Chapter 39 Samantha "Nakakainis ka naman girl! Bakit sa'yo siya nanliligaw?" maktol ni Charles na kausap ko sa cellphone habang nakaupo ako sa isang puno malapit sa plaza kung saan gaganapin ang pakikipagdebate ng ama ko sa kalabang partido. "Hoy bakla hindi ko ginustong manligaw sa'kin ang ugok na Vince ‘yon ano! Kung pwede ko nga lang siyang ibugaw palapit sa'yo, eh, di ginawa ko na. Tutal hindi ko rin naman siya gusto. Bastos ang animal na ‘yon eh!" palatak ko. Alam na rin naman kasi niya ang ginawa sa'kin ng Vince na ‘yon. Kung siya na lang daw talaga ang pinagtangkaang gahasain ni Vince open legs daw niya itong tatanggapin. Napakalandi. Busy si Charles kaya hanggang cellphone lang ang pag-uusap namin. "Well maiba tayo. Sasagutin mo ba si Gian? Magpakipot ka muna ‘no!" suhestiyon