Chapter 7

2426 Words
"Walang nakakakilig!" Saway ko sa mga kaibigan ko. Mula kaninang umalis si Ashton, hindi na sila tumigil sa kakakantyaw sa akin. Pinuputakte nila ako ng asar dahil lang doon sa sinabi ni Ashton. Ganoon na ba ako kadaling basahin? Jusko. "Feeling ko, gusto ka na ni Ash, Maze," pahayag ni Krystal. Sumang-ayon ang dalawa. "Parang hindi kayo 'yung nagsi-send ng mga picture nila ni Briella, 'no?" Irap ko. Konting galaw nga lang ni Ashton kapag nasa university, updated ako, eh. Ina-update ako ng tatlong babaeng ito. Lalo na kapag may kausap o may kasabay siyang maglakad na babae? Naka-report sila sa akin kapag nakita nila siya. Kahit nga kapag nakakasabay nila siya sa cafeteria, eh. Minsan nga nahuhuli yata sila ni Ash dahil nagpo-pose siya sa picture na ise-send nila sa akin. At nakakahiya iyon dahil baka iniisip ni Ashton Vasquez na pinapabantayan ko siya. "Sine-send lang naman namin, ah?" Depensa ni Krystal. "Tsaka, group picture naman kasi 'yung sine-send namin. Hindi naman silang dalawa lang." "Nagse-selos na siguro si Maze." Tumawa si Clea. "Excuse me!" Singhal ko. Alam naman nila na hindi ko naman gusto si Ashton. Tsaka, malabo din naman na magka-gusto siya sa akin. Tamang magkasundo lang kaming dalawa at pinipiling hindi pakialaman ang personal na buhay ng bawat isa. Ngunit sa pag-uusap namin kaninang umaga at sa mga sinabi ni Ash, mukhang mag-uumpisa nang magbago iyon dahil parang nagde-demand na siya sa akin. Nilisan namin ang Toll House at naglibot-libot sa loob ng mall. Kapag nakakakita ako ng bata ay pumapasok sa isipan ko ang anak ko. Para bang gusto ko nang umuwi at iwan 'tong mga kasama ko dito. Alam ko naman na kapag nagpaalam ako, maiintindihan nila ang rason at sentimyento ko. Pero kailangan ko na siguro talagang sanayin si Elly na hindi ako kasama sa loob ng maghapon. Well, hindi lang si Elly ang kailangan kong sanayin dito. Pati na din ang sarili ko. Nilibang ko ang sarili ko sa pagpili ng mga damit nang pumasok kami sa isang boutique. Pilit kong isinaksak sa utak ko na i-enjoy ko na lang ang araw na ito dahil ito ang unang beses na umalis ako sa loob ng apat na taon na hindi kasama si Elly. Pero siyempre, hindi mawawala 'yong mga thoughts na kung kasama ko lang si Elly, siguradong mag-e-enjoy 'yon dito. Lumabas kami sa boutique na wala man lang binili. Walang natipuhan 'yong mga kaibigan ko, at wala din naman akong nagustuhan. "Madadagdagan na naman ang mga gwapo sa HTU ngayong pasukan!" Excited na sabi ni Clea nang mapag-usapan namin ang mga estudyante ng Holy Trinity University kung saan sila nag-aaral at kung saan din ako mag-aaral. Nandito kami sa isang café sa labas ng mall. Dito nila naisapang tumungo pagkatapos namin sa boutique. Lagi naman nila iyong sinasabi kapag nag-uusap kami sa group chat. Ang dami nga nilang mga crush, eh. Hindi sila nauubusan. Pero wala ni isa sa kanila ang may boyfriend. Magaganda naman ang mga kaibigan ko at matatalino. May mga nanligaw din naman sa mga 'to noong High School at mayroon din naman daw nagpapahiwatig sa kanila sa mga blockmate nila ngayong college. Ang problema nga lang, mataas ang mga standards nitong mga 'to pagdating sa lalaki. Parang 'yong mga kaibigan lang ni Ash. Hindi sila magdi-date ng kung sino-sino lang. Mga pihikan. Pero kung ako man siguro ay magiging mapili ako kung sakali. "Ay, oo! 'Di ba, noong nag-enroll tayo, ang daming incoming freshmen na nag-take ng AT? Ang daming gwapo!" Kilig na kilig na saad ni Krsytal. "Magiging lukaret na naman tayo nito!" Natatawang sabi naman ni Sheila. Natawa nalang din ako. Hindi naman sila pare-pareho ng kursong kinuha. Civil Engineering si Krystal katulad ni Ash pero hindi sila blockmate. BS Bio naman si Shiela habang si Clea ay Architect. "Mga freshmen ang target niyo ngayon?" Panunuya ko sakanila. "Hoy, hindi! Madami lang talagang gwapo." Agap ni Krystal saka ako inirapan. "Sayang, Maze, hindi ka na pwede." Lumabi naman si Shiela. Ngumiwi ako sakanya. "Bakit hindi?" Tanong ko. "Hindi naman kami kasal ni Ash, ah?" Pagbibiro ko. "Hala siya! May balak?" Nanlaki ang mga mata ni Shiela sa akin. "Wala, 'no! Joke lang 'yon. Tsaka, hindi naman lalaki ang aatupagin ko." Irap ko sakaniya. Tumango-tango ito. "Wala ka pa bang nararamdaman para kay Ash, Maze?" Maya-maya ay tanong ni Krystal. Seryoso ang mukha nito. Lagi naman nilang tinatanong sa akin ang ganito. At sa loob ng apat na taon, pare-pareho lang ang isinasagot ko sakanila: wala. O kaya ay hindi. Pero ngayon? Hindi ko na alam. Hindi na din ako sigurado kung wala pa nga ba. "Hindi ko alam." Tipid akong ngumiti. "Mabait naman si Ash, 'di ba? Tsaka, halatang mahal naman niya si Elleen." Si Shiela. Tumango ako dahil totoo 'yon. He can handle Elly very well whenever she's whining or throwing tantrums. Gentle parenting ang ginagawa ni Ash kay Elly. Ako kasi minsan, nawawalan ng pasensya sakanya lalo na kapag nahihirapan ako sa pagpapatulog sakanya sa tanghali o gabi. Kapag sobrang kulit niya, hindi ko maiwasan ang hindi siya sigawan. At kapag iyak siya nang iyak sa hindi ko malamang dahilan kahit na ginagawa ko naman ang lahat para lang mapatahan siya, nawawalan talaga ako ng pasensya. Siguro alam nang ibang nanay ang ganoong klase ng pakiramdam. Naiintindihan nila ako sa ganoong sitwasyon. "Parang hindi niyo alam na si Briella ang talagang gusto ni Ashton." Pahayag ko saka pinaglaruan ang straw ng Frappe ko. "Hoy, hindi mo alam? May boyfriend na si Briella, te!" Ani Krystal. "Blockmate siya ni Ashton." Umirap ito. Tumaas ang mga kilay ko saka tinantanan ang straw. "Oh, talaga?" Paninigurado ko. So totoo nga 'yung sinabi ni Ash na wala na sila? "Oo! Natatandaan mo 'yung sinend kong picture nila Ash sa GC?" Tumango ako. "'Yung kasama niya 'yung mga block-mates niya? 'Yung lalaking katabi ni Briella, 'yun 'yong boyfriend niya." "Ah, 'yon?" Tango-tango kong sabi. "Gwapo din 'yun, ah? Mahilig talaga sa gwapo si Briella." Hindi ko alam kung naiinis o naiinggit si Clea nang sabihin niya 'yon. "Mahilig sa hindi niya ka-edad." Ngumiwi si Shiela. Napa-iling nalang ako. Ahead kasi kami ng isang taon kay Briella. Noong sila pa ni Ash, nasa grade 10 pa lang siya habang si Ash ay grade 11 na. Malamang, second year pa lamang si Briella ngayon at sa HTU din siya nag-aaral. Maganda naman kasi si Briella kaya may karapatan siyang humanap ng gwapo. Maganda ang hubog ng katawan at magaling pumorma. Hindi mo nga iisipin na bata pa lang siya, eh. Matured na kasi 'yung katawan niya. I mean, parang full bloom na. Ang dami nga ding lalaking may gusto sakanya sa school namin noon, eh. Pero hindi sila maka-porma dahil nga alam ng lahat na girlfriend siya ni Ashton. "Si Calvin... sa HTU din ba nag-aaral?" Wala sa sariling tanong ko. Wala na kasi akong balita sakanya, eh. Paminsan-minsan ay hinahanap ko siya sa f******k pero hindi ko makita 'yong account niya. O baka binura na niya? At ayoko namang magtanong kay Ashton nang tungkol sakanya. Baka kung ano pa ang isipin niya. Basta ang alam ko, hindi na nila kasama si Calvin. Kung hindi lang sana nangyari ang mga nangyari noon, siguro ay magugustuhan ako ni Calvin. Feeling ko nga dati ay gusto niya ako, eh. Lagi kasi niya akong pinapansin at kinaka-usap. Madalas din kaming mag-kwentuhan. Sobrang bait niya at napaka-approachable. Hindi tulad ni Ashton na kahit magkaklase kami, hindi siya namamansin. Well... hindi naman sa gusto kong pansinin niya ako, pero parang hindi ako nag-e-exist noon sa mundo niya. Hindi lang naman pala ako. Pati 'yung mga kaibigan ko. Pero siguro, may lihim ding galit sa akin si Calvin dahil sa nangyaring iyon. Mula noong kumalat ang balita tungkol sa amin ni Ash, hindi na niya ako pinansin. Umiwas na siya sa akin. Sinisisi niya din siguro ako sa kung bakit nasaktan 'yung kapatid niya. "Maze, ah? Umaasa ka pa ba kay Calvin hanggang ngayon?" Ani Krystal. "Kaya siguro hindi mo magawang magustuhan si Ash kasi si Calvin pa din," akusa naman ni Clea. "Girl, move on na kay Calvin." Si Shiela. Gusto kong matawa at mainis sakanila at the same time. May mali ba sa naging tanong ko at nasabi nila ang mga 'yon? "Tinatanong ko lang po!" Mataray kong sabi. "Kung anu-anong konklusyong nabuo sa mga utak niyo, ah." Pina-ikot ko ang mga mata ko. Umismid naman si Krystal. "Oo, sa HTU din siya nag-aaral," sagot ni Clea. "Nursing din yata 'yung course niya." Tumango ako saka napangiti. Sabi nga sa akin ni Calvin no'n, iyon ang kursong gusto niya at iyon ang kukunin niya pagtungtong niya ng college. Nakakatuwa naman na hindi nagbago ang gusto niya. "Oh my gosh!" Ani Krystal sa gulat na tinig na para bang may naalala... o nakalimutan. Nakatingin pa ito sa akin kaya kumunot ang noo ko. "What?" "Kaya ba nursing din ang kukunin mong course kasi, nursing din si Calvin?" Naningkit ang mga mata nito. Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. "Oo nga, 'no?" "Hoy, Maezel, umayos ka, ah?" Halos sabay na sabi ni Shiela at Clea. "Hindi, ah! Ba't niyo naisip 'yan?" Bulyaw ko. "Hindi ko nga naisip 'yon, eh! Nursing 'yung kukunin ko kasi, 'di ba, 'yun naman talaga 'yung gusto ko?" Depensa ko. Talaga namang nursing ang gusto ko. Simula pa noong bata ako, iyon na ang kursong pinapangarap ko. Alam kong alam naman nila 'yon, eh. Hindi ko lang alam kung paano nila na-connect kay Calvin iyon. Nagkataon lang naman na pareho kami ng gusto nung tao. Hindi ko na pinansin ang mga iba pa nilang sinabi at pang-aasar. Hinayaan ko nalang silang mag-assume ng kung anu-ano. Basta ako, mag-aaral ako ng maayos para sa sarili at sa anak ko. Hindi para sa kung sino. Nang tumigil sa pag-uusap ang mga kasama ko ay nag-ayang mag-picture si Clea. Medyo adik 'to sa selfie at napaka-active sa social media. "Tag mo sa akin, Cle," ani Shiela. "Tag ko sa inyong lahat." Sagot ni Clea saka na pumindot sa cellphone. Kinuha ko din ang cellphone sa sling bag na dala ko saka binuksan ang mobile internet at nag-open ng f******k account. Bumungad sa newsfeed ko ang video ng anak ko na masayang nakasakay sa flamingo floater habang tinutulak siya ni Anj. Mabilis kong pinusuan iyon. At medyo nakaramdam ng takot. Paano kapag tuluyan siyang masanay na hindi niya ako kasama? Nakatatakot isipin na baka hindi na niya ako hanapin o baka lumayo ang loob niya sa akin. Pero sana ay hindi mangyari iyon. Nagpalipas pa kami ng ilang minuto sa café bago ulit pumasok sa mall at muling kumain. Ilang oras pa ang dumaan nang mapagpasyahan nilang magsi-uwian na. Medyo nakaramdam ako ng tuwa dahil sila mismo ang nag-ayang umuwi. Ayoko naman kasing ako ang unang magsabi na magsi-uwian na kami kahit na gustong-gusto ko. Dati ay kahit buong magdamag pa kaming magkakasama, okay lang. Never akong nakaramdam ng excitement sa pag-uwi kapag kasama ko sila, pero dahil may anak na ako ngayon, natutuwa ako. Mabilis kong tinawagan si Ashton. Mabilis naman siyang sinagot ang tawag ko. "Hello, Ash, nasaan ka?" Pambungad ko. Medyo maingay sa lugar na kinaroroonan niya. "Nandito sa shop nila Dex. Sunduin na kita?" Tanong nito. At para bang naglalakad ito dahil unti-unting nawawala ang background noise. "Um, oo sana. Pero kung may ginagawa kayo, magco-commute na lang ako." Pahayag ko saka sinulyapan ng tingin ang mga kabigan ko. "No, no. Nasaan ba kayo ngayon? Kasama mo pa sina Krystal?" "Yup. Dito lang kami sa mall." "Okay. I'll get going, Maze. Sabihin mo sakanila na sabay nalang sila sa'tin." Tumango ako kahit na hindi niya nakikita. "Sige." Sabi ko saka na tinapos ang tawag. "Sabay nalang kayo sa amin. Ihahatid nalang namin kayo." Baling ko sa mga kaibigan ko. Pumayag naman sila dahil makakatipid daw sila sa pamasahe at ganoon naman daw talaga ang balak nila -- ang makisabay sa amin. Nang magtext si Ashton na nasa may Parking A na siya ng mall ay mabilis kaming nagtungo doon. Mabilis lang namin nakita ang Chevrolet Trailblazer na kulay silver. "Ash, sa intersection lang kami magpapa-drop, ah? Para diretso na kayo. Magta-tricycle nalang kami," pahayag ni Krystal na naka-upo sa likod habang binabagtas namin ang daan, "Okay." Tango ni Ashton. "Bye, ingat! See you soon!" Paalam ko sa mga kaibigan ko nang makarating kami sa intersection. "Bye-bye! Thank you!" "Ingat!" Sabay-sabay nilang sabi nang makababa na sila. Umalis din kaagad kami ni Ashton nang makasakay na sa tricycle ang mga kaibigan ko. "Ash..." tawag ko nang mapansin na parang iba 'yung daang tinatahak namin. Lumingon ito sa akin nang may pagtatanong. "Parang hindi naman ito 'yung daan papunta kila Mommy." "Uh, yeah. Sa bahay na muna tayo uuwi ngayon. Tinawagan ko na si Roj na bukas nalang natin susunduin si Elly after mong makapag-enroll." Muli niyang itinuon ang paningin sa kalsada. Umawang ang bibig ko at nakaramdam ng inis sakanya. Bakit ang bilis niyang gumawa ng desisyon nang hindi man lang ako tinatanong? "Bakit parang wala lang sa'yo kahit na hindi makasama ang anak mo?" Inis kong akusa. Paano ba niya nagagawa ang ganito? Eh samantalang ako, halos iwan ko na 'yung mga kaibigan ko para lang makasama na 'yung anak ko. Walang lumipas na sandali na hindi pumasok sa isipan ko si Elly. Pero bakit sakanya... parang hindi man lang sumasagi sa isipan niya ang anak niya kapag nasa labas siya? Bakit parang hindi man lang niya hinahanap ang presensya nito? "What?" Muli itong lumingon sa akin. Hindi ko mawari kung natatawa siya o naiinis. "Gano'n 'yung konklusyon mo?" "Oo! Kasi, parang hindi naman sumasagi sa isip mo 'yung anak mo kapag may iba kang kasama, eh," sagot ko. "Nakapag-desisyon ka nga agad na iwan siya doon!" "Maze, I'm doing that for her. Sa tingin mo, gusto ko din iwan 'yung anak ko doon? Hell, I couldn't even stay focused on my lessons when she crossed my mind!" Aniya sa naiinis na tinig. "Pero kung doon tayo uuwi ngayon, paano na naman siya bukas kapag umalis tayo? Sigurado, iiyak na naman siya. Paano siya masasanay?" Hindi ako sumagot at tumingin sa unahan. Alam ko naman na may punto siya. Pero sana man lang, sinabi niya sa akin ang desisyon niya, 'di ba? Tinanong niya man lang sana ako kung papayag ba ako. "And I think... you need some helping too." Lumingon ako sakanya. Nakalingon din naman ito sa akin. "Diversion. Tonight." "Huh?" Kunot-noong sabi ko. Muli nitong itinuon ang paningin sa daan. "Wala." Iling nito saka ngumisi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD