Magkakaibigan

950 Words
"Gusto kong bumuo ng pamilya kasama ka. Gusto kong maging Ina ng mga magiging anak mo at papalakihin natin sila ng maayos. Gusto kong pagmulat ko palang ng mga mata ko sa umaga ikaw na agad makikita ko. Gusto kong sabay nating lulutuin yung almusal natin tapos magpapaligsahan tayong kainin ito. Gusto kong kasama ka habang nilalabahan natin yung mga maduming damit natin. Gusto ko sabay nating lilinisin yung buong tahanan natin. Gusto kong harapin lahat ng pagsubok ng buhay kasama ka, kasi alam kong basta’t hawak ko ang kamay mo kakayanin natin lahat lahat, kaya wag kang bibitiw ha? Ikaw lang kasi yung gusto kong makasama habang buhay, ikaw lang wala ng iba." Madamdaming saad ni Draca kay Euri habang magkahawak kamay silang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Hinalikan ng kabalyero sa ulo si Draca saka niyakap ito. "Hindi ako mawawala sa tabi mo mahal ko! Kahit na dumating ang araw na ipagtabuyan mo ako o magalit ka sakin, mananatili pa rin ako sa buhay mo. Mahal na mahal kita yan ay pakatandaan mo." Tiningala ni Draca ang kasintahan na may masuyong ngiti sa labi.. Inabot nyang pisngi nito para haplusin saka tumingkayad para halikan ito, ganun din ang ginawa ni Euri yumuko ito para salubungin ang labi ni Draca. Nasa kalagitnaan na't malapit ng maglapat ang kanilang mga labi ng marinig nilang boses ni Dwarf. "A -- araaayyyy... Bakit andaming langgam dito Onyx, san nanggaling ang mga 'to?" "Hahaha tumakbo kana Dwarf kung ayaw mong matustaaa..!" Pagkasabi nun ni Onyx nauna na itong kumaripas ng takbo kasunod si Dwarf na tawa ng tawa habang pinapaulanan sila ni Draca ng bolang apoy. Tawa naman ng tawa si Euri na nanunuod lang habang naghahabulan ang tatlo. "Hooyyy!.. bumalik kayong dalawa ditooo! Mga salot kayo sa buhay namin ng mahal kooo!." Gigil na sigaw ni Draca habang pakumpas kumpas ang kamay nito. "Onyx, bilisan mong tumakbo maaabutan na tayo ng impaktaaaa!." "Hahahaha" Huminto na si Draca kakahabol sa dalawa at nakabalik na sa tabi ni Euri pero yung dalawa tuloy pa rin sa pagtakbo dahil si Draco ng humahabol sa mga ito. "Halika ng umuwi mahal ko! Gagamutin ko yang mga sugat mo, hayaan na natin sila dito, si Draco ng bahala sa mga pasaway na yan." Natatawang napapailing na lang si Euri na nagpahila kay Draca pabalik ng palasyo nila Dwarf. Malayo layo na rin ang nalalakad nilang dalawa ng marinig ulit ang sigaw ni Dwarf. "Dracaaa!... Hoy Dracaaa hah hah.. Pahintuin mo na'tong alagad mooo...! Pagod na pagod na kami ni Onyx waaaahh." "Parusa nyo yan dahil mga kupal kayooo.. Dracooo kapag nahuli mong dalawang yan lapain mo na ng tuluyannn!" Balik sigaw ni Draca sa tatlong naghahabulan. Lalo pa tuloy bumilis ang pagtakbo ng dalawa dahil lumilipad na ngayon si Draco at sinusubukang dagitin silang dalawa ni Onyx. "Euriii..! baka naman!.,. Ahhhh." Si Onyx na nahuli ni Draco at ngayon ay palutang na sa himpapawid dahil hinahagis hagis na ito ni Draco na tila pinaglalaruan lang naman. Nag aalalang nakatingin naman si Euri sa mga kaibigang nanlalata na sa pagod. Binalingan nito si Draca na pangiti ngiti lang. "Mahal, baka pwedeng pahingahin mo na sila, tila kasi dina nila kaya, pagod na pagod na sila." Humarap si Draca kay Euri saka hinaplos ang pisngi nito na madumi at puro galos, kahit ang mga braso nito ay ganun din. Galing kasi ang mga ito sa isang labanan. "Draco! Pahinga na kayo!" Yun lang nasabi nya at sabay sabay na bumagsak ang tatlo sa damuhan. Magkakatabing habol ang paghinga dahil sa pagod. Hinila ni Draco ang dalawa palapit sa katawan nito pinaunan sa tiyan nya saka dinila dilaan pa na tila mga anak lang nya . panay naman ang ilag ng dalawa dahil ang lagkit ng laway ni Draco. "Napaka mapagmahal talaga ng pinsan mo Dwarf, swerte ni Euri sa kanya! Haayy." "Kaya nga Onyx maghanap kana rin ng sayo para hindi ganyang hanggang pangarap kana lang haha." Pinahid muna ni Onyx ang pisngi na puno ng laway ni Draco saka napangising tinukso si Dwarf. "Bakit? ikaw ba eh nakakasiguro dyan sa prinsesang itinatangi mo ha? Eh, kapapanganak pa lang nun, wala pang kamuwang muwang sa mundo.. Saka malay mo sakin pa pala sya magkagusto at hindi sayo.. Hahahaha..." Naiinis na pinagsisipa ni Dwarf si Onyx. Inaabot nya talaga ito kahit medyo malayo sa kanya at kadalasan si Draco ang natatamaan nya na bumabaling naman kaagad sa kanya sabay dila nito. "Ang pikon ay laging talo, Dwarf! Hahaha..Diba Draco tama ako? Dilaan mo si Dwarf kung naiintindihan mo nga ako!" Bumaling muna si Draco kay Onyx bago ipinagpatuloy ang p*****a kay Dwarf. Lalo tuloy napatawa si Onyx ng makitang punong puno na ng laway ni Draco ang mukha ni Dwarf na masama ang tingin sa kanya. "Subukan mo lang sulutin sakin ang Prinsesa Ayana, mapapatay talaga kita Onyx." "Woooo..Talaga lang ha! Mahaba pang lalakbayin mo Kaibigan bago mo makuha ang gusto mo! Kaya pagbutihin mo hmmm.!" "Talaga!" Sa pagsasaya nila ni hindi man lang nila naramdaman na may nagmamatyag sa kanila. Isang engkantong lobo na matagal ng may inggit sa pagkakaibigan nila. 'Makakaganti na rin ako sa inyo, mga hayop kayo.' Puno ng poot at paninibugho ang nararamdaman ni Nada habang tinitingnan isa isa ang magkakaibigan. Mula kay Onyx, Dwarf, Euri at huli ay si Draca na masayang nakikipag usap sa kasintahan nito. 'Ikaw ang mauuna sa listahan Draca, yang sayang nararamdaman mo ngayon papalitan ko yan ng poot at pighati.. Ng walang katapusang pagdurusa..' Kumuyom ang dalawa nitong kamao.. Nagtagis ang mga ngipin. Bago tumalikod para maglaho pero sinulyapan pa ulit nito ang magkakaibigan, nanlilisik ang mga matang tinangay na sya ng hangin palayo. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD