Hindi madaling makamit ang bawat pangarap na ninanais mo. Hindi din madaling iwanan na lang at talikuran ang mga ito dahil ito ay ang mga matagal mo nang gusto. May mga panahon na masisiyahan ka dahil nakamit mo na ang iba sa mga ito. Meron din naman na yayakapin ka ng kalungkutan dahil sa nabigo kang matupad ang isa dito dahil natural lamang yan. Ganyan ang buhay. May mga bagay talaga na mahirap makuha at madaling makamit katulad ng pag-ibig na iyong sinasabi at inaawit. Hinahangad mo na sana dumating na yung taong magpapatibok ng iyong puso, na sana dumating na yung engkantong mamahalin ka ng totoo at sana dumating na yung magbibigay sayo ng kahulugan kung bakit ka nabuhay sa mundong ito. Marami ka pang madadanas na mga pasakit at paghihirap bago ka dumating sa punto ng buhay mong iyan.
Kakailanganin mong matutunan at tanggapin sa sarili mo na kailangan mo munang magbago at maging mas mabuti kaysa sa dati mong anyo.
Kakailanganin mong dumanas ng pagdudusa at sakit mula sa kamay ng iba’t-ibang klase ng engkanto para mas maging matatag ka. Ito lamang ay parte ng buhay na kung saan ay kahit anong gawin mo ay hindi mo matatakasan. Pero gaya ng sinasabi ng iba, kapag napagtagumpayan mo ang mga ito ay magiging iba ka na, iba kana hindi tulad ng dati dahil alam mong kaya mo na. Ang pag-ibig na iyong inaantay dati at hinahangad mo ay hindi lumalapit sayo pero kapag tinuon mo ang sarili mo sa ibang bagay ay alam mong kusa nalang itong lalapit sayo. Alam mong kaya mo nang maghintay para sa kanya. Na alam mong hindi minamadali ang mga bagay dahil sa mga pagmamadaling iyon ay magkakamali ka, na lahat dito ay may itinakdang oras para gisingin ka at hinahayaan mo muna ang panahon na gawin nyang mabuti ang sarili nya bago kayo magkita. Kapag dumating na sa puntong ginising ka na nya mula sa mahimbing mong pagkakapanaginip ay alam mong sya na talaga. Kahit na gaano na katagal ang oras na inyong hinihintay para makilala ang isa’t-isa ay balewala na dahil sa wakas magkasama na kayong dalawa. Kayo na ang itinadhana at itinakda. Kayo ang pinili para pasayahin at mahalin ang bawat isa. Hindi naman kasi balakid ang oras kung talagang nangangarap ka na matutupad ang pinapangarap mo.
Dahil katulad ni Sleeping Beauty, matagal din na panahon ang ginugol nya bago nya makamit ang pag-ibig na totoo.
At ikaw ang sleeping beauty ng kahariang Umbra, Draca....
"Draca! Hoyyy Dracaaa!"
Napakurap kurap si Draca at may pagkalitong napabaling ng tingin kay Dwarf na malayo ang distansya sa kanya na ipinagtaka naman nya kung bakit.
"Bakit? Anong kelangan mo sakin at may pasigaw sigaw ka pang nalalaman dyan ha? Ba't ang layo mo sakin ba't dika lumapit para dika na sumisigaw dyan."
"Bakit ako lalapit sayo ha? Eh di nasaktan mo na naman ako kapag nasa malapit lang ako, kala mo diko alam yang mga balak mo sakin ha! Kabisado na kita oy Draca bruha bleh!"
"Ah ganun ha! May padila dila ka pang nalalaman ha!"
Tumaas ang kamay ni Draca sa ere, kaagad namang may bolang apoy na lumabas dun, sabay bato nya kay Dwarf na ng makita pa lang ang pagtaas nya ng kamay tumakbo na ito palayo pa sa kanya.
"Hinding hindi mo nako masasaktan impaktang Draca.. Hindiiii naaaa! "
Panay ang ilag ni Dwarf sa mga bolang apoy na tila ulan lang na bumabagsak dito. Tuwang tuwa naman si Draca habang hinahabol ang pinsan na panay ang sigaw kapag natatamaan ito aligagang aligaga ito di malaman kung san susuot.
"Galingan mong pag ilag Dwarf kung ayaw mong matusta hahaha."
"Humanda ka saking impakta ka kapag nakaligtas ako ditoooo."
"Yun ay kung matatakasan mong alaga ko! Dracoooo."
Halos madapa na si Dwarf kakatakbo at kakailag ng marinig nyang sinigaw ni Draca mas lalo pa nyang binilisan ang pagtakas. Ng walang kaabog abog may narinig syang pagaspas.
'Patay na... Siguradong ang alagad ni Dracang impakta ang tumutugis sakin.'
Bigla syang naglaho kahit alam naman nyang mahahanap pa rin sya ng pinsan nya ay sinubukan pa rin nya. Ng maramdaman nyang may dumagit sa paa nya alam na nyang katapusan na nya.
"Ahhhh.. Dracaaa. Ibaba moko bruha kaaa!"
Panay ang pasag at sipa ni Dwarf para lang makawala sa alagang dragon ni Draca pero wa epek dahil mahigpit ang pagkakahawak ni Draco sa kanya.
"May palaho laho ka pang nalalaman ha! Kala mo makakalusot ka sakin ha! Sige ngayon ka mag belat belat sakin at uutusan ko si Draco na ihulog ka sa bunganga ng bulkan hahaha."
"Isa kang sumpa sa buhay ko impakta ka, makakaganti rin ako sayo, hintayin mo lang mas sobra pa dito ang ipaparanas ko sayo."
Ngumisi lang si Draca saka hinimas himas ang balat ni Draco, sa ginawa nyang yun nagpaikot ikot sa ere ang dragon habang si Dwarf naman ay sumisigaw kasabay sa paghalakhak ni Draca. At sa lahat ng kaganapang yun nakamasid lang si Euri. Awang awa sya sa kaibigan gusto nya itong tulungan pero alam nyang wala syang laban kay Draca. Malakas ang kapangyarihan nito anuba namang laban nya sa babaeng dragon na yun.. Kung si Dwarf nga tiklop dito sya pa kaya na isang kabalyerong mandirigma lamang.
"Euri, ba't nakatanga ka lang dyan ba't dimu sila inawat ha?"
Nagtatakang tanong ni Onyx na ngayon ay nakatingala na rin kila Draca at Dwarf na paikot ikot pa rin sa himpapawid.
"Alam mong walang nakakapigil kay Draca kung ano ang kagustuhan nyang gawin diba? Anupang silbi kung aawatin ko sila kung alam ko din naman na hindi rin makikinig sakin ang diwatang yan."
"Dika ba naaawa sa kaibigan natin ha! Halika na tulungan mokong awatin ang bruhang yan. Dalii baka wala ng malay ang kaibigan natin kawawa naman."
Kakamot kamot na lang sa ulo si Euri na sinundan si Onyx patungo sa alaga nitong dambuhalang ibon. Sumampa na ito ganun din ang ginawa nya sumampa na rin sya sa alaga nyang dambuhalang agila saka sabay na silang lumipad pa himpapawid. Bandang kanan si Onyx at sa kaliwa naman sya. Ng makapwestong maigi sumenyas sya kay Onyx. Ito ang kumuha sa pansin ni Draca sya naman nag aabang lang sa mangyayari.
"Dracaaa!.. maawa ka naman sa kaibigan namin , wala ng malay oh, kaya itigil mo na yan."
Nakasimangot na nagpalipat lipat ng tingin si Draca sa dalawang mandirigma. Maswerte ang pinsan nya dahil nagkaroon ito ng mga kaibigang maaasahan. Hindi sa naiinggit sya dito, ipinagpapasalamat pa nga nyang bukod sa kanila ng Ina ni dwarf may mga kaibigan pa itong nagmamalasakit dito, basta gustong gusto lang nyang pinaglalaruan si Dwarf, masayang masaya kasi sya kapag nakikita na nya itong nahihirapan.
"Mga sagabal kayo sakin, mga pakialamero! Hayan ng kaibigan nyu, pagsabihan nyu sya na wag akong guguluhin kapag nananahimik ako, dahil kapag inulit pa nyang pambubwisit sakin ihuhulog ko na talaga sya sa loob ng bulkan. Maliwanag ba yun sa inyo ha?"
Galit galitang sigaw nya sa dalawa na sabay pang tumango sa kanya. Napapalatak na lang sya ng magmadali si Euri para saluhin si Dwarf na pabulusok ang bagsak pababa sa lupa.
'Sayang ka Euri kung sa ibang diwata ka lang mapupunta, napakabait mo pa naman siguradong magiging katulad ka lang ni Dwarf. Kinakawawa, inaalipin sa sobrang mapagbigay at kabaitan, mga ugaling kayhirap baguhin kahit na anupang aking gawin.'
Lumipad pa si Draca pataas sa himpapawid ng makitang inaasikaso na si Dwarf ng dalawa nitong kaibigan.
'Sana ako din! Dumating na rin ang engkantadong itinadhana para sakin. Sabi nga ni Golden Mother Fairy ng Fairyland... Para akong si sleeping beauty naghihintay ng itinakda ng tadhana, naghihintay ng isang nilalang na gigising sakin, para makamit ang pag-ibig na totoo.'
?MahikaNiAyana