Habang pinagmamasdan ni Draca ang tatlong magkakaibigan na nagpapaligsahang kumain ng mga prutas, natatawa't napapailing na lang sya sa ginagawang pandadaya nila Onyx at Dwarf kay Euri na walang kamalay malay sa panggugulang ng dalawa, basta tuloy lang ito sa pagkain ng papaya na kumalat na sa pisngi nito.
"Euri! Dinadaya ka ng dalawang kupal kaya bilisan mo naman."
Sigaw ni Alex na halatang kampi kay Euri.
" Hoy Onyx, dapat manalo ka, malaki ang pusta ko sayo ayaw kong matalo kay Lorsan ha!"
Pati si Heneral Ixoe nakikisigaw na rin dito.
"Lakihan mong pagsubo Dwarf! Malaking babayaran mo sakin kapag natalo ka sa paligsahan tandaan mo yan!"
Kahit ang espiya nilang si Lorsan nakikisigaw na rin. Maliban kay Draca na patawa tawa na lang sa isang tabi. Marami syang napagtanto habang pinapalibot ang tingin sa mga kapwa engkanto.
Masayang lahat yun ang makikita sa malapad na hardin ng kahariang Umbra.
'Maraming naituro sa akin ang buhay mag-isa, natutunan ko na kailangan mo talagang matanggap yung mga maliliit na bagay. Kailangan mo maging masaya kapag may nilalang na dumating na mga nag aalok ng tulong. Hindi kasi palaging may ganon.
Dati, akala ko hindi ko kayang mawala yung mga engkantong naging kaibigan ko, na akala ko mananatili hanggang huli pero hindi. Dadaan lang pala sila talaga. Nagsakripisyo, nagmahal, naglaan ng panahon halos lahat na ginawa ko mapatunayan lang sa sarili kong minahal ko sila hanggang sa huling pagkakataon. Nakakapagod kapag naiisip ko lahat ng nagawa ko dahil sa nagtiwala ako.
Pinatawad ko lahat sila na parang wala silang ginawa sa akin. Ngumiti lang ako na parang walang nangyari. Habang tumatagal tinuturo sa akin ng buhay na mas mahalin ko pa dapat ang aking sarili lalo na yung mga engkantong palaging andyan.
Masaya ako na nasa punto na ulit ako ng buhay ko na handa na akong magmahal. Hindi ako dapat matakot masaktan dahil kawawa naman kapag dumating yung panahon na totoo na 'yong magmamahal sa akin ay tsaka ako magdadamot.'
Natutok ang tingin nya sa nag iisang engkantado na napalapit na rin sa kanya. Malapad ang pagkakangiti nito sa mga kaharap na katunggali sa labanan. Marungis ang hitsura pero mababakas ang kaligayahang nadarama. Hindi nya namalayang nakatingin na rin ito sa kanya at nagkatitigan sila ng ilang segundo.
'Bakit ganitong nararamdaman ko? Napakabilis ng pintig ng aking puso, anong nais nitong ipahiwatig?'
Naalarma sya ng makitang naglalakad si Euri patungo sa kinaroroonan nya. Nakangiti ito at deretso lang ang matang nakatingin sa kanya. At ng tuluyang magkaharap sila napakurap kurap ng mga mata si Draca ng maramdaman nyang kamay ni Euri na nakahawak na sa kamay nya. May inilagay ito dun na hindi nya man lang sinulyapan. Hanggang sa tumalikod na lang si Euri at umalis kasama sila Onyx at Dwarf. Bumaba ang tingin nya sa kamay na hawak kanina ni Euri.
"Ano naman 'to?"
Itinaas nyang kamay na may hawak ng kwentas, sinuri pa nya itong mabuti. Ng masigurong puro ginto ito. Hahabulin sana nyang kabalyero para magtanong at ibalik ito pero wala ng mga ito, tanging sya na lang ang naiwang nag iisa sa hardin. Nalilitong tinawag nya si Draco at ng lumitaw ito kaagad syang sumampa sa likuran nito. Nang tuluyang makaalis na si Draca saka naman lumabas sa pinagtataguan ang tatlong kabalyero.
"Kapag ako napahamak mabubugbog ko talaga kayong dalawa!"
Pagbabanta ni Euri sa dalawang kaibigan na makukulit at pasaway sa kanya.
"Bakit naman! Wala ka bang bilib sa sarili mo? San naman napunta ang isang magiting at matapang na kabalyerong mandirigma ng Umbra ha?"
Pakumpas kumpas pang sabi ni Onyx na tila pinapalakas ang loob ng kaibigan. Senegundahan naman ito ni Dwarf na tila tuwang tuwa sa inaakto ni Euri.
"Maniwala ka samin kaibigan, malaki ang pag asa mo kay Draca. Hindi ka mabibigo basta ipagpatuloy mo lang yang ginagawa mo."
Tila naman lalong lumakas ang loob ni Euri. Napangiti na rin ito saka inayos pa ang buhok nito.
"Tara! Puntahan na natin sya."
Aya ni Dwarf sa dalawa. Bago sila tuluyang umalis ng hardin pumitas pa si Dwarf ng tatlong rosas at inabot yun kay Euri. Nagtataka naman itong kinuha saka nagtanong.
"Para saan naman 'to?"
"Para kay Draca!" Sabay na sagot ni Onyx at Dwarf.
"Gustong gusto nyang rosas kaya ibigay mo agad yan sa kanya ha!"
Napatango naman si Euri saka tumalikod na't naglakad palabas ng hardin. Nagtaka naman ang dalawa kung bakit hindi ito sumakay sa alaga nitong dambuhalang agila.
"Euri! Hoy Euri! Hindi kaba sasakay?"
"Hindi na kailangan, lalakarin ko na lang papuntang kakahuyan."
"Kakahuyan?" Sabay na sambit ng dalawa..
'Kelan pa nagpupunta si Draca sa kakahuyan? Hindi ko yata alam yun ah!' Lagi naman sya sa palasyo lang, pero bakit sabi ni Euri nasa kakahuyan daw ito hmmm.'
"Tara na Onyx, mag espiya tayo sa dalawang yun, baka tayo na lang ang walang alam tungkol sa kanila, eh tayo ngang gumagawa ng paraan para magkalapit sila diba?"
"Parang naisahan tayo Dwarf, halika na dali sundan natin si Euri."
Magkasabay na tumakbo ang dalawa para sundan si Euri na nakapasok na sa kakahuyan. Mas binilisan pa nila ang paghabol dito, At ng makapasok na silang dalawa sa kakahuyan narinig nilang boses ni Draca na tila may kausap, kaagad silang nagkubli sa malaking puno at pasilip na hinanap ang diwata.
"Salamat sa bulaklak, panu mo naman nalaman na gusto ko itong rosas?."
"Sinabi ni Dwarf sakin."
Napatampal si Dwarf sa kanyang noo. 'Talagang itong si Euri hindi man lang marunong mag sinungaling kuuuuu.'
Napasulyap si Dwarf kay Onyx. Nagsenyasan pang dalawa at sabay na sumilip ulit sa dalawang nag uusap.
"Ah ganun ba! Kala ko pa naman alam mong mga gusto ko yun pala puro lang sinabi ni Dwarf."
" Kaya nga inaalam ko na lahat eh para dina ako magkamali, kasi baka hagisan mo na naman ako ng apoy."
Napasimangot si Draca ng maalala ang pangyayaring sya ang nagdala sa sugatang si Euri sa pagamutan. Kasi ng gumaling ito hindi na sya tinantanan nito kakasunod at sa inis nya hinagisan nya ito ng bolang apoy. Dun nag umpisa na naging malapit sila sa isa't isa.
"Hindi na nga mauulit sabi yun eh! Bakit mo ba pinapaalala pa sakin ha!"
"Ito naman, sige, hindi na! basta wag ka ng magalit sakin ha!"
Nagkatinginan na naman ang dalawang chismosong nagmamanman, na parang hindi makapaniwala sa mga naririnig nila.
"Bakit mo ako binigyan ng kwentas, para saan naman to?"
Inilabas ni Draca ang kwentas saka niladlad sa harap ni Euri. Kinuha naman nito mula sa kamay ni Draca saka isinuot sa leeg ng diwata.
"Tanda ito ng wagas kong pagmamahal sayo Draca! Mahal talaga kita, kaya sana maniwala kana sakin."
Mahabang nguso ni Draca habang ang kamay naman nito ay sinasalat ang kwentas na isinuot ni Euri sa leeg nya.
"Talaga bang iniibig mo ako o pinag lalaruan nyo lang akong magkakaibigan ha?"
"Draca, kahit mga pasaway kami hindi naman namin magagawang lokohin ka! Saka sa tingin mo hahayaan na lang ni Dwarf na masaktan ka? eh, mahal na mahal ka ng pinsan mong yun kahit na nga na madalas mo syang parusahan."
Napangiti si Draca ng maalala si Dwarf, gusto nya talaga ito! Gustong saktan at parusahan.
"Hmmm may katwiran ka naman dyan."
Umupo si Draca sa gitna ng mga dilaw na bulaklak, saka hinila si Euri paupo sa tabi nya.
"Matagal na kitang gusto Draca, kaya lang nakakatakot kang lapitan dahil baka kagaya ni Dwarf magdusa din ako sa mga kamay mo."
Napasimangot na naman si Draca, pero sandali lang yun dahil napangiti na rin sya ng maisip na may nagkagusto sa kanya kahit na nga masama ang ugali nya.
"Pag naging tayo masisiguro ko bang hindi moko sasaktan ha Euri?"
Nagniningning ang mga mata ni Euri dahil sa narinig na sinabi ni Draca.
"Makakaasa kang ikaw lang ang at wala ng iba, mahal ko!"
"Talaga! Sige tayo ng dalawa, simula ngayon magkasintahan na tayo. Halika higa ka dito pahinga ka saglit mukhang napagod ka sa paligsahan nyu eh!
Nangingiting sabi ni Draca na ikinatalon talon naman ng puso ni Euri. Masayang masaya ito dahil sa wakas natupad na rin ang matagal na nitong pinapangarap. Ipinikit nyang mga mata habang ninanamnam ang kaligayahang nadarama. Hawak nyang kamay ni Draca habang nakaunan sya sa mga hita nito. Maya maya nagsalita si Draca na nagpadilat ng mga mata nya.
"Euri, gawa tayo ng koronang bulaklak sige na!."
Bumangon kaagad sya at tinulungan si Draca na makatayo. May hawak na itong maliit na basket na hindi nya alam kung san nanggaling. Pinuno nila yun ng bulaklak saka umupo ulit at gumawa ng koronang bulaklak. Nakagawa na sila ng tatlo ng umayaw na si draca at nagyayang umuwi.
"Draca." Tawag ni Euri sa kasintahan na inaayos sa basket ang ginawa nilang koronang bulaklak.
"Hmmmm."
Niyakap ito ni Euri ng mahigpit. " Mahal na mahal kita, tandaan mo yan ha!"
Hinaplos ni Draca ang pisngi ni Euri. "Mahal na mahal din kita! Lagi mo ring tandaan yan ha!"
At naglapat ang kanilang mga labi. Una nilang halik na hinding hindi nila makakalimutan kahit kailan.
Habang ang dalawang chismosong nagmamanman sa kanila ay sabay na napapangiti at kinikilig. Ng may maramdaman si Dwarf.
"Onyx, ilayo mo nga yang mukha mo sa batok ko, nakikiliti ako sa hininga mo eh!"
Reklamo ni Dwarf na kahit naiinis masaya pa rin sa nakikitang kaligayahan ng dalawa. Lalo na ng makitang nagyakap at naghalikan sila Euri at Draca. Nanlamig at nangilabot bigla si Dwarf ng may dumila sa batok nya.
"Onyx, anuba! Sinabi ng lumayo ka sakiinnn..!"
Nanggigigil na lilingon sana sya sa likuran ng may kumalabit bandang kanan nya, dun napabaling ang tingin ni Dwarf at nakita nya si Onyx na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanyang likuran.
"Kung katabi kita? eh, sinong nasa likuran ko?"
Dahan dahang lumingon sya sa kanyang likuran, nagkagulatan pa sila ni Draco na nakalabas pang dila para dilaan sana sya ulit. Bago pa sya makasigaw natakpan na ni Onyx ang kanyang bibig saka mabilis syang kinaladkad palayo sa lugar na yun.
"Hah!"
Hingal na hingal si Onyx pagkalabas nila ng kagubatan. Dun na sya binitawan nito. Magsasalita pa sana sya ng makarinig sila ng pagaspas. Agad na dumapa sa damuhan si Onyx samantalang nakatanga naman si Dwarf na naghahabol ng kanyang hininga. Kaagad syang hinila padapa ni Onyx sakto naman ang pagdaan ni Draco sakay si Draca at Euri. Nang makalampas ng mga ito sa kanila saka lang kumalma ang dalawa. At patihayang humiga sa damuhan at deretsong tingin sa kalangitan.
"Muntik na tayo dun ah!"
Hinihingal na sabi ni Onyx, samantalang si Dwarf naman ay kaylapad ng ngiti.
"Sa wakas malaya na ako kay impaktang Dracaaaa wooooohh."
"Wag pakampante kaibigan, dahil kakaiba yang bruha mong pinsan hahaha."
"Wooohhh ang saya saya kooo."
Yun ang akala ni Dwarf, sa pag uugali ni Draca malabong makakalaya pa sya.
?MahikaNiAyana