Continuation of CHAPTER 4

802 Words
CONTINUATION... CATHY's POV: "GO TO MY ROOM, NOW." Madiin na sambit ni Mr. Drake Alejandro nang tapusin niya ang usapan namin. Dumudugo pa rin ang kanyang noo na animo'y naramdaman na nito ang sakit dahil bigla na lang siyang napapadaing. "Ho?" ang tanging bigkas ko pero bigla niyang kinaltok ang aking ulo para maalis ang pagiging lutang at slow ko. "Ang mga kilala kong bakla, matatalino. Ikaw lang itong bakla na masyadong mahina ang takbo ng bran cells," saad niya. "Ano ba kasi ang gagawin ko sa kwarto mo? Magjajack-empoy ba tayo?" kumakamot na turan ko. "Seriously? Nagagawa mo pa talaga ang magbiro ng ganyan? Nakikita mo naman siguro kung anong sinapit ko sa kamay mo? Malamang, gagamutin mo ako sa kwarto... But if you think that having a s*x with you, will ease my pain. Why not? We can also try it... Hindi naman siguro ako makakaramdam ng pandidiri dahil medyo lasing ako," pahayag nito na talagang napakadumi ang nilalabas ng kanyang bibig. Ngumisi naman ako nang nakakainsulto kasabay nang pagtapak ko sa kanyang paa dahilan para lalo siyang mapaaray. Pakatapos no'n ay ako na ang unang humakbang papunta sa kanyang kwarto. "f**k Cathy! Pasalamat ka at hindi ako nananakit ng bakla!" pasigaw nitong sabi. Natatawa na lamang ako dahil kahit papaano ay marunong si Mr. Drake ng tamang pagtrato at pagkontrol sa kanyang sarili. Kahit na sabihin nating ubod siya ng kamanyakan sa katawan ay alam kong hanggang salita lamang ito. Nang nasa kwarto na kaming dalawa ay hinanap ko na kaagad ang first aid kit para umpisahan ko na ang pag-gamot sa kanya. Ayokong tumagal dito sa silid na kasama siya dahil bukod sa may inaasikaso pa ako sa kusina ay hindi ko kayang tingnan ang katawan ni Drake. Nakahubad kasi ito sa pang-itaas ng katawan kaya litaw na litaw ang kanyang malalaking pandesal. Kaya kahit malamig ang kalooban ng kanyang kwarto ay tila hindi tumatalab sa akin ang aircon. Namamawis pa kasi ako ng malamig at hindi rin ako maka-concentrate sa paglalagay ng band aid sa noo niya. "You can touch it if you want... Hindi naman ako madamot pagdating sa katawan ko," sambit nito habang binubulong iyon sa aking tenga. "Mr. Drake Alejandro, akala ko ba ay ayaw mo sa isang tulad ko na bakla? Bakit parang pinagtutulakan mo akong gawin ang bagay na 'yan?" lakas-loob na sambit ko para komprontahin siya. "I'm just giving you the favor... Come on, Cathy... Huwag ka nang magpakipot d'yan, alam kong gusto mo rin naman," litanya ni Drake kaya napalayo ako nang konti sa kanya. Matapang kong tiningnan ang kanyang abs at kunwari ay hindi ako naiilang dito. Gusto ko kasing iparating sa binata na wala akong balak na pagnasaan ang katawan niya. Porke't tingin niya sa akin ay bakla, akala niya yata ay uhaw ako sa mga ganyan. "Hindi pa ba sapat sa'yo ang babaeng kinama mo kanina at parang gusto mo pang maka-isa sa baklang katulad ko? Bakit Mr. Drake? Hindi ba magaling ang performance ng taong 'yon? Hindi ba't kakasabi mo pa lang na satisfied ka na sa ginawa niya?" Taas-kilay kong turan. Bahagya naman siyang napatawa at hingit niya ang aking braso dahilan para ma-out of balance ako sa katawan nito. Napasubsob ako sa mga pandesal niya. Pero sa halip na matuwa ako ay nakaramdam ako ng hapdi sa aking pekpek dahil sa mahabang bagay na isiniksik ko sa aking panty upang magmukha itong batuta. Agad naman akong tumayo at mabilis pa sa kabayo na tumalikod ako sa kanya. Laking gulat ko naman dahil sa pagtayo ko ay nalaglag ang bagay na 'yon mula sa aking palda na agad na nakita ni Drake. "Ano 'yon?" nagtatakang bigkas niya. "Huh? Ah w-wala ho Sir... G-gamit ko lang... Sige ho Sir at ihahanda ko na ang breakfast niyo," turan ko kahit na medyo kabado ako. Akma ko na sanang dadamputin ang mahabang bagay na parang hugis ari ng lalaki. Kaso naunahan ako ni Mr. Drake na kunin ito. Hindi ko magawang tingnan siya dahil tiyak na namumula na ang aking pisngi. "Anong amoy ito? Bakit parang ang baho? Daig pa ang isang isda na umaalisngaw ang lansa," bigkas ni Drake dahilan para mapalunok ako. So ibig sabihin ay inamoy niya pa talaga ito. Pero teka? Sinasabi niya bang mabaho ang aking perlas? Peste siya ha! Napahinga ako nang malalim at kahit hindi ko siya nagagawa lingunin ay gumawa ako ng paraan upang maagaw sa kanya ang bagay na 'yon. "This is mine... Kaya huwag mong hawakan ang hindi sa'yo... Kaligayahan ko ito kaya wala kang magagawa. Bye..." pagsusungit kong saad. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at lumabas na ako ng kanyang kwarto. Muntik na ako roon ha? Muntik na akong mabuking do'n ha? Bakit ba kasi nalaglag pa ito sa panty ko. Mapapahamak ako nang wala sa oras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD