THE CEO’S GAME OF SEDUCTION HENDRIKUS LAVRENTI CHAPTER 5 HINDI PA RIN MAPROSESO ng utak ni Indira na sa kauna-unahang beses ay may isang tao na namatay just before her eyes. Bilang isang nangangarap na maging doktor ay noon pa bukas ang isip ni Indira sa ganoong instances. But she can’t dismiss the strong emotional reactions that it caused her. Sadness, guilt at languor ay ilan lang sa tiyak niyang kaniyang nararanasan sa ngayon. She felt so freaking guilty. Ano na lang ang nangyari sa oath niya sa sarili na do no harm? Pakiramdam niya ay wala siyang silbi kahit ginawa naman niya ang lahat ng kaniyang makakaya para mailigtas ang driver. But he still died. “Indira, hija, gising ka na ba? Maaari ba akong pumasok?” Malumanay na boses iyon ni Nanang Guada matapos ang marahan nitong pagka