'Sa bawat araw, oras at minuto na pumapasok ka sa isipin ko. Naalala ko lahat ng sakit. Sakit na alam kong matagal pa bago maghilom. Bumabalik lahat ng masasayang araw natin, ngunit hindi ko magawang ngumiti kasi nababalot ako ng kalungkutan sa tuwing mawawaglit ito sa aking isipan, sapagkat alam kong maaaring di na maulit o mangyari pa ang lahat ng iyon. Ngunit sa kabilang banda, binibigyan ako nito ng lakas at ng pag-asa na balang araw baka sakali, baka sakali lang naman bigyan tayo ng pagkakataon na ulitin lahat ng iyon at gumawa pa ng mas masasaya at magagandang alaala.'
Nakatingin na naman si Draca sa kawalan, dalawang araw na syang ganito pero para pa ring kulang, kasi hindi pa rin nababawasan kahit konti ang sakit na kanyang nararamdaman. Nalipat ang pansin nya kay Draco na nakikipaghabulan sa ibang dragon. Napabuntung hininga na lang sya ng maalala si Dwarf, ang pinsan nyang si Dwarf na nagpapasaya sa kanya kapag ganitong malungkot sya. Napangiti sya ng may lungkot ng maalala naman ang katipang si Euri ang taksil na si Euri. Nagngangalit ang mga ngipin nya ng maalala itong may katabing diwata sa higaan at kapwa nakahubad pa ang dalawa.
"Ahhhhhh..."
Sa pinaghalong iba't ibang emosyon napasigaw na lang si Draca na ikinatigil ng lahat ng dragon na naroroon.
??
Samantala sa kahariang Umbra aligaga naman si Dwarf kakahanap kay Draca. At sa tuwing uuwi sya ng kanilang palasyo sinasalubong kaagad sya ng Ina nyang si Rion, katulad ngayon, dipa nga sya tuluyang nakakapasok sa hardin nila nakaabang ng Ina sa pagdating nya.
"Dwarf! Nahanap mo na ba si Draca?"
"Dipa Ina, kung saan saan na nga ako nakarating eh!"
Akmang uupo na sya sa pahabang upuan sa hardin nila ng magsalita ulit ang kanyang Ina.
"Anong ginagawa mo dito? Umalis kana at hanapin si Draca, wag na wag kang uuwi dito ng hindi sya kasama, naiintindihan mo bako Dwarf ha?
Naglalambing na lumapit si Dwarf sa Ina saka yumakap dito.
"Ina, baka pwede naman po akong magpahinga kahit ngayong araw lang! Sige na po Ina!"
"Hindi! Hala humayo ka't hanapin mo si Draca!"
Tinulak tulak pa sya ng Ina kaya napilitan na lang si Dwarf na umalis.
"Dwarf, wag kang uuwi dito hanggat dimo kasama si Draca ha! Isusumpa talaga kita!"
"Opo!" San ko naman ngayon hahanapin ang impaktang yun?'
Nammomroblemang napatingala sa kalangitan si Dwarf sakto naman ang pagdaan ng isang dragon na inakala nyang si Draco kasi magkakulay kaya yun ang sinundan nya. Napakalayo ang nilakbay nila na naisipan nyang parang wala namang mapupuntahan ang paglalakbay nya, babalik na sila ng alagad nyang dambuhalang agila ng marinig nyang boses ni Draca.
"Dracaaaa!"
Pinalibot nyang tingin sa napaka gandang lugar na yun na puno ng iba't ibang uri ng dragon.. Ang ipinagtataka nya lang kung bakit nagkakagulo ang mga dragon dun, maiingay din na parang nasasaktan ang iba. Napabaling ang tingin nya sa kanan ng makakita dun ng naglalagablab na apoy. Kaagad na lumipad sila Dwarf patungo doon. Isa pala yung munting bulkan na naglalabas ng apoy.
"Dracaaaa!"
Sigaw ulit ni Dwarf, nakita nya si Draco na paikot ikot sa bulkan na tila di mapakali at parang gusto nitong lumapit pa sa bulkan pero tila nag aalinlangan ito. Iba ang tinig na nanggagaling kay Draco umiingos ito na tila nagmamakaawa. Sinuri nyang maigi ang loob ng bulkan dun lang sa abot ng natatanaw nya.
"Draca! Mahabaging Bathala! Anong nangyayari sayo?"
Nahindik si Dwarf sa nakitang hitsura ng pinsan balot na balot ng laba ang buong katawan nito, ang dating kulay puti nitong buhok ay naging itim, halos hindi na ito makilala pa ni Dwarf dahil sa hitsura nito. Nangilabot siya't nataranta ng sa pagbuga ng apoy ng bulkan ay kasabay nun si Draca, nakaluhod ang isang tuhod nitong bumagsak sa lupang nag aapoy at ang isang paa naman nito ay nakaapak naman sa lupa, at sa pag angat ng ulo nito, tumingala ito sa kinaroroonan ni Dwarf.
"D -- Dracaaa!.. ako ito si Dwarf ang pinsan mo! Kumalma ka lang pakiusap naman!"
Dumaloy ang apoy sa buhok ni Draca at sa isang iglap lang sa pag hawi nito ng kanyang buhok talsikan ang apoy at maraming dragon ang tinamaan, kung hindi nasunog, sugatan ang mga ito. Tingin ni Dwarf kay Draca ay nag iba na ito, tila wala ng nakikilala pa na kahit si Draco sinaktan na rin nito. Naaawang pilit kinausap ni Dwarf si Draco na kahit sugatan na ito pinipilit pa ring lumipad palayo kay Draca.
"Dracooo! Kung naiintindihan moko! Pakiusap lisanin nyo ng lugar na ito, hikayatin mong mga kapwa dragon mo na lumayo dito, bilisan mo naaa!"
Tila naman nakakaintinding kinausap ni Draco ang bawat dragon na madaanan nito, tuloy pa rin si Draca kakahagis kung saan ng bolang apoy wala itong pakialam sa mga napipinsala nito sa kapaligiran. Nakikita ni Dwarf na habang ginagawa yun ng pinsan tumatangis ito at nakakapangilabot ang panaghoy ng boses nito. Alam na ni Dwarf kung bakit ito ganito, dahil yun sa samo't saring emosyong nararamdaman nito. Pikit mata syang naglaho at lumitaw sa tabi ni Draca na tumatangis, hindi luha ang lumalabas sa mga mata nito kundi apoy. Lakas loob na niyakap ito ni Dwarf at sa paglapat ng balat nya kay Draca lapnos kaagad ang balat nya na kahit yata laman at buto nya'y mauupos pag dipa sya bumitiw sa pinsan.
"Dracaaa, utangnaloob huminahon ka! Marami ka ng nasasaktan.. Marami kana ring napapatay! Pakiusap tama na Draca,! Palayain mo ng sarili mo sa lahat lahat ng sakit at hinanakit na nararamdaman mo! Maawa ka sa sarili mo Draca!"
Pero tila walang naririnig ang pinsan nya tuloy ang panaghoy nito. Kapag nagtagal pang ganitong sitwasyon natitiyak nyang dalawa silang mawawala ni Draca at yun ang pinakaayaw ni Dwarf na mangyari, dahil siguradong hindi yun kakayanin ng kanyang Ina. Sa kadesperaduhang sitwasyon na kinakaharap ngayon ni Dwarf bigla nyang naalala na may nadaanan syang talon kanina habang papunta sya dito. Sa naisip lalo nyang hinigpitan ang pagkakayakap kay Draca at bigla silang naglaho. Lumitaw sila sa ilalim ng karagatan, dun na napabitaw si Dwarf kay Draca dina kinaya ng katawan nya ang mga sugat na natamo at naging dahilan na nawalan sya ng malay.
"Dwarf!"
Sa pagbabalik ng ulirat ni Draca sa kasalukuyan naaninag nyang pinsan na nakahandusay sa kailaliman ng dagat. Kalunos lunos ang hitsura nito, punit punit ang mga damit sa harapan, nangingitim na tila sunog na sunog ang balat nito sa dibdib, mukha at mga braso't kamay nito. Halos dina makilala si Dwarf sa natamong pagkasunog nito.
"Dwarf!..."
Naiiyak na niyakap ito ni Draca saka mabilis na naglaho at lumitaw sa dalampasigan. Natatarantang tinapik tapik ni Draca ang mukha ni Dwarf pero tila wala na itong buhay.
"Dracooo!"
Tawag nya sa alagad na dragon at ng lumitaw ito sa harapan nya nabaghan si Draca sa nakitang anyo ni Draco na sunog at gutay gutay ang katawan at pakpak nito. Kaagad nya itong nilapitan saka niyakap.
"Draco... Ano ba itong nagawa ko sa inyooo..!"
Tila natakot si Draco ng mag umpisang manginig ang katawan ni Draca agad itong lumayo kahit pipilay pilay na naglakad dahil hindi na nito makuhang lumipad pa.
"Draco, patawarin mo ako! Hindi ko alam kung bakit nauwi sa ganito ang lahat! Dito ka lang babalikan kita maghahanap ako ng gamot para gumaling ka ha!"
Hinalikan pa nya si Draco saka niyakap bago binalikan si Dwarf at niyakap ng mahigpit saka sila naglaho at lumitaw sa pagamutan ng kahariang Umbra. Kaagad nyang tinawag si Alex na nagulat sa hitsura nila ni Dwarf.
"Alex! Bilisan mo! Tulungan moko daliii!"
Walang tanong tanong na nilapitan sila ni Alex saka sinuri si Dwarf. Alam na kaagad nito ang gagawin.
"Halika! Ihiga muna natin sya't kukuha lang ako ng gamot."
Magkatuwang silang inihiga si Dwarf sa kamang narun para sa mga pasyente ni Alex. Saglit lang naghintay si Draca dahil bumalik agad si Alex. May dala itong bote na may kulay itim na likidong laman. Ipinainom nito kay Dwarf lahat ng laman nun, nakamasid lang si Draca sa mga ginagawa ni Alex.
"Hindi na kita tatanungin kung anong ginawa mo kay Dwarf, pero Draca, sana naman maawa ka rin sa pinsan mo, hinay hinay lang sa mga ginagawa mong p**********p sa kanya kasi baka sa susunod hindi mo na maisalba pa ang buhay nya!."
Napayuko si Draca hindi lang dahil sa mga sinabi ni Alex sa kanya kundi mas higit pa ang pagsisisi na nararamdaman nya ngayon.
"Huo nga naman Impaktang Draca, baka sa susunod mawalan kana ng makisig at mapagmahal na pinsan."
Napaangat bigla ang ulo ni Draca ng mariinig ang boses ni Dwarf. Malapad ang pagkakangiti nito sa kanila ni Alex, maayos ng lagay nito parang kagaya lang dati, walang mababakas na kahit konting sugat dito. Magaling talagang manggagamot si Alex. Ngayong maayos na si Dwarf kailangan nyang balikan si Draco, pero bago yun kailangan muna nyang humingi ng gamot kay Alex.
"May gamot ka bang para sa mga hayop? Kailangan ko sana Alex para kay Draco, pakiusap bigyan mo sana ako!"
May inabot na isang bote ng gamot sa kanya si Alex kaparehas ng pinainom nito kay Dwarf. Sa tuwa ni Draca nayakap nyang bigla si Alex na natatawa naman kasabay si Dwarf.
"Salamat Alex, paalam."
"Kita mong pag uugali ng impaktang yun, ni hindi man lang humingi ng tawad sakin."
"Hahaha hindi kana nasanay sa pinsan mo, sige lumayas kana dito at gagawa pako ng mga gamot."
Masama ang tinging ipinukol ni Dwarf kay Alex. Minsan talaga hindi nya maintindihan ang ugali ng mga ito.
"Salamat Alex ha! Sige alis nako! Paalam."
Umuwi si Dwarf sa palasyo nila, nag aalinlangan pa syang pumasok kasi siguradong parurusahan sya ng kanyang Ina kasi ang bruhang Draca basta na lang syang iniwan sa pagamutan. Nanatili sya sa labas ng palasyo nag iisip ng kanyang gagawin napatingala sya sa himpapawid ng makarinig ng pagaspas dun. Isang dragon na nag aapoy ang pababa sa kinatatayuan nya, at ng nakalapag na ito sa lupa saka nya nakita si Draca na ngayon ay pababa kay Draco at ng makatayo na ito ng tuwid kumaway pa ito sa kanya.
"Dwarf"
"Impaktaaaaa..."
Nagtatatakbo si Dwarf papasok ng kanilang palasyo. Sa nakita nyang pagbabagong anyo nila Draca at Draco nasisiguro nyang lalong titindi ang mga parusang ipapataw ng pinsan sa kanya.
?MahikaNiAyana