CHAPTER 2
CATHY's POV:
"75k in a month... Ganyan ang sweldo mo sa isang buwan kung tatanggapin mo nga ang pagiging yaya ng anak ko. Pero kung hindi ay ayos lang na umalis ka na sa mansion... Kaya pag-isipan mong mabuti ang desisyon mo Ms. Cathy... Hindi naman ako madamot pagdating sa pagpapasweldo, kapag nagtagal ka ng limang buwan ay pwede bang tumaas ang makukuha mong sweldo," saad ng Ginang habang nag-uusap kami sa opisina niya.
Hindi pa naman talaga ako literal na katulong dito dahil hindi pa naman ako pumapayag. Maling impormasyon kasi ang sinabi sa akin ng taong pinag-applyan ko. At sabi ni Ginang ay naiintindihan niya kung magbago ang isip ko.
Pero paano magbabago ang isip ko, kung ganito kalaki ang perang seswelduhin ko? Sa isang taon ay pwede ako maging milyonarya kung gagawin ko ang aking trabaho ng maayos.
Kaya lang sa tuwing naiisip ko si Mr. Drake Alejandro ay pakiramdam ko ay may gagawin siyang hindi maganda sa akin.
Kaso sayang ng pera kung tatanggihan ko ang ganitong offer. Marami na akong maiipon nito kapag grinab ko ang opportunity na maging yaya ng kumag na 'yon.
Sa tagal nang pag-iisip ko ay napagdesisyunan ko pa rin sa huli na mag-stay sa mansion. Wala namang mali kung susubukan ko ang trabaho ko bilang katulong.
"Palaban ka Cathy diba? Kaya yakang-yaka mo ang ugali ni Mr. Drake Alejandro. Huwag na huwag ka lang magpadala sa mga salita niya at mga kilos niya... Hindi mo dapat ipahalata na nasisindak ka... So calm down Cathy, lawakan mo ang iyong pag-iisip at pahabain mo ang iyong pasensya," pagkakausap ko sa aking sarili habang nasa kwarto na ako na siyang matutulugan ko.
Maganda ang kwarto ko. Malaki at talagang komportable siya na tulugan. Feeling ko nga ay isa akong anak ng may-ari dahil sa maayos na trato sa akin ng Ginang.
Mabait ang mama ni Drake Alejandro, pero ang anak niya, literal na demonyo nga. Isama mo pa na masyado siyang babaero.
Humiga muna ako sa malambot na kama dahil mahaba rin ang byinahe ko. Halos ilang oras ang nilaan ko para lang makahanap ng trabaho. Kaya kailangan ko na iinat ang aking katawan.
Gumulong-gulong naman ako sa kama at dinadama ko ang kalambutan nito. Actually, walang ganito sa amin. Isang matigas na katre o banig ang siyang hinihigaan namin. Hindi kasi uso sa mahihirap ang kutson. At ganito pala ang pakiramdam na makahiga sa ganitong kama, napakasarap sa likod.
Sa sobrang enjoy ko sa kakagulong ay hindi ko agad nakita ang isang lalaki na nakatayo sa pinto ng kwarto ko.
Ganito kasi ako kapag nasisiyahan sa maliit na bagay, talagang wala akong pakialam sa paligid. Pero dahil narinig ko ang mahinang pagtawa niya ay napatigil ako sa pag-gulong at napabalikwas ng higa.
Si Mr. Drake Alejandro, nandito siya sa loob ng aking silid at talagang nakasanday pa siya sa dingding habang pinagmamasdan ang aking ginagawa.
"P-paano ka nakapasok dito? Hindi ba't nakasara ang pinto ko? Wala ka bang manners, Mr. Drake? Paano na lang kung nakahubad ako? Ni hindi ka marunong humingi ng permiso bago pumasok," saad ko sa binata at pinutakte ko siya ng mga salita.
Kaso sa halip na sumagot siya at naningkit lang ang mata niya kasabay nang pagpapakita niya ng susi.
"Mr. Drake Alejandro, alam kong yaya mo ako dito at boss kita, pero hindi mo ba alam ang salitang privacy? O baka naman, sinasadya mo agad akong bosohan para makita mo kung pasado ako sa standards mo," ani ko na hindi pa rin tumitigil ang aking bunganga.
For the second time ay hindi siya sumagot. Instead, he walk slowly towards to me. At nang magkaharap na kami ay gano'n na lamang ang aking gulat nang dampian niya ng daliri ang aking hinaharap na parang ginawa niya akong door bell dahil sa pagpindot niya dito.
"Bastos!" ang tanging naisigaw ko at ako na mismo ang lumayo sa lalaki.
"Napaka-bastos mo talaga! Pwede kitang kasuhan sa ginagawa mo!" pananakot ko sa kanya pero taas kilay lang ang lalaki.
"Kasuhan? Bakit mo naman ako kakasuhan, Miss Cathy? Malay ko bang dede pala 'yan. Akala ko kasi ay pader," turan nito sa akin na parang minamaliit niya ang aking s**o.
"Alam kong maliit ang dede ko, Mr. Drake. Kaya huwag mo nang ipamukha sa akin 'yan dahil matagal ko na itong alam," umuusok na sambit ko. Hindi ko na rin itnanggi pa ang kanyang sinabi dahil totoo naman.
"Kung pagod ka na sa ganyang sitwasyon, nandito ako para tulungan kang pausbungin 'yan... Just call my name, Ms. Cathy, handa naman akong diligan ka kahit na medyo maasim ka tingnan... Handa akong isantabi 'yon para lang matulungan ka," wika niya na hindi ko alam kung dapat ba ako magpasalamat o manampal ng tao.
"Salamat ha? Ang sweet mo magsalita, Mr. Drake. Nakaka-touch... Maasim pala ha," sakrastikong sambit ko at pasimple kong inamoy ang aking damit at katawan.
Mukhang tama nga siya... Medyo maasim na nga ako dahil siguro natuyuan ako ng pawis.
"Ano ba kasing kailangan mo at pumasok ka sa kwarto ko? Hindi ba sinabi sayo ng nanay mo na bukas pa ako magsisimula ng trabaho?" tanging turan ko na lamang upang malaman ko ang dahilan ng pagpasok niya.
"I want to check you... Naalala mo ba yung sinabi ko sayo kanina? Hindi ako nagbibiro do'n Ms. Cathy. Dahil hindi naman ako yung tipo ng lalaki na kukuha na lang ng magiging yaya na hindi ko gaanong nakikita ang kaloob-looban... Kaya maghubad ka, nang sa gano'n ay makita ko kung pasado ka sa panlasa ko," wika niya na tila uhaw siyang makita ang p********e ko.
"Uhaw ka ba sa pepe Mr. Drake? Anong akala mo sa akin, uto-uto na maghuhubad sa harapan mo? Alam mo, kung wala ka sa tamang pag-iisip, magpa-rehab ka na lang kaya. Idadamay mo pa ako sa kabastusan mo... Kung gusto mong makakita ng perlas ng silanganan, edi pumunta ka ng club at marami kang makikita do'n na pwede mo pang i-check in... Hanep na trip mong 'yan, ginawa mo pa akong si Magdalena na tulog sa umaga, gising sa gabi," bigkas ko upang patigilin lamang si Drake sa kanyang kahibangan.
Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit walang tumatagal na yaya dito dahil sa pagiging bastos niya.