CHAPTER 46 DOC. AIDEN's POV: PAUWI na ako ngayon sa Bicol. Pero bago ako nagpatuloy sa pagmamaneho patungo roon ay bumili muna ako ng mga pasalubong para sa aking pamilya at sa pamilya ni Cathy. Gusto kong pasayahin ang mga mahahalagang tao sa buhay ko sa pamamagitan nang pagbibigay ko ng munting regalo sa kanila. Kaya dumaan muna ako sa mall at kung ano ang siyang nadampot ng aking kamay ay iyon mismo ang kinukuha ko na walang paligoy-ligoy. Nag-leave muna ako ng ilang araw sa pagiging Doktor dahil gusto ko rin munang atupagin ang pagiging binata at single ko. Masyado ko na kasi napapabayaan ang aking sarili kaya kailangan na ito na muna ang pagtuunan ko ng pansin. Baka kasi umabot na ako ng trenta ay hindi pa ako magkaroon ng girlfriend. Kaya nais kong umuwi sa Probinsya para magk