Final Chapter

1969 Words
Ngayong malinaw ng lahat kay Draca at naliwanagan na sya. Hindi nya ngayon alam ang gagawin para lang mapatawad sya ni Euri. Kasalanan nyang lahat dahil ang bilis nyang manghusga. Umalis sya ng Engkantadya at ngayon ay pabalik na sila lalong nadagdagan ang takot nya na harapin si Euri. Kaya para makaiwas dito hindi sya tumuloy sa palasyo nila Dwarf, nanatili sya sa kaharian ng Umbra kung saan kasa kasama nya sila Alex, Prinsesa Ayana at Heneral Ixeo. Gaya ngayon nasa taniman sila ng prutas sa Fairyland. Abala sila ni Alex sa pagkuha ng mangga habang ang heneral kumuha naman ng tubig at ang dalawang prinsesa na sina Ayana at bunsong kapatid nitong si Alitaptap ay nakamasid lang sa kanila. "Ano Draca, marami kana bang napipitas dyan? malapit ng mapuno itong lalagyan ko." Napasimangot si Draca habang tinitingnan ang lalagyan nya. "Hindi pa nga nangangalahati tong lalagyan ko eh, akyatin ko na kaya tong puno ng mangga Alex, dyan ka lang baka may malaglag ikaw ng bahala." "Sabi ko naman kasi sayo kanina akyatin na natin eh!" "Baka kasi mapagalitan tayo ni Mother Golden Fairy!" "Eh bakit naman ngayon, gusto mo ng akyatin?" Napangisi pa sya saka kinindatan si Alex bago sumagot. "Kasi mas madaling mapuno ang lalagyan ko pag nasa taas ako, dun maraming bunga eh!" "Bahala ka! sige na akyatin mu na para makakain na tayo, kanina pako nagugutom eh." Agad na lumambitin sa sanga ng mangga si Draca at maliksing tinalon talon ang bawat sanga makaakyat lang sa pinaka itaas ng puno. Hindi na sya makita nila Alex at Ayana sa lago ng mga dahon, boses na lang nya ang pinakikinggan ni Alex kapag sumisigaw ito tuwing may nahuhulog na bunga. Biglang lumitaw si Dwarf at Euri sa likuran ni Ayana na walang kamalay malay. Kinalabit nya ito at ng lumingon seneyasan nya itong sumama sa kanya. Pagkatapos binalingan ni Dwarf si Euri at sinabihang lapitan nila si Alex na abala kapupulot ng mangga na nahuhulog sa lupa. Sumunod naman ang kaibigan. "Mahal kong Prinsesa, si Euri pala, kaibigan ko." Ngumiti naman agad si Ayana " Hello." Nakangiting bati ni Ayana kay Euri na agad namang sinaway ni Dwarf. "Huwag mo syang ngitian Mahal kong Prinsesa! dapat sakin ka lang ngumingiti ng ganyan hmp." Naiinis na sabi ni Dwarf, saka bumaling sa kaibigan na ngayon ay nakangiting yumoyukod kay Ayana. Ng tumuwid ito ng tayo, pinandilatan kaagad ni Dwarf ng mga mata nya. "Bumati ka na lang, wag mo na syang ngitian." Naiiling na lang na tinikom ni Euri ang bibig saka binati ng seryoso ang mukha na tumingin sa Prinsesa. "Maaliwalas na araw Prinsesa Ayana." Hinampas naman sa balikat ni Ayana ang katipan na tatawa tawa. Napakaloko talaga nito. Bumaling naman si Dwarf kay Alex, saka sinitsitan ito. "Alexxx.. psssttt.." Mahinang tawag ni Dwarf kay Alex na lumingon naman agad sa kanila. Senenyasan nya itong lumapit. "Bakit kayo nandito?" Nagtatakang tanong ni Alex kay Dwarf. Saka nalipat ang tingin nito kay Euri na nakatingala na ngayon sa puno ng mangga. "Sssshhhh, nasan ang bruha?" Tanong ni Dwarf kay Alex na nakataas ang kilay nito sa kanya. "Nasa taas ng puno nangunguha ng mangga, bakit nga?" Nagtatakang tanong ni Alex habang pasulyap sulyap kay Euri na nakikipag usap na ngayon kay Ayana. "Ah ganun ba, sama ka muna samin ng Prinsesa bigyan natin ng oras ang dalawa." Inginuso ni Dwarf si Euri na ngayon ay nakatingala ng may pagtataka sa Puno ng mangga, bigla kasing sumigaw mula dun si Draca. "Alexxx, anu puno na ba?" Nginisihan ni Dwarf si Alex saka tumango. Nakakaintinding napangiti naman ito at sumigaw pabalik kay Draca. "Puno na Draca bumaba kana dyan dali!" Pagkarinig ni Draca na puno ng lalagyan nila ng mangga kaagad syang bumaba sa puno. Wala syang kaalam alam sa surpresang naghihintay sa kanya. Sabay namang naglaho sina Dwarf, Ayana at Alex. Habang si Euri naman ay hindi mapakali habang nakikita nyang pababa na ng puno si Draca, hindi sya nagsalita hinintay nya lang ito na humarap sa kanya. At ng makaharap na ito sa kanya kitang kita nya ang pag awang ng labi nito at paglaki ng mga mata. "E -- Euri! A -- nong.. bakit ka nandito?" Nauutal na tanong ni Draca sa dating kasintahan na parang nasaktan sa narinig mula sa kanya. " Mali ba? Mali bang hintayin ka? Mali bang mag-hintay na baka isang araw bumalik ka sakin? Mali bang pang hawakan ko ang kahit katiting na pag asang meron ako, na mamahalin mo ulit ako? Mali bang umasa? Mali bang magpakatanga ako ng ganito, na kahit na iniwan moko, eto parin ako minamahal ka ng sobra sobra? Mali bang mahalin kita sa kabila ng lahat ng pagkakamali at panghuhusgang nagawa mo? Masama bang magmahal? Mali bang ikaw yung minahal ko Draca?" Nakatulala lang si Draca habang titig na titig naman si Euri dito. Maya maya napailing na lang si Euri at malamlam ang mga matang nagsalita. "Hindi ko magawang kalimutan ka, kasi kahit ilang beses kong itanong sa sarili ko ang mga tanong na ito, meron paring isang bagay na pilit akong hinihila pabalik sayo..." Napayuko na lang si Draca dahil sa mga madamdaming salita ni Euri. Wala syang masabi kaya nanatili syang tahimik, ilang minuto rin ang lumipas bago nagsalita ulit si Euri, iba ng tono ng boses nito. "Kumusta kana Draca? na miss kita! miss na miss na kita. Sana sapat ng panahon na ibinigay ko sa'yo para pakinggan mo na ngayon ang mga paliwanag ko! At sana mapatawad mo na ako Draca!" Pakiusap ni Euri kay Draca na biglang napatakip ng bibig, pinipigil kasi nito ang halo halong emosyon na nararamdaman. "E - Euri? Biglang namasa ang mga mata ni Draca, ng kalaunan sunod sunod ng tumulo ang mga luha nito. Nag aalala namang nilapitan ito ni Euri at inalo. "Draca, tahan na shhhh... tahan na! Ayokong nakikita kang umiiyak kasi mas nasasaktan ako, kaya tahan ka na, pakiusap!" Nanginginig ang katawan ni Draca ng maramdaman nyang yakap ni Euri sa kanya. 'Na miss ko ito, sayang ang mga panahong naging tanga ako at nabulag sa panloloko sakin ni Nada.' "Shhh... tahan na Draca, tama ng iyak! ngayong bumalik kana hinding hindi ko na papayagang magkalayo pa ulit tayo." Si Euri pang humihingi ng tawad kahit na sya ang nagkamali, nakonsensya tuloy sya. Talagang napakabait nito, na kahit anupa yatang kasalanan ang magawa nya mapapatawad at tatanggapin pa rin sya nito. "Patawarin mo ako Euri! nagkulang ang tiwala ko sa'yo at hinusgahan agad kita." Sumisinghot singhot pa ito habang pinupunasan ang mga luhang pumatak sa kanyang pisngi. Napabitaw naman sa pagkakayakap sa kanya si Euri at inilayo sya ng bahagya bago nagtatakang tinitigan sya nito. "Ha! Alam mo ng totoong nangyari noon panu?" "Tinulungan ako ni Dwarf at Alex para malaman ko ang buong katotohanan." Sumilay ang masayang ngiti sa labi ni Euri, halatang nasiyahan ito sa sinabi ni Draca. "Talaga! napakasaya ko! eh di ibig sabihin ba nyan maayos na tayong dalawa? Na kasintahan na ulit kita?" Tumango sya at niyakap ng mahigpit si Euri. Ganun din ang huli. Inangat ni Euri ang mukha nya para sana halikan sya, ng biglang sumulpot si Dwarf sa tabi nila at ihinarang nito ang palad sa pagitan ng mga labi nila ni Euri. "Hoy! Kakabati nyu lang dalawa, tukaan na agad, mahiya naman kayo saming apat." Umigkas ang kamao ni Draca para suntukin si Dwarf na nakangisi pa sa kanilang dalawa ni Euri, pero mabilis nitong nasalag ang kamao ni Draca na lalong nairita kasi hindi nya tinamaan ang kupal nyang pinsan. Isang bolang apoy ang sunod na lumabas sa kamay ni Draca, sapul sa dibdib si Dwarf na nakahawak pa rin sa kamay nya. "Waaahhh, impakta ka talaga! wala kang utang na loob Dracaaaa." Nagtatakbo si Dwarf habang inaapula ang apoy na tumutupok sa harapang damit nito. Nakasunod naman ang mga mata nila dito habang nagtatawanan sa pagkakataranta ni Dwarf. "Bagay lang yan sayo kasi palagi mong pinapainit ang ulo ko." Natatawa pa ring sabi ni Draca. Napatigil sila sa kakatawa ng makita si Alitaptap na pababa sa alagad nitong si Zera. Humahangos itong lumapit sa kanila. "May digmaang nagaganap sa Engkantadya, umuwi na tayo at tulungan natin silang makipaglaban." Agad na sumagot si Heneral Ixeo, may utos sa kanya ang Reyna na dapat nilang sundin, kung hindi lahat sila mapaparusahan, yun ang ayaw nyang mangyari sa kanila kaya hindi sila pwedeng umalis ng Fairyland. "Paumanhin Prinsesa Alitaptap, hindi po tayo maaaring umalis dito, utos po yan ng Reyna." Si Heneral Ixeo lang ang nagsasalita at nagpapaliwanag sa kanila. Nakakunot ang nuo ni Alitaptap habang nakatingin sa Heneral. "Heneral, kahit pa utos yan ni Ina, hindi ako susunod. Babalik ako dun para tumulong, kung ayaw nyung sumama, maiwan kayo dito!" 'Napaka suwail talaga ng bunsong anak ng Reyna! Mapaparusahan ako nito eh! Kasi namannn...' Napahimas ng baba ang Heneral at napapailing na tiningnan sila isa isa. Lahat naman tumango at sumang ayon kay Alitaptap na ngayon ay pasakay na sa alagad nitong ibon. "Mapaparusahan ako nito ng Mahal na Reyna dahil sa inyo eh!" Natatawang tinapik naman ni Ayana ang balikat ng Heneral para kumalma ito. "Ako ng bahala sa Reyna, Heneral, wag na po kayong mag alala. Tara na excited na'kong lumaban." "Abah! Teka lang mahal kong Prinsesa, marunong kana bang makipaglaban ha!" pigil ni Dwarf kay Ayana. "Oo, naman makikita mo mamaya." Habang pinagmamasdan ni Draca ang magkasintahang Dwarf at Ayana napuno ng kaligayahan ang puso nya. Lalo ng tabihan at hawakan ni Euri ang kamay nya. Bumaling sya dito saka ngumiti ng malapad. "Handa kana bang makipaglaban kasama ako mahal ko?" Nagniningning ang mga mata ni Draca sa saya ng sagutin nitong tanong nya. "Palagi lang akong nasa tabi mo mahal ko! Habang buhay." Nangingiting inilabas ni Euri mula sa likuran ang isang maliit na basket na puno ng bulaklak yung koronang bulaklak na ginawa nila dati pa na naiwan ni Draca sa palasyo nila Dwarf, ibinigay nya ito kay Draca na hindi napigilan ang mapatawa ng makita ulit ito. Kinuha nyang isang koronang bulaklak saka nilagay sa ulo nya, tapos kumuha ulit ng isa pa at ipinatong sa ulo ni Euri. "Ayan bagay na bagay satin mahal ko diba?" Hinalikan naman ni Euri sa noo si Draca saka niyakap. "Salamat mahal ko!" Nakangiting tinawag ni Draca si Dwarf na lumapit naman kaagad sa kanya. "Sakin ba yan? Hmmm." Kaagad na tanong ni Dwarf na halatang tuwang tuwa na bahagyang yumoko pa para maipatong ni Draca sa ulo nito ang koronang bulaklak para dito. "Salamat ng marami, impaktang Draca! Hahaha!" Kaagad itong naglaho at lumitaw sa tabi ni Ayana na natatawa na lang sa pinagsasabi ni Dwarf. Napabaling ang tingin ni Draca kay Euri ng magsalita ito. "Mahal na mahal kita Draca" Sasagot pa sana sya ng bigla na lang syang halikan ni Euri sa labi. Kung dipa sumigaw si Dwarf hindi pa sila natigil kakahalikan. "Maya ng tukaan! Harapin muna natin ang digmaan! Tara naaaa..!." Nagkatawanan naman ang lahat saka nagkanya kanyang sakay sa mga alagad ng mga ito. Nakasakay na rin sila Draca at Euri kay Draco. Mula sa araw na ito magsasama na sila ng masaya't maligaya. Dahil gaano man kabigat ang nangyaring problema, ang mahalaga inayos at hindi ka hinayaang mag-isa. Basta't bukal sa puso magbago ang isang nagkasala at pinatunayan niya ito na kaya niyang gawin. Patawarin mo. Hindi perpekto ang isang engkanto para hindi gawin ang mga inaasahan mong bagay. Huwag mo hayaan na ang isang pagkakamali ang maging daan para masira lahat ang tawanan na pinagsaluhan niyong dalawa. Kasi... Kapag mahal mo, aalagaan mo. Kapag mahal mo, kahit anong mangyari iintindihin mo at papatawarin mo. Dahil... Pagkatapos dumaan ng isang araw, kayo lang dalawa ang makakaayos ng hindi nyu pagkakaunawaan at hindi ang iba. Lalo na kung kayong dalawa ang ITINADHANA. ? THE END ? ?MahikaNiAyana

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD