Ang kabalyerong si Euri, magaling pumana at kung lumaban ay matindi. Sanggang dikit ni onyx hindi lang sa labanan, sila rin ang matinik na kabalyerong mandirigma ng kanilang kaharian..
Pareho lang silang torpe, nagtatago sa kung saan para makasilay sa mga diwatang nag mamay-ari sa mga puso nilang pihikan pero pag nagmahal ay matindi, mahina man sila pagdating sa pag-ibig pero sa pakikipaglaban laging nagwawagi...
Kung si Onyx ay tahimik at seryoso, si Euri naman ay alaskador at palabiro, sa kakisigan pantay lang ang dalawang ito, kaya maraming diwata ang nahuhumaling sa mga ito.. Para kay Euri tanging si diwatang Draca lang ang mahal niya, ang nakatadhanang makasama niya hanggang sa pagtanda, matagal na siyang humihiling kay bathala na sana magkatuluyan na sila...
??
Siguro kaya kita nagustuhan kasi, Ikaw yung lalaking hindi naghahabol. Ikaw lang yung lalaking nagkagusto sakin na hindi nagmamadali. Ikaw yung lalaking ibang iba sa kanila. Na alam mo sa sarili mo yung prayoridad mo. Na kahit hindi ako yon, alam kong para sa mabuti yon. Ewan. Iba ka eh. Masyado mo akong pinag iisip. Sa paraan na ako yung mas nagiging agresibo sayo. Ako yung laging humahanap-hanap sayo. Hindi ako ganung klaseng diwata, kasi... Sanay ako nung ako lagi yung sinusuyo, hinahanap-hanap, nilalapitan. hindi ko inisip na dadating yung ganito na makakakita rin ako ng katapat ko.
Nakakatawa lang isipin na pagdating sayo, parang ang lambot lambot ko. Yung pakiramdam na ayokong mawala ka. Na titiisin ko yung mga araw na hindi ka nagpaparamdam kasi abala ka. Na kahit hindi ko maintindihan yung dahilan kung bakit, Di mo ko magawang kausapin kahit ilang minuto sa araw mo, O kahit magandang gabi O magandang umaga man lang, Pinipilit ko paring unawain na ganun ka lang talaga. Na sinasanay ko yung sarili ko sa ganon.
Iniintindi ko. Inuunawa ko. Kasi sabi mo, gusto mo ko diba? Kaya lang minsan di ko maiwasang pagdudahan ka. Kung ano ba talaga ako sa buhay mo. Kung ano ba talaga tayo. O meron bang tayo? Minsan naguguluhan na rin ako. Ano ba talagang papel ko sa buhay mo? Bakit mo ba pinaglalaruan ang damdamin ko sayo? Ayaw mo bang maging masaya sa piling ko?
Na hanggang ganito na lang ba tayo?
May pagkakataon talaga sa buhay mo na mapapaupo ka na lang. titingin sa kawalan. Hanggang sa unti unting maging sariwa lahat sa isipan mo yung nakaraan. nakaraang di mo na mababalik. Yung mga oras na sana pala sinulit mo na dahil di na mangyayari pa ulit.
Na sana. Ipinaramdam mo na sa kanya yung lahat. Na sana sa maikling panahong ‘yon, hindi mo lang sya napasaya pero sobra sobra pa. Na sana pala. Sana pala niyakap na kita ng mahigpit.
Sana pala hindi na'ko nag alinlangan pang hawakan yung mga kamay mo. Sana pala hindi muna ako umalis para makausap pa kita. Sana pala hindi lang kita tinitigan. Na sana pala, sana pala hinayaan ko na lang na maglapit yung mga labi natin. Sa una at huling beses.
Ganito ba talaga? Totoo pala ‘yun no? Yung sinasabi nilang “Pinagtagpo pero hindi itinadhana.” Nakakaloko lang kasi. Sa maikling panahon na pinagsamahan natin, dun ko nakita yung kulang sakin. Sa kakarampot na oras na inilaan natin sa isa’t isa. Dun ko naramdaman yung totoong saya. Yung sayang walang pangamba at walang takot.
Nakakatawa... Nakakatawang isipin na tapos na.
Na nagkaron ng ending pero hindi happy.
Nakakatawang isipin na nawalan ng tayo hindi dahil sa kagustuhan natin kundi para sa ibang tao.
Pero diba, Alam mo naman yung sinasabi natin diba? Kung anong ipagkakaloob at kagustuhan ni Bathala....Mangyayari.
Ang tanong ko lang....
Pinaglandi lang ba tayo ng tadhana o tayo talaga ang...
"ITINADHANA?
?MahikaNiAyana