Draca..

1110 Words
"Hindi ba't napakasarap nung may isang nilalang na dadating sa buhay mo para pawiin ang lahat ng sakit ng kahapon? Hindi ba't napakasarap maramdaman na may kabalyerong magbabalik sa 'yo ng pag-asa at sasabihin sa 'yo na okay lang ang lahat dahil andiyan na siya." Pinagmamasdang mabuti ni Dwarf ang bawat emosyong nakikita nya sa mukha ni Draca. Malinaw ang usapan nila ni Onyx na syang bahala sa pinsan at si Onyx naman ang bahala kay Euri. "Mawawala ang lungkot, ang pagod at ang kaba na baka may mawala ulit sa buhay mo. Ayun lang naman ang kailangan natin, yung may isang nilalang na masasandalan at magsasabing okay lang lahat sa oras na mahina tayo. Sila ang magsisilbing enerhiya para makabangon pa ulit para sa tatahaking laban kinabukasan. Kung may nilalang na handang gumawa sakin ng bagay na ito, Aba! hindi ko na sya pakakawalan, gagawin kong makakaya ko para manatili sya at alagaan. " Napataas ang kilay ni Dwarf ng makitang sumilay ang maliit na ngiti sa labi ni Draca. At ito ng nagpatuloy ng nais nyang sabihin sana dito. "Gagawin ko siyang prinsipe sa buhay ko. Yung mga maliliit na bagay na ginagawa niya ang bubuhay sakin, ang magpapasaya. Aalagaan ko, iingatan ko. Ang sarap sa pakiramdam na may isang kabalyerong andyan palagi para maglambing sa oras na hindi maganda ang araw ko." "Tumpak! Nakuha mo rin ang nais kong iparating sayo." Biglang naglaho ang ngiti at sumeryoso ang mukha ni Draca na ikinabahala naman ni Dwarf. "Bakit mo ginagawa sakin ito Dwarf? Ayaw mo na bakong manatili dito sa inyo ni Tiya Rion kaya pinagtatabuyan mo nako?" Malungkot ang mga mata ni Draca na napatingala sa kalangitan at nakipagtitigan sa bilog na buwan. "Alam mong mahal na mahal ka namin ni Ina at hindi namin gugustuhing mawala ka samin, na iiwan mo kami, pero gusto kong maging maligaya ka rin Draca. Nais kong magkaroon ka ng sarili mong pamilya, na may mag aalaga sayo at makakasama mo habang buhay!. Wag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan. Bumangon ka pakiusap!" Naipikit ni Draca ang mga mata ng maramdaman ang pagtulo ng kanyang luha. Sinikap nyang pakalmahin ang sarili para makapagsalita ng maayos. "Lam mo yung ginagawa mo lahat para maging positibo sa buhay pero hindi talaga kaya at sobrang nararamdaman mong pagod ka sa lahat ng nangyayari sa 'yo? Yun bang ramdam mong pagod ka at ito yung klase ng pagod na hindi kaya ng pahinga. Minsan magsasawa ka, na nasasaktan ka sa paulit-ulit na dahilan at dadating sa puntong wala ng aral na nakukuha dahil 'yon na naman yung nangyari sa 'yo." Ibinaling nya ang tingin kay Dwarf na titig na titig sa kanya. Inabot nito ang kanyang mga kamay saka pinisil pisil. Nakaramdam naman sya ng ginhawa sa ginawang yun ng pinsan. Napangiti sya ng may pait na mababakas sa kanyang mukha. "Minsan hindi ko alam kung may plano ba talaga sakin eh. Hindi ko naman pinipilit at diko hinahanap pero kapag sinubukan kong magkaroon ng pake sa mga dumadating, Sa huli nakikita ko ang sarili kong hawak ulit nya. Tipong kahit gaano ko pinrotektahan ang sarili ko ay isusuko ko ito sa nilalang 'yon at magtitiwalang aalagaan nya ito kahit sobrang durog na. Minsan diko maintindihan yung tadhana bakit gustong laging mag-isa ako at dadaanan lang ng mga engkanto na habang hinahanap din 'yong engkantong para sa kanila." "Bigyan mo ng pagkakataon ang gustong makipag lapit sayo, subukan mong ibalik yung dating ikaw. Kilala ko si Euri mula ulo hanggang paa, itataya ko ang buhay ko para sa kanya, kapag binigo ka nya nandito lang ako nakahanda sa parusang ipapataw mo sakin!" Ngising impakta na naman si Draca kahit pa nga na may luha ang mga mata nito hindi nakaligtas sa matalas na mga mata ni Dwarf ang kademonyitahan ng pinsan. At aaminin nya na ngayon pa lang natatakot na sya sa maaaring mangyari sa kanya, oras na masaktan ang pinsan sa piling ng kanyang kaibigan. "Ayaw kong sanayin ang sarili ko sa kanya pero habang tumatagal ay nagiging paborito ko siya. Parang gusto ko palaging marinig ang boses niya o magkaroon man lang ng tiyansa na mahawakan ang kamay niya dahil doon ko mararamdamang pwede pa rin pala sumaya, na umiikot pa rin pala ang mundo, na gumagalaw pa rin pala ako." Pinahid ni Dwarf ang luhang pumapatak sa pisngi ni Draca. Naaawa sya dito kasi simula ng maulila ito naging mailap na ito sa ibang engkanto, walang nakakalapit dito ng hindi nasasaktan. Hindi ito madaling paamuhin tanging sila lang ng kanyang Ina ang nakakalapit dito. "Matutu kang magpatawad at makisalamuha ulit sa kanila Draca. Makipag kaibigan ka ulit gaya ng dati mong ginagawa." Umiling iling si Draca ng maalala ang mga dating kaibigan, na sa una lang mabait sa kanya pero ng lumaon ay nilayuan din sya. "Makipag kaibigan? Kaibigan na pagkatapos kang pakinabangan ay bigla kang tatalikuran? Na sa umpisa lang maganda ang pakikitungo, na habang tumatagal bigla na lang sila lumalamig kapag nagiging okay na sila? Para bang sarangola na papaliparin ka ng mataas at bigla nilang puputulin ang tali para di ka na makabalik sa kanila. Tulad ng sarangolang nasa itaas na walang tali. Magiging malaya ka pansamantala, pero babagsak ka pa rin sa lupa. At di ka na ulit makakatayo at kailangan mo ng bagong nilalang na makakapulot at magpapalipad sa 'yo." "Draca.." Ramdam ni Dwarf ang paghihirap ng kalooban nito at nag aalala na sya sa kalagayan ng pinsan. "Minsan, mapapahinga ka na lang nang malalim at maluluha na lang bigla kapag nakita mo ang sarili mo sa salamin. Naaawa ka sa diwatang nakikita mo. Isang diwatang repleksyon ng kalungkutan. Isang diwatang nais lumaban pero hindi hinahayaan. Isang diwatang nais lang din mahalin tulad ng ginagawa niya madalas. Mapapatanong ka na lang talaga kung bakit ang dali mong tiisin at iwan? Ano bang mali? Kung ang palagi mo lang ginagawa ay tama?" "Draca.. Ssshh... tahan na!" Niyakap nya ito ng mahigpit lalo ng maramdaman nyang bahagyang nanginginig ang katawan nito. Pilit nyang pinakakalma ang pinsan. Inilayo nya ito ng konti sa kanya para matingnan ang mukha nito. Nakapikit si Draca at patuloy lang sa pagtangis. "Inaaaa! tulungan nyo po ako, Inaaa!" Natatarantang tawag ni Dwarf sa Inang si Rion, na kaagad namang lumitaw sa harapan nila ni Draca. "Bakit anong nangyayari mahal ko?" "Ina, kasi po.." Inginuso nya si Draca na unti unting nag iiba ang kulay ng buhok. Nakakaintinding niyakap ng Ina nya si Draca saka naglaho ng dalawa. Kung san man dadalhin ng Ina nya si Draca yun ang hindi nya nais na malaman pa. Bahala ng Ina nyang magpakalma kay Draca. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD