CHAPTER 39 CATHY's POV: "Saan ba kasi tayo pupunta Drake? At parang atat na atat ka yata na isama ako," bigkas ko sa binata at minamadali ako nito na kumilos. It's been two days since may mangyari sa amin ng binata. At dalawang araw na rin kaming magkarelasyon. Pero hindi pa ako sanay na tawagin siyang honey dahil prefer kong tawagin pa rin siya sa pangalan nito. Feeling ko kasi ang korni kapag may callsign. Kaya mas nagagandahan pa rin ako na Drake ang itawag ko sa kanya. "Mag-gogrocery tayo honey... Bibili tayo nang pasalubong para sa pamilya mo at sasamahan mo na rin ako na bumili sa ukay na damit na susuotin ko kapag pumunta na tayo sa Probinsya," bigkas ng binata na siya na mismo ang nakaisip nito. Since dalawang araw na ang nakalipas ay okay na ang aking pakiramdam. Hindi na ma