CHAPTER 5 CATHY's POV: "SI DRAKE? GISING NA BA?" Ayan agad ang bungad na tanong sa akin ni Madam. Ang mother ni Drake na siyang kakagising pa lang. Saktong nadatnan niya ako sa kusina habang nilalagay ang mga niluto ko sa mga mangkok. Kaya ngumiti naman ako rito upang batiin agad ang Ginang. "Good morning Ma'am... Upo po kayo at kumain na ho kayo ng almusal," pagbati ko rito na may ngiti sa labi. Umupo naman ito pero agad niya akong inutusan para tawagin si Drake. "Please call my son first. Pakigising naman siya hija... Gusto ko sanang makasama siya sa pagkain ng breakfast," saad niya. "Naku Ma'am, kakatulog lang po ng anak niyo kaya malilintikan po ako kapag ginising ko siya," pagkikwento ko naman rito. "Kakatulog? You mean, kakauwi pa lang ng anak ko?" tanong niya upang malinawan