Dragonya

996 Words
"Walang awa talaga yang si Draca sayo Dwarf, bakit ba kasi hinahayaan mo na lang syang gawin nya yan sayo? Lumaban ka kasi hindi ganyang tanggap ka lang ng tanggap." Naaawang sabi ni Onyx kay Dwarf na ginagamot na ngayon ni Alex. Ayaw pa sana ni Dwarf magpagamot pero makulit ang mga kaibigan kaya pumayag na din ito kalaunan. "Oo nga naman kaibigan hindi pwedeng palagi kana lang dehado, aba! Itayo mo naman ang puri natin hindi ganyang binabagsak mo." Natawa si Dwarf at Onyx ng marinig ang pagbanggit ni Euri sa puri. Kahit si Alex nahawa sa pagtawa ng dalawa, ng matapos ito sa paggamot kay Dwarf kaagad itong nagligpit ng gamit saka bago mag paalam hindi nito napigilang sumali sa usapan ng magkakaibigan. "Mga kabalyero, gusto nyu bang mapaamo ang dragonyang yun?" Sabay na napatango ang dalawang mandirigma maliban kay Dwarf na seryosong nakikinig lang sa usapan ng tatlo. "Anong magandang naisip mo Alex, ibahagi mo naman samin para dina maging kawawa itong kaibigan namin!" "Huo nga naman! sumusobra na kasi yang Draca na yan porket di lumalaban tong kaibigan namin. Sige na sabihin mo na samin Alex ng magawa na namin!" Pangungulit pa ng dalawa sa mangkukulam na manggagamot, ni hindi man lang napansin ng dalawa ang kislap ng kalokohan sa mga mata ni Alex, tanging si Dwarf lang ang nakapansin nun pero hindi sya nagsalita, nakinig lang sya't naghintay sa sasabihin ni Alex sa dalawa. "Madali lang naman, paibigin nyu sya at tinitiyak ko sa inyo na malaki ang pagbabagong mangyayari kapag natutong umibig si Draca." Napaatras ang dalawa sa narinig na sinabi ni Alex. "Paibigin? Parang gusto mo na kaming mamatay Alex ah! Seryoso ka ba dyan sa payo mo?" Nanlalaki ang mga mata ni Euri na parang natakot talaga sa mungkahi ni Alex sa kanila. "Naku! Kinikilabutan ako sayo Alex, gusto ko pang mabuhay kaya ayokong patulan yang mungkahe mo. Wag na lang yan! Baka may iba pang paraan." "Bahala kayo, lalong masasaktan yang kaibigan nyu kaya mag isip isip din kayo. Sige alis nako! Sa susunod ibang manggagamot ng hilahin nyu ha! Nakaka abala kayo sa paggawa ko ng mga gamot." Yun lang at naglaho na si Alex, nagkatinginan naman ang tatlo at sabay sabay na napailing. "Salamat sa inyong dalawa ha! Malaking tulong na binawi nyu ako sa impaktang Draca na yun." "Eh kung iwasan mo na lang kaya sya Dwarf para dika na nya masaktan?" "Euri, nakalimutan mo yatang nakatira ang dalawang yan sa iisang palasyo, paano naman nya maiiwasan si Draca ha?" "Oo nga ano! Pasensya na nawala lang sa isip ko!" "Eh kung subukan kaya natin ang sinabi ni Alex, baka gumana, eh di wala na tayong dapat na ipag alala pa." Gumaganda ang usapan ng dalawang kaibigan nya, naaaliw sya kung san magtatapos ang usapan ng mga ito. Lihim na lang syang napapangiti dahil parang nahuhulaan na nyang si Euri ang matatalo sa usapan dahil mataktika itong si Onyx. "Ibig mo bang sabihin Onyx papayag kang ligawan mo na si Draca ha!" Nanlalaki pang mga mata ni Euri na parang hindi makapaniwala sa naisip gawin ni Onyx. "Anong ako? Ikaw ang magpapa ibig kay Draca." Lukot ang mukhang biglang sabat ni Onyx kay Euri, na namutla pagkarinig na syang gagawa nun kay Draca. "H - Hindi maaaring ako ang gagawa nun! Ayokong ipahamak ang sarili ko kasi ikamamatay yun ni Ina kapag umuwi akong sugatan samin.. Di pwede! Basta hindi yan mangyayari." Pailing iling pang sabi ni Euri na maya maya napasapo na sa kanyang ulo na parang biglang bumigat ng lumitaw sa balintataw nyang mukha ni Draca. Napakaganda nito oo sang ayon sya dun, pero ang problema ang pag uugali nito, hindi nya kayang makipag sabayan dito. "Ahem!" Si Dwarf na kinukuhang atensyon ni Euri na tila napakabigat ng problema nito. "Ayos ka lang ba kaibigan? Anong nangyayari sayo, bakit ganyan ang hitsura mo?" "Para kang takot na takot dyan?" "Wala! Wala ito! Wag nyo na lang akong pansinin, may naalala lang akong bigla." Alam ni Dwarf na nagsisinungaling si Euri. Halata naman kasi sa hitsura nito. Ganun ba talaga katakot ang mga ito kay Draca? 'Mabait naman ang pinsan nya ah!... minsan' 'Mapagbigay din ito!... minsan' 'Mapag mahal din.... minsan' Natatawang tinapik ni Dwarf sa balikat si Euri. Na ngayon ay nakayuko na at tila malalim ang iniisip. Nakamasid naman si Onyx na tila gulong g**o din ang isipan. "Huwag nyo ng isipin pa yung mga sinabi ni Alex. Hayaan nyo na lang si Draca, kulang kasi yun sa pagmamahal kaya ganun kung umasta." Nagkatinginan sila Euri at Onyx, tila nag uusap ang kanilang mga mata. Kapagkuwan ay sabay na napatingin kay Dwarf na humiga ulit sa higaan nito saka pumikit. Natahimik ang buong silid ni Dwarf, bawat isa sa kanila ay malalim ang iniisip. Maya maya narinig nila ang boses ni Draca na nasa labas lang ng pinto. Kaagad napadilat ng mga mata si Dwarf at nagkatinginan silang magkakaibigan. "Dwarf, nandyan kaba sa loob? Papasok nako bahala ka!" At biglang bumukas na ngang pinto saka diri diretsong pumasok si Draca. Napataas ang kilay nito ng makita sila Onyx at Euri sa loob. "Anong ginagawa nyu dito? May pagpupulong yatang nagaganap dito at ni hindi man lang ako inanyayahan, hmmm bakit naman kaya.? "Anong kailangan mo Draca? Sabihin mo na at nais ko ng ipahinga ang aking katawan." "Aba! Eh ni hindi ka nga napuruhan sa ginawa ko sayo eh! Dagdagan ko kaya hmm?" Naalarma naman si Euri pagkarinig sa sinabi ni Draca kaya inihanda nya ang kanyang sarili lalo ng makitang kumikilos na ng hindi maganda ang diwata. 'Bahala na.' Tumaas ang kanang kamay ni Draca at isang bolang apoy ang lumabas mula dun, inihagis nya ito kay Dwarf pero bago yun tumama sa katawan nito, may biglang humarang at yun ang tinamaan. "Euriii!" Sabay na sigaw nila Onyx at Dwarf habang si Draca naman ay nanigas sa kinatatayuan nito habang pinagmamasdan si Euri na unti unting nilalamon ng apoy. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD