Continuation of Chapter 1

1049 Words
Continuation... CATHY's POV: Bente-otso na? Ganyan ang edad ng aalagaan kong tao? Matapos kong marinig ang sagot ni Ma'am sa akin ay napangiwi ang labi ko. Tila gusto ko nang umurong sa trabaho na ito dahil sa edad na sinambit niya. Kaso naisip ko na baka may kapansanan ang anak niya kung kaya't kailangan nito ng yaya. "PWD ba ang anak niyo Ma'am? Kasi kung PWD siya y maiintindihan ko ang kalagayan niya. Pero kung kompleto ang katawan niya ay mukhang imposible naman yata na kailangan niya pa ng katulad ko. I mean, nasa legal age na siya. At kung tutuusin ay mas matanda siya sa akin ng dalawang taon," ani ko sa Ginang habang napapalunok ako ng laway. I don't know what to say. Para akong nauubusan na ng laway dahil natutuyo na ito sa aking lalamunan. "I'm sorry hija, but my son is almost perfect... Pagdating sa pisikal na anyo at panlabas ay wala kang masasabi sa anak ko. He's handsome, hot and attractive. Baka nga ay ma-inlove ka sa kanya kapag nakita mo siya," wika ni Ma'am na tila pinagyayabang niya pa ang kanyang anak. "Naku Ma'am, imposible... Hindi naman ako mahilig sa mga gwapo. At saka, trabaho po ang hanap ko, hindi love life," ani ko naman. Akala niya yata ay east to get akong babae. Hindi niya alam na idol ko si Maria Clara. Hinding-hindi nagpapadala sa mga abs. "Nice to hear that Ms. Cathy... I'm happy that you are different from other woman.. Pero huwag kang magsalita nang patapos, kilala ko si Drake... Para siyang gayuma na mismong babae na ang kusang lumalapit at nahuhulog sa kanya," pahayag muli nito dahilan para mapahagikhik ako nang marahan. Ewan ko ba, pero yung mga salita niya ay masyadong mahangin ang datingan. I know that she is very proud for her son. Kaso nasobrahan naman yata ang pagiging proud niya. "Oh bakit parang hindi ka makapaniwala?" she asked me. "Hindi naman sa gano'n Ma'am. Masiyahin lang talaga ako na tao," pagpapalusot ko na lamang. "So pa'no? Tutuloy ka pa ba bilang katulong ng anak ko? Bilang yaya niya?" pagbabalik nito sa aming usapan. Naging hudyat na ito para mapaisip ako. Kaya lang nung akmang magdedesisyon na ako ay bigla kong narinig ang tinig ng isang lalaki mula sa itaas. Ang boses niya, halatang kakagising lang. He's looking for a food dahil tinatawag niya ang kanyang ina. "Ready na ba ang breakfast mama? Nagugutom na ako," bigkas niya at paunti-unti siyang humahakbang paibaba nang hagdan. Hindi niya pa yata ako nakikita dahil nakatalikod ako, kaya para sa kanya, iba ang dating ko. "Yes, my son. The breakfast is ready. Mauna ka nang kumain dahil may kausap pa ako," saad ni Ginang dito bilang kasagutan sa kanyang anak. "Mama, ang aga-aga pakikichismisan agad ang inaatupag niyo... Talagang pinapasok niyo pa ang isang Ale sa mansion. Baka mamaya, may sakit 'yan edi mahawaan pa tayo," wika nito na animo'y sa paningin niya ay isa akong ale na chismosa sa kanto. Dito ay nagkaroon ako nang pagkakataon na lingunin ang lalaki. "Mawalang galang na Mister, pero hindi ako isang Ale lamang... Binibini pa ako. 'Miss' in english," taas-kilay kong bigkas dahilan para magkatitigan kaming dalawa. Nagulantang ako nang masilayan ko nang malapitan ang kanyang pagmumukha. Ako itong nahiya dahil masyado ngang malinis sa katawan ang lalaki. Isabay mo pa yung pagiging pointed nose niya at kissable lips ng binata. Tama nga naman yung pagkaka-describe ni Ginang sa anak niya. Perpekto nga ito na talagang wala kang masasabing negatibo pagdating sa itsura nito. Pero agad ko ring iniwasan ang tingin ko sa kanya dahil baka isipin nito ay nagkaroon ako ng interes. "Hijo, siya ang new maid mo... Si Cathy... Napaka-simple niya diba? At hindi maipagkakaila na maganda siya," wika ni Ginang na siyang nagbasag nang katahimikan sa pagitan namin. Pareho kasi kaming hindi nakapagsalita na tila sa mata lang kami nangungusap. "My new maid? Mama, alam mo kung ano ang tipo ko sa isang yaya," turan nito na animo'y sinasabi niyang hindi ako kagandahan. "Are you saying that I am ugly?" matapang na bigkas ko. Mabuti na yung straight to the point, dahil ayokong daanin niya ako sa mabulaklak na salita. "Hindi naman... Pero yung kasuotan mo, hindi ko gusto," tugon niya sabay tingin sa akin mula taas hanggang ibaba. Mahaba kasi lagi ang suot ko. Kaya hindi nito magawang makita ang aking legs. "Bakit, may mali ba sa suot ko Mr. Drake?" I asked again. This time, nakipagsukatan na talaga ako ng tingin sa kanya at hindi na ako nasindak pa. "Meron ngang mali sa suot mo... Masyadong mahaba... Siguro marami kang galis sa katawan mo kaya tinatakpan mo," panghuhusga nito. "Walang galis ang katawan ko, noh! Para sabihin ko sa'yo, makinis din ang kutis ko. Kaya huwag kang judgemental, Mr. Drake," usal ko uli. "Then take off your clothes." mabilis na saad niya. "Ano?" "Patunayan mo... Para naman makita ko kung nagsasabi ka ng totoo... Maghubad ka Ms. Cathy, nang sa gayon hindi na kita magagawang insultuhin pa," wika nito sa pamamagitan ng kakaibang boses. Eto na yata ang tinutukoy ng nanay niya sa akin, na hindi normal na tao ang anak niya. "Adik ka ba?" sambit ko rito na ikinagulat niya. Napahinga ako nang malalim at napaayos nang aking pagkakatayo. "Kung hilig mong mangboso ng katawan, humanap ka ng ibang babae na pwede mong bosohan," giit kong patuloy. "Bakit naman kita bobosohan? Iniisip mo bang natitipuhan ko ang katawan mo?" nagtatakang sambit niya. "Pinapahubad mo ako diba? Kaya malamang, Oo." I said directly to him. "Masyado kang matabil Ms. Cathy... Hindi naman ako mag-aaksaya ng oras at panahon sa'yo para pagnasaan ka... Baka nga, sa isang linggo na pananatili mo rito ay ikaw pa ang lumuhod sa akin at magmakaawa para lang halikan kita," mayabang na sabi niya. Akma ko na sanang babatukan siya kaya lang si Ginang ay hinawakan niya ang kamay ko upang pigilan ako. "Hija, ganyan talaga si Drake. Pagpasensyahan mo na lang dahil hindi talaga iyan nagpapatalo... Ikaw din ang mapipikon sa huli kapag sinagot-sagot mo siya," pahayag niya. "Ma'am, kaya ko namang magpasensya. Pero hindi ko maipapangako na kaya kong pigilan ang inis ko sa anak niyo... Kapag ako napuno, babalatan ko talaga ang itlog niya sa ibaba," madiin na turan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD