Chapter 19 DINEKLARA NANG PATAY si Doctor Dillon Fastrada kinse minutos pagkatapos magpaalam si Indira para puntahan si Ida sa Hotel and Casino ng madaling araw na iyon. Walang kamag-anak si Dillon sa Pilipinas. Filipina nga ang ina nito ngunit sa cuidad ng Los Mochis sa bansang Mexico nanirahan ang mag-anak na Fastrada. Wala rin itong kapatid at solong anak. Nakapag-migrate lang si Dillon sa Pilipinas noong taong 1987 dalawang buwan matapos ikasal sa isa ring surgeon sa pinagsisilbihan din nitong ospital sa Mexico na si Ida Welsh na isa namang British ngunit lumaki sa Pilipinas kasama ang madrastang Filipina. Tatlong araw na ibinurol ang labí ng ama ni Indira bago ito inilibing. Sa loob ng tatlong araw na iyon ay hindi man lamang pumunta si Ida, ni ang sumilip ay hindi nito magawa. T