Chapter 38 "Hey tahimik ka?" puna ni Gian nang makarating kami sa amin matapos naming mangampanya. "Wala pagod lang." pagdadahilan ko kahit ang totoo nabwisit ako kay Charlot dahil lapit siya nang lapit kay Gian. Sumama na kasi siya kinahapunan sa pangangampanya at feeling close talaga ang bruha kay Gian. Gusto ko na nga siyang ingudngod, eh. "Ah basta ako nag-enjoy." bulalas niya. "Natural maganda si Charlot eh. Palagi pang nakabuntot sa'yo!" wala sa loob na palatak ko. "Look if you're thinking that there's always gonna be a girl who's prettier than you, you just need to find the guy who doesn't really care. And that's me. Saka mas maganda ka sa kanya." seryosong sabi na niya. Hindi ko alam pero napangiti na ko. "O-Oo na. Sabi mo, eh." "Okay. Maliligo at magpapalit lang ako tapos