Chapter 5

1661 Words
Chapter 5 "Samantha Briones." Nabalik ang utak ko sa kasalukuyan nang tawagin ako ni Papa. "Ano ‘yon Pa? Talagang binuo pa ang name ko." natatawang tanong ko sa ama ko. "Tulala ka." sabi ng Nanay ko. "May naalala lang po ako." sagot ko. Tumango na lang ang mga ito at nagbalik sa pagkain ng almusal. At si Gian Lee Fortaleza ang iniisip ko. Ang nakaraan na pinagsamahan namin. Our yesterday’s memories. Dahil parang kailan lang nangyari ang mga iyon.  Kahit na gusto kong malaman kung ano bang sasabihin niya noon hindi ko na nagawang mapakinggan dahil hindi na ako nakadalo noon sa JS prom. Nakita ko si Gian last week nang mabangga ko ang kotse niya isang gabi sa isang bar sa Manila. May ipinaasikaso kasi ang ama ko kaya ako napaluwas doon. Kasama ko ang isa sa mga personnel ni Papa at inaya muna akong magbar hopping bago bumalik rito sa Batangas at doon ko nga siya nakabangga pero parang hindi na ako natatandaan ni Gian Lee.  Samantalang walong taon pa lang naman ang nakakalipas magmula noong huli kaming magkita. Ang bilis naman yata niyang makalimot? Gusto ko pa sana siyang kausapin noon kaya lang umalis kaagad siya. It was unexpected na magkikita kami. Napatingin ako sa mga magulang ko. Akala ko hindi na mangyayari na magkakasama-sama pa kami. I was fourteen noong kunin kami ni Papa sa poder ng mga Fortaleza. Nagpakasal sila ni Nanay at ipinagpatuloy ko ang pag-aaral ko sa America para daw makabawi sa akin si Papa at ngayon na lang ulit ako nakabalik dito sa Pilipinas ngayong natapos ko ang pag-aaral ko. Galing pala sa mayamang angkan ang ama ko. Matagal niya kaming hinanap. Nagkahiwalay sila ni Nanay dahil hindi tanggap ng angkan ni Papa ang Nanay ko.  Akala ko sa mga teleserye lang nangyayari ang mga tagpong iyon pero miske pala sa realidad nag-eexist din. Pero nagkatuluyan din ang mga ito. Matagal ng namayapa ang mga magulang ng Ama ko. Sa kasalukuyan Mayor si Papa dito sa Batangas. "Hindi ka ba naiinip rito? Walang masiyadong pasiyalan hindi kagaya sa America." usisa ni Papa. "Maganda naman ang mga view, eh. Maggagala-gala na lang po ako mamaya." Tutulungan ko kasi si Papa na magcampaign para sa pagtakbo niya bilang isang Gobernador. Pagkatapos ng almusal ay lumabas ako. Maganda naman dito sa Batangas. Maraming puno. Sariwa pa ang hangin. "Ka Igme!" tawag ko sa isang matanda nang makalabas ako ng malawak na bakuran namin. "Samantha, hija ikaw na ba ‘yan? Kamusta? Nakabalik ka na pala. Aba'y pagkandang dilag mo na!" bulalas niya. Natawa naman ako. Si Ka Igme. Isa ang anak nito sa tauhan ni Papa sa kapitolyo. "Mabuti naman po. Itatanong ko lang kung may alam kayong magandang pasiyalan dito? Alam niyo na para malibang ako." sabi ko. "Ay hindi mo naitatanong ineng doon sa aking pinagtatrabahong Hacienda, napakaganda at napakalawak. Pwede kang magselpe. Iyon bang madalas gawin ng mga kabataan kapag nasa magagandang lugar. May kabayo rin na pwede mong sakyan habang namamasiyal." kwento pa niya. Natawa ako. Talagang may punto pa siya kung magsalita. "Selfie po ‘yon. Pero baka po magalit ang may ari?" alanganin kong tanong pero nae-excite na ko. "Wala naman ‘yong bagong may ari diyan. May tauhan lang sila na namamahala. Hamo at ipagpapaalam kita." Napatango-tango ako at napagpasiyahang sumama. Nilakad lang namin dahil malapit lang naman pala iyon. Ilang saglit pa nakarating kami sa malawak na lupain.  Halos lumuwa ang mga mata ko sa ganda at laki niyon. Hacienda ImperiaLeza. Basa ko sa malaking arko na nakatayo sa bungad ng Hacienda. Magtatanong pa sana ako kay Ka Igme kung kanino ang Hacienda na iyon pero may tumawag ditong lalake kaya lumapit dito ang matanda. Napag-alaman kong tauhan din ng hacienda iyong lalake. "Dumating na ho iyong anak ng bagong may ari. Kaninang madaling araw lang." sabi ng lalakeng napag-alaman kong Tonyo ang pangalan. "Naku paano ba ito? Kasama ko pa naman ang anak ni Mayor. Ipagpapaalam ko lang sana na mamamasiyal saglit. Nasaan ba ang ba iyong anak ng bagong may ari?" ani Ka Igme. "Baka ho tulog pa ‘yon, mukhang masungit pa naman kaya baka magalit lang kapag ginising natin. Saka na lang natin ipagpaalam kapag nagising na." suhestiyon ni Tonyo. Napatango si Ka Igme. "Ineng maiwan na muna kita, at magpapastol lang kami ng baka. Mamasiyal ka lang diyan, kapag gusto mong sumakay ng kabayo lapitan mo lang iyong si Peter." turo niya sa lalakeng nasa kwadra at may pinapaliguang kabayo. "Kapag nakita ka ng amo, sabihan mo na lang na pinatuloy kita at anak ka ni Mayor." bilin pa niya. "O sige ho salamat." ngiti ko. Ilang saglit pa ako na lang ang namasiyal. Hindi ko naman kailangan ng kabayo dahil hindi rin naman ako marunong. Sobra akong naaaliw sa mga nakikita ko. Hanggang sa mapadpad ako sa kasukalan ng Hacienda. Iyong tipong puro puno at huni lang ng mga ibon ang maririnig. Sa likurang bahagi iyon ng Hacienda. Napataka pa ako nang makarinig ng tila lagaslas ng tubig. Sinundan ko iyong narinig ko. May batis pala doon. Mistulang nababasag na crystal ang linaw ng tubig kapag bumabagsak mula sa itaas. Pero hindi iyon ang nakatawag ng pansin ko. Kundi iyong lalakeng nasa gitna ng batis na hubo't-hubad na naliligo! Naloko na! Nakaexpose pa iyong puwet niya! Napatakip ako ng mata at napayuko sa may halamanan. Mabuti na lang at nakatalikod siya sa gawi ko. Ang bastos naman ng lalaking iyon! Talagang walang itinirang saplot? Pero iyong katawan niya mistulang ginawa ng isang mahusay na iskultor sa pagkaperpekto. Nagmumura sa ganda ang hulma ng katawan niya. It seems like he’s a real-life version of a Greek God! Tauhan kaya siya ng hacienda? Ano ng gagawin ko? Sisigawan ko ba siya para sabihing may tao at nakakaiskandalo siya o magpapakatotoo at magsawa ako sa pamboboso? Ay bastos! Kailan pa ko namanyak? Mayamaya lang ay parang tuksong muli akong umutlaw mula sa halamanan na pinagtataguan ko para tingnan kung ano bang ginagawa ng lalaki. Mas napamulagat ako nang makitang nakaharap na ito sa direksiyon ko at gumawi pa sa mababaw na bahagi ng tubig! Presto nakita ko iyong mahiwagang Anaconda niya! Jusme ang laki! Napatakip ako sa bibig ko dahil muntik na akong mapasigaw! Ang inosente at walang bahid kasalanan kong mga mata paano na? Ngayon lang ako nakakita ng ganoon. Real life version ng espada ni Inuyasha!  Pakiramdam ko isinalang ako sa pugon dahil sa init ng pakiramdam ko. Lalo na ang magkabilang pisngi ko. Panay rin ang tahip ng dibdib ko. Bastos! Bastos talaga! Nakakasira ng puri ang lalakeng ito! Ewan ko ba naman sa mata ko at dumiretso ng tingin doon sa anaconda niya. Umatras na ko bago pa niya mamalayan na may tao. Mas binundol ng kaba ang dibdib ko nang makatapak ako ng mga tuyong sanga at dahon. "Who's there?" anang barito nitong tinig. Tsk nakamalay na siya! Nagtatakbo na ko pero bigla akong nabuwal sa nakausling bato. "A-Aw!" impit na daing ko noong lumanding ang puwet ko sa lupa. Napapikit pa ako sa sakit. "Enjoying the view?" sarcastic na tanong ng isang tinig. "Ahhh! Magdamit ka nga!" sigaw ko doon sa lalake na nasa harapan ko na ngayon sabay takip ng mga mata ko. Diyos ko wala pa rin siyang damit at basang-basa pa siya! Itinagilid ko pa ang ulo ko para mas makaiwas sa hindi ko dapat makita. "Ngayon ka pa nagreact samantalang kanina ka pa yata namboboso?" malamig na sabi nito kaya napaangat na ako ng tingin. Diretso sa mukha niya, hindi doon sa malaking ibon niya na mistulang nakawala sa hawla! "Ang kapal…Gian Lee!" sigaw ko nang mamukhaan ang lalake kaya napatigil ako sa balak kong pagtalak. Madilim na madilim ang mukha niya na kababakasan ng galit. "Hey! Anong gagawin mo?!" histeryang palag ko noong buhatin niya ko. Mas napagmasdan ko ang mukha niya. Mas gumuwapo ang loko! "As far as i know, everything in this place is my property including you, dahil tumapak ka sa teritoryo ko. That means I can do whatever I want with you." walang anumang sabi niya saka lumakad habang karga pa rin ako. Pwede niyang gawin kahit ano sa akin? Hindi! Ang puri ko! Pero siya pala ang may ari ng Haciendang ito? "N-Nagawi lang ako rito ‘wag mo naman akong gahasain-" kusa ko ring pinutol ang sasabihin ko ng marealize iyon. Gahasa kaagad? Eh, kasi naman hubo't-hubad siya, iyon talaga ang papasok sa utak ko na una niyang pwedeng gawin sa akin. "Ah! Trespasser ka? Well I think this is the best punishment that i could give. By throwing you!" seryoso ang mukhang aniya at walang anuman na inihagis ako. Napasigaw ako nang maramdaman ko ang pagbagsak ng katawan ko sa malamig na tubig. "Halps!" habol ang hininga na umangat ako. "Ayos! buhay ka pa?" nakangising aniya at nakita kong kasusuot lang niya ng brief niya! "Bastos! Arrogant beast! Walanghiya ka!" halos maiyak at magkandaubo na mura ko sa galit. "Know what if you're not a trespasser, I might grant what’s in your mind. Kaso lang tagalabas ka pala, makasuhan pa ko." naiiling na sabi pa niya kaya napamulagat ako. "Y-You mean balak mo talaga akong pagsamantalahan kung isa ako sa mga tauhan rito sa Hacienda?" manghang tanong ko. "Tsk pagsasamantala bang matatawag kung mukha namang papayag ka? Kanina ka pa nga namboboso di ba?" mayabang na paratang niya at isinuot na rin ang walking shorts pati T-shirt niya na nasa isang sanga kasabay ng sneakers niya. "Hey! You can't leave me here!" sigaw ko noong humakbang siya paalis. "Of course I can! Manigas ka diyan. Maghintay ka ng siyokoy na sasagip sa'yo!" walang anumang sagot niya at iniwan na talaga ako. "Arrgghh!" napasigaw na lang ako sa inis. Nagliparan tuloy sa ere ang mga nabulabog na ibon na nakatira sa mga puno. Humanda sa akin ang Gian Lee na iyan, kung makaasta parang hindi ako kilala! Lintik lang ang walang ganti! Sarap putulin ng anaconda niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD