'Minsan bigla ka na lang mapapaisip na kailangan mo pala talaga ng kahit isang taong makaka tanggap sa ‘yo para maramdaman mo lahat ng nangyayari sa 'yo. Yung nilalang mag tutulak sa 'yo para mag pursige ka. Hindi yung mga nilalang nakapaligid sa 'yo kung saan mo mas nararamdamang mag-isa ka.
Minsan nakaka tuwa kapag may mga bagong engkantado sa buhay mo na dadating. Para bang natutuwa ka ulit sa mga panibagong mangyayari. Pero, bigla silang mawawala sa buhay mo. Minsan, ang nakakainis pa dun ay ipaparamdam nilang hindi sila tulad ng iba. Pero minsan, mas nagiging malala pa sila doon sa mga naunang nawala.
Minsan mapapaisip ka na malungkot ka pala talaga. Tipong natutunan mo na yung mga bagay na dapat matutunan dahil naiwanan ka na rin naman dati. Tapos yung mga panibagong mawawala e yung mga wala ng maitutulong sa 'yo dahil nga sa natuto ka na.
Wala lang, minsan talaga ang labo ng buhay. Minsan, nahuhuli mo ang sarili mong gising sa madaling araw na walang kausap at nakatunganga at inaalala ang lahat kung bakit sila nawala.' Napabuntung hininga na lang si Draca saka binalingan si Dwarf na abalang kumakain ng prutas.
"Tama ka Dwarf, lahat ng sinabi mo ay makakabuti para sakin. Pero, ang tanong makakaya ko pa kayang magbago, magtiwala at higit sa lahat ay umibig?"
Lihim na nagdiriwang si Dwarf dahil sa narinig na tanong ni Draca sa kanya.
"Wag kang mag alinlangan at wag kang mag isip masyado, hayaan mong sarili mong makatuklas ng lahat!"
"Yan din ang sinabi ni Tiya Rion sakin, ang totoo natatakot ako Dwarf, natatakot akong umibig baka masaktan lang ako."
Konti na lang Dwarf, magtatagumpay na kayo ni Onyx sa misyon nyung magka ibigan sila Euri at Draca.. Ngising tuso ang lumabas sa bibig nya na kaagad nyang binura at nagkunwaring seryoso.
"Bakit, wala ka bang tiwala kay Euri? Napakabait kaya ng kaibigan kong yun, saka wala pang naging kasintahan, ibig sabihin inosente sya kagaya mo!"
Napakunot nuo naman si Draca ng maintindihan ang ibig na ipahiwatig ni Dwarf.
"Bakit naman napasok si Euri sa usapan? May binabalak kana namang kalokohan ano? ha!"
Nanigas si Dwarf sa kinauupuan ng mapagtantong nadulas sya at naibulalas ang pangalan ng kaibigan.
"Wala ah! Wala naman akong binanggit na Euri ah! Baka namali ka lang ng dinig."
Nagdududang tinitigan ni Draca ang pinsan, alam nya kung nagsasabi ito ng katotohanan o nagsisinungaling lang. Nakita nyang bahagyang pamumula ng tenga nito, isa lang ibig sabihin nun na nagsisinungaling ito sa kanya.
"Baka nga namali lang ang dinig ko."
Alam din nyang kung pipilitin nya si Dwarf na magsabi ng totoo hindi rin ito aamin sa kanya, kaya bakit pa sya mangungulit dito, hihintayin na lang nya kung ano ang binabalak nito para sa kanya.
"Dwarf, si Euri tulungan natin!"
Sabay silang napalingon kay Onyx na pawis na pawis, parang galing sa pakikipaglaban ang hitsura nito.
"Bakit anong nangyari kay Euri ha?"
Natatarantang tanong ni Dwarf sa kaibigan. Kahit si Draca kinakabahan din habang hinihintay ang sagot ni Onyx. Parang kaibigan nya na rin ang mga ito kasi madalas kasa kasama ng pinsan nya ang dalawang kabalyero.
"Tinangay sya ng mga enkantong lobo, hindi ko na nasundan sa bilis at dami nila.. Halika na tulungan mo akong hanapin sya!"
Paalis ng dalawa ng magsalita si Draca.
"Saan patungo ang mga lobo Onyx?"
Walang kaemo emosyon ang panlabas na anyo ni Draca pero kabaliktaran naman yun sa totoong nararamdaman nya.
"Sa hilaga sila tumungo, bakit?" Nagtatakang tanong ni Onyx.
"Draco!" Sa halip na sagutin ang kabalyero, tinawag nyang dragon at ng lumitaw ito sa kanilang harapan kaagad syang sumampa dito at mabilis na pinalipad ito, naiwan namang nagkatinginan ang dalawa saka nagngitian.
"Ano sa tingin mo kaibigan, may pag asa ba na maging sila?"
"Huo naman! Lumalambot ng impakta eh! Konting konti na lang bibigay na yan"
Kumagat pa si Dwarf sa saging na hawak bago naalalang itanong yung kay Euri.
"Eh si Euri kumusta naman, ayos na ba?"
Napasimangot naman si Onyx ng maalalang pinagsusuntok sya ng kaibigan dahil sa pangungulit nya dito.
"Dipa nga eh! Lapa ko sa kalahati nabugbog na nya ako!"
Tawa ng tawa si Dwarf habang pasampa sa dambuhalang agila nito. Si Onyx naman ay palipad na sa himpapawid sakay sa dambuhalang agila din nito.
"Habaan mo lang ang pasensya mo pasasaan ba't magtatagumpay din tayo!"
Pampalubag loob nyang sabi sa kaibigan. Na sumang ayon naman.
"Anupa nga bang magagawa ko! Tara na nga bilisan na natin baka kung ano ng nangyari sa kaibigan natin."
Mabilis na lumipad ang mga agila pa hilaga para hanapin si Euri. Pero mukhang wala ng aabutan ang dalawa dahil nauna na si Draca at ngayon ay nakikipaglaban na sa mga mababangis na lobo.
"Draco, hanapin mo si Euri magmadali ka! Iligtas at ilayo mo na sya dito!"
Binugahan pa ng apoy ni Draco ang mga lobong pasugod kay Draca, bago ito lumipad para sundin ang ipinag uutos ng kanyang panginoon. Sa sobrang dami ng mga lobong nakapalibot kay Draca at sabay sabay na sumusugod may isang nakalusot at nasakmal ang leeg ni Draca.
"Ahhh."
Handa na syang maglabas ng malakas na enerhiya ng may isang engkantado na biglang lumitaw at nilabanan lahat ng lobong nakapalibot sa kanya. Malakas ang kapangyarihan nito at magaling din makipaglaban. Bawat hampas ng kamay nitong lumiliwanag, bolta boltahing kuryente ang lumalabas dito na tumutupok sa mga lobong sumusugod dito. Napaupo na lang si Draca sa lupa habang sapo ang leeg na dumudugo. Pinapanood na lang nya itong lumaban hanggang sa lahat ng lobo ay nagapi nito. Lumapit ito sa kanya ng may pag aalala.
"Ayos ka lang ba diwata?" Inalalayan sya nitong makaupo ng maayos saka sinuri ang sugat nya.
" Ayos lang ako! Salamat sa tulong mo..."
"Nada, ako si Nada isang engkantadong mangkukulam. Ikaw anong pangalan mo?"
"Dracaaaa!" Humahangos si Dwarf na napatalon mula sa agila na nasa himpapawid pa rin.
"Salamat Nada, ikinagagalak kitang makilala. Pwede mo nakong iwan."
Yumokod naman si Nada at kaagad na naglaho, tila nagmadali ito ng marinig ang boses ni Dwarf. Kaya di man lang ito naabutan nila Dwarf at Onyx.
"Ayos ka lang ba Draca? San na si Euri?"
Agad na tanong ni Onyx, habang binubuhat naman ng dahan dahan ni Dwarf ang pinsan, maingat itong naglakad patungo sa kanyang agila at magkatuwang sila ni Onyx sa pagsakay kay Draca.
"Si Draco ng bahala sa kaibigan nyu, siguradong ligtas na sya ngayon. Kaya tara ng umuwi sa palasyo, para magamot nako ni Alex!"
"Sige!"
Nagkatinginan muna sila Onyx at Dwarf. At ng nalingat si Draca nag apiran na naman ang dalawa. Parehong may lihim na mga ngiti sa kani kanilang labi, habang si Draca naman ay napaisip sa kanyang tagapag ligtas na si Nada.
'Babawi ako sayo Nada, para pasalamatan ka! hanggang sa muli nating pagkikita....'
?MahikaNiAyana