Chapter 1- The Brat Prince

1465 Words
Chapter 1- The Brat Prince Gian Lee "Saan ka na naman pupunta Gian Lee? Gabing-gabi na, ah?" harang sa akin ng Mommy Lia ko noong palabas pa lang ako ng main door. "Mom, hang out lang. Naka-oo na ko sa tropa, eh," napapakamot sa batok na sagot ko. Langya mukhang mahabang paliwanagan na naman ang gagawin ko para makagimik. "Mom ‘wag mo payagan manchicheeks lang 'yang si Kuya," pang-aalaska ng kapatid kong si Marli sa akin. "Or worst mambubugbog. Kagaya no’ng ginawa niya sa suitor ko." nakairap na dagdag ni Margi. Kapatid ko rin, kambal sila ni Marli. "Bakit sinapak ko lang naman, ah? Buhay pa di ba? Layo sa bituka. Kung pipili ka rin lang ng iboboyfriend dapat ‘yong kaya kang ipagtanggol. Sa'kin pa lang tumba na, ano’ng klaseng lalake ‘yon? Lalake nga ba?" ngisi ko na mas kinainis ng kambal. Natural kuya ako, tama lang na maging protective ako sa kanila. Pero minsan naiinis sila. Tsk baby sisters ko sila, kahit disinuwebe anyos na ang mga `yan hindi pwedeng lumusot sa akin mga kalokohan nila. "Ano na naman 'yan?" tanong ng Tatay ko na si Gino Fortaleza na kanina lang ay tahimik na nanunuod ng telebisyon at nakikinig sa diskusiyon nila. "Dada si Kuya sinapak niya si Juancho kahapon noong sinundo niya kami sa school. Tapos binutas niya pa ‘yong gulong ng kotse ni Juancho at kapag lumapit-lapit pa raw sa'kin si Juancho gigripuhan niya sa tagiliran at igagaya niya sa gulong," sumbong ni Margi na ang tinutukoy ay ang manliligaw niyang mukhang tsonggo. "Sabi kasi sa'kin ni JC gago 'yang Juanchonggo mo, playboy! Porke't wala na ko sa school panay pagpapaligaw na inaatupag niyo?" ngisi ko. Noong pumapasok pa ko, walang makaporma sa mga kapatid ko. Gulpi ang katapat kapag may nanligaw. "Lagot ang James Carlo na ‘yan!" bulong pa ng dalawa. Si James Carlo Fortaleza pinsan namin. Tatlong taon kasi ang tanda ko sa kambal at kasing edaran nila si James Carlo na anak ng kapatid ni Dad na si Tito Carlo at ng asawa nitong si Tita Shirley kaya kahit graduate na ko ng college, subaybay ko pa rin mga kilos ng kambal. Thanks to JC. Protective din kasi si JC sa kambal dahil parang magkakapatid na ang turingan namin. "Tingnan mo Gino ang asal ng anak mong 'yan! May sinapak, nambutas ng gulong ng may gulong. Kaliwa't-kanan, harap at likod na pambababae! Tapos ngayon gusto pa yatang patandaing dalaga 'tong mga kapatid niya! Saan ka ba nagmana?!" hagip ng Mommy Lia ko sa tenga ko. Takte bente dos na ko pinipingot pa! "Mom naman! Ang laki-laki ko na pinipingot pa!" reklamo ko at pilit kumakawala. Iyon ang mahirap, lahat kasi mga kalokokohan hindi makalusot sa ina ko. "Baby, tinatanong mo talaga kung kanino ba nagmana ang anak natin? Ikaw ang reyna noon sa pagkapasaway eh, anak natin siya. Kaya siya ang prinsipe. Haha!" awat ni Dad na halos maglupasay sa katatawa sabay yakap sa likuran ng Mommy ko. "Gino ‘wag mo kong tawanan diyan! Gusto mo rin mapingot?" pananakot niya kay Dad. "Oh, sige na ‘wag ng uminit ang ulo mo, bitiwan mo na ang tenga ni Gian," sumeryoso na si Dad sa takot na mapingot ng Nanay ko pero pigil pa rin ang tawa pati na ang kambal. Tsk sa laki ko ba namang ito pipingutin pa? Nakakatawa talaga. Nakakainis pa! "Ikaw naman kasi Gian, tama na ang panggugulpi pero kung para sa mga aswang na umaaligid dito sa mga kapatid mo sige lang." ngisi ni Dad sabay akbay sa kambal. "Kinunsinti mo pa talaga?" hampas ng Mommy ko kay Dad na tinawanan lang nito. Ewan ko ba sa kanila, parang kahit anong gawin ni Mom hindi napipikon si Dad. "Dada! Kinakampihan mo siya?" sabay na angal nina Marli at Margi kaya napangisi rin ako. Siyempre pati kay Dad lalong hindi uubra ang ligaw-ligaw na `yan! "Mga baby pa kayo bawal pa magboyfriend. Maaga pa para magpaaswang kayo. You listen to me and to your brother," sagot ni Dad doon sa dalawa. Walang nagawa ang kambal kundi tumango. Masunirin din naman kasi ang mga ito kahit medyo pasaway. "Parang siya hindi aswang? Natatandaan ko pa nga dati noong mga nasa ganyang edad ako, dis-oras ng gabi nambubulabog ka sa balcony ng kwarto ko para manligaw," parinig ng Mommy ko at binitawan na ang tenga ko saka ito napangiti. "Ang hard mo nga no’n, folder ang gamit ko para magkaintindihan tayo tapos bato naman ang sagot mo," tawa ni Dad na tila literal na kuminang pa ang mga mata sa pagkakaalala niyon. In love na in love talaga sila sa isa't-isa. Kulang na lang maghugis puso ang mga mata nila kapag magkasama. Tipong walang nagbago kahit pa madagdagan ang mga edad nila. Kunsabagay parang ang layo naman talaga ng itsura nila sa tunay na edad nila. Ganoon talaga siguro kapag inlove. Nagmumukhang bata. Si Mommy kasi kahit na reyna siya ng pagkapasaway, napagtitiyagaan siya ni Dad. Tapos itatanong pa talaga kung kanino ako nagmana? "Oh, sige na i'll go ahead! Bye!" ngisi ko at halik sa pisngi ng ina ko saka ako nakipagfist bump kay Dad. Kumaripas na rin ako ng takbo palabas ng bahay. Ganoon ako kapag nakasilip ng pagkakataon, takbo kaagad! "Gian Lee! Hindi pa tayo tapos!" pahabol ni Mama. "Ingat!" pahabol naman ni Dad. They're the coolest parents! Dinaanan ko ang pinsan kong si JC na nag-aabang na sa labas ng gate nila. Kapit-bahay lang din kasi namin ang mokong. "Buti pinayagan ka?" natatawang ani JC habang nagmamaneho ako papunta sa isang bar. Usapan na kasi namin iyon kaya naman kahit binawalan ako ng Mommy ko, sumige pa rin ako. "Tumakas ako," ngisi ko. "Lagot ka kay Tita Lia." tawa niya. "Mas lagot ka sa kambal! Panay daw kasi ang report mo sa'kin, pinagtutulungan daw natin silang tumandang dalaga." pananakot ko. "Dude kundi ba naman likas na gago ang Juanchonggo na ‘yon hindi na ko manghihimasok, kapatid na rin turing ko do’n sa kambal kaya hindi uubra ‘yon." Tumango-tango naman ako. JC and I are best friend kahit tatlong taon ang tanda ko sa kanya. Kasama ko siya sa kalokohan. "Una ka na sa loob, park ko lang 'to." sabi ko sa kanya kaya bumaba na siya. "Bilisan mo nandoon na si Trixie," paalala niya bago tuluyang pumasok sa bar. Napangisi ako. Trixie? She's just one of my flings. Enjoy ako sa kanya kasi mapagbigay. Lahat ng gusto ko ginagawa niya pero kagaya ng sabi ko fling lang siya. Not a girlfriend. Mahirap makipagcommit. Komplikado. Mga babae pa naman ang kadalasang kahulugan ng salitang iyon. At ayoko ng ganoon. Sa komplikado. Iinit lang ang ulo ko, mauuwi lang sa pag-iyak, maawa pa ko. Nagmaniobra na ko ulit nang makita kong may parking space. "s**t!" napamura ako nang biglang may bumangga sa kotse ko hindi pa man ako nakakapasok sa spot na pagpaparadahan ko. Paglinga ko sa likuran may kotse rin. Iritadong bumaba ako para kumprontahin ang sinumang sakay niyon. Malakas na kinatok ko ang bintana ng kotse ng nakabangga sa akin na wala pa yatang balak bumaba. "Baba!" malakas na utos ko. "S-Sorry po Kuya." nakayukong paumanhin ng babae na bumaba sa driver's seat. She's cute. Pero dahil bad trip ako i don't care. "Sorry? Are you blind or stupid enough para banggain ang kotse ko? Dapat sa lisensiya mo sinusunog," kalmado pero inis na sabi ko. Nagulat ako nang bigla siyang tumunghay at katusin ako ng malakas! Halos mayanig ang utak ko sa lakas niyon. Wala pang nakakatos sa'kin kahit magulang ko, hanggang pingot lang! Maliban pala sa isang tao. At dito sa babaeng ito! "Makatanga ka naman? Over! Hindi ko naman sinasadya, eh! Gano’n talaga kapag bago pa lang natututong magdrive. Kaya nga nagsosorry na, eh! Mahirap intindihin?" sunod-sunod na litanya niya. Napatanga na lang tuloy ako sa kanya at naumid ang dila. Hindi lang dahil sa lakas ng pagkakakatos niya sa akin kundi doon sa bibig niyang dire-diretso ang pagtalak. Those pair of brown eyes na nanlilisik kapag nagagalit. That small but pointy nose. Her familiar and annoying voice. Tang inumin. It can't be! It can't be her! Mayamaya'y tila natigilan din siya at napatitig sa akin ng ilang saglit. Parang narealize niya kung sino ba ako. "G-Grumpy?" tila nanantiyang tawag niya. Napaiwas ako ng tingin. That stupid endearment! Ayaw na ayaw kong marininig iyon. Isa lang ang tumatakbo sa isipin ko. Ang lumayo sa kanya. "Grumpy mo mukha mo!" inis na sabi ko nang makabawi sa pagkabigla at tinalikuran na siya. "Gian Lee!" tawag pa niya pero hindi na ako lumingon pa. Dali-dali akong sumakay pabalik sa kotse ko at pinaharurot iyon paalis. I know it's a childish act pero hindi ko talaga alam kung paano siya haharapin. Yeah. I was tamed...by her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD