?Ang ibang kaganapan dito ay mababasa sa kwento nila Dwarf at Ayana na may pamagat na "Ang lihim na pagkatao ni Ayana"
Chapter 6 .....
???
“Paalam, mahal ko. Ikaw na naging malaking parte ng mundo ko, Ikaw na aking naging mundo, at Ikaw na sumira nito.”
Nakatayo at nakatingala si Draca sa langit habang madamdaming sinasabi sa ulap ang kanyang saloobin.
"Ikaw na naging malaking parte ng mundo ko, salamat dahil binigyan mo ng kulay ang mundo ko na minsa’y walang buhay. Salamat dahil pinangiti mo ang mga labi kong minsa’y pinagkaitan ng kasiyahan. Salamat dahil minulat mo ang mga mata kong minsa’y nabulag sa sobrang kalungkutan. At salamat dahil pinatibok mong muli ang puso kong akala ko’y hindi na muling magmamahal.
Ikaw na aking naging mundo, sana nagdilang anghel ako sa buhay mo. Sana naging sapat ang pagmamahal na inalay ko sa’yo. Sana napasaya kita sa maikling panahon ng ating pagsasama. Sana nabigyan ko ng kulay ang mundo mo gaya ng ginawa mo sa akin. At higit sa lahat, sana wala kang pinagsisisihan sa naging relasyon natin dahil mahal ko, hinding hindi kita pagsisisihan.
Ngunit sana ay nalaman ko, na ikaw, ikaw din pala ang sisira ng lahat ng ito. Ikaw din pala ang sisira sa pundasyon na sabay nating itinayo, ikaw din pala sisira sa mga pangarap na sabay nating binuo, ikaw din pala ang sisira sa tiwala ko na ibinigay ko sa’yo ng buong buo, ikaw din pala ang sisira sa pagmamahal ko, sa puso ko, sa pagkatao ko at sa aking mundo.
Paalam, mahal ko. Heto na ang kinahantungan natin, dito rin pala tayo babagsak, hindi ko lubos akalain. Hanggang ngayon ay sariwa pa ang sakit na iniwan mo nung magtaksil ka, at lalong bumabaon ang sakit na ‘to tuwing binabalikan ako ng mga ala-ala nating dalawa. Hindi pumasok sa isip ko na magkakaroon tayo ng katapusan, kahit pa sinasabi nilang “walang itinadhana!”.
Mahal ko, tanda ko pa, tandang tanda ko pa tuwing binubulong ng mga labi mo na, “Mamamatay tayong magkasama.” Ngunit mahal ko, binigo mo ako at ang mga pangarap nating dalawa. Ngayon hindi ko alam kung pano ko pupulutin ang pira-piraso ng sarili ko na gumuho at nadurog simula nung mawala ka.'
Nasa mundo ng mga tao ngayon sila Draca, kasama nya sila Dwarf, Alex at Heneral Ixeo. Silang apat ang naatasang tagapagbantay ng Prinsesa Ayana ng kahariang Umbra. Ang mag asawang Gardo at Selya ang napili ng Reyna Amethyst na magpalaki sa anak nitong Prinsesa. Mas lalong napalayo sya sa kabalyerong mahal na mahal nya.
Dahil sa paghahangad ng Gaelin na puksain ang Prinsesa Ayana na nasa pangangalaga nila, naging masalimuot ang naging buhay nila sa mundo ng mga tao. Marami silang nakasagupa mga bampira, itim na mangkukulam at kung anu anupang mga kampon ng kahariang Gaelin.
Nakasanayan na nila ang buhay ng mga tagalupa. At dahil batid na ng mag asawang Selya at Gardo ang tungkol sa kanila at sa lihim na pagkatao ni Ayana hindi na nila kailangang magtago sa dilim. Dahil gaya ng Heneral Ixeo nila, lahat sila nagbabalatkayo bilang hayop ng mga tagalupa. Kagaya ngayon magbabago na naman sila ng balatkayo nila at kanina pa nagrereklamo si Draca.
"Heneral Ixoe, bakit naman ganito ang hitsura ko? Ayoko maging kambing."
Panay ang reklamo ni Draca sa tuwing binabago ng heneral ang anyo nya. Samantalang si Dwarf at Alex ay natatawa na lang sa mga nangyayari.
"Eh ano ba kasing gusto mo Draca? Lahat na nga sinubukan ng heneral sayo, pero dika naman makontento."
Naiinis nyang hinabol si Dwarf na tawa naman ng tawa habang lumilipad palayo sa kanya. Natigil lang sya kakahabol dito ng magsalita ulit ang Heneral.
"Alam mo ba na ang mga kalapati dito ay pinapatay, gusto mo ba yun Draca ha?."
Pagpapaintindi ng Heneral kay Draca na patalon talon at hindi mapakali sa bago nitong balatkayo. Oo nga't kaya nilang protektahan ang mga sarili nila pero hindi naman sila pwedeng makita ng mga tao, kaya nga sila nagbabalatkayo, para hindi sila katakutan dito sa mundo ng mga tao.
"Eh bakit sila Alex at Dwarf nasunod ang gusto, bakit ako hindi?"
Hindi talaga nya nakasanayan ang magbalatkayo kahit papalit palit na sila ng anyo.
"Eh kasi ito talaga ang gusto ko ang maging pusa. Pakiramdam ko kasi maganda ako kapag ganito, saka pwede kong kalmutin ang sinumang mananakit samin ng Prinsesa."
Sa huli pumapayag din naman sya kasi wala din naman syang magagawa, lalo't pinagtutulungan sya ng tatlo, wala man lang syang kakampi kahit ang taksil na si Dwarf malaki ng pinagbago dahil nagmamahal na ito.
"Eh kasi naman,.. sige na nga gawin mo na akong manok Heneral, para matapos na tayo dito."
Sa ganun natatapos palagi ang kanilang usapan. At sa araw na ito hindi nya inakala na ang matagal ng sigalot sa buhay pag iibigan nila ni Euri ay matutuldokan na dito. Ng matuntun sila ni Nada at sinagupa nito si Dwarf. Hindi nya mapapayagang masaktan nito ang pinsan nya kaya nakialam na sya sa labanan ng dalawa. Nagpakawala sya ng bolang apoy na tumama dito. Nag aapoy ang buong katawan ni Nada na papasag pasag bago naging abo at tinangay ng hangin palayo kay Dwarf.
Habang nag aayos si Dwarf ng mga nasirang pananim gawa ng natapos na labanan, may nakita syang kumikinang sa lupa at ng damputin nyang bagay na yun at ng mapagtantong yun ang kwentas na ibinigay ni Euri sa kanya.
Nanginginig ang kamay na napahawak sa dibdib nya si Draca, dahan dahang pumikit ang mga mata nito at nakita ni Dwarf ang mga luhang umaagos sa pisngi nito. Nag aalalang nilapitan nya ang pinsan at inalo.
"Uy... bakit? Anong nangyayari sayo ha? Ano ba yang kwentas na yan ha?.."
Gustuhin man ni Draca na sagutin ang mga tanong ni Dwarf, walang boses na lumalabas sa kanyang bibig, nilalamon na naman ng halo halong emosyon ang pagkatao nya at hindi na nya makontrol ang kanyang sarili. Alam nyang natatakot na si Dwarf sa nakikitang pagkalugmok nya kaya nagpapasalamat sya dito at tinangay sya nito sa malayong lugar, dun sa wala syang masasaktan na kahit sino at ano, basta't sila lang dalawa ang nandun.
"Oh ayan, pwede mo ng gawin ang lahat ng gusto mo. Dito lang ako sasamahan kita hanggang sa maging ok kana at gusto mo ng magkwento sakin hmmm!"
Dahil sa sinabing yun ni Dwarf hinayaan na lang nyang tangayin sya ng kanyang emosyon sa dako pa roon. Wala na syang matandaan pa mula ng nilamon na sya ng kadiliman. Natitiyak nyang masasaktan na naman nya si Dwarf pero alam rin nyang makakaya na nitong solosyunan ang mga mangyayari sa kanila dahil nasaksihan na nito dati ang isa pang pagkatao nya. Saka na nya haharapin ang bagong bukas, kapag nakawala na sya sa lahat ng bangongot na naranasan nya sa mga kamay ni Nada. Ang anay na sumira sa buhay pag ibig nila ni Euri.
Ng mahimasmasan si Draca natagpuan nyang sarili sa dalampasigan katabi si Dwarf na sugatan na naman. Kailangan na talaga nyang matutunan kung panu kontrolin ang kanyang sarili para wala na syang masaktan pa.
"Gusto kong marinig yung kwento tungkol sa kwentas Draca, kaya magtapat kana sakin kung kanino galing iyan."
Napabuntong hininga na lang sya, siguro nga kailangan na nyang magkwento kay Dwarf para maintindihan nito ang lahat. Kunsabay si Dwarf ang laging nandyan kapag kailangan nya ng tulong kaya nararapat lang na magkwento sya dito.
"Hindi ko sya pinaniwalaan Dwarf, hinusgahan ko kaagad sya ng hindi ko man lang muna inaalam ang katotohanan. Isinoli ko itong kwentas sa kanya. Saka ako lumayo ng walang nakakaalam."
"Pero nahanap kita, at simula nun lagi na tayong magkasama!."
Ngumiti si Dwarf at niyakap si Draca.
"Huwag na huwag mo ng uulitin yung mga pagkakamaling nagawa mo noon ha! Maawa ka naman sakin. Ako palagi ang pinarurusahan ni Ina sa tuwing umuuwi akong bigo sa paghahanap sayo."
Napayuko si Draca habang pinagkikiskis ang mga kamay. Nakokonsensya talaga sya sa mga ginawa nya dati lalo na kay Euri. Kanina nya lang nalaman ang buong katotohanan sa tulong ng magic potion ni Alex. Dahil sinundan nila si Gardo at Dwarf.
Nalaman nyang kagagawan lahat ni Nada ang mga nangyari sa kanila ni Euri. At yung dambuhalang kampon ni Nada, yun yung nag anyong babae na katabi sa higaan ni Euri at ito rin ang kumuha ng kwintas na ibinalik nya sa kasintahan noon.
Pumatak ang mga luha nya dahil sa matinding pagsisisi. Kung maibabalik nya lang sana ang lahat sa dati. Kung sana makakaya nya pang humarap kay Euri para humingi ng tawad. Gagawin nya ang lahat mapatawad lang sya ng pinakamamahal nya.
Ayaw na nyang umupo sa isang tabi habang kalong ang isang basket na puno ng bulaklak, tanging alaalang naiwan sa kanya ni Euri na dala dala nya hanggang sa mundo ng mga tao.
'Sana! sana magkita pa ulit tayo mahal ko!'
?MahikaNiAyana