bati ni Mrs. Reyes sa taong nakatutok sa laptop.
Ito ang nabungaran naming senaryo sa loob ng opisina ng lalaki. Sobrang tahimik at tanging ang pagta-type lang niya sa laptop ang maririnig.
Shit! This is it! Maghaharap na kami ng boss ko!
"G-Good morning, Sir," bati ko rin na medyo nabulol pa ako ng konti.
"Is she the new secretary?" tanong ng lalaki habang patuloy na nagtitipa sa keyboard ng laptop niya. Hindi man lamang kami tapunan ng tingin kahit saglit man lang.
"Yes, Sir."
"You may leave her here Mrs. Reyes. Ako na ang kakausap sa kanya tutal sinabi ko naman sa iyo na i-brief training mo siya para malaman niya ang rules and regulations sa kumpanyang ito."
"Yes, Sir. Tapos ko na po siyang i-briefing at mukhang nakuha naman ni Ms. Manika ang lahat ng mga itinuro ko sa kanya."
"That's very nice, Mrs. Reyes. Sige na, iwan mo na siya rito."
"Yes, Sir."
Namutla ako sa aking narinig. Patay na! Maiiwan na ako rito! Iyong nerbiyos ko kanina na pilit kong winawala ay muling bumalik.
"Good luck sa 'yo, Manika. Huwag ka kabahan, hindi kumakain ng tao si Boss." Tinapik ako ni Mrs. Reyes sa balikat ko bago niya ako iniwan at tinungo ang pintuan.
"Come here, Miss?" Lumingon sa gawi ko ang boss ko at hindi ko napigilang palihim na higitin ang aking paghinga. Napakagwapo lang talaga niya. Ang mata niyang kulay tsokolate ay buhay na buhay at tila nababasa niya ang nasa isip ko.
Ang kilay niyang makapal pero makorte. Ang labi niyang mapula at manipis, ang— ay! Ano ba naman 'tong ginagawa ko? Iniisa-isa ko ang mga katangian niya! Nilalabag ko na ang number one rule!
"D-Dimapigilan po," sagot ko habang kinakastigo ang aking sarili sa isip. Dahan-dahan akong naglalakad palapit sa lalaki habang nakatitig sa kanya.
"What? Are you serious with your surname?" Kunot-noong isinara niya ang kanyang laptop at hinanap sa mukha ko ang kaseryosohan sa sinabi ko.
"Y-Yes, Sir. May problema po ba sa apelyido ko?"
"None. Pero sa dami ng magiging apelyido mo ay iyan pa?" Sinapo niya ang kanyang noo at iniisip niya siguro kung nagsasabi ako ng totoo.
Sana wala siyang mahalata sa akin! "Anyway, I'll just review your documents later. For now, ipagtimpla mo muna ako ng kape." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Akala ko may mahahalata siyang mali sa akin.
"Opo."
"Good!"
Dali-dali kong tinungo ang pantry at nagtimpla ng request niyang kape. Sinunod ko ang lahat ng sinabi ni Mrs. Reyes at saka nagmamadaling bumalik sa table niya at in-serve ang kape niya.
"Here's your coffee, Sir."
"Thank you. You may sit down now. I'll just finish what I'm doing and after that tatambakan kita ng trabaho."
"Okay po, Sir."
Muli nitong inangat ang laptop at magsisimula na sanang magbasa nang bigla niyang binalik ang atensyon sa akin.
"By the way, have we met before?"
Napatuwid ako sa pag-upo. Aaminin ko ba na nagkita na kami?
"N-No, Sir. Ngayon lang po tayo nagkita," pagsisinungaling ko. Niyuko ko pa ang ulo ko ng tumiim ang titig niya sa akin.
"Oh, I thought we had met before. Ah, nevermind."