Chapter 2

1063 Words
Chapter 2 Gian Lee "Ano na namang nakain mo at nang-iwan ka na lang bigla kagabi? Hinahanap ka pa naman sa’kin ni Trixie kagabi." kunot noong tanong ni JC sa akin nang puntahan niya ko sa bahay saka siya umupo sa sofa. "Wala may nakita lang akong masamang hangin." walang ganang sagot ko. "Masamang hangin? Nakikita ba ‘yon?" pang-aalaska niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Eh, sa totoo namang masamang hangin ang babaeng iyon. May gana pang magpakita sa akin. "Siguro isa sa mga ex mo sinugod ka, hindi makamove on." tawa pa niya. "Kilabutan ka, ni sa panaginip hindi ko siya ginustong ligawan. Maging ex pa kaya? Saka wala akong ex. Hindi pa naman ako nagkakagirlfriend. Fling lang lahat." naiiling na sagot ko. "Eh, di babae nga? Bago ‘yon ah? Umatras ka sa babae? I mean hindi na pala bago. Dati ka pa naman kasing may inaatrasan!" tawa niya. "Umuwi ka na nga lang. Hindi ka-" "Ilabas niyo si Gian!" Nagkatinginan kami ni JC nang marinig ang sigaw na iyon. Nagmamadaling sumilip tuloy kami sa bintana ng sala. "Patay ka! Trouble ‘yan!" palatak ni JC nang makita ang isang babae na nasa loob ng bakuran ng bahay. "Patay nga..." wala sa loob na naibulalas ko. Patay ako kasi matagal ko ng pinagtataguan  si Misha na isang sikat na modelo. Alam ni JC iyon. May nangyari lang sa amin one time, akala niya girlfriend ko na siya. At mas patay ako sa Nanay ko! Kapag ganitong linggo pa naman wala sila sa office nina Dad. They're just staying at home every Sunday to take a break at bonding na rin naming pamilya. Every Sunday nagpupunta rin kaming church na pabor din sa akin para bawas kasalanan! Hindi ko alam kung paano niya ko natunton. Mas nakaramdam ako ng pagkataranta nang makitang lumabas si Mom habang hawak niya iyong hose. Nagdidilig kasi siya. "Will you stop shouting? Hindi bingi ang mga tao rito!" saway ng Mommy Lia ko. "Who the heck are you?" nakaangat ang kilay na tanong ni Misha. "If i were Misha magtatago na ako sa pinanggalingan ko." naiiling na komento ni JC. Alam na. Hindi kasi pupwede ang style ni Misha sa Mommy ko. "Tonta ka ba o sadyang boba? Susugod-sugod ka rito tapos hindi mo pala alam kung sino ang mga nakatira? Patayin kaya kita diyan?!" pagtataray ng nanay ko. "Sabi na, eh! Haha! Si Tita Lia pa!" aliw na bulalas ni JC pero ako hindi na mapakali. "I'm not boba! I'm looking for Gian Lee Fortaleza. Don’t dare to hide him!" palag ni Misha. "Ah, malamang pinagtataguan ka kaya mo siya hinahanap ngayon. Tama? Ayaw niya kasi sa mukhang desperada." nakangising pang-aasar ni Mom. Langya. Parang maning-mani lang sa kanya ang mga kagaya ni Misha. "Ganyan ba kayo trumato ng bisita?" tanong ni Misha. "You're not a guest. You're just a simple b***h trespasser and as for your hot attitude heto magpalamig ka muna!" sagot ni Mom sabay tutok kay Misha ng hose na hawak. Napatili si Misha nang mabasa ito. "Mang Ben! Pakawalan sina Barney at Garfield ipalapa ang kalansay na babaeng ito!" utos ni Mom na ang tinutukoy ay ang mga doberman namin! Doon na ko napatakbo palabas. "Mom enough!" awat ko. Eksakto lumabas rin si Dad na galing sa likod bahay. "Baby what happened?" tanong kaagad ni Dad at kinuha ang hose sa Nanay ko na nakatapat pa rin kay Misha saka nito pinatay iyon at ibinigay sa gwardiyang si Mang Ben. "Ito kasing bitchesang ito susugod-sugod rito tapos tatanong-tanong kung sino ko? Walang modo!" irap ni Mom kay Misha kaya inakbayan siya ni Dad. "Chill." haplos pa ni Dad sa balikat niya. "K-Kayo po ang mga parents ni Gian Lee?" tila umamong tupa na tanong ni Misha. "Ay ngayon lang gumana utak mo `teh?" nakasmirk pang sabi ng Mommy ko. "Kami nga. Ano bang kailangan mo hija?" kalmadong tanong ni Dad. "S-Si Gian po kasi pinagtataguan niya ako. Ayaw niya kong panagutan!" iyak na nito. "Panagutan?!" sabay-sabay na tanong namin. "B-Buntis po ako. Siya po ang ama." sagot pa nito na ikinalaglag ng panga ko. "Totoo ba ‘yon?" kunot noong tanong ni Dad. Napalunok tuloy ako. "Nambuntis ka tapos tinatakbuhan mo?" hagip ng Nanay ko sa tenga ko. Kulang na lang kurutin ako sa singit! "Aw! H-Hindi po!" hirap na kaila ko. "Paanong hindi? Kung may nangyari sa inyo? May nangyari ba?" balik na tanong ni Dad. "Uhm meron yata?" kunwaring hindi siguradong sagot ko pero sigurado naman talaga ako na hindi sa akin ang dinadala ni Misha! "See? Eh, di inamin mo! Puro ka kalokohan! Masakit ka sa ulo!" mas piningot pa ni Mommy ang tenga ko saka ito muling bumaling kay Misha. "Ang mabuti pa kakausapin na lang muna namin 'tong anak namin. Just go home but leave your contact number. ‘Wag kang mag-alala dahil kahit imbyerna ako sa'yo tatanggapin pa rin namin ang baby kung kay Gian talaga 'yan." seryoso ng sabi ng Nanay ko. Tumango naman si Misha. "Hatid ko na lang siya." prisinta ni JC. Ramdam siguro ni James Carlo ang tensiyon at baka matanong pa siya kaya iwas pusoy ang loko. Siyempre partners in crime kami kaya may alam din siya sa mga pinaggagagawa ko. "Now talk." seryosong sabi ni Dad noong nasa sala kami. Nakaupo ako sa sofa at mga nakatayo sila sa harap ko. Pakiramdam ko tuloy kinder ako na pinapagalitan. "Hindi nga po sabi sa akin ‘yon. Imposible." kaila ko pa rin. "Paanong magiging imposible? Sabi mo may nangyari sa inyo kaya paanong magiging imposible na makagawa ka ng bata? Unless baog ka?!" iritang tanong ng nanay ko. "I always use a condom for Christ sake!" naibulalas ko. Napatutop tuloy sa bibig ang Mommy ko. "Maryosep! Jusko ang anak ko! Baby pa lang dati ngayon imoral na! Gino, kausapin mo 'yang anak mo! Kausapin mo!" talak niya. Kulang na lang himatayin siya sa gulat. "Relax lang. Malaki na 'yang anak natin natural ginagawa na niya ‘yon." kalma ni Dad dito at haplos sa likuran nito. "Tapos ano? Kapag nakabuntis tatakbuhan? Pambihira! May mga kapatid siyang babae tapos ganyan ang asal niya sa mga babae?" sermon pa rin ni Mom. Doon na ko napayuko. Guilty. Hindi guilty dahil sa nakabuntis kuno ako. Dahil alam ko naman talagang hindi akin iyon. Guilty kasi nadisappoint ko sila. Ang manyak ko naman kasi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD