Pag-ibig

1308 Words
"Minsan ka lang magmamahal eh. Lubusin mo na. Wag ka matakot masaktan. Ibigay mo lahat. Hindi dapat makasarili sa pag-ibig." Pinapayuhan nila Dwarf at Onyx si Euri, nagmamagaling yung dalawa kala mo naman mga eksperto sa pag ibig eh, sa kanilang tatlo si Euri pa lang naman ang unang nagkarun ng kasintahan. "Pag mahal mo at may salita siyang iniwan sayo na hindi siya mawawala. Panghawakan mo yun. Kasi kung mahal ka niya? Gagawin niya yun at hindi ka niya hahayaang mag-isa. Mahirap sa una kapag medyo nag-aaway o kaya naman ay may dumating na problema, pero kapag naging ok ang lahat? Sobrang saya." "Tumpak ka dyan sayong tinuran kaibigang Onyx..hmmm siguro may tinatangi kana ano?" "Hindi pa ipinapanganak ang diwatang iibigin ko Dwarf o baka ipinanganak na, kaya maghanda kana baka maging magkaribal pa tayong dalawa hahaha." Yung biglang tayo ni Dwarf para sana suntokin si Onyx ay nauwi sa pagmumura dahil mabilis na itong nakatakbo palayo sa kanila. "Alam mo kayong dalawa dina natigil kakaasaran sa isa't isa. Pansin ko rin na mukhang magkatulad kayo ng tipo pagdating sa pagpili ng diwatang itatangi.." Napaismid si Dwarf saka inayos ang espadang nakasabit sa likod nito. "Subukan lang nyang agawin ang prinsesa ko kakalimutan kong pagkakaibigan namin." Natatawang sinakal ni Euri ng balikat nya si Dwarf saka binuhat pataas, napatawa na rin ito dahil sa kalokohan nya. Maya maya nagpaalam na syang uuwi dahil masama talaga ang kanyang pakiramdam. Nagpasya naman si Dwarf na maglakad lakad muna sa kaparangan, pumulot sya ng maliliit na bato saka hinagis hagis sa nadadaanang mga ibon sa halamanang nakahilera sa gilid ng daan. Nahagip ng mga mata nya si Draca na may kausap, nagtaka sya ng makilala ang engkantong kausap nito.. 'Magkakilala sila ni Nada? Kelan pa? At mukhang magkalapit silang dalawa!' Nanatili syang nakamasid sa dalawa at sinikap na marinig ang usapan ng dalawa kaya lang malabo ang dating ng mga boses. Akma na nyang lalapitan ang dalawang nag uusap ng maglaho na si Nada. "Draca!" Kinawayan nyang pinsan na agad namang lumapit sa kanya. "Dwarf, nasan si Euri nakita mo ba?" "Nasa palasyo nila, masama daw ang pakiramdam, bakit?" Bigla na lang naglaho si Draca na ipinagtaka ni Dwarf, ni hindi pa nito nasagot ang tanong nya't basta na lang syang iniwan dun. 'Ang impaktang yun talaga basta na lang akong iniwan dito, hmm bakit kaya tila nagmamadali yun?' Naisipan nyang sundan ito sa palasyo nila Euri. Naglaho sya't lumitaw sa bulwagan ng palasyo. Kaagad nyang hinarang ang sundalong nakasalubong para tanungin kung saan si Euri at kung nagkita na ba ito at si Draca. Pagkarinig nyang nasa silid ni Euri ang dalawa kaagad syang tumungo doon. Akma na syang kakatok sa pintuan ng marinig ang boses ni Draca na tila galit pero nagtitimpi lang na sumabog. "Sinayang mo lang ang pagmamahal na ibinahagi ko sayo! Kay laki kong tanga dahil naniwala at nagpadala ako sa nararamdaman ko sayo. Wag na wag ka ng magpapakita pa sakin kahit kailan, kinasusuklaman kita Euri! kinasusuklaman kitaaa...!" "Draca, pakiusap pakinggan mo naman muna ako! Maawa ka!!" Napakunot ang noo ni Dwarf dahil sa mga narinig,, akma naman sana syang kakatok ng biglang bumukas ang pinto at lumabas dun ang umiiyak na si Draca. Dinaanan lang sya nito ni sumulyap sa kanya ay hindi nito ginawa basta lang itong naglakad ng walang lingon lingon. Pumasok na lang sya sa loob ng silid. "Euri!" 'Anong ibig sabihin nito? Bakit may babaeng nakahubad sa kwarto ng kaibigan ko?' tinitigan ito ni Dwarf, napatiimbaga sya ng mahulaan at maintindihan ang lahat ng pangyayari. Hindi engkantada ang babaeng kasama nila kundi isa itong engkantong lobo, marahil isa ito sa mga alagad ni Nada. "Dwarf! Hindi ko alam kung anong nangyari basta nagising na lang ako sa sigaw ni Draca tapos nakita ko ang diwatang ito na nakahiga sa tabi ko." Napasapo ng ulo nya si Euri litong lito ito at halatang may iniindang sakit sa katawan. Sinulyapan ni Dwarf ang babae na tahimik lang na tila nakikiramdam sa mga mangyayari pa ngayong nandito na siya. "Umalis kana kung ayaw mong mapugutan ng ulo. Alisss..!" Nagtitimpi ng galit na singhal ni Dwarf sa engkantong lobo. Nilapitan nya kaagad si Euri at inabutan ng damit na nadampot nya sa lapag. Hindi na nila napansin ang pagkuha ng babae sa kwentas na nakalapag sa lamesa na nasa gilid ng kama bago ito naglaho. "Dwarf, pakiusap tulungan mo ako!!!" Naiiyak na pakiusap ni Euri kay Dwarf. Kahit hindi humingi ng tulong si Euri tutulungan nya ito kasi kilala nyang kaibigan hindi nito magagawa kay Draca ang magtaksil. Pero hindi pa ngayon ang tamang panahon para isagawa nyang plano na kanyang naiisip. Kailangan nya ng solidong plano para mapaamin si Nada. Dahil nakakasiguro syang ito ang may kagagawan ng lahat . "Kumalma ka lang kaibigan, ako ng bahala sa lahat basta wag na wag ka munang magpakita kay Draca dahil nasisiguro kong parurusahan ka nya hanggang sa ikamatay mo ito!" Walang imik na napayuko na lang si Euri at tahimik na tumatangis. Nagpaalam na si Dwarf sa kaibigan. Kailangan nya kasing mahanap si Nada. Hindi naman sya nahirapan sa paghahanap dito kasi pagkalabas nya ng palasyo nakita nya kaagad ito sa taas ng puno habang nakangising malademonyo sa kanya. Kaagad na naglaho si Dwarf at sumulpot sa likuran ni Nada. Sinunggaban nya leeg nito saka tinangay palayo sa lugar na yon. At sa kakahuyan sila napadpad. "Hayop ka! Anong ginawa mo kay Euri ha? Alam kong ikaw ang may pakana ng lahat mula sa pagtangay ng mga engkantong lobo kay Euri at ngayon ito, ang pagsira mo sa magandang relasyon nila Draca at Euri." Hinihingal na litanya ni Dwarf kay Nada na pangisi ngisi lang. Tila masayang masaya ito sa kaguluhang ginawa at ni hindi man lang nagkunwaring itanggi ang pagbibintang nya dito. "Sagutin mo akong hayop kaaa!" Nanggagalaite sa galit si Dwarf at hindi na nya nakontrol ang sariling suntukin sa mukha si Nada. Talsik ito sa malayo. Pero narinig pa rin ni Dwarf ang tawa nito. Nilapitan nya ulit ito saka sinikmuraan. Napaubo ito ng dugo bago tumayo si Nada na tumatawa pa rin. Pinahid nito ang dugo sa labi saka tiningnan ng matalim si Dwarf. "Dapat nga magpasalamat kapa sakin kasi diko pinatay yung kaibigan mo. Saka pasalamat ka rin dahil gusto ko yung pinsan mo kaya yun lang ang ginawa ko." Galit na susugurin na naman sana ni Dwarf si Nada ng magsalita ulit ito na pumigil sa gustong gawin nya. " Kulang pang kabayaran yan Dwarf sa nagawa mo sa kapatid ko. Dap -- ." "Hindi ko kasalanan kung bakit nabaliw ang kapatid mo! Kaya wag mong isisi sakin ang pagkukulang at kapabayaan mo." "Siguro nga kasalanan ko, pero naging parte kapa rin ng masamang pangyayari sa kapatid ko kaya hindi ko mapapayagang mabigo ako, gaganti ako Dwarf yan ang pakatandaan mo." Matapos sabihin yun ni Nada kaagad itong naglaho. Naiwan namang nag aalala si Dwarf sa maaring gawin ni Nada sa mga mahal nya sa buhay. Abala ang kaisipan ni Dwarf kakaplano ng mga dapat nyang gawin na di man lang nya napansin si Draca na nakakubli at kanina pa nakamasid sa kanilang dalawa ni Nada. Hindi man nito narinig ang kanilang usapan pero napagtanto nitong magkakilala o baka magkaibigan pa yung dalawa. "Draco!" Agad namang sumulpot ang alagad nyang dragon, sumampa sya sa likod nito saka pahilatang humiga. "Draco, dalhin moko sa malayong lugar, dun sa walang makakahanap sakin, gusto kong tayong dalawa lang ha!" Bilang sagot bumuga ng apoy si Draco saka lumipad ng mataas sa himpapawid para walang makakakita sa paglalakbay nila. Ramdam nyang pighati ni Draca kaya gusto nyang ibsan ito kahit sa kaunti nyang kakayahan, dadalhin nya ito sa isang lugar na wala pang kahit sino ang nakakapunta run.. Sa lugar ng mga dragon.. Sa Dragonya.... ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD