CHAPTER 40 CATHY's POV: It's a new day! At ngayon na nga mismo ang alis namin ni Drake para pumunta na sa Probinsya kung saan ako pinanganak. Hindi alam ni nanay na ngayon na uwi ang uwi ko. Hindi ko na ito binanggit o sinabi dahil gusto kong surpresahin sila. And I'm sure na talagang masusurprise ang pamilya ko lalo na't may kasama akong lalaki sa aking pag-uwi. Nga pala, sasakay lang kami ng bus ni Drake dahil hindi namin pwedeng gamitin ang kanyang kotse. Kapag kasi ginamit namin ito ay tiyak na hahaba ang mga leeg ng marites sa aming barangay. Pero pwera biro, hindi talaga namin kailangan na magdala ng sasakyan sapagkat simpleng tao ko na ipapakilala ang binata sa harapan ng aking magulang. NAKAHANDA na pala ang bagahe. Lahat ng dadalhin naming pasalubong ay nasa loob na mismo n