CHAPTER 4
CATHY's POV:
TODAY is another day.
Alas-kwatro pa lang nang madaling araw ay nagising na kaagad ako upang maglinis ng mansion.
Dapat unang trabaho mo pa lang ay makita kaagad ng aking amo na masipag akong tao para yung tiwala nila sa akin ay lalong madagdagan.
Nagluto na rin ako ng almusal na siyang pinag-aralan ko kagabi habang nanonood ako ng tutorial video sa social media. Hindi naman kasi ako gaano kagalingan sa pagluluto, kaya mas gugustuhin kong may ginagaya ako para alam ko ang tamang timpla.
Nga pala, dahil isa akong bakla sa paningin ni Mr. Drake Alejandro, lagi akong nagsusuot ng mahabang bagay sa loob ng aking panty nang sa gano'n ay makita niyang panlalaki ang dinadala kong ari at hindi mani.
Natatawa nga ako dahil ganito pala ang pakiramdam kapag pinaglalaruan ang lalaking may maitim na pagnanasa sa mga kababaihan na katulad ko. Pero dahil matalino akong tao ay hindi niya ako naisahan.
Pakanta-kanta ako ngayon habang nag-aasikaso sa mesa. Inihahanda ko lahat ng almusal para sa pag-gising nila ay hindi na nila kailangan pang maghintay.
Kaso nga lang habang busy ako sa aking ginagawa ay napatigil ako dahil sa kaluskos na akong narinig mula sa pinto na nanggagaling sa labas.
Parang may isang tao kasi ang gustong pumasok sa loob ng mansion. Kaya dahan-dahan akong humakbang para hindi ako makagawa ng ingay dahil gusto kong ambangan ng malakas na palo ang taong nasa likod na ito. Feeling ko kasi ay masamang tao ang nagbabadyang magnakaw dito sa mansion.
Yung mga guard kasi ay tulog na tulog na tila hindi nila ginagampanan ang kanilang trabaho nang maayos. Kaya bilang pagpapakitang gilas ko ay aagawan ko sila ng posisyon. Dahil sa pagkakataong ito, magiging isa akong bayani na hahamakin ko ang aking buhay, huwag lang makanakaw ang hayop na taong 'to.
Sa pagtago ko sa likod ng pinto ay hawak ko na rin ang mahabang panlinis sa sahig. Ito ang gagamitin ko upang saktan ang taong 'yon at kapag natarget ko na ang kanyang ulo ay saka ako sisigaw para makita ng lahat kung gaano ako katapang na babae.
Dinamdam ko ang bawat hakbang ng lalaki. Ilang segundo ay mahina nitong binuksan ang pinto dahilan para mahigpit kong hinawakan ang bagay na ihahampas ko sa kanya.
Sa madilim sa mansion. Nakasara kasi ang ilaw sa loob at tanging sa labas lang nakabukas ang mga ilaw. Kaya hindi ko makilala ang taong ito. Pero dahil sa mautak ako, nagawa ko ngang matarget ang kanyang ulo. Malakas ko siyang hinampas. At sa palagay ko, noo niya ang aking nasapo dahil bigla siyang umaray at namilipit sa sakit.
"WHO THE HELL IS THAT? PUTANGINA!" malutong na mura nito.
His voice... is very familiar. Parang kaboses niya si Mr. Drake Alejandro. Pero bakit parang kakauwi niya pa lang? Saan ba siya nanggaling at madaling araw na siyang umuwi?
Gusto ko sanang tanungin siya kaya lang mas nanguna ang takot sa dibdib ko lalo na't yung boses niya ay nakakasindak. Halatang galit na galit ito. Kaya ang ginawa ko, binitiwan ko ang hawak kong panlinis at hahakbang na sana ako palayo. Pero bigla nitong hinawakan ang aking braso na animo'y alam niya kung saan ako nakapwesto. Kahit madilim, nagawa niya akong pigilan na huwag makaalis sa tabi niya.
"Sino ka? At anong karapatan mo na saktan ako?" giit nitong sambit. Pero hindi ako sumasagot dahil alam kong malilintikan ako nang wala sa oras.
"Just answer my f*****g question, or else, I will kill you right here, right now!" paninigaw niya. Naging hudyat ito para mapaamin na ako.
"Si Cathy ho Sir. Catherine Sanchez, your m-maid," nauutal kong paliwanag habang pinagpapawisan ako ng malamig na tubig sa katawan.
Maya-maya ay narinig ko ang pagbukas niya ng switch dahilan para magkaroon ng liwanag sa loob. And that's the time na nakita ko ang kanyang noo na may dugong umaagos.
Oh my gosh... Mukhang napuruhan ko nga si Sir at talagang nagkasugat pa siya.
"I-I'm sorry Sir, akala ko kasi magnanakaw kayo kaya nagawa ko 'yon. Hindi ko naman po kasi alam na nasa labas ka pa pala," paliwanag ko kaagad dito.
Pero yung mata niya ay nanlilisik na tila hindi siya handang pakinggan o paniwalaan ang sinasabi ko.
"Sa tingin mo ba ay ganyan lang kadali ang magpatawad Ms. Cathy? Look at me, ganito mo ba itrato ang boss mo?" pagtuturo nito sa kanyang noo.
"Kaya nga ako nagsosorry eh. Malay ko bang may lahi ka palang aswang... Sino ba kasing normal na tao ang uuwi nang ganitong oras. Hindi ka naman call center para umuwi ng madaling araw. Wala ka namang trabaho kasi mayaman ka na. Kaya hindi mo ako masisisi Mr. Drake kung bigla kitang hinampas. Because I am just protecting this mansion. Ayokong manakawan kayo kaya ginawa ko ang makakaya ko na pigilan ang magnanakaw," mahabang litanya ko.
"So are you saying that I am a thief?" bigkas nito.
"Akala nga di ba? In english, accusation. O haka-haka... Kaya pasensya na Sir... Pasensya na kung nasaktan ko kayo... Ikaw naman kasi, kasalanan mo rin. Gala ka nang gala. Saan ka ba kasi pumupunta?" pahayag ko naman. Parang hindi naman siya dumaan sa grade two kung hindi niya maintindihan ang paliwanag ko. At hindi ko rin maiwasan na tanungin kung saan ba ito nanggaling dahil masyado akong nagtataka na nasa labas pa pala siya.
And guess what? Ang bango niya. Isabay mo pa na maporma ang kasuotan ng lalaki na animo'y galing siya sa---
"Galing ako sa club... Pumunta ako roon para maghanap ng tunay na babae. Dahil hindi ko lubos maisip na yung makakasama ko dito sa mansion, ay isang bakla pala na may tinatagong tubo sa loob ng palda. Kaya mas pinili ko na lang pumunta ng club, just to satisfied my s****l desire. In other words, may kinama akong babae," turan nito na talagang tumama ang aking iniisip sa kanya.
Ibang klase talaga si Mr. Drake Alejandro. Kung kamanyakan lang sa katawan ang pag-uusapan, hindi ko ipapatalo ang boss kong ito na daig pa yung may sakit sa itlog.
Dahil pala sa akin kaya siya naghanap ng babae. Paniwalang-paniwala talaga siya na isa akong shokla.