Chapter 6
Samantha
Nangingiki sa ginaw na umahon ako sa batis matapos akong ihagis ng talipandas na Gian Lee iyon! Wala naman kasing dumating na siyokoy para sagipin ako kaya nagkusa na akong umahon. Kung tutuusin siya naman itong siyokoy dahil sa sama ng ugali niyang bakulaw siya! Napakabastos at walang modo niya para hindi maisip na babae ako at ihagis ng gano’n-gano’n na lang! Humanda siya! Nagmamadali ang mga hakbang ko para sundan siya.
"Gian Lee!" talak ko nang matanaw ko na ang likuran niya.
Hindi siya lumingon. May pagkabingi pa yata ang animal na ito at mukhang hindi niya ako naririnig? Hindi kaya hindi siya si Gian Lee at kamukha lang? Pero sigurado ako na siya talaga iyon. Mas tumangkad lang at gumuwapo pero alam ko siya ito!
"Hoy! Ano ba?" tawag ko, napansin kong napapatingin na sa amin ang ilang tauhan sa hacienda na abala sa kani-kanilang mga gawain.
Bingi yata talaga. Wa epek ang pagtalak ko. Dedma ang bruho! Nanakbo na ko saka ko siya dinamba sa likuran.
"s**t" mura niya at pilit kinakalas ang pagkakalingkis ng mga braso ko sa leeg niya.
Makapagmura? Naiinis at gigil na kinagat ko siya sa tenga niya.
"Aw!" sigaw niya at iniwasiwas ako kaya nalaglag ako sa lupa.
"Walanghiya ka talaga! Nakakadalawa ka na!" hirap na mura ko at pilit tumayo.
"Do i know you?" malamig na tanong niya.
"Sabi nga ni Lily Cruz,`wag ako! `Wag mo nga akong artehan ng ganiyan! Si Gian Lee Fortaleza ka di ba? Tatay mo si Gino Fortaleza. Your mother si Tita Lia, may kapatid ka pa sina Margi at Marli kambal sila! Si Samantha Briones ako. I mean Samantha Lopez pala dati noong hindi ko pa nakikita si Papa. Di ba nga namasukan pa ako sa inyo, kami ni Nanay! Naalala mo na?" mahabang pagpapakilala ko.
"Stalker." maiksing sagot niya. Nagpanting tuloy ang tenga ko.
"Bakulaw!" sigaw ko sabay hampas sa dibdib niya.
Ako lang din ang nasaktan nang ginawa ko iyon dahil sa tigas ng dibdib niya.
"Get out! Hindi ka naman pala tauhan dito sa Hacienda, istorbo ka lang dito." iritadong sabi niya.
"Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit hindi mo na ako matandaan?" kunot noong tanong ko. May amnesia ba siya?
"Aalis ka ba o baka gusto mong ipakaladkad at ipasipa pa kita sa mga kabayo rito palabas?" salubong ang mga kilay na tanong niya. Naiinis na tiningnan ko siya.
"Kaya mo?" nakaangat ang kilay na tanong ko.
"Ano ba talagang gusto mo?" sa halip ay inis pa rin niyang tanong.
"Wala ka pala, eh. Puro ka satsat!" ngisi ko.
"Don’t try me." banta niya.
"Ows? Matatakot na ba ko? Sabihin mo lang." sarcastic na sabi ko.
"Get out!" dumadagundong na sigaw niya sa mukha ko kaya halos mapaatras ako sa lakas niyon.
Napaka-antipatiko ng bakulaw na ito! Kaya lang hindi ako pwedeng magpasindak. Kampanteng hinagilap ko ang tenga niya kahit na nasa mahigit anim na talampakan ang taas niya, mabuti na lang at biniyayaan din ako ng magandang height. Hindi na masama ang 5’7”
"Ayoko!" sigaw ko rin sa tenga niya bago pa siya makapalag.
Napaatras siya sa lakas ng sigaw ko. Binitiwan ko na ang tenga niya saka ko siya nilampasan.
"Where do you think you're going?" hagip niya sa braso ko.
"Ang gulo mo rin! Kanina pinapaalis mo ko tapos ngayon namang paalis na ko namimigil ka naman. Saka harassment 'yan. Bitaw." relax na sagot ko at pumiksi kaya binitiwan naman niya iyon.
"Kapal mo rin Miss, ikaw ang nasa teritoryo ko kaya may karapatan akong gawin ang kahit anumang gusto ko." sagot niya.
Miss? Mukhang kinalimutan na nga yata ako ng bwisit na ito.
"Ewan ko sa'yo. Basta ako, hindi ako uuwi hangga't hindi mo pinapalitan itong damit kong nabasa." saad ko.
"Kung hindi ka ba naman naninilip mangyayari ba 'yan sa'yo?" paratang pa niya.
"Bakit ako ba 'yong tangang naghagis sa sarili ko? Hindi naman, eh! Ikaw naghagis sa akin kaya kasalanan mo 'to. Saka hindi ako naninilip, wala nga akong nakita sa sobrang liit." pang-aasar ko kahit na ang totoo malaki naman talaga iyong nakita ko.
Anaconda nga, eh. Napansin kong biglang namula ang magkabilang pisngi niya.
"N-Nakita mo?" tila napahiyang tanong niya.
Siguro kasi wala na siyang maipagmamalaki dahil nakita ko na lahat sa kaniya! Haha.
"Wala nga akong nakita kasi wala ka naman yatang ipapakita." ngisi ko kahit na ang totoo naiilang na ko sa topic.
"Ah gano’n? Pwes halika, magkakitaan tayo ngayon! Tingnan natin kung sino ang mapapahiya!" singhal niya at kinaladkad ako sa kung saan.
"A-Anong ipapakita?!" nakaramdam ng pagkatarantang tanong ko.
Ipapakita ba niya sa akin ang Anaconda niya? O my gesh! Namalayan ko na lang na nakarating kami sa malaking bahay sa loob ng Hacienda.
"Gian ano ba?!" tinangtang ko ang braso kong hawak niya ng mahigpit pero hindi niya ako pinansin.
"M-Manang kapag sumigaw ako sa itaas ibig sabihin ginagahasa na po ako ng amo niyo!" sabi ko sa isang may edad na kasambahay na nakita kong naglilinis sa loob ng bahay.
"Shut up will you?" angil sa akin ng bakulaw habang tuloy ang pagkaladkad niya sa akin.
Hanggang makarating kami sa hagdanan. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya hanggang itaas dahil sa higpit ng hawak niya sa'kin. Alangan namang magpakaladkad ako sa kaniya ng hindi lumalakad?
"Hoy bakit tayo papasok diyan? Pagsasamantalahan mo ba talaga ako?" nanginginig ang kuyukot na tanong ko nang makarating kami sa tapat ng isang pinto na kahilera pa ng ilang pintuan.
"Let go!" piglas ko at kinagat ko ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa akin.
"Ouch!" haluyhoy niya at nabitiwan ako.
Kumaripas ako ng takbo pero may dumakma sa likod ng damit ko. Napunit iyon sa lakas ng pagkakahatak niya. May tumakip na sa bibig ko bago pa ako makasigaw at may bumitbit na sa akin mula sa likuran ko. Panay ang padiyak ko para bitawan niya ako. Namalayan ko na lang na bumagsak ang katawan ko sa malambot na kama nang ihagis na naman niya ako sa kwartong pinasukan namin.
"`W-Wag ka namang ganyan." nahihintakutang sabi ko kay Gian Lee nang kumubabaw siya sa akin at itaas ang mga kamay ko saka niya diniinan iyon ng isang kamay niya, kaya hindi ko siya maitulak.
"Sabi mo maliit? Tingnan ko lang kung ano’ng masasabi mo kapag ipinakita ko na siya, kahit magsisisigaw ka walang makakarinig sa'yo." nakangising sabi niya kaya napagtanto kong sound proof ang kwartong pinasukan namin.
"Game ka na?" tanong pa niya saka siya bahagyang yumuko.
Napapikit ako nang ilapit niya ang mukha niya sa akin at anyong hahalikan ako!
"Gian! Promise, ang totoo malaki siya! Hindi maliit! Anaconda siya!" pabiglang naibulalas ko.
Makalipas ang ilang saglit wala akong naramdaman. Natagpuan ko na lang na mag-isa na lang ako sa kama at wala na siya sa ibabaw ko. Nakita ko siyang nakatayo sa harapan ko at madilim ang mukhang nakatitig sa akin. Bakit hindi niya itinuloy? Tae. Parang gustong-gusto kong matuloy, ah? Gumawi siya sa isang malaking closet at may kinuha roon saka niya inihagis sa mukha ko. T-shirt.
"Isuot mo na 'yan tapos lumayas ka na. Iyon ang banyo." tango niya sa direksiyon ng banyo.
Nanlalatang tumayo ako at pilit iniayos ang napunit kong damit para hindi niya makita ang bra at dibdib ko.
"Wala ka namang dibdib bakit itinatago mo pa? Parang sumabog na gulong lang ‘yan. Flat…" nakasmirk na sabi niya at gumawi ang tingin niya sa dibdib ko.
Ramdam ko ang pamumula ng magkabilang pisngi ko dahil sa tinuran niya at sa paraan ng pagkakatitig niya sa dibdib ko. Hindi naman kasi gaanong kalakihan ang dibdib ko pero hindi rin maliit. Cup B kaya ito!
"Lakas mo ring mang-insulto, iyong sa'yo hindi naman totoong kasing laki ng Anaconda! Mas malaki pa nga diyan ‘yong gummy worm candy na kinakain ko!" belat ko.
Nangaripas na ako ng takbo papasok ng banyo nang mapansin kong nagtagis na naman ang mga bagang niya.
Nang maisuot ko ang damit niya lumabas na ako ng banyo. Nagmukha akong bata dahil sa luwang ng t-shirt niya. Ang laki niya kasing tao kaya no wonder na kayang-kaya niya akong ihagis. Naabutan ko siyang prenteng nakaupo at nakadekwatro pa sa sofa na mistulang hari.
"Tapos ka na? Lumayas ka na sa harapan ko." taboy niya kaagad sa akin.
"Oh, okay. Ikaw na magtapon nito tutal kasalanan mo naman kung bakit nasira 'yan." sabi ko sabay bato ng damit kong basa at punit na. Eksakto sa mukha niya.
Inis na kinuha niya iyon at itinapon sa sahig.
"Alis!" sigaw pa niya.
"H-Hindi mo ako ihahatid grumpy?" tanong ko.
"What did you call me?" kunot noong tanong niya.
"Grumpy. Dati ko pa namang tawag sa'yo ‘yon hindi ba? Kasi palagi kang nakasimangot."
"Hindi ko matandaan." simpleng sagot niya.
"B-Bakit hindi mo matandaan? Saka ako? Bakit nakalimutan mo na? Magkaibigan tayo di ba?" sunod-sunod na tanong ko.
Hindi ko talaga alam kung ano ang nangyari sa kanya, kung bakit siya ganito makitungo sa akin ngayon at sinasabing hindi niya ako matandaan gayong magkasama at sabay na kaming lumaki. Halos walang taon pa lang naman ang nakakalipas nang huli kaming magkita kaya imposibleng makalimutan na niya kaagad ako.
"Tsk parang nakakapagtampo naman, ang tagal nating hindi nagkita tapos ganyan ka? May nagawa ba kong mali sa'yo?" dagdag na tanong ko pa.
"Eh, di magtampo ka. Pakialam ko naman sa'yo? Sino ka ba? Ni hindi ko nga natatandaan 'yang pagmumukha mo miske pangalan mo." asik niya.
Napabuntong hininga ako. Siya talaga si Gian Lee na kababata ko kahit na ilang beses pa niyang ikaila iyon. Ganyan na ganyan siya magsalita kapag naiinis o napipikon na. Kapag ayaw niyang pag-usapan ang isang bagay. Hay! Kasing bagsik siya ng dragon. Para siyang nagbubuga ng apoy sa pananalita niya! Paano ko kaya siya mapapaamo? Or should I say how to tame a bratinelo like him?
"Ang taray mo! Si Gian Lee ka nga kahit kinalimutan mo na ko. Siguro nagkaamnesia ka? Pero sa pelikula lang ‘yon, eh!" pilit ang ngiting turan ko.
Tumitig siya sa akin ng ilang saglit. Iyon ang ayaw ko. Iyong mga tingin niyang tagos kaluluwa.
"Hindi porke't may hindi matandaan ang isang tao may amnesia na kaagad." tila bored na katwiran niya.
"Eh, kung gano’n bakit hindi mo na ako matandaan kahit pangalan ko?"
Tumayo siya at lumapit sa akin kaya napaatras ako pero buong tapang kong sinalubong ang mga mabalasik niyang tingin.
"Alam mo ba kung bakit minsan nakakalimot ang tao sa isang bagay?" tanong niya.
Napalunok ako at nakaramdam ng kaba sa maaari niyang isagot.
"Simply because they aren't that important." sagot rin niya noong hindi ako magsalita saka niya ako nilagpasan at lumabas ng kwartong iyon.
Pabalibag pa niyang isinarado ang pintuan kaya napapitlag ako. Napakagat labi ako para pigilan ang luha ko. Malinaw kasing hindi ako mahalaga sa kaniya kaya nagawa niya akong kalimutan. I guess this is one of the most painful truth, when you realize you aren't that important to someone as you thought you were…