CHAPTER 45 CATHY's POV: ITO na nga ba ang kinababahala ko. Maraming nangingialam. Maraming nagtatanong. Halos lahat ay iisa lang ang lagi nilang sinasabi, na mas gusto nila si Richard kaysa kay Drake dahil mas angat ang buhay ngayon ng binata kumpara sa naging boyfriend ko. Kung alam lang nila ang totoo na boss ko si Drake at isa siyang bilyonaryong tao ay tiyak ko na hindi ganito ang sasapitin niyang mga salita mula sa mga tao rito sa barangay. Pero mabuti na rin na nagpanggap siyang mahirap dahil dito ko nalaman kung sino talaga ang mga taong suportado sa relasyon namin. "Mukhang tinatawag ka na ni itay, Drake. Sige na, punta ka na sa bukid... Mamayang gabi ay hihilutin na lang kita kapag sumakit iyang katawan mo," turan ko sa binata matapos ko siyang lambingin. Halos panay ang su