Chapter Three

3586 Words
"CLEAR tayo for the week?" tanong ni Sam kay Marisse pagdating nito doon sa Jefti's Restaurant. Tumango siya. Saka humigop sa isang tasa ng kapeng hawak niya. "Yup. Kaya pwede ka ng maghanap ng boyfriend." Pabirong sagot niya. "Ayieee! Gusto ko 'yan!" kinikilig pang reaksiyon nito. "Hoy! Itigil n'yo nga 'yang ganyan usapan! Nakakadiri!" saway agad ni Jefti sa kanila. Kunot-noong lumingon sila dito. Naroon ito sa likod ng cash register. At tila nagbibilang ng kita nito sa umagang iyon. "Ikaw ang tumigil! If I know. Selos ka lang." pambubuking pa niya dito. "Tumahimik ka, Marisse! Babatuhin kita nitong barya!" banta nito. "Weh! Jelling Jelling! Jelly Ace!" pang-aasar pa niya lalo. "Tumahimik ka sabi eh!" saway din sa kanya ni Sam. "Wala akong gusto dyan! Hindi siya ang tipo kong lalaki!" Natahimik siya. Sabay, sulyap kay Jefti. Nakita niya kung paano bumaha ang kirot sa mga mata nito, ngunit hindi nito pinahalata iyon. "Hindi ko rin naman type yan 'no? Alam mo naman ang gusto ko sa babae. Mga model type." Ganti naman nito. Gaya ng nakita niyang reaksiyon ng pinsan, ganun din ang nakita niyang sakit sa mga mata ni Sam. Napailing siya. Kung nalalaman lang ng dalawang ito. Ilang sandaling nabalot ng tahimik ang paligid nang mula sa second floor ng Jefti's ay bumaba si Kevin at ang kakambal niya. "B2, bakit nandito ka?" tanong ni Marvin sa kanya. B1 at B2 ang tawagan nilang dalawa. Ito ang B1 at siya si B2. "Wala naman kaming client ngayon, so, chill muna." Sagot niya. "Good! So, maybe you can come with me? Since, ikaw naman ang magiging executive secretary ng Mondejar Cars Incorporated." Singit ni Kevin sa usapan. Natulala siya sa sinabi nito. Maging ang tasa na hawak niya at ang kapeng laman niyon ay nakalimutan niyang mainit pala, kaya diniretso niya ito sa bibig niya. Ang resulta, napaso ang nguso niya. "Aray ko!" hiyaw niya. Halos maihagis niya ang tasa. Mabilis pa sa alas-kuwatro na tumakbo sa tabi niya si Kevin. Agad nitong inabot sa kanya ang isang baso ng tubig. "Are you okay?" nag-aalalang tanong nito. Agad na bumilis ang t***k ng puso niya. Heto na naman sila. Malapit sa isa't isa. Nakatitig sa mata ng bawat isa. Habang hindi matahimik ang puso niya. Bakit nga ba hindi siya magkakaganoon? Silang dalawa. Magkasama? Oh no! Tumango siya. "Let me see it," anito. "Hindi na, okay na." sabi niya. Sabay tungo ng ulo niya. "I insist, I want to see it." Wala siyang nagawa kung hindi ang itaas ang ulo. Maingat na lumapit ito sa kanya at marahan hinaplos ang mga labi niyang napaso. Hindi sigurado si Marisse kung naririnig nito, pero dinig na dinig niya ang lakas ng kabog ng puso niya. Being with him this near, she knows, it's not a good idea for her. "I'm okay," pabulong na sabi niya. Ngunit hindi man lang ito natinag sa kinauupuan nito. Nanatili lang itong nakatitig sa mukha niya, at sa mga labi niya. She saw that familiar emotion in his eyes. Pero hindi malinaw ang eksaktong ibig sabihin niyon. What is it? Bakit hindi niya malaman kung ano iyon? Hindi niya mabasa ang pinahihiwatig ng mga tingin nito. Lalong kumabog ang dibdib niya ng marahan nitong haplusin ang parte ng labi niyang napaso. "Always be careful," anito. "Ayokong nasasaktan ka. Kahit na ang makita kang umiyak, ayoko." Nangilid ang luha sa mga mata niya. Tama ba ang narinig niya? Ayaw siya nitong nakikitang nasasaktan at umiiyak? Ibig sabihin... Agad niyang pinalis ang ano mang maliit na pag-asang sumusungaw para sa kanila. Hindi na dapat siya umasa. Hindi na dapat niya bigyan ng pagkakataon ang sarili niya na muling masaktan at umiyak. Mga bagay na ayaw nitong makita sa kanya, ngunit ito rin mismo ang may gawa. Lihim siyang huminga ng malalim pagkatapos ay mabilis na lumayo mula dito at tumayo. Nang tumingin siya sa paligid. Halos wala ng tao doon. Marahil ay sinadya silang iwan ng mga ito para makapag-usap ng maayos. Pero, wala naman talagang dapat pag-usapan. "Uhm, ah... May lakad ba tayo?" pag-iiba niya sa usapan. Bumuntong hininga ito saka tumayo rin. "Yes," sagot nito. "Kailangan kong bisitahin ang showroom na nire-renovate na ngayon." "A-ano naman ang magiging papel ko doon?" tanong ulit niya. "I just might need your help in terms of clerical works. You're the Secretary, right?" "Right," sang-ayon niya. "We'll leave in an hour." Anito. "Okay. Doon na lang tayo magkita sa site." Sabi naman niya. "Uh, no. Sasabay ka na sa akin. Dadaanan na lang kita, okay? See you." Nang makaalis na ito. Para siyang nauupos na kandila na napasalampak ng upo sa isang bakanteng silya doon. Saka napahawak sa dibdib niya, sa tapat ng puso niya. Mabilis pa rin ang t***k niyon. Hanggang sa mga sandaling iyon, ayaw pa rin niyong tumahimik. Napapikit si Marisse, saka napatungo sa mesa. What happened, Marisse? Bakit mo na naman hinayaan na pabilisin niya ang t***k ng puso mo? Bakit mo siya hinayaang titigan ang mga mata mo? Akala ko ba magmo-move on ka na? Paulit ulit siyang kinokondena ng isip niya. Ngunit tila ang puso niya ay panatag lang, mabilis man ang t***k niyon. Pero naroon naman ang kapanatagan nito. Nagsisimula na siyang maguluhan. Sinabi na niya noon na wala na siyang damdamin para kay Kevin. Ngunit tila, nanunumbalik ang pagtingin niya dito. O sadya lang na hindi naman talaga nawala iyon at panandalian lang itong nagtago sa sulok na bahagi ng puso niya. CASUAL. Iyon ang naisipan ni Marisse na isuot. Ilang beses na siyang nagpaikot-ikot sa harap ng salamin niya. Hindi na rin niya alam kung ilang beses niyang pinicturan ang sarili gamit ang cellphone niya at pinadala ang MMS sa kakambal niya at tinanong dito kung ayos na ang suot niya. Mayamaya, nag-ring ang cellphone niya. Agad niyang sinagot iyon ng makitang si Marvin ang tumatawag. "B2, you look great in anything that you wear. You just have to be confident. Si Kevin lang ang kasama mo." Anito. "Iyon nga eh." Maktol niya. "Kailangan ba talaga ako diyan?" tanong niya. "He's the Architect. Siguro nga kailangan ka dito. Nagsu-supervise lang naman ako eh." sagot nito. Bumuntong hininga siya. "I gotta go. I'll see you in a while." Sabi nito. Iyon lang at nagpaalam na ito. Bumalik siya sa harap ng closet, at kinuha ang skinny jeans niyang kulay gray at blouse na puti. May disenyo itong parang vest sa harapan. Eksaktong kakasuot lang niya sa sapatos niya ng may marinig siyang bumusina ng malakas. Si Kevin na marahil iyon. Kinuha niya ang itim na baseball cap na kinuha niya sa kwarto ni Marvin, bago nagsuot ng shades. Bahagya lamang niyang sinuklay ang wavy niyang buhok, na dating straight pero napagtripan niyang baguhin, saka mabilis na lumabas. Paglabas niya ng gate nila ay nakita niya itong nasa labas ng kotse nito at nakasandal doon. It was Red Ford Mustang GT. Gusto niyang sumipol kapag nakikita niya ang kotse nito. Iyon kasi ang dream car niya. Natuon ang atensiyon niya ng makita ang suot nito, naka-jeans lang din ito at simpleng white t-shirt. Agad niyang pinaling sa ibang direksiyon ang paningin. Kahit kasi naka-shades siya, nasisilaw pa rin siya sa kaguwapuhan nito. "You look nice," anito. "Thank you, you too." Sagot niya. "Hindi naman tayo sasayaw nito?" tanong ni Kevin sa kanya. Napangiti siya ng makuha niya ang ibig nitong sabihin, pareho kasing puti ang pang-itaas nila. "Sasayaw tayo sa gitna ng Ayala Avenue ng Teach Me How to Doughie, para hagisan tayo ng piso." Pagbibiro niya. "Kapag ginawa natin 'yon, baka ikahiya ka ng buong angkan ng Mondejar." Natatawang sabi nito. "Of course not! Isusumpa lang ako ni Lolo Badong." Sabi niya. Natawa ulit ito. "Alright, let's go then." Pinagbukas pa siya nito ng pinto sa passenger's seat. Napatingin siya dito. "Saan galing ang pagiging gentleman mo?" tanong niya dito na may kalakip na biro. "Sa puso mo," natatawang sagot nito. Natawa din siya. "Pengkum ka!" aniya, bago sumakay sa kotse. Papunta na sila sa lugar kung nasaan ang showroom ng maisipan niya na muling biruin ito. "Arbor ko na lang itong kotse mo!" aniya. Humagalpak ng tawa ito. Bago sumalyap sa kanya. "Seriously? Alam mo ba kung gaano ko katagal pinag-ipunan ang pambili ko ng kotseng ito?" "Oo nga! Arbor na lang. Let's trade para naman hindi ka lugi. What do you want in return?" nakangising tanong niya dito. Saglit itong tumahimik. Tila nag-iisip ng maisasagot nito sa kanya. "Seryoso ka diyan?" tanong din nito. Kibit-balikat lang ang isinagot niya dito. "Sige, I'll give you this car. If!" pagpayag nito, sadya nitong binitin ang huling katagang sinabi nito. "If? What?" "If you'll give me your heart." Seryosong sagot nito. Nawala ang ngiti niya. Kasabay ng parang bomba na dumagundong ang kabog ng dibdib niya. Ano nga ulit ang sabi nito? Hindi siya sigurado kung namutla ba siya o namula siya sa sinabi nito. "What?" tanong niya. Nang titigan niya ito ay seryoso din ang mukha nito. Mayamaya, gumuhit ang ngiti sa labi nito saka sumulyap sa kanya. "Joke! Joke lang 'yun!" biglang kabig nito. Kitang kita ni Marisse na hindi umabot sa mga mata nito ang ngiting iyon. Hindi siya sigurado kung tama ang sapantaha niya sa nakita. O baka malaking assumera lang siya? Pero bakit sumasang-ayon ang puso niya sa nakita niya? Pilit din siyang ngumiti. Kunwa'y sinuntok pa niya ito sa braso. "Pengkum ka! Huwag mo nga akong biruin ng ganyan! Hindi ko na nga lang aarburin 'tong kotse mo. Itatakas ko na lang 'yung isa sa mga paparating na luxury cars." Sabi na lang niya. Tumawa ito bilang sumagot. Pero agad din naman silang nabalot ng katahimikan. Bakit ba palagi na lang kaming nakukulong sa isang awkward na sitwasyon? Grabe na 'to! Ayoko na! Baka atakihin ako sa puso! Pagdating nila doon sa showroom, agad silang sinalubong ng Engineer at ni Marvin. "Good that you're hear," ani Marvin kay Kevin. "Sorry medyo na-stuck kami sa traffic." Hinging-paumanhin nito. "So, anong papel ko dito?" tanong niya. "Kaya mo naman ayusin ang office 'di ba? I mean, be an interior designer for us. Tignan mo kung ano kakailanganin para gumanda 'yun." Sagot ng kambal niya. "Okay. But! I demand an extra pay as an interior designer." Sabi pa niya. "Kay Lolo ka humingi." Sagot ni Marvin. "Oh sure! Okay, I'll do my job." Aniya. Malakas kasi siya sa Lolo niya, spoiled nga daw kasi siya dito. Palibhasa siya ang unica hija sa magpi-pinsan. Kaya kapag humihiling siya dito ay madalas nitong pinagbibigyan. Pero hindi naman niya inaabuso ito. Hindi siya ganoon, ayaw niyang mabitin ng patiwarik ng Daddy niya. Mula sa mismong entrance door ng showroom, bubungad sa mga customers ang malawak na space kung saan ilalagay ang mga display cars, sa gitna niyon ay ang reception area. Plano nilang magtalaga ng isang receptionist doon. May ilang mesa na may tig-tatlong silya para sa mga customers nila at sa mga sales consultant nila. Iyon magsisilbing receiving area. Habang sa may bandang likod naman ay ang limang pintong kuwarto. Magsisilbi iyong opisina ng limang maghahawak ng Mondejar Cars Incorporated. Ininspeksiyon niya isa-isa ang mga kuwarto. Ang tanging gagawin niya sa araw na iyon ay ilista ang mga kakailangan para sa pagpapaganda ng opisina nila. Nang matapos siya sa pag-iinspeksiyon at paglilista ay agad siyang lumabas. "I'm done," aniya. "So, anong plans mo?" tanong ni Kevin sa kanya. "The walls will all be painted in white. The interiors are in dark colors, except the tables. Maganda din kung maglalagay tayo ng paintings each room and artificial plants para maging light ang ambiance sa loob ng office. And by the way, 'yung magiging opisina ng mga empleyado? Okay na ba?" mahabang litanya. Tumango si Marvin. "All set, pati iyon nire-renovate na. May nabiling building somewhere in Legaspi Village and nire-renovate na rin 'yun. Wala na rin tayong po-problemahin sa mga permits. Naayos na rin ni Jester 'yun. Hinihintay na lang natin ang matapos lahat ng ito at makakapag-operate na tayo." Paliwanag nito. "An agency is taking care of the people that we need." Sabad naman ni Kevin. "Eh itong showroom?" tanong niya. "Malapit na rin 'to." Sagot ni Kevin. "B2, paano na ang Fairytales? Kapag nagsimula ito. Baka matali ang oras mo dito." tanong ni Marvin sa kanya. "Nandiyan naman si Sam. Besides, I'm not leaving Fairytales. It's my life. Wedding is my life." Sagot niya. "Really? Have you found someone that will bring you to the altar?" makahulugang tanong ni Kevin. Muli na naman umahon ang kaba sa dibdib niya. Gusto niyang bigyan ng one big batok ang isang ito. Kanina pa kasi ito nagsasalita ng may ibig ipakahulugan tungkol sa nakaraan nila. Tuluyan ng naumid ang dila niya. Hindi niya alam kung ano sasabihin niya. Ayaw niyang aminin ang tunay na dahilan na ito ang pangarap niyang maghintay sa kanya sa altar. Sasagot pa lang sana siya ng maunahan siya ni Marvin. "Wala pa! Wala ngang boyfriend 'yan eh!" pambubuking pa nito sa kanya. "Really? Sa mukha mong 'yan?" tanong nito na may halong pang-aasar. Umigkas ang palad niya at naglanding iyon sa braso nito. "Aray!" daing ni Kevin. "Ano naman palagay mo sa mukha ko? Mukhang palayok? Hoy! Maganda 'to!" depensa pa niya sa sarili. Natatawa si Kevin na umiling. "Wala naman akong sinabing pangit ka ah? Ang bigat pa rin ng kamay mo!" reklamo nito. "Eh ikaw kasi eh." Paninisi pa niya. "Mauna na ako sa inyo. May lakad pa kami ni Razz." Paalam ni Marvin sa kanilang dalawa. "Sige, ingat B1. Pasalubong ko ah!" bilin pa niya. Bago ito umalis ay hinalikan muna siya ng kakambal sa ulo. Saka pabirong hinila nito pababa ang suot niyang cap. "Hey, don't think I did not recognize. That cap is mine. Stop sneaking inside my room." Sabi pa nito habang naglalakad palayo. Tumawa lang siya. "No! It's mine." Nakangiting wika niya. Hinahatid pa rin niya ng tanaw si Marvin ng biglang magsalita si Kevin. "You're beautiful." Wala sa loob na napalingon siya kay Kevin. "What?" "I said, you're beautiful. Matagal ko ng alam 'yun. Isa sa mga reason kung bakit ako nain-love sa'yo." Diretsong wika nito. Parang may kabayong sumipa sa dibdib ni Marisse, matapos niyang marinig ang mga katagang sinabi nito. Hindi siya makapagsalita. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pa nitong sabihin iyon. Matagal ng tapos ang lahat sa kanila. Ito mismo ang tumapos niyon ng sandaling makalimot ito sa pangako nito sa kanya. "I can't believe this," mahinang sabi niya. Saka niya kinuha ang bag niya at nagsimulang maglakad palayo. "Wait, Marisse!" habol nito sa kanya. Nahagip nito ang braso niya na siya naman niyang binawi agad. "What?" paangil niyang tanong. "Don't walk away from me, please." Pakiusap nito. "Yes! I'm walking away from you! That's what I'm doing! Because that's what you did! Pagkatapos mo akong iwanan noon, nangako ka na babalikan mo ako! Magsusumikap ka para mapatunayan mo sa lahat na hindi pera ang habol mo sa akin! Para maging karapat-dapat ka sa pagmamahal ko! Pero mabilis kang nakalimot sa pangako mo.! Isang taon pa lang ang nakakalipas, kinalimutan mo na ang pangako mong 'yun sa akin! Ngayon, babalik ka dito na parang walang nangyari! Magpaparamdam ka ng kung anu ano sa akin! Stop it, Kevin! It's not helping me!" naiiyak at galit na bulalas niya. "Magpapaliwanag ako, Marisse!" giit nito. "Ayokong marinig." Tanggi niya. Sinubukan niyang humakbang muli palayo dito pero pinigilan siya nito. Napapikit siya ng maramdaman niya ang mahigpit na paghawak ni Kevin sa braso niya. Naramdaman niyang lumapit ito ng husto sa kanya, hanggang sa dumikit ang likod niya sa matipunong dibdib nito. Dinikit nito ang noo nito sa ulo niya. "Just stay with me, Marisse. Gusto kong maramdaman ulit ang saya ng buhay sa piling mo. That's why I came back, for you. Kung pakikinggan mo lang sana ako." Bulong pa nito. Dahan dahan na tumulo ang luha niya. Bakit nga ba ang hirap pigilan ang sariling damdamin? Kaydaling sabihin ang salitang "hindi". Ngunit tila, kay hirap nitong panindigan, lalo na kung sa ganitong usaping pag-ibig. "Kevin, tama na. Huwag mo na akong pahirapan." Wika niya sa garalgal na boses. Sinikap niya ang lahat para bumitiw mula sa pagkakahawak nito at dumiretso siya sa loob ng kotse nito. Agad naman itong sumunod sa kanya, at doon nila pinagpatuloy ang pag-uusap nila. "Hindi kita pinapahirapan. Kaya ako nandito, para sa'yo. Para tuparin ang pangako ko sa'yo." Sabi pa nito. "Pero may girlfriend ka, si Susane. I know about her. Matagal mo na siyang girlfriend, hindi ba? Anong plano mo? Pagsabayin kami?" lumuluha at buong hinanakit niya tanong. "Wala akong ibang minahal sa buong buhay ko kung hindi ikaw lang. Alam mo 'yan." giit nito, habang pinupunasan ang luha niya. "Huwag mo ng bilugin ang ulo ko! Hindi ka magtatagal sa isang relasyon kung hindi mo siya minahal!" sabi naman niya. Huminga ito ng malalim. Pagkatapos ay tumanaw sa malayo. "Hindi ko mahal si Susane. Nagkakilala kami dahil sa isang common friend, and after that nag-date kami ng ilang beses. Pero tinigil ko ang pakikipagkita ko sa kanya, dahil hindi ko siya mahal at ikaw ang palaging naiisip ko. Halos isang taon kaming hindi nagkita, hanggang sa may nakilala akong isang may edad na lalaki. Naging kliyente ko siya sa part-time job ko sa Car Shop na pinapasukan ko. Na-impress siya sa performance ko sa trabaho, at simula noon tinulungan na niya ako. Sa pag-aaral, binigyan niya ako ng Full Scholarship hanggang sa makatapos ako. Nang makagraduate ako, doon ako pumasok sa kompanyang pag-aari niya. Mataas agad ang posisyon na binigay niya sa akin. Siya rin ang dahilan kung bakit ako nakapagpatayo ng sarili kong architectural firm, tinulungan niya ako financially. Pilit kong tinatanggihan ang mga tulong niya sa akin, pero nagpupumilit siya. And later on, I found out that he is Susane's father. Nang magkita ulit kami, hindi na humiwalay sa akin si Susane." Paliwanag nito. "Kung hindi mo siya mahal, bakit hindi mo na lang siya hiniwalayan? Pinanindigan mo sana ang desisyon mo." Tanong pa niya. "Dahil hindi naging madali para sa akin. Sa dami ng naitulong ng Daddy ni Susane sa akin, natali ako sa utang ng loob. Pero mas lalo akong nahirapan humiwalay sa kanila ng isang beses, sa opisina ng Daddy ni Susane. Pagdating ko doon, naabutan kong halos mawalan ng malay si Susane. Hindi makahinga. Agad ko siyang tinakbo sa ospital. May sakit pala ito sa puso, at mahina ito. At dahil mahina ang katawan nito, sinabi ng doktor na hindi kakayanin ng katawan nito kapag nagpa-opera ito. Kaya pinag-iingatan ko na huwag sumama ang loob niya sa akin. O kahit na anong magiging dahilan para atakehin siya sa puso. Ngunit simula noon, hindi na humiwalay si Susane sa akin. Hanggang sa ito mismo ang nagkunsidera na may relasyon kaming dalawa. Ilang beses kong tinanggi iyon sa tuwing may mga kaibigan kaming nagtatanong. Na siyang nagiging resulta ng pag-aaway namin at siyang dahilan kaya inaatake ito. Nagi-guilty ako sa tuwing nakikita ko siyang nanghihina, kaya tinanggap ko na lang ang pakikipag-relasyon ko sa kanya. Hanggang sa wala na akong nagawa. Napilitan akong talikuran ka. Kahit masakit sa loob ko, kahit na alam kong masasaktan ka. Tiniis ko ang mga taon na kasama siya. Mabait si Susane, maging ang Daddy niya. Pero hindi ko mapilit ang puso ko na mahalin ito." Tumingin sa kanya si Kevin, pagkatapos ay hinawakan nito ang dalawang kamay niya. "Dahil noon hanggang ngayon, ikaw lang ang babaeng tanging minahal ko at mamahalin ko." "Kung ganoon, tama na lang na iwasan natin ang isa't isa. Ayokong may masaktan na iba. Hindi ako makasarili." Lumuluhang wika niya, saka pilit na binabawi ang mga kamay niya na hawak nito. Ngunit, hinigpitan lang lalo nito ang pagkakahawak sa mga iyon. "And I broke up with her." Anito. "Kevin," "Hindi ko kayang magmahal ng iba, gayong ang puso ko ay ikaw lang ang nagma-may-ari." Lalo siyang napaluha sa sinabi nito. Ito na ba ang katapusan ng paghihirap at paghihintay niya? Napuno ng kaligayahan ang puso niya. Hinawakan nito ulit ang kamay niya. "I just want another chance with you, Marisse. Hayaan mong maiparamdam ko sa'yo muli na ikaw pa rin ang mahal ko." lumuluha na ring wika nito. Napatitig siya dito. Simula ng maulila ito sa magulang, ngayon lang ulit niya nakitang umiyak nito. Hindi iyon ang panahon para tumanggi sa tunay niyang damdamin para dito. Dahil wala naman nagbago sa pag-ibig niya dito. Hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin niya ito. At sino nga ba siya para tumanggi sa lalaking hanggang ngayon ay nagmamay-ari pa rin ng puso niya? "Why are you doing this?" umiiyak na tanong niya. "Because, I don't want to lose you." Sagot nito. Hinarap niya ito. Sa pagkakataong iyon, it was her turn to wipe away the tears in his eyes. "Akala ko, hindi ka na babalik. Akala ko, tuluyan mo na akong kinalimutan." Buong pusong pag-amin niya. "Kailan man, hindi nangyari ang sinasabi mo." Anito, pagkatapos ay gumuhit ang ngiti sa mga labi. Mga ngiting walang kaparis. Saka mabilis at mahigpit siyang niyakap nito. Gumanti siya ng yakap dito. Napangiti siya ng masulyapan ang oras sa mula sa dashboard ng koste. It's twelve fifty one in the afternoon. "Hayaan mong patunayan ko sa'yo na hindi nagbago kailan man ang nararamdaman ko sa'yo. Mahal pa rin kita, Marisse." Sabi pa nito. Napapikit si Marisse ng ikulong siya nito sa mga bisig nito. Kasabay ng pagtulo ng mga luha niya, na dulot ng labis na kaligayahan. Kaysarap pakinggan muli ng mga katagang iyon galing dito. Mga salitang inasam niya na muling marinig mula dito. Ngayon, narito at natupad na. Gumanti siya ng yakap dito ng walang pag-aalinlangan. Mayamaya, lumayo ito sa kanya mula sa pagkakayakap at inalis ang suot niyang cap. Bumilis ang t***k ng puso niya. Ito na nga yata ang pinakahihintay niya. Tama ang tumatakbo sa isip niya. He was about to kiss her. Marisse closed her eyes. Nang magtagpo ang mga labi nila, dinaig nito ang unang beses nitong halikan siya. Pakiramdam ni Marisse ay parang may paruparong umiikot sa tiyan niya. Habang ang puso niya ay mabilis ang t***k. Nang maghiwalay ang mga labi nila. Ngumiti sila sa isa't isa. "Let's go?" tanong nito. "Yes," Bago nito paandarin ang kotse, hinalikan muna siya nito ulit sa labi ng mabilis at sa likod ng palad niya. Muli nilang hinayag ang pag-ibig nila sa isa't isa, ng paulit-ulit. Isang bagay na hindi na yata nakakasawang sabihin kahit ilang beses pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD