CHAPTER 47 CATHY POV: "IKAW? I-ikaw si Richard?" Hindi makapaniwalang bigkas ko habang nakatingin ako ngayon sa isang lalaki na siyang nakatayo sa mismong harapan ko. Tanging pulgada lang ang pagitan naming dalawa kung kaya't pinagmasdan ko nang husto ang kanyang mukha. Si Doctor Aiden na siyang nakilala namin sa Zambales at naging kliyente sana ni Drake ay ang lalaki na masugid kong manliligaw noon pa man? I can't believe this. Parang ayokong paniwalaan ang sinabi ng binatang nasa loob ng bahay. Masyado namang maliit ang mundo para sa aming tatlo. Sino bang mag-aakala na yung taong kinaseselosan ni Drake sa Zambales ay walang iba kundi ang taong kinaseselosan niya rin hanggang ngayon dahil pangalan ni Richard ang bukambibig ng mga tao rito sa amin. "Hindi ba obvious Cathy? Kaya