Continuation...
CATHY's POV:
"BAKIT BA AYAW MO SA AKIN IPAKITA ANG KATAWAN MO, MS. CATHY? MAY TINATAGO KA SIGURO D'YAN, NOH?" bigkas ni Drake na animo'y gumagawa talaga siya ng paraan upang masilip lamang ang katawan ko at balat ko.
Sa sobrang inis ko ay napakamot ako ng aking tenga dahil baka hindi ko matantiya ang emosyon ko. Mahirap na, boss ko siya, baka mapatay ko ito ng wala sa oras.
Kaso ayaw niya akong tantanan eh.
"TINATAGO? Nasaan ba ang utak mo Mr. Alejandro? Nasa puwet mo ba? Sino bang matinong babae ang ipapakita sayo ang katawan niya? Kung makapagrequest ka d'yan, akala mo yata ay naghihingi ka lang ng candy... Wala akong ipapakita sayo. Dahil wala kang karapatan na makita ang katawan ko... Bakit, asawa ba kita? Pagmamay-ari mo ba ako? Loko ka ha! Lakas ng amats mo!" singhal ko na halos ay tumaas na ang aking dugo sa utak.
Parang aatakihin yata ako dito sa mansion dahil sa kagagawan ng boss kong ubod ng kamanyakan.
Nagawa ko na siyang duruin at ipinakita ko sa kanya na hindi ako natatakot.
"Isa pa talagang pangungulit mo sa akin, tatamaan ka na Mr. Drake Alejandro. Wala akong pakialam kahit na ikaw ang amo ko... Itong tatandaan mo, ibahin mo ako sa mga babae mo! Bwisit ka!" pasegundang saad ko.
But he just smirked at me. Kaakibat nito ay napatingin siya sa ibabang parte ng aking katawan.
Hindi ko alam ang tumatakbo sa isipan niya. Para siyang tanga dahil bigla na lamang itong napatawa.
"May nakakatawa ba sa akin Mr. Alejandro?" taas-kilay kong bigkas at nagawa ko na siyang tanungin.
"Meron... Pero ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit ayaw mong ipakita sa akin ang katawan mo. Hindi mo naman agad sinabi, sana ay naging tapat ka nang sa gano'n ay hindi tayo umabot sa ganitong sitwasyon," ani niya kaya medyo naguguluhan naman ako.
Hindi kasi mawala sa kanya ang kanyang pagtawa na para sa akin ay nakakainsulto ito sa pandinig ko.
"Ano bang pinagsasabi mo? Pwede ba, direktahin mo na lang ako... Hindi pa nga ako nagsisimula sa trabaho ko bilang yaya, inuubos mo na kaagad ang pasensya ko," saad ko rito.
"Masyado kang pikunin... Baka magalit ang ibon mo sa ibaba," pahayag niya na aking ikinataka.
"Ibon?" I asked him. Wala naman akong ibon eh. Kaya saan galing ang ibon na tinutukoy niya?
"Yes. A bird... Tingnan mo, bumubukol pa. Ayan pala ang dahilan kaya masyado kang pakipot sa akin. Nahihiya ka na malaman kong isa kang bakla... Pero huwag kang mag-alala, hindi big deal sa akin ang pagiging bakla ng isang tao, as long as, kaya mo akong paligayahin," ani niya na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ma-gets ang pinupunto niya.
"Anong---" Bago pa man ako makasigaw sa kanya ay tinakpan niya ang aking bibig at mabilis niya akong isinanday sa dingding.
Medyo masakit ang pagkakasalpak ng likod ko sa pader. Pero ramdam ko pa rin ang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa aming posisyon ngayon.
Hindi ko mawari'y na may angking kaliksihan si Drake na tila gamay na gamay niya ang ganitong eksena.
Mukhang sanay na siyang ginaganito ang mga babaeng katulad ko.
"Ms. Cathy, naiintindihan ko kung isa kang serena. Wala naman sa aking kaso 'yon. Because for me, gender doesn't matter. Kaya matatanggap kita bilang katulong ko. Pero hindi ko na yata kayang pahubarin ka pa lalo na't pareho pala tayo ng dinadala... So don't be afraid, dahil nawalan na ako ng interes na silipin ko pa 'yan... Kaya hindi na kita pipilitin pa sa gano'n, Ms. Cathy... But honestly speaking, nakakawindang ang ganda mo. Pero nakaka-turn off nga lang dahil may lawit ka rin pala, katulad ko... Baka ang mangyari nito ay mag-espadahan tayong dalawa, imbis na magkiskissan," wika niya at saka niya inalis ang kanyang kamay sa bibig ko.
Hindi na rin siya nagtagal pa sa aking kwarto at lumabas na ang binata.
Habang ako ay naiwang nakanganga at pinag-isipan kong mabuti ang kanyang sinabi.
Kaya awtomatikong napatingin ako sa ibabang parte ng katawan ko kung saan ay meron ngang nakaumbok dito na parang tite lang kung titingnan.
Pero hindi ito batuta eh, isa itong monopad na ginagamit pangselfie sa cellphone.
Agad kong binalikwas ang aking mahabang suot na palda at saka ko inalis ang monopad.
Maging ako ay napatawa na rin sapagkat hindi ko inaasahan na isasalba ako ng monopad na ito sa kabastusan ni Mr. Drake Alejandro.
"Ikaw lang pala ang solusyon ko sa manyakis kong Boss... Kung alam ko lang na takot pala siya sa kargada na meron ako, ay dapat pala kanina pa ako nagpanggap na bakla," hagikhik kong turan.
Natatawa lalo ako nang sumagi sa isipan ko yung reaksyon ni Mr. Drake Alejandro.
"Mukhang magtatagal nga ako sa pagiging katulong dito. Basta ba, pangangatawanan ko ang pagiging isang bakla... Dahil kapag may bumabakat sa akin sa baba, hindi ako magagawang manyakin ni Drake... Tama, ang galing ko talaga. Ang galing ng utak ko," patuloy kong sabi.
Ngayon ay alam ko na ang aking gagawin. Hindi ko na kailangan pa ang mangamba sa boss ko.
Ang dapat kong gawin ngayon ay ingatan na huwag mabuking ni Drake na isa akong tunay na babae.