Chapter 3

1114 Words
Chapter 3 "Gian Lee bente dos ka na, hanggang ngayon wala pa rin akong makitang katinuan sa'yo. Sa opisina mas madalas na wala ka kaysa sa pumapasok ka. When I was in your age alam ko na ang priorities ko." naiiling na sabi ni Dad. Mas nadagdagan tuloy ang pagkaguilty ko. Pati na ang pagkadisappoint ko sa sarili ko. Kamukha ko lang si Dad pero malayong-malayo ako sa kanya. He's almost perfect. "Basagulero, bulakbol, babaero. Kailan ka ba titino?" halatang galit pa rin tanong ng Nanay ko. "Gusto yata ng anak natin may magpatino sa kanya." sabi ng Daddy niya. "Kung iyon ngang babaeng ‘yon na mukhang nabuntis na niya, tinatakbuhan pa. Matino ba ‘yon?" irap ni Mom. Bumuntung hininga ako. "Okay. I'm sorry for bringing such troubles. But I assure the both of you that there's nothing serious going between me and Misha. It's just only one night. She thinks that she's already my girlfriend after what happened to us. It's just for fun." mahabang paliwanag ko. "One night stand?" napapangisi ng tanong ni Dad. "Aba! For fun na lang pala ang pakikipag-ano ngayon? Hindi mo siyota pero inano mo? Anong klaseng babae ‘yon at pumayag na makipag-ano sa'yo? Ano na bang nangyayari sa mundo ngayon? Puro kaanuhan!" reaksiyon ng Mommy ko kaya ang lakas tuloy ng tawa ni Dad. "Ano ‘yon baby? Puro ka ano." ngisi ni Dad. "Aanu-ano ka diyan? Mamaya wala kang ano!" irap ni Mom. "Wala namang ganyanan. Gian Lee magtino ka!" biglang seryoso na baling ulit sa akin ni Dad. "Matino po ako ngayon sa pagsasabing hindi ko talaga nabuntis si Misha. Maniwala naman po kaya sa akin." seryosong sagot ko. Mayamaya lang ay nagkitinginan silang dalawa saka nagkatanguan. Parang nagkaintindihan na sila sa mga tinginan pa lang nila. Hanep talaga silang dalawa. Tinginan pa lang alam na kung ano ang ibig sabihin. "Okay sige na tapos na usapang ito." sabi ni Dad. "Talaga? Abswelto na ko? Naniniwala na kayo sa akin?" excited kong tanong. "Oo. Pero hindi pa dito natatapos 'to." makahulugang sagot ng Mommy ko. ~*~*~*~*~ "Akala ko ba naniniwala na kayo sa'kin? Bakit niyo ako palalayasin?" reklamo ko nang makitang mga nakaempake ang gamit ko sa malalaking maleta. Ito na ang nadatnan ko pagkagaling ko sa isang party. Bumuntong hininga si Dad. "Gian Lee, anak. Hindi ka namin pinalalayas. Napagkasunduan lang namin ng Mommy mo na kailangan mong magparehab." sagot ni Dad. "Rehab? Ano, adik lang Dad? Hindi naman ako humihithit, ah. Never ko pang ginawa ‘yon at never kong gagawin kaya paano ako makaqualified sa rehabilitation center?" reaksiyon ko. Natawa lang ang Mommy Lia ko. "Silly. What your Dad means kailangan mong magbakasiyon at lumayo sa mga nakasanayan mo to know yourself better." explain pa ng Nanay ko at pinisil pa niya ang ilong ko. "Ang gulo! Hindi ko naman po kailangan ng bakasiyon at lalong hindi pa ako nawawala sa sarili ko?" palatak ko. "Sit down." turo ni Dad sa sofa na katapatan nila. Umupo na nga lang ako. "Alam naman namin na nagsasabi ka ng totoo na hindi mo talaga nabuntis ang babaeng ‘yon. Kaya lang..." "Kaya lang?" tanong ko. "Kaya lang you reach your quota. Sa akala mo ba hindi kami naaalerto sa mga kalokohan mo? Sa tingin namin, ito na ang pinakaultimatum. Hindi na biro 'tong mga nangyayari Gian. Baka mamaya niyan lahat ng kababaihan sumugod dito at magsumbong na nabuntis mo sila." pagpapatuloy ni Mom. "Ah, kaya pala ipatatapon niyo na lang ako para wala kayong sakit ng ulo?" hindi maiwasang makaramdam ng sama ng loob na tanong ko. Tumayo ang Mommy ko at umupo sa tabi ko saka ako niyakap. Hinaplos pa niya ang mukha ko. "Don't think that way. We love you that's why we're doing this. Nadadagdagan na kasi edad mo pero `yang maturity mo hindi pa." paliwanag pa niya. "I still don't get the point." napahilamos na ako sa mukha. Ang labo. Putik. "Gian Lee, we want you to stand on your own feet. Iyon ang punto dito." salo naman ni Dad. "Okay. Now I get it! You want me to be independent? Kayo lang, eh. Di ba sabi ko na noon pa na kukuha ako ng condo unit, pinipigilan niyo lang ako." sabi ko. Parang gusto ko na itong iniisip nila. Dahil kapag nagkataon mas malaya na kong gawin ang mga gusto kong gawin dahil bubukod na ko ng tirahan. Ayos! "You're not going to live in a condo unit." kontra ng Mommy ko. "Eh, saan sa seminaryo? Oopss! Bad Joke." "Seminaryo? Haha! Magwewelga ang mga pari kapag doon ka namin pinadala!" natatawang pang-aasar pa ni Mom. "Typical house." sagot ni Dad sabay hagis sa akin ng kung ano. Nasalo ko naman iyon. Pagtingin ko isang susi. "Sa Batangas." sabay nilang sagot. "Batangas?!" halos hiyaw ko na. "Bakit do’n? Ang layo! Ano’ng gagawin ko do’n? Dito na lang sa Manila area Dad." request ko. "Eh, di parang kinunsinti na rin namin 'yang mga kalokohan mo kapag malaya ka ng gawin ang mga gusto mo. Hindi ka magtitino niyan." sagot ni Dad. "Matino naman ako, ah. Hindi ako baliw." kontra ko pa rin. "Hindi lang sa pag-iisip nakikita ang katinuan. Siyempre pati sa gawa. You need to stay away sa mga nakasanayan mo, that way makikita mo ang value ng mga bagay-bagay na dapat mas bigyan mo ng atensiyon at panahon." explain pa ni Mom. Napailing ako. Hindi ko pa rin makuha ang gusto nilang iparating. "Ang labo. Basta ang malinaw pinapalayas niyo ko, ayaw niyo kong kasama rito. Tapos." "I can see myself from you when i was young. Ganyan din ang nararamdaman ko ng ibinigay ako ng mga Lolo at Lola mo para paalagaan sa Daddy mo. Hindi ko rin sila maintindihan kung bakit nila ginawa ‘yon? Pero at the end of the day naintindihan ko sila. Siguro magulo pa sa ngayon pero maiintindihan mo rin kami." dagdag pa niya. "Iba naman ‘yong sa inyo." nasabi ko na lang. "Saka mo na sabihin ‘yan kapag may resulta na. Isa pa mukhang ayaw mo naman sa mga paper works. Parati kang wala sa office kaya doon ka na lang muna sa Hacienda pamahalaan mo iyong bagong biling Hacienda baka doon mas makafocus ka." dagdag ni Dad. Hacienda Imperialeza. Iyon ang bagong bili nilang lupain. Isa lang iyon sa mga Hacienda ng angkan namin. Imperialeza, pinagsamang apelyido nina Mom at Dad. Minsan na nila akong ipinagsasama doon pero palaging lang akong tumatanggi. Malamang boring doon, puro puno kaya ayoko. Pero sa ngayon mukhang wala akong magagawa kundi ang sumunod sa kanila.  "Fine fine. Lalayas na kung lalayas. Tsk." pagsuko ko sabay bitbit ng mga maleta ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD