Chapter 20 “HOW I WISH NA sana twin ‘to o kaya ay triplets para exciting.” Napakurap lamang si Indira nang sabihin iyon ni Lunette sa kanyang tabi. Nang umalis siya sa opisina ni Attorney Zapata ay kaagad niyang tinawagan si Lunette at iimporma na dederecho na siya sa bahay nila. Nagbago ang plano niya nang aminin ni Lunette kung nasaan ito. Nasa isang OB-GYN clinic. Mag-isa. “Lunette...” Malamig ang kamay ni Lunette at bahagya pa itong napapitlag nang ginaganap niya ang kamay nito. Hindi nito maikakaila kung gaano ito kinakabahan. “W—who is the father?” Kasing-lambot ng bulak ang pagkakatanong niyon ni Indira at walang bahid ng offense. Lunette tried to stretch her lips into a smile ngunit hirap ito, bagkus ay may pumatak na luha sa mata nito. “During and after my trip in Mala