THE CEO’S GAME OF SEDUCTION
HENDRIKUS LAVRENTI
CHAPTER 4
KAPWA NOONG eight years old si Indira at Lunette nang magkakilala ang dalawa sa playground sa loob ng subdivision, sa kanya kasi tumakbo ang alaga nitong puppy. Aliw na aliw siya sa Rottweiler na pet nito dahil ilang beses man niyang hingin sa parents niya na magkaroon ng puppy ay hindi siya pinagbigyan ng kaniyang ina kaya n’ung nakarga niya ang tuta noon ni Lunette ay halos hindi na niya iyon bitawan at isauli. Doon nagsimula ang kanilang pagkakaibigan ni Lunette hanggang sa makailang beses nang nag-lipat bahay si Lunette at ang ina nito ay hindi na naputol ang matatag nilang pagkakaibigan.
Unlike her, Lunette loves to play around with men. Wala itong steady boyfriend. According to Lunette, settling is the ugliest word in her vocabulary. Hindi na rin niya mabilang kung makailang beses na niya itong nadatnan sa bahay nito na may kaniig at hindi iyon iisang lalaki lang. Ngunit gayunpaman ay never niyang j-in-udge ang bestfriend niyang si Lunette. Until tonight.
Pakiramdaman ni Indira ay malakas na magkakambal na sampal ang natanggap niya nang marinig ang lewd na ingay nina Lunette at Todd sa kabilang cubicle. Hindi siya maaaring magkamali. Todd was fvcking her best friend. Her best friend!
Kalabisan man ang naging reaksiyon niya dahil wala naman siyang espesiyal na pagtingin sa huklubang si Todd subalit hindi niya maawat ang sarili na makaramdam na tila siya trinaydor. At ng taong higit pa niyang pinagkakatiwalaan. Kailan pa nagsimula ang affair ni Lunette at Todd? Sure as hell na hindi iyon bago. Ibig sabihin ay matagal nang naglilihim sa kaniya ang kaniyang matalik na kaibigan.
Sa tuwing nagsusumbong siya kay Lunette kung gaano niya kaayaw si Todd ay all out support pa ito. Anito ay hindi si Todd ang lalaking para sa kanya dahil sa reputasiyon na mayroon ito pagdating sa pambababae. Kung asshole ang tingin ni Indira sa binata ay mas masahol pa roon ang turing ni Lunette dito. Ang hindi niya naisip ay may iba na palang motibo ito sa kanyang hudyong manliligaw. Bakit kailangan pa nitong ilihim kung may pagtingin man ito kay Todd? Bakit ganoon ito magsalita na para bang siya na ang pinaka-pathetic na babae sa mundo?
Ang parting iyon ang lubhang nagpapahapdi sa dibdib ni Indira.
Bago pa man siya takasan ng lakas ay mabilis na siyang lumabas ng ladies comfort room ng night bar at casino, totally forgetting kung ano o sino ang totoo niyang sadya roon.
Mabilis siyang pumasok sa cab na siyang pinakamalapit na nakahimpil sa labas ng naturang night bar. Habol niya ang kaniyang hininga.
“Ay, ma’am, pasensiya na po pero―” Dispensasyon sana ng cab driver na tantiya niya ay nasa early fifties na ngunit kagyat ding naputol ang ano mang excuse nito dahil sa hindi na niya napigil ang pag-iyak sa loob ng sasakyan. Naalarma ang cab driver.
“Ma’am―” Muli nitong tawag sa kanyang atensiyon at mag-aalinlangan. Malinaw sa himig ng driver ang sensirong pag-aalala.
“Paandarin n’yo na ho, please.” Hirap niyang usal sa basag na boses. Mas lalo siyang naging desperada na makalayo sa naturang bar nang matanaw niya ang mga kaibigan ni Todd na papasok na rin sa bar. Dumbass! So drama lang pala ng hudyo na Malaki ang pinsala nito sa natamong suntok mula sa parking valet? Liar! Ito lang ang masama ang pakiramdam na nagawang makipagtalik sa kung saan. He should go to hell!
“Please po.” She pleaded helplessly.
“Sige, sige, hija. A, e saan ko po kayo ihahatid?”
“I don’t know,” aniya sa gitna ng mga hikbi. “Ayaw ko po kasing umuwi sa bahay. Wala po akong alam na p’wede ko pang puntahan.” Dahil ang nag-iisang kaibigan ko na takbuhan ko sa tuwing gusto kong umiyak ay niloko ako. Pinagmukha akong pathetic at loser. God!
Kinabig na ng driver ang manibela at mabagal iyong pinatakbo. Somehow, she felt at ease kahit sabihin pang total stranger ang cab driver. Magaan kasi ang loob niya kay Manong dahil mahahalata na mabuti ang kalooban nito.
Patuloy na sumisikap ang kanyang dibdib habang nasa biyahe. Nanlulumo siya sa ginawa ni Lunette sa kanya. Of all people, bakit sa bibig pa nito nanggaling ang ganoon panghahamak sa kaniya? Bakit ganoon na lamang ang galit nito sa kaniya? Ano’ng kasalanan niya? Kung sana ay inamin na lamang nito na may gusto ito kay Todd ay bukal na bukal sa kanyang loob na tulungan pa ito para siya na ang paglaanan ni Todd ng buo nitong atensiyon. Willing naman siya dahil bukod sa ayaw niya kay Todd ay tiyak naman na uunahin niya ang ano mang magpapasaya sa best friend niya. She loves Lunette that much.
“Mawalang galang na, hija kung ako ay medyo makulit at madaldal. Minsan ba ay narinig mo na ang ika nga nila’y de javu?” Napaangat ang hilam na mga mata ni Indira sa rearview mirror upang masilayan lamang ang matamis na ngiti ng driver.
“Uhm, yes po.” Hesitantly, she replied in a low voice.
Umaliwalas pa lalo ang mukha ng tsuper. “Iyong parang eksena noong nakaraan at pakiramdam mo ay nangyari ulit? Alam mo kasi, hija, sa ganitong pagkakataon ko rin nakilala ang aking napakagandang may-bahay.”
Gamit ang kanyang peach na panyo ay pinahid ni Indira ang kanyang pisngi na nabasa ng sariling luha. Kapagkuwan ay tila ba natuon ang kaniyang interest sa kuwento ni Manong. Gusto niyang makinig.
“Maghahating-gabi noon at tsuper lamang ako ng diyepni. Papatida na noon ang alas onse dahil ginabi ako sa pagpapagawa ng mga sira sa jeep ko. Papauwi ako nang may isang babae ang humabol sa jeep ko sa kalsada. Pinasakay ko at sobra ang aking pag-aalinlangan sa mga oras na iyon dahil iyak ito ng iyak, sa isip ko ay baka may masamang nangyari sa babaeng iyon o baka hinahabol ng mga masasamang loob. Nang Makita ko na ang kaniyang mukha, nag-iba ang pakiramdam ko. Iyong pakiramdam na namamasyal ka sa ulap at bahaghari, gan’un mismo ang naramdaman ko nang makita ko ito. Siyan a ‘yung pinakamagandang dilag na aking nakita sa tanang-buhay ko.” The middle-aged driver smiled dreamily. His eyes were full of happiness and contentment. Full of life.
“Nakiusap siya na dalhin ko siya sa isang tagong liwasan. Naroon daw kasi ang mga magaganda niyang alaala kasama ang kaniyang mga magulang at sabi niya na roon daw siya naglalagi kapag siya ay malungkot. Mabilis niya akong pinagkatiwalaan at ako ang kasama niya roon, sa akin siya umiyak. Hininga niya sa akin ang lahat ng hinanakit at suliranin niya.”
Ngumiting muli ang driver habang patuloy na sinasariwa ang kabanatang iyon sa buhay nito. She was so indulged to listen to his story. Kung sana man lang ay gan’un din ang mga magulang niya.
“Buntis siya noon. Tatlong buwan at ang dahilan ng kanyang paninibugho ay ang ama ng kanyang dinadala. Ikakasal na kasi ang lalaki sa iba, sa isang babaeng kabilang sa Buena familia. ‘Yung nakilala kong babae kasi ay hamak na empleyado lang n’ung nakabuntis sa kaniya. Tingin ng mga magulang nu’ng nakabuntis sa kanya ay mortal nang kasalanan kung isang katulad niya ang magiging kabiyak ng anak nila. Iyon ang mahirap intindihin sa mga mayayaman. Gayunpaman, hindi man magandang pakinggan ay itinuring kong pinakamagandang punto iyon sa buhay ko. Dahil ang babaeng iyon ang naging dahilan kung bakit naging sobrang makulay at masaya ang mundo ko. Ako na ang pinakamasuerteng tao noong naging asawa ko siya at ipinagkatiwala niya sa akin ang responsibilidad na maging ama sa bata. Kinompleto nila ang buhay ko. Mahal na mahal na mahal ko ang mag-ina ko. Labis-labis ko silang mahal, segu-segundo.”
Makalipas ang ilang minuto ay inihimpil ni Manong driver ang cab nito malapit sa liwasan na siyang main setting sa kuwento nito. Nabagbag ang kaniyang damdamin. Tila may mahikang dulot ang naturang pook sapagkat gumaan ang pakiramdam ni Indira nang masilayan iyon. It was no surprise that the inactive botanical garden park was still magnificently breathtaking. It was a great and quiet place to stroll through whenever you feel like melancholy and wanted to be close with nature. The place was equipped with tree-covered benches and ampitheatre, man-made pond and a footbridge. But sadly it’s charm was uncared-of. It must be relive.
Naudlot ang kanyang pagbaba sa behikulo nang mapansin niya na napapaluha ang driver. Nagtataka niya itong pinuna sa magalang na pamamaraan. “Manong, bakit ho kayo umiiyak? May pambayad ho ako.” She pathetically said. Iniisip na baka akala nito ay tatakbuhan niya ito nang walang iaabot na pamasahe.
“Wala, hija. Naalala ko lang iyong nangyari noong isang gabi.” Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga.
“Nagkasagutan kasi kami ng anak ko. Nagalit siya sa akin nu’ng nabanggit kong lumapit siya sa tunay niyang ama sa oras na… kapag wala na ako. Natatakot akong iwan silang mag-ina. Natatakot ako. Malaki na ang anak ko pero matayog ang pangarap n’un. Matalino ang batang iyon bukod pa sasobrang bait kahit na medyo chickboy. At nahihiya ako sa kanilang mag-ina dahil malabo nang matupad ko ang pangako ko na mapag-aral siya sa magandang unibersidad. Hindi ko na magagawa. Malabo ko na iyong matupad. Hindi ko na iyon matutupad subalit ayaw niya sa aking suhestiyon na humingi siya ng tulong sa kanyang totoong ama.”
“Why po, Manong? Ayaw niya po bang makita ang biological father niya? I mean, kung ilalagay ko po ang sarili ko sa kalagayan niya ay baka po gan’un din ang maramdaman ko. I could feel how kind you are, Manong. Mahal ka po ng anak ninyo kaya siguro ay ayaw niyang tanggapin na magbabago iyon. In his heart, you are his one and only father. He just loves you so dearly po.”
“Alam niya kung gaano ko siya kamahal. Nag-iisang anak ko lang iyon. Pero, hija, may taning na ang buhay ko.”
Napatda siya sa sunod niyang narinig. Napamaang.
“Malapit na akong pumanaw at…”
“Po? Sandali ho ano po’ng ibig ninyong sabihin? Ano po ang sakit ninyo? Kung hindi po ninyo naitatanong ay kapwa doctors ang parents ko. Matutulungan ko po kayo. We can assist you since may knowledge din po ako sa medicine.” Medyo natataranta niyang usisa. Para siyang naging paranoid bigla.
Nakita niya ang pagngiti nito ng malungkot sa rearview mirror kasabay nang pananahimik nito ng matagal. Marahil ay ayaw na nitong i-elaborate pa ang detalye tungkol sa karamdaman nito at nirerespeto niya ito.
Ngumiti si Indira at nagdesisyon na iabot kay Manong ang one-thousand-peso bill. Noon siya napamulagat nang mapansin ang unti-unting pangingitim ng mga labi ng driver. Tinambol ng abot-hukay na kaba ang kaniyang dibdib nang biglang kinapos ito ng hininga at pinipilit na pinipiga ang dibdib.
“God…God…God…” Ang tanging naiusal niya.
Masuwerte siya na may nakatawag pa siya ng saklolo sa dalawang nagpapahingang street sweeper na Nakita niya at sinamahan siya ng mga ito na isugod si Manong sa pinakamalapit na ospital. Subalit dead on arrival na ito.