Chapter Two

1925 Words
ANG pagdating ni Kevin sa buhay ni Marisse ang hindi niya makakalimutang sandali na buhay niya. Nang dumating ito sa pamilya nila, noong una'y hindi ito nagsasalita dala ng trauma na dulot sa trahedya na nagbunga sa pagkawala ng mga magulang nito. Ilang buwan din itong halos palaging tulala, hanggang sa isang araw, nagawa niyang mapangiti ito ng isang tanghali matapos nilang kumain. Nakita niyang nakaupo ito doon sa wooden bench sa may garden sa bahay ng Lolo niya. Kinuha niya ang gitara at tinugtugan ito saka kinantahan. And the next thing she knew, nakangiti na ito sa kanya. Hindi nagtagal, nakapagsalita na ito. Hanggang sa tuluyan na itong naka-recover sa mga nangyari. Kasabay ng lahat ng iyon, naging malapit sila sa isa't isa. At sa paglipas ng mga panahon, naging mas malapit sila. Highschool na sila, when Marisse felt that she started to fall for Kevin. Paano nga bang hindi mahuhulog ang loob niya dito? Ito ang naging tagapagtanggol niya sa lahat ng nang-aapi sa kanya. Noong bata kasi siya, isa siyang lampa bukod pa sa maliit siya at payat. 'Duwendeng Payatot' ang madalas na tinutukso sa kanya ng mga kaklase niya. Isa pa, madalas ay kasama niya ito sa lahat ng oras. Karamay sa lungkot at saya. At sa tuwing may magugustuhan itong ibang babae sa school nila. Daig pa niya ang sinasaksak ng harapan sa dibdib. Sa kabila niyon, hindi nagbago ang pagtingin niya dito. JS Prom. Nang magbago ang lahat sa kanilang dalawa. Ito ang naging escort niya. Nang sunduin siya nito sa bahay nila at nakita niya kung gaano ito kakisig sa suot nitong tuxedo. Parang huminto ang pag-inog ng mundo ng magtama ang mga mata nila. Gusto sana niyang itigil ang oras ng mga sandaling iyon. At sa buong gabing magkasama sila, pinaramdam nito sa kanya na parang siya lang ang babae sa buhay nito. Nanatiling sa kanya lamang ang atensiyon nito, sa kabila ng mga babaeng pilit na nagpapapansin dito. At bago matapos ang gabi, bago sila umuwi, dinala siya nito sa isang park na matatagpuan malapit sa school nila. Doon, nagtapat ito ng tunay nitong damdamin para sa kanya. Mahal din siya ni Kevin. All those years, she didn't know that they felt the same way. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa, nang gabi ding iyon, inamin na rin niya ang pagmamahal niya para dito. Sa unang linggo, inilihim nila sa pamilya niya ang relasyon nilang dalawa. Napilitan silang umamin, nang komprontahin sila ng Lolo at Lola nila, mga magulang niya at ng Tito Rod niya. Napapansin na pala ng mga ito ang pagiging kakaibang pakikitungo nila sa isa't isa. Nagalit ang mga magulang niya. Hindi matanggap ng mga ito ang relasyon nila. Bukod kasi sa bata pa sila, labis na inalala ng mga ito ang sasabihin ng ibang tao. Dahil simula ng maulila si Kevin, sa Pamilya na nila ito lumaki. Hindi daw magandang tignan na may relasyon sila at halos sa iisang bubong sila nakatira. Dahilan upang paglayuin silang dalawa ng Pamilya niya. Hindi sila mag-pinsan ni Kevin. Oo, kunupkop ito at pinag-aral ng Tito Rod niya. Pero hindi ito inampon ng legal. Hindi sila magkadugo. Kaya wala siyang nakikitang dahilan para hindi sang-ayunan ang relasyon nila. Pero dahil bata pa sila noon, wala rin siyang nagawa kung hindi ang sundin ang mga magulang niya. Hanggang sa may mga tsismosang nakaalam ng relasyon nila, inakusahan ng mga ito si Kevin na ginagamit lang daw siya nito dahil sa pera nila. Na hindi naman daw siya tunay nitong mahal at isa itong oportunista. Dahil sa paglala ng usapan tungkol sa kanila. Napagkasunduan ng mga nakakatanda na tuluyan na silang paghiwalayin. Isang bagay na talagang dinala niya ng mabigat sa kanyang kalooban. Inakala niya na ililipat lang ng mga ito ng tinitirhan si Kevin. Pero mas higit pa pala iyon sa inakala niya. Isang gabi, ng magkaroon sila ng pagkakataon na magkita. Isang bagay ang inamin nito sa kanya. Dahil sa mariin na pagtutol ng pamilya nila sa relasyon nilang dalawa at dahil sa mga malisyosong usapan tungkol kay Kevin, pumayag si Kevin na lumayo pansamantala. Para hindi magdulot ng malaking problema. Sinakripisyo nito ang kaligayahan nilang dalawa. Sa tulong ng Tito Rod niya na Ninong nito, pumunta ito ng America. Doon ito namuhay ng mag-isa, nag-aral at nagtrabaho sa sarili nitong sikap. At kasabay ng pag-iwan nito sa kanya, ay ang pangako nito na muli siya nitong babalikan, upang ipagpatuloy nila ang pagmamahalan nila. At para mapatunayan nito sa mga magulang niya at sa lahat ng tao na hindi pera ang habol nito sa kanya at karapat-dapat ito sa pagmamahal niya. Ngunit, tatlong taon na ang nakakalipas. Isang masamang balita ang nakarating sa kanya at labis na dumurog sa pag-asa niya sa pagbabalik nito. Ayon na mismo kay Jester, ng bisitahin nito ito sa America. May girlfriend na si Kevin. Labis siyang nasaktan sa nalaman, ng tumawag ito sa telepono at magkausap sila. Ito mismo ang nagkumpirma sa kanya ng nabalitaan nito. Parang nagkapira-piraso ang puso niya sa sobrang sakit. Hindi niya alam kung ilang gallon ang niluha niya. Kasabay ng paglipas ng panahon, pinilit ni Marisse na kalimutan ang pagmamahal niya para dito. Isang bagay, na tila malabo pa rin sa paningin niya hanggang ngayon. Mabilis na pinunasan ni Marisse ang luhang pumatak mula sa mga mata niya. Sampung minuto bago mag-ala una ng madaling araw. Pero hayun at gising na gising pa siya. Ayaw siyang patahimikin ng alaala nilang dalawa. Gusto niyang iwasan ito, ngunit paano? They live at the same place. Live with same group of friends. "Stand firm, Marisse. Kaya mo 'yan. Makaka-get over ka rin sa kanya." Pagkausap niya sa sarili. Lord, help me to move on. Mahirap magkunwaring hindi ko na siya mahal. Tulungan po Ninyo ako. Piping dalangin niya. HINUBAD ni Marisse ang suot niyang robe saka agad na nag-dive sa swimming pool. Pag-aari iyon ng pinsan niyang si Gogoy, naroon siya sa bahay nito at nasa bakuran nito ang swimming pool. Bago ito pumasok sa opisina nang araw na iyon, nagpaalam na siya dito na masu-swimming siya doon. Pag-ahon niya sa kabilang bahagi ng pool, saglit siyang nagpahinga. Isang laking pasalamat niya dahil wala naman masyadong aayusin sa Fairytales. Kaya after lunch na siya puwedeng pumasok. Nang makapagpahinga na, sumisid ulit siya sa ilalim ng tubig. Pag-ahon niya muli, nagulat siya ng pagmulat ng mga mata niya ay nakita niyang nakatayo malapit sa swimming pool si Kevin. Looking so fresh and handsome on his simple board shorts at white sando. Mukhang kakagising lang nito. "Good Morning," nakangiting bati nito. "Good Morning din. Bakit ka ba nanggugulat?" Tumawa ito, pagkatapos ay naupo sa isang bakanteng sun lounger na nakapuwesto malapit sa pool area. "Mukha na ba akong zombie sa paningin mo at nagulat kita?" balik-tanong naman nito. "Eh kasi naman eh! Daig mo pa engkanto, bigla ka na lang sumusulpot. Bago ako sumisid wala ka naman diyan ah." Sagot pa niya. "Kakarating ko lang kasi." "So, what are you doing here?" tanong niya dito, habang nakababad pa rin ang katawan niya sa tubig. Hindi makaahon si Marisse dahil red two-piece bikini lang ang suot niya. Ayaw niyang makita nito ang katawan niya. "Pinapatawag ka ni Lolo Badong." Sagot nito. "Bakit daw?" Nagkibit-balikat lang ito. "Sige, susunod na ako." Aniya. "Sabay na tayo," "Mauna ka na! Go!" pagtataboy pa niya dito. "Tinataboy mo ba ako?" kunot-noong tanong nito. Umiling siya. "Hindi." "Yun naman pala eh. Umahon ka na diyan, at sumabay ka na sa akin." Utos pa nito sa kanya. Agad na bumilis ang t***k ng puso niya. Hindi niya alam ang gagawin. Kung aahon siya, makikita nito ang katawan niya. Nakakahiya! "Ano na? Umahon ka na! Baka malamigan ka pa diyan eh!" sabi pa nito. "Oo na nga," napilitang sagot niya. Paghawak niya sa bakal na hawakan. Agad na tumayo si Kevin na hawak ang tuwalya niya, at saka nilahad ang isang kamay nito sa kanya upang alalayan siyang makaahon sa tubig. Lalong kumabog ang puso niya. Kung bakit ba naman kasi ayaw nitong mauna na. "Grab my hand," anito. "No, thanks." Tanggi niya. "Marisse, just grab my hand and I'll pull you over." Anitong tila nawawalan na pasensiya. Nagdadalawang-isip man, sa kabila ng mabilis na t***k ng puso niya. Tila may bumubulong sa puso niya na tanggapin ang kamay nito, sa kung anong kadahilanan, parang may mas malalim na kahulugan iyon. Ngunit sa kabila niyon, tila ipinahihiwatig din niyon ang muling pagtanggap niya dito sa buhay niya. Lord, let Your will be done... Humawak siya sa kamay nito. Hinawakan siya nito ng mahigpit saka hinila pataas, sabay alalay sa kanya sa beywang. Natulala ito ng makita ang suot niya. Halos hindi ito kumukurap habang matagal na nakatitig sa mukha niya pababa sa katawan niya. Nakipagtitigan siya dito. And she must admit, she missed staring at him this near. "Uhm, yung towel." Untag niya dito. Napakurap ang mata nito, saka awtomatikong napangiti. "Yes, of course. I'm sorry, I...ah, I really not expecting your wearing...ah, like that." Nagkandautal na sabi nito. Napangiti siya. "It's okay." Aniya. Mas dumoble ang t***k ng puso niya, dahil sa pagbalot nito ng tuwalya sa kanya. Para na rin siyang niyakap nito. Napalunok si Marisse ng mas lalong magkalapit ang mga mukha nila. Kulang na lang ay halikan siya nito. Para bigyan ng espasyo ang pagitan nila kaya umatras siya ng bahagya. Napatili siya ng madulas ang isang paa niya. Babagsak na sana siya ulit sa tubig ng mabilis na nahawakan siya ni Kevin sa beywang at nahila siya palapit dito sabay hapit palapit sa katawan nito. Napahawak siya sa magkabilang balikat nito. Muli ay halos nagdikit ang mga mukha nila. Pakiramdam ni Marisse, ay tila nabalot ng kulay rosas ang paligid, na tanging silang dalawa lamang ni Kevin ang naroon. She stared carefully on his beautiful eyes. Pilit niyang pinigil ang isang kamay na umangat upang haplusin ang pisngi nito. Kung nalalaman lang nito ang sinisigaw ng puso niya ngayon. How she missed him so much. Nahigit niya ang hininga ng maramdaman niyang kumilos ang dalawang kamay nito dahan-dahan mula sa beywang niya, pataas sa likod niya hanggang sa balikat niya. Kumabog ng husto ang dibdib niya. Hindi niya mahulaan ang tumatakbo sa isip nito. Was he thinking of kissing her? Hindi maaari. Hindi siya papayag na bigyan ito ng dahilan upang mapaibig siya ulit nito at muling iwan gaya ng ginawa nito noon. Kaya kailangan na niyang humakbang paatras, para lumayo dito. Ngunit ilang segundo na ang nakakalipas, hindi pa rin niyang magawang kumilos. Daig pa niya ang pinako sa kinatatayuan niya. She must admit, she missed being trapped inside his arms. Where, she always felt safe, secured and loved. Kaya naroon pa rin silang dalawa, tahimik na nakatitig lamang sa isa't isa.Walang kahit na isang salita ang binibigkas, at tanging mata at puso lang nila ang nangungusap. "I missed you, Marisse." Bulong nito sa kanya. Lalong bumilis ang t***k ng puso niya. Parang nalunok niya ang dila niya, sa isang iglap ay nablangko ang isip niya. Kaya pinilit niyang tumikhim saka unti-unting lumayo dito. Pinili na rin niyang hindi sumagot sa sinabi nito, mas mabuti na ang ganito. Mas safe ang puso niya. "Are you okay?" tanong naman nito. "Yeah, salamat." Kinakabahan pa rin na sagot niya. "Magbihis ka na. I'll wait for you hear." Sabi nito. Tumango siya. Nakakailang hakbang pa lang siya palayo ng tawagin siyang muli nito. "Yes?" sagot niya. Alanganin itong ngumiti, pagkatapos ay umiling. "Nothing," usal nito. Gustong sabihin ni Marisse na na-miss din niya ito. Pero natatakot siya na kapag inamin niya iyon, tuloy-tuloy ng kumawala ang damdamin niyang pilit na sinisikil para dito. Habang papasok sa banyo. Hindi na napigilan ni Marisse ang mapangiti. Bakit sa kabila ng pilit na pagpipigil niya sa puso niyang mahalin ito? Tila ba naroon pa rin ang kakaibang saya. Isang bagay na hindi na yata maaalis sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD