Chapter 37 Samantha "Sister baka pass muna ako sa mga sunod na araw, ha? Aasikasuhin ko muna ‘yong mga business ko dito." sabi sa akin ni Charles habang inaasikaso namin sa isang sasakyan ang ilang gamit na gagamitin namin sa pangangampanya ngayong araw na 'to. "Ha? O sige. Thank you sa support kahit hindi naman kailangan." sabi ko at nginitian siya. "Hey ano ka ba! Siyempre naman bff tayo kaya support ko family mo 'no!" pabirong irap niya. "Basta salamat! Ang laking tulong mo kaya lalo na do’n sa mga dalagitang fan girls mo!" natatawang akbay ko sa kanya. Mabenta kasi si Charles sa mga kadalagahan. Panay ang yakap at papicture sa kanya ng mga ito. Parang siya tuloy ang kandidato at hindi si Papa. Humalakipkip siya at iniikot pa niya ang eyeballs ng mga mata niya. "Isa pa 'yan. Daig