bc

Kevin Kyle Bandong

book_age16+
1.0K
FOLLOW
2.2K
READ
drama
comedy
sweet
humorous
like
intro-logo
Blurb

Fairytales. Iyan ang pangalan ng business ni Marisse. She's a Wedding Planner. And she loves Weddings. Gaya ng ibang babae, nangangarap din siyang magsuot ng isang puting trahe de boda at ikasal sa lalaking pinakamamahal niya. Ngunit mananatili lang na isang pangarap iyon kung ang tinatangi ng puso niya ay tila hindi na niya maabot.

Sa pagbalik ni Kevin sa Pilipinas. Nagkaroon sila ng pagkakataon na ipagpatuloy ang pagmamahalan nila. Ngunit ang sayang naramdaman niya ay panandalian lang pala. Nang isang araw ay tumambad sa kanya ang isang masaklap na balita, ikakasal na si Kevin. Handa na siyang tanggapin na kailan man ay hindi na mapapasakanya ito. Ngunit hiniling ni Susane na siya ang mag-ayos ng kasal nito at Kevin. Kahit magmu-mukhang suicide ang gagawin niya. Pikit-matang pumayag siya. Sa bawat na nakikita niya ang dalawa na magkasama, labis na sakit ang dulot niyon. Hanggang kailan ba niya kayang tiisin ang lahat? Na ang iniibig niya ay nakalaan sa iba. Siguro, mas makakabuti kung lumisan at magsimula ng panibagong buhay ng wala si Kevin sa buhay niya.

chap-preview
Free preview
Chapter One
"IS EVERYBODY ready for the opening of the Mondejar Cars Incorporated?" seryoso tanong ni Gogoy sa kanila. Tanghalian iyon ng Linggo. Nakagawian na nilang buong pamilya na mag-breakfast sa bahay nila Lolo Badong at Lola Dadang tuwing Linggo. Kasama na doon ang pag-uusap nila tungkol sa personal concerns sa isa't isa. Maging ang pagre-report ng mga nangyayari sa mga negosyo at career nila ay doon din napag-uusapan. Minsan, pati mga personal na problema sa buhay, napag-uusapan din doon. Lihim na napangiti si Marisse habang minamasdan ang Pamilya niya. Mahal na mahal niya ang mga ito. She was so blessed to have them in her life. Madalas man silang nag-aasaran, o minsan, may mga hindi pagkaka-unawaan. Ngunit hindi binago niyon ang pagmamahal niya sa mga ito. Lalo na sa mga magulang niya at sa kakambal niyang si Marvin. "I'm ready." Sagot niya, saka pa niya tinaas ang isang kamay niya. "Matagal ka na dapat handa, sa clerical works ka naman mapupunta eh." Sabi ni Gogoy sa kanya. "Oy ah! Mahirap din kaya magbilang ng papel." Pagbibiro pa niya. Pabirong binatukan siya ng kakambal niya. "Aray ah!" reklamo niya. "Jester, how's the permits that we needed?" tanong ni Gogoy. "Everything was all set. Puwede na natin pasimulan ang renovation sa building as soon as possible." Sagot nito. "Kumusta naman ang mga investors?" tanong naman ni Lolo Badong. "We don't have problems with that, Lolo. Our family's credibility when talking about cars is not questioned. Maraming gustong mag-invest dito sa negosyo natin, but I have to turn them down dahil pure family business lang ito. Kilala tayo sa larangan ng mga kotse, that's why many are interested." buong pagmamalaking sagot ni Gogoy. "Good. Nakaka-enganyo sana ang offer nila. But Mondejar Cars Incorporated are for Mondejars only." Komento naman ni Mark. "I agree." Sang-ayon ni Wayne. "How about the car manufacturers? Anong balita kay Kevin?" tanong ni Gogoy. "Ang sabi niya sa last email niya, pabalik na daw siya dito mula sa US." Sagot naman ni Karl. Tila may sumipa sa dibdib ni Marisse matapos marinig ang pangalan na binanggit ng pinsan. Ilang buwan na ba sila ulit na hindi nagkita? Tatlo? Kay daling panahon lang pala. Ngunit bakit para sa kanya? Parang isang habang buhay ulit iyon. Napabuntong hininga siya. Bakit pa nga ba niya iniisip iyon? Ang nakaraan, ay dapat manatili na lamang sa nakaraan. "So, kailan ang target grand opening ng Mondejar Cars?" pag-iiba niya sa usapan. "No exact date yet. But target month is August." Sagot ni Gogoy. "What? That was three months from now? Hindi kaya masyadong mabilis 'yon?" gulat na tanong ni Wesley. "Matagal pa nga 'yon kung tutuusin. Iyon eh, kung maganda ang balitang dala ni Kevin. I'm expecting na may dala na siyang shipping contract ng mga kotseng kailangan natin." Paliwanag nito. "By the way, ready na rin pala ang warehouse na kailangan natin para sa mga lalagyan ng mga brand new cars. Mag-iinstall na lang ako doon ng mga CCTV camera. Pati sa showroom." Sabi naman ni Miguel. "That's good." "Ako ng mamamahala sa renovation ng building na gagawin showroom. Kami ni Kevin, tutal architect nga pala 'yon." Prisinta naman ni Marvin. "So, I guess, si Kevin na lang pala ang hihintayin natin. Right?" tanong ni Lolo Badong. "Yes Lolo, sa kanya po natin malalaman kung kailan tayo makakapag-operate." Sagot ni Daryl. "Uhm, Lolo. Excuse me po." Sabad ng bagong dating ng kasamabahay nilang si Inday. "Ano 'yon, Inday?" tanong ni Lolo Badong dito. "Atin magpacarwash, atlung kotse." Sagot nito sa wikang kapampangan. Ang ibig nitong sabihin ay, 'May magpapa-carwash po kasi. Tatlong kotse.' Hinarap sila ng abuelo. "Mamaya na natin ipagpatuloy ang meeting na ito pagdating ni Kevin. Unahin na ninyo muna iyong mga customers." Anito. "Opo." Sagot ng mga pinsan niya. Nagsitayuan na ang mga ito habang siya ay nanatiling nakaupo habang naglalagay ng nail polish sa kuko sa paa niya. "Hoy, bakit hindi ka pa kumikilos diyan?" untag sa kanya ni Jefti. Kunot-noong tumingala si Marisse dito. "Bakit? Ang sabi Carwash daw. Hindi naman Fairytales." Sagot niya. "Mondejar ka rin naman ah." Anito. "Oo nga," "Eh di dapat tumutulong ka din." Sabi pa nito. "Pengkum ka ba? Ayoko nga!" mariin niyang tanggi. "Madaya ka! Dapat tumutulong ka din!" protesta ni Jefti. "Nakita mong naglalagay ako ng nail polish eh!" depensa niya. "Tara na!" ani Jefti habang hinihila nito ang braso niya. "Ayoko!" aniya, habang binabawi niyang pilit ang braso mula dito. Napatili siya ng biglang may pumangko sa kanya. Pagtingin niya ay si Glenn pala iyon. "Ibaba mo ako, Glenn! Tinamaan ka ng kamoteng hilaw! Ayoko!" sigaw niya habang pumipiglas. Bago pa malaman ni Marisse ang susunod na mangyayari, naramdaman na lang niyang binasa siya ng mga pinsan gamit ang malaking hose na ginagamit sa pagka-carwash. Para makaganti, kinuha niya din ang isa at nakipagbasaan sa mga ito. Hindi na siya nakapag-protesta pa. Masayang tumulong siya sa mga ito, habang parang mga batang naglalaro. Tutal, nag-e-enjoy din naman siya. Natigil sila sa paghuhugas ng kotse at pag-aaraan ng pumarada sa tapat nila ang isang taxi. Napahinto siya sa ginagawa. Ganoon na lang ang biglang pagdagundong ng dibdib niya ng bumaba ng taxi ang sakay niyon. Kevin... Paghubad nito ng suot nitong sunglasses. Agad na nagtagpo ang mga mata nila. Habang patuloy na dumadagundong ang kaba sa dibdib niya. May isang pamilyar na damdamin ang humaplos sa puso niya ng ngumiti ito sa kanya. Ngunit mabilis naman niyang pinalis iyon. Hindi na dapat siya nakakaramdam ng ganoon. Hindi nga ba't sinabi na niya noon sa sarili niya na kinalimutan na niya ang lahat. So, dapat hindi na siya naaapektuhan ng ganito. Napasulyap siya sa suot niyang wristwatch. Kumabog lalo ang puso niya. It's already twelve fifty one PM. Bakit nga ba ang mga hindi niya makakalimutang sandali ng buhay niya ay nangyayari sa ganitong oras? Mapa-umaga o gabi man. Naputol ang pag-iisip niya ng biglang magsalita ang kakambal niyang si Marvin. "It's good that you're back. We're expecting a good news from you." Anito sa bagong dating. Tinapik pa nito ang braso ni Kevin. "Sorry kung na-delay ang pag-uwi ko ng dalawang araw. May inayos lang akong problema bago ako umuwi." sabi pa nito. "Babae ba 'to?" tanong ni Daryl na may kasamang pang-aasar. Muli siyang tumingin dito. Hinintay niyang sumagot ito, ngunit sa kabila niyon. Abot-langit ang dalangin niyang sana'y "hindi" ang isagot nito. Hindi rin nito sinagot ang tanong ni Daryl. Lalo siyang inatake ng kaba ng iniwan nito ang mga pinsan niyang kumakausap dito at humakbang papalapit sa kanya. Mabilis niyang iniwas ang tingin dito. "Hi," bati nito. Kiming ngumiti lang siya dito bilang sagot. Sinakap ni Marisse na ibaling sa iba ang atensyon niya, para hindi magsalubong ang mga mata nila ngayon na malapit na ito sa kanya. Ngunit may kung anong puwersa ang tila humihila sa kanya. Hanggang sa nagtama na nga ang paningin nila. And there she saw, a familiar emotion in his eyes. Kita niya ang saya sa mga mata nito. Mabilis na naman niyang binaling sa iba ang paningin niya. Hindi na siya dapat madala sa mga sinasabi ng mga mata nito. Tama na ang isang beses. "I came at exactly twelve fifty one." Anito. "I know." Halos pabulong na sagot niya. "Marisse..." "Muli kupa, Marvin. Bigla kung merimla. Magpapalit lang ako ng damit." Sa halip ay baling niya sa kakambal. Ang ibig niyang sabihin ay: "Uuwi muna siya, bigla siyang nilamig." Tumango lang ang kakambal niya. Mabilis siyang humakbang palayo at hindi man lang siya lumingon dito. Hindi na dapat siyang lumingon sa nakaraan. Isang bagay na matagal na niyang binaon sa limot, at hindi na kailangan pang alalahanin. Hindi pa siya nakakalayo ng marinig niyang tinatawag siya ni Kevin. Hindi siya lumingon, bagkus ay dire-diretso siyang lumakad. Gusto niyang makalayo dito. Base sa bilis ng t***k ng puso niya. Alam ni Marisse, na nanganganib na naman na mahulog iyon. "Marisse, hintayin mo ako. Ano ka ba?" habol pa nito sa kanya. Hindi pa rin niya pinansin ito. Hindi niya alam kung saan siya pupunta, nakalagpas na siya ng bahay nila, pero dire-diretso pa rin siya sa paglalakad. "Marisse!" "Leave me alone, Kevin. Huwag mo akong kausapin!" sabi pa niya dito. "Tumigil ka nga muna sandali! Huwag kang pumunta diyan!" awat nito sa kanya. "Hindi ko kailangan sundin ka. Pupunta ako kung saan ko gusto!" "Bumalik ka dito! Tatamaan ka ng bola!" sigaw nito. Napahinto siya. Saka naguguluhan na lumingon dito. "Anong sabi mo?" tanong pa niya. "Ay Ate Marisse, ilag!" narinig niyang sigaw mula sa kung saan. Ganoon na lang ang gulat niya ng sa paglingon niya, ang bola ng volleyball ang mabilis na humalik sa mukha niya. Mabilis na umikot ang paningin niya, bago siya tuluyan bumagsak sa kalye, agad siyang nasalo ni Kevin. "Marisse, okay ka lang?" nag-aalalang tanong nito. Ilang beses nag-close open ang mga mata niya. Saka tatlong beses din niyang pinilig ang ulo, bago tuluyan bumalik sa normal ang paningin niya. Well, hindi pala masyado. Dahil parang nakikita pa rin niyang lumilipad si tweety bird. "Grabe, kulay pink pala si tweety bird sa personal?" sabi pa niya. Narinig niyang natawa ang mga tao sa paligid niya, maging si Kevin. "Ate Marisse, sorry. Ikaw naman kasi eh, bigla kang humarang sa gitna. Eh, naglalaro kami ng volleyball." Sabi pa ng isang teenager na bading. "Teka, hintayin mong umayos ang tingin ko. Ipapahabol kita talaga kay Putol!" sabi pa niya. Nagtawanan ang mga ito. "Nag-sorry ka pa, sinisi mo rin ako. Tinawag mo pa talaga akong Ate." Sermon pa niya dito. "Eh, sorry na po." Sabi naman nito. "Keribels na 'yun, Ate. Tignan mo naman, ang yummy ng Papa na gumora to the rescue. Ay wagi! I'm so kilig!" maarteng sagot naman ng isa pang bading. Ganoon na lang ang panlalaki ng dalawang mata niya ng maalala niya. Sinalo nga pala siya nito, para hindi siya tuluyan bumagsak kanina pagkatama ng bola sa kanya. Medyo nahihilo pa rin tumingin siya dito. Hawak siya nito sa beywang. Biglang nagrigodon ang puso niya ng mapagtanto niya ang ayos nilang dalawa. Halos magkadikit ang katawan nila, malapit na malapit ang mukha sa isa't isa. Biglang nag-init ang magkabilang pisngi niya, pagkatapos ay ngumiti ito sa kanya na siyang dahilan upang lalong magwala ang puso niya. "Are you okay now?" tanong nito. Bumuka ang bibig niya. "Uh, ano. Uhm, Oo." Kandautal niyang sagot. Kusa na siyang lumayo dito, ngunit umikot pa rin ang paningin niya. Napailing na lang siya. Kelan pa kasi naging net ng volleyball ang mukha ko? Dahil sa pangyayaring iyon. Napalapit pa tuloy siya kay Kevin na siyang iniiwasan niya. Mabilis siyang inalalayan ni Kevin ng mawalan siya ng balanse. "Bubuhatin na lang kita," anito. "Ay huwag!" mabilis niyang tanggi. "Nahihilo ka pa." giit nito. "Hindi na," tanggi niya. "Anong hindi? Halos hindi ka nga makalakad eh." Sabi pa nito. "Maglalakad na lang ako," pagpupumilit pa niya. "Hindi ka maglalakad. Bubuhatin kita, and that's final." May awtoridad na wika nito. "Kevin, okay lang—" "Kapag pinagpilitan mo pa ang gusto mo, hahalikan kita." Sabi pa nito. Biglang naghiyawan ang mga kabataan, saka sila tinukso ng tinukso. Muli na naman nag-init ang pisngi niya. "Kiss na lang kasi!" tudyo pa ng iba sa kanila. Bigla siyang natahimik, sabay tutop sa bibig niya. Kasunod ng mabilis na pagpintig ng puso niya. Napapikit siya ng pangkuin siya nito, wala siyang nagawa kung hindi ang yumapos sa leeg nito. "That's more like it." Sabi pa nito. At habang naglalakad, tila lalong lumalakas ang kabog ng dibdib niya. Kaytagal ng panahon na ang lumipas ng huli niyang matitigan ito ng malapitan. At hindi niya akalain na mauulit pa iyon. Aaminin ni Marisse, masarap sa pakiramdam na nasa mga bisig siya ng lalaking kaisa-isang nagmay-ari ng puso niya. Sa sandaling iyon, hindi siya magsisinungaling. Masaya siya na ito ang kanyang kapiling. KUNOT ang noo habang isa-isa niyang ini-inspeksiyon ang mga naka-schedule of events na nakalista sa buong buwan sa event planner nila. Isang wedding at isang debut ang magkasabay nilang aayusin. Napabuntong-hininga si Marisse. Kulang na lang ay isulat nila doon na 'Bawal Matulog'. Lumingon siya sa katabi niya na business partner din niya. Si Sam. "Grabe! Nahiya ka pa sa Linggo. Sana sinama mo na sa schedule natin yun." Reklamo niya. "Ay! Believe me, dear. Pasalamat pa tayo diyan, at may pahinga tayo kahit isang araw lang. Na-adjust ko na 'yan." Sabi pa ni Sam. "Okay na ba 'yung Wedding Gown ni Miss Tejano, pati 'yung buong Entourage niya?" tanong niya. "Yup, all set. Pati mga Invitations. Giveaways. Reception. The Church. Bouquets. Even yung make-up artists. All set. Just waiting for the big day." Paliwanag nito. "That's one week from now." Aniya. "Yes," "Then, after that. Iyong debut na lang." "Kaya na ng ibang mga staff 'yon." Sabi naman ni Sam. Muli ay humugot siya ng malalim na hininga. "I'm so happy that Fairytales was already stable." Nakangiting wika niya. Fairytales. Iyon ang pangalan ng business niya, it's an Event's Organizing Business. Event's Organizer sila ni Sam. Debuts, birthdays, anniversaries, even proposal sometimes. But she specializes in wedding planning. And she called her business, Fairytales. Marisse loves to arrange weddings, and at the end, be one of the witnesses of a couple getting married and their 'happily ever after'. Then, see them happy. Dahil iyon ang pangarap niya, na balang araw, magpakasal sa lalaking bubuo ng mala-fairytale niyang love story at maging masaya habang buhay kasama nito. Then, she sighed. Hindi niya napigilan na napangiti at napailing. Bakit nga ba napaka-unfair minsan ng mundo? Isa siyang Wedding Planner. Pero siya pa talaga ang walang lovelife. Mabuti pa itong si Sam, kahit ayaw aminin. Alam niyang may pagtingin ito sa best friend nito at pinsan niyang si Jefti. Hindi kagaya niya. Biglang nag-pop up sa isip niya ang mukha ni Kevin, sabay flash back ng nangyari kahapon ng tanghali ng dumating ito. Ito ang lalaking inakala niyang kasamang tutupad sa pangarap niya. Ngunit nagkamali siya. Bagkus, isang kasawian ang dinulot nito sa buhay niya. At ngayong nagbalik na itong muli, gusto niyang ipakita dito na hindi na siya apektado sa presensiya nito. Na matagal na siyang naka-move on. "Are you thinking of him?" untag sa kanya ni Sam. Napakurap siya, sabay lingon dito at mabilis na umiling. "Hindi ah," mabilis niyang sagot. "Totoo?" "Oo nga, iba ang iniisip ko." Pagdadahilan niya. "Pero in fairness, girl. Mas lalo siyang gumwapo ngayon. Ilang buwan ba siyang nawala ulit?" usisa pa nito. Sumenyas siya ng tatlo sa daliri niya. "Pogi talaga siya, no? Manhid at bulag lang ang babaeng hindi ma-aattract kay Kevin." Anito. Hindi siya kumibo, ngunit tila mabilis na sumikdo ang puso niya ng maalala niya ang itsura nito ng magkita sila kahapon maging ang nangyaring aksidenteng pagkakatama ng bola sa mukha niya. Tama si Sam. Mas lalo itong naging guwapo. Matipuno ang katawan nito, masipag kasi itong mag-work out kasama ang mga pinsan niya. His brown-topaz eyes never fail to mesmerize her soul. His lips are still as red as before. Nang lumapit ito kahapon, halos tumingala siya dito dahil matangkad ito ng di hamak sa kanya, five-nine ang height nito. At kahit na anong pag-iwas niya sa tingin nito, hindi pa rin siya nakatiis na titigan ang mga mata nito. Na siyang naging dahilan kung bakit hindi siya mapakali simula kagabi. Dahil hindi siya pinatatahimik nito. Sa tuwing pumipikit siya, ang maamong mukha nito ang nakikita niya. Kung puwede nga lang niyang tawagin isang malaking bangungot ito. Pero ayaw magsinungaling ng puso niya, dahil isa itong magandang panaginip. "Mahal mo pa?" seryosong tanong ni Sam. Hindi siya agad nakasagot. Ano nga ba ang tunay niyang nararamdaman para dito? Hindi nga ba't matagal na niyang binaon sa limot ang pag-ibig niya para dito? "Hindi na. Hindi na dapat." NAGPALAKPAKAN ang mga ito matapos niyang sabihin sa mga ito ang magandang balitang hatid niya. Dahil marami siyang koneksiyon sa ibang bansa, mga kaibigan at mga naging kliyente niya sa Architectural Firm niya sa America. Mabilis siyang nakahanap ng mga Car Manufacturers na magpapadala dito ng mga kotse na ibebenta nila sa Mondejar Cars Incorporated. Ang isa pang magandang balita, nakuha niya sa mababang presyo ang mga kotseng iyon. Ang lahat ng iyon, utang ng loob niya sa isang Milyonaryong may edad na lalaki na siyang tumulong sa kanya simula pa noon. Ito ang Ama ng ex-girlfriend niyang si Susane. "Congratulations, Kevin. Good job!" puri sa kanya ng mga ito. "Salamat," Aniya. "Matutuwa tiyak si Lolo sa magandang balitang ito." Ani Glenn. "Makakapag-open na tayo sa target date natin." Sabi pa ni Gogoy. "Teka, parang hindi ko yata nakikita lately ang kakambal mo?" tanong ni Wesley kay Marvin. "Busy 'yon, may kasal na inaayos." Sagot naman ni Marvin. Natahimik siya habang pinag-uusapan ng mga ito si Marisse. Marisse... Mabilis na nagbalik sa alaala niya ang naganap kahapon. Exactly twelve-fifty one in the afternoon when he saw her yesterday. She changed nothing a bit. Maliban na lang sa mas lalo itong gumanda. The perfection of her beauty was still there. Hindi pa rin ito pumapalya, napapatigil pa rin nito sa pag-inog ang mundo niya. Her pink lips, with her cute smile. How can he forget everything about her? How can he forget the love that they'd shared ten years ago? Naalala pa niya, sa tuwing hinahangin ang mahaba nitong buhok, kasama nitong tinatangay ang puso niya. Kaysarap sanang alalahanin ng mga bagay na iyon? Ngunit, maraming nagbago sa buhay nila. Lalo na sa buhay niya. "Kevin, are you okay?" untag sa kanya ni Karl. "Bigla kang natulala." Sabi pa ni Jefti. "Yeah, I'm okay." Sagot niya. "It's been more than a decade, simula ng nakilala ko kayo. Simula ng mamatay ang mga magulang ko. Kayo na ang kumupkop sa akin. Isa kayo sa dahilan kung bakit ako narito sa posisyon ko ngayon. Siyempre, kay Ninong Rod." Paliwanag niya. Ngumiti sa kanya si Jester, ito ang pinakamatalik niyang kaibigan. Kinakapatid niya ito. Walong taong gulang pa lang si Kevin nang maagang kinuha ng MayKapal ang mga magulang niya. Namatay ang mga ito ng masunog ang bahay nila, sa barangay malapit lang sa Tanangco. Makakaligtas sana ang Mama niya, ngunit binalikan pa nito ang Papa niya ng mabagsakan ito ng malaking cabinet at naipit ang paa nito. Hanggang sa natupok na ang buong bahay nila, kasama ang mga magulang niya. Ang Ninong Rod niya, na siyang Ama ni Jester at matalik na kaibigan ng Papa niya. Nagmagandang loob itong kupkupin siya. Simula noon, sa piling na ng mga Mondejar siya tumira. Inaruga siya ng mga ito. Bilang pagtanaw ng utang ng loob sa kabutihan ng mga ito. Kusang loob siyang tumutulong sa mga gawain sa bahay. Kahit na madalas ay sinasabihan siyang hindi niya dapat ginagawa iyon. Madali niyang nakasundo ang buong pamilya dahil likas sa mga ito ang may mabuting kalooban. Gusto pa siyang ampunin ng legal ng Ninong Rod niya ngunit tumanggi siya. Ayaw niyang palitan ang apelyido niya na siyang kaisa-isang alaala ng nasira niyang mga magulang. Kasama sa mga nakilala niya sa pagdating niya sa pamilyang iyon si Marisse.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

For the Love of Hannah (Hating Mr. Right)

read
182.8K
bc

Senorita

read
13.2K
bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M
bc

That Night

read
1.1M
bc

My Bodyguard, My Lover

read
19.2K
bc

In Love With A Witch

read
256.7K
bc

Bewitching The Daddy (Cougar Series #3) -SPG

read
147.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook