Chapter 8

2440 Words
Tinatambol ko ang mga daliri ko sa folder na hawak ko habang nakaupo at naghihintay kay Ashton na nakapila sa finance department para magbayad ng tuition fee ko. Tinawagan lang ni Ash 'yung Daddy niya kahapon nang makauwi na kami para sabihin na ngayon na nga ako mag-e-enroll. Sinabi din niya kung magkano ang tuition fee na babayaran para sa kursong napili ko. Kaagad namang sinend ni Daddy sa bank account ni Ashton 'yung pera. No sweat. Pinapa-fully paid na din nila. Ang aga ko ngang nagising kanina kahit na hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa kakaisip sa anak ko. Hindi kasi ako sanay na wala siya sa tabi ko. Maaga ko din ginising si Ashton na sa living room natulog. At hindi ko alam kung bakit doon siya natulog. O baka doon nalang siya nakatulog? Ewan. Mabilis akong tumayo nang makita si Ash na naglalakad na tungo sa kinaroroonan ko. "Okay na?" Excited kong tanong bago pa man siya tuluyang makalapit sa akin. Hindi naman ako excited dahil sa nakapagbayad na siya. Excited ako dahil tapos na at mapupuntahan na namin si Elly. Kaya ko nga maagang binulabog si Ashton kanina para kaagad kaming matapos. Laking pasasalamat ko nga sakanya dahil hindi niya ako iniwan at sinamahan talaga niya ako. Siya nga halos ang nag-asikaso sa mga kailangan, eh. "Mhmm. Kain muna tayo dito, Maze? I'm so hungry." Hinaplos nito ang tiyan. Halata din sa hitsura niya na gutom na siya. At hindi lang 'yon; halata din na pagod siya. Nakaramdam ako ng awa sakanya at guilt dahil sa nasabi ko kahapon. Totoo naman siguro na hindi din siya makapag-focus sa mga klase niya kapag sumasagi sa isipan niya si Elly dahil lagi siyang nagti-text o kaya ay nagcha-chat sa akin kapag nasa eskwela siya. Minsan kasi, dumadating sa punto na hindi ko na pinag-iisipan ang ilalabas sa bibig ko. O kung ano nalang 'yung naisip ko, 'yon na talaga ang sasabihin ko. "Okay, sige. Saan ba tayo kakain dito?" Tanong ko. "Or mag-drive thru nalang tayo? Bilhan na din natin ng pasalubong si Elly." Ngumiti ito na hindi litaw ang mga ngipin niya. Tumango ako saka gumanti ng ngiti sakanya. Sinundan ko siya nang lakad hanggang sa makarating kami kung saan nakaparada ang sasakyan niya. "Maze, why do you choose nursing?" Biglang tanong ni Ashton habang nagma-maneho. Tumingin ako sakanya dahil sa tanong niya. Bakit bigla niyang naitanong sa kung bakit nursing ang napili ko? "'Yun kasi 'yung pangarap ko dati pa," sagot ko. Saglit niya akong nilingon saka nginitian. Na-curious lang siguro siya kaya niya naitanong iyon. Hindi naman namin napag-uusapan ang tungkol sa kung ano ang gusto ko, eh. Oo, tinatanong niya ako kung gusto ko pang mag-aral pero hindi siya naging interesado sa kung anong kurso ang gusto kong kunin. At kagaya nung sinabi niya ay nag-drive thru kami. Binilhan na din niya ng pasalubong si Elly. In-enjoy ko nalang ang burger ko habang bumabyahe kami. Ganoon din naman ang ginawa ni Ashton na abala ang dalawang kamay: hawak niya ang jolly hotdog sa kaliwa, habang nasa steering wheel 'yong kanan niyang kamay. Pumailanlang ang tunog ng cellphone sa loob ng sasakyan. Pinigilan ko ang sarili ko na lingunin ang tumutunog na cellphone sa center console. Baka isipin ni Ashton na nagiging usisera ako. Sakanya kasi iyong tumutunog dahil nasa dashboard ang akin. Nakita ko sa sulok ng mata ko na inabot niya ito matapos ilagay ang wrapper ng hotdog sandwich niya. "Anj," entra ni Ash. Iyong kapatid niya pala ang tumatawag. Binaling ko ang ulo ko sa center console saka kumuha ng tissue at nagpunas ng kamay. Kinuha ko na din ang coke na nakalagay sa drink insert at tinasak ang straw saka uminom. "Tapos na siya. We're on our way there. What's Elly doing?" Sabi ni Ashton. Sinulyapan ko siya ng tingin habang sumisipsip sa inumin ko. Tumingin din naman ito sa akin. "Hand the coke for me, love." Napatigil ako sa pag-inom at otomatikong tumaas ang dalawang kilay sakanya. Ako ba ang inuutusan niya? Ako ba ang kausap niya? At higit sa lahat... love? Sumulyap si Ash sa coke niya na nasa cup insert saka na ibinalik ang atensyon sa kalsada habang kausap pa din ang kapatid niya. Nilunok ko ang natenggang coke sa bibig ko saka sinunod ang utos niya. Siguro, ako nga. "Thanks," aniya matapos makipag-usap kay Anjeaneth at ibinalik ang phone sa center console saka kinuha ang coke na inaabot ko. Tumango nalang ako at kaagad na ipinagpatuloy ang pag-inom. Pakiramdam ko ay nanuyot ang lalamunan ko. Hindi naman ito ang unang beses na natawag niya akong gano'n pero hindi ko nalang pinapansin madalas. Minsan pa nga ay baby pero hinahayaan ko na lang. Alam ko naman kasi na wala lang naman iyon sakanya. Baka iyon ang mga tawag niya kay Briella at aksidenteng natatawag niya ako. At ang sabi ko nga, hanggang ngayon ay hindi pa din ako masyadong sanay. Nang makarating kami sa bahay ng mga magulang ni Ash ay sobrang lapad ng mga ngiti ko. Lalo na noong sinalubong ako ng anak ko na naglalaro sa sala. Tumakbo pa ito palapit sa akin at kaagad na nagpabuhat dala ang isang manika. "Did you miss mommy?" Tanong ko habang saka humalik sa buhok niya. Pinapanood naman kami ng mga tita niya habang nakangiti. "Yes, Mommy!" Maligalig siyang sabi saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Mas lalong lumapad ang mga ngiti ko at gigil na humalik sa pisngi niya. "Come here, baby. We bought something for you," rinig kong sabi ni Ash mula sa likuran. Nakita ko ang pagningning ng mga mata ni Elly. Binaba ko siya at mabilis siyang tumakbo palapit sa Daddy niya. Umikot ako para makita ko silang dalawa. Naka-squat si Ashton sa harapan ng anak niya habang naka-palupot naman ang isang braso ni Elly sa batok ni Ash. Hindi din maalis sa mga labi niya ang mga ngiti habang tinitignan ang anak niya. Inabot niya ang dala niyang pasalubong kay Elly. Punong-puno ng pagmamahal ang mga titig niya. Lumakad ako tungo sa couch at tumabi sa pag-upo kay Ate Roj habang nakatingin kay Elly at Ashton. "Hindi siya umiyak kagabi, Ate?" Tanong ko na pinatutungkulan si Elly. Inalis niya ang tingin niya sa kapatid at pamangkin na ngayon ay naglalakad tungo dito sa pwesto namin habang magka-hawak kamay. "Nope. Though, sina Mommy 'yung katabi niyang natulog kagabi." Aniya saka umiling. "Penge naman po si Tita Anj, Elly," anang Tita Anj niya na parang bata nang buksan ang dala ni Ash para sakanya. Nakatayo ito sa harapan ng center table habang si Ashton ay naka-upo na sa sahig habang nakataas ang isang tuhod. Mabilis namang lumapit si Elly sakanya at binigyan niya ito ng isang piraso ng fries. Tumawa si Anjeaneth at nagpasalamat. Nag-kwentuhan kami ni Ate Roj tungkol kay Elly na ngayon ay sinusubuan ni Ashton. Tinanong ko din kung hindi siya napagod kahapon sa pagbabantay sakanya. Hindi naman daw at okay lang naman daw dahil nandito din naman si Anj at Jiru. "Are you sure you want to take care of her while we go to school?" Tanong ni Ashton sa kapatid saka sinulyapan si Elly na nasa tabi niya. "Yup. Wala namang problema sa akin 'yon," sagot naman nito. "You'll miss the opportunity to work abroad, Roj. Heard they're offering you three times higher than what other company here has been offering you." Ate Roj is smart kaya marami din naghahabol na mga kumpanya sakanya. Topnotcher siya sa board exam ng mga Civil Engineers. Sobrang proud sakanya ng mga magulang niya. Nagpa-party pa nga sila no'n, eh. "Yup. But I don't really wanna work abroad. And Mom and Dad were not pressuring me to take the offer. Okay naman din sakanila kung dito nalang ako magtrabaho. Malapit pa." Tumango si Ashton. "Okay, then. Ikaw bahala. I'm telling you, Roj. It's not easy to babysit Elleen." Ngumisi ito sa kapatid niya. "Kung makapag-decide ka na mag-work, Ate, pwede ko din naman na iwan muna si Elly sa mga magulang ko." Sabat ko saka ngumiti. "Or hihintayin ko nalang na mag-operate 'yung construction firm na sinasabi nung kaibigan ko. Nakapag-trabaho naman na ako ng isang taon," mungkahi ni Ate Roj. "Baka hindi ka na makapag-asawa niyan." Asar ni Ash habang nakangisi sa kapatid. "Inunahan mo ako, eh!" Irap ni Ate sakanya. "And I'm in no rush. Alagaan ko nalang muna si Elly." Ngumiti ito saka tinignan si Elly na abalang kumakain. Napangiti na din ako. Tumayo ako at lumapit sa anak ko. Umupo ako sa tabi niya saka hinawi ang ilang hibla ng buhok na nagiging sagabal sa pagkain niya. Hinaplos namin ni Ashton ang likuran nito. "Do you wanna stay here with Tita Roj while Mommy and I go to school?" Malambing na tanong ni Ashton sa anak. "Yes! I wanna stay here, Daddy. I want to swim everyday!" Masiglang sagot ni Elly. Pare-pareho kaming natawa. "Mangingitim ka kapag everyday ka nag-swim," ani Anj. "It's okay, Tita Anj. I love swimming." Ngumiti si Elly sa Tita niya. "Why don't we have a swimming pool in our house, Mommy?" Baling sa akin ni Elly na napaka-inosente. Mas lalo kaming natawa. "But you have an inflatable pool at home, don't you? And you can also swim in the tub." Tumango naman ito saka na inabala ang sarili sa pagkain. "Cute-cute! Sarap papakin!" Ani Anjeaneth na parang gustong papakin ng kagat si Elly. Nagpatuloy sa pag-uusap si Ate Roj at Ash at ang topic nila ay ang kurso nila. Pareho lang nilang gusto na maging isang licensed engineer. At nakamit na ni Ate Roj 'yon. Susunod na si Ashton. Nang matapos kumain si Elly ay pinagpahinga ko muna siya nang kaunti. Maya-maya pa ay nagpaalam ako sa mga kasama namin sa sala na paliliguan ko muna si Elly. Hindi naman umangal ang anak ko at sumama sa akin. Sumunod naman sa amin si Ash sa pagpasok sa kwarto niya. "Hindi ka ba inaantok, Maze?" Tanong ni Ashton habang ipinaghahanda ko ng damit si Elly na nasa banyo na. Naka-upo ito sa gilid ng kama habang nagtatanggal ng sapatos niyang suot. Humikab pa ito at nag-stretch ng mga kamay. "Sasabayan ko nalang siguro si Elly mamaya kapag napatulog ko na siya." Tinanguan lang ako ni Ashton saka humiga sa kama. Tumungo ako sa banyo para masimulan na ang pagpapaligo kay Elleen na nakababad sa bath tub kasama ang mga bath toys niya. Kahit sa bahay ay mayroon siyang mga ganitong laruan. At sosyal ang pamilya ni Ashton dahil bawat banyo ng kwarto nila ay may tub. 'Yung public comfort room lang nila sa baba at 'yung bathroon ng mga kasama nila sa bahay ang wala. Malikot si Elly at nagtatampisaw pa sa tubig kaya medyo nabasa ang suot kong damit. Hinayaan ko nalang iyon at hindi siya sinuway kahit na parang binabasa talaga niya ako dahil tumatawa pa siya. Mukha siyang nag-eenjoy at hindi ko siya magawang pagalitan. "Take a dip, Mommy," anyaya nito. "Naligo na ako kanina, eh," tanggi ko. Hinayaan ko na muna siyang bumabad at mag-laro. Kusa din siyang magpapabihis mamaya. At kung pupwersahin ko siyang umalis sa tubig, siguradong mag-aaway lang kaming dalawa. "Are you done?" Tanong ko nang umaalis na siya sa tub. "Yes, Mommy." Tango nito. Binuhat ko siya paalis sa tub saka ko siya binanlawan saglit. Kinuha ko ang tuwalya para tuyuin ang buhok at katawan niya saka ko na siya binihisan. Nang lumabas kami mula sa banyo ay patay na sa tulog si Ashton na hindi na nagtanggal pa ng medyas. Kahit gusto ko din matulog ngayon ay pipigilan ko nalang ang sarili ko. Hinintayin ko nalang na antukin si Elly para hindi naman nakaka-ilang na magtatabi kami ni Ash dito. Nag-ayang bumaba si Elly matapos ko siyang suklayan. Makikipag-laro daw siya sa mga tita niya. Sinamahan ko siya sa baba at nang makita niya na wala na sa living room ang mga tita niya ay inaya niya akong tumungo sa mga kwarto nila. "Tita Anj, open the door, please..." tawag ni Elly habang kumakatok sa pintuan. Agad namang binuksan ni Anjeaneth ang pinto saka kami pinapasok sa loob. Nang maupo ako sa kama niya ay parang gusto ko nalang matulog. Ang lamig kasi kaya hindi ko naiwasan ang hindi mapahikab. "Sleep ka muna, Ate. Dito na muna si Elly," ani Anj habang naka-upo si Elly sa lap niya na may pinapanood sa phone. Siguro ay napansin niya na inaantok talaga ako. "Okay lang?" Tanong ko. Hindi ko na kasi alam kung kaya ko pa bang kontrolin 'yung antok na nararamdaman ko. "Oo, Ate. Ako nalang magpapa-tulog sakanya kapag inantok na siya." Tumango si Anj. Ngumiti ako saka din tumango. Wala talaga akong masasabing masama sa pamilya ni Ashton. Maganda ang trato nila sa akin at nirerespeto nila ako kahit na hindi naman talaga kami mag-asawa ng kapatid nila. "Elly, behave ka lang dito kay tita, ha?" Paalala ko sa anak ko nang mag-paalam ako kay Anj na matutulog muna ako sa kwarto. "I will be a good girl, Mommy," Elleen said, smiling. Muli akong nagpaalam sakanila saka na lumabas. Kahit gusto kong makitulog nalang doon sa kwarto niya, hindi ko ginawa. At ngayon, makiki-share nalang ako ng higaan kay Ashton. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan saka isinarado. Tumungo ako sa kama at marahang humiga sa kabilang side nito ng patagilid. Nasa kabilang side naman ang nakabaluktot na si Ashton. Malayo naman kami sa isa't isa dahil may espasyo pa sa gitna. Malaki din naman itong kama niya dito. At hindi naman ako malikot matulog kaya alam ko na hindi ako makakarating sa tabi niya. Habang nakahiga ay doon ko lang na-realize kung gaano ako kaantok kaya ipinikit ko ang mga mata ko saka nalang nagpatianod sa kawalan. "Mommy..." rinig kong tawag sa akin ng anak ko. Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako o tinatawag niya talaga ako dahil nilamon na din ng kawalan ang tinig nito. O masyado lang akong naging kumportable sa pagtulog ngayon? Sinubukan kong buksan ang mga mata ko at dumapo ang paningin ko sa puting medyas na nakasuot sa isang paa. Nakataas ito na para bang nakapatong sa isang bagay. Doon ko lang naramdaman mainit na hangin na tumatama sa balat ng leeg ko at ang bigat sa may hita ko. Ramdam ko din ang isang bagay na nakayakap sa may dibdib ko. Biglang nawala ang antok na nararamdaman ako saka nalang napalunok. Marahan at maingat akong lumingon at nakita buhok ni Ashton. Halatang naksubsob ang mukha nito sa gilid ng leeg ko. Mabilis na nag-init ang buong mukha ko dahil sa katotohanang nakayakap sa akin ang tatay ng anak ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD