Chapter 9

2305 Words
Hindi magkamayaw si Elly na naka-one pice swimsuit sa pagtatampisaw sa tubig dagat habang hawak-hawak siya ni Ashton na topless. Hindi naman malalim sa kinaroroonan nila dahil hanggang sa hita lang ni Elly ang tubig. Nandito kami sa isang beach resort katulad nang hiniling ng mga kapatid ni Ashton sa mga magulang nila. Isang araw lang naman kami dito, at bukas ay uuwi na din kami. "Ate, tara na!" Pagyayaya sa akin ni Anjeaneth na naka-two piece swimsuit ngayon. Kahit si Ate Roj ay naka-swimsuit din. Si Mommy naman ay naka-rash guard katulad ni Daddy at Jiru. Ako naman ay naka-board shorts at spaghetti top. Ayoko naman kasing mag-swimsuit at ayoko din naman mag-rash guard. Makinis naman ang balat ko at wala naman akong stretch marks kahit na nanganak na ako. Pero ayokong mag-swimsuit kahit na binilhan ako ni Ate Roj. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa nipa hut kung nasaan ang ibang mga gamit na dala namin dito. 'Yung iba naman ay nasa hotel room na tutuluyan namin mamayang gabi. Nilingon ako ni Ashton nang daluhan ko sila. Ngumiti ito sa akin at tipid akong ngumiti pabalik. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niyang pagyakap sa akin noong nandoon kami sa bahay ng mga magulang niya. Hindi ko alam kung alam ba niya na yumakap ito sa akin o hindi, pero hindi ko nalang sinabi sakanya ang tungkol doon. Baka wala naman sakanya iyon at nayakap lang talaga niya ako noong mga sandaling iyon. Kinuha ni Daddy si Elly saka binuhat. Sumulong sila nang lakad sa tubig at sinalubong ang maliliit na alon. Ibinaba pa niya si Elly at hinawakan sa magkabilang kili-kili para maibabad ang mga paa sa tubig at hindi tuluyang lumubog. "Daddy, hawakan mong mabuti 'yang apo mo," paalala ni Mommy habang pinapanood sila. "Siyempre naman!" Tugon ni Daddy. Hanggang bewang lang naman ni Daddy 'yung tubig. Tuwang-tuwa naman si Elly na pinapadyak pa ang mga paa kapag may alon na darating. Lumakad na din tungo sakanila si Mommy. Napangiti ako sakanila dahil parang anak lang nila si Elly ngayon. Nanatili naman si Ashton sa tabi ko habang pinapanood din ang mga magulang niya. Hanggang tuhod lang ang lalim ng tubig dito at hindi gaanong malamig ang tubig. Ayoko pa din namang bumabad sa ngayon. "Dad, aren't we going to rent a jet ski?" Malakas na tanong ni Jiru na ngayon ay lumulusong sa tubig. "Ask your Mom," tugon ni Daddy na hindi man lang nilingon si Jiru. "For how long?" Si Mommy. "Say 30 minutes." "Make it an hour, Jiru," singit ni Ashton. Adventurous naman kasi itong magkapatid na ito, eh. Sa tuwing may outing kami, hindi pwedeng hindi sila mag-rent ng jet ski. Minsan ay nagsu-surf din sila at parasail, lalo na kapag mayroon ang beach resort na napuntahan namin. Nagulat ako nang biglang humawak si Ashton sa bewang ko at walang sabi na kinabig ako tungo sa medyo malalim na parte ng tubig. Kinilabutan ako nang maramdaman ko ang tubig hanggang sa bewang ko. Hindi ko na nagawang maka-angal dahil sa bilis niya. "Anong problema mo, Ashton?" Tanong ko habang masamang nakatingin sakanya. Sinubukan ko din tanggalin ang kamay niya sa bewang ko, at nagtagumpay naman ako. "Let's take a dip," aniya saka tumungo sa mismong harapan ko. Muli siyang humawak sa bewang ko, and this time, dalawang kamay na niya ang gamit niya. Halos sumubsob ako sa dibdib niya dahil sa ginawa niyang panghahapit sa akin. Nilingon ko ang mga kasama namin dahil baka pinapanood nila kami, pero sa kabutihang palad ay hindi. Abala sila sa kani-kanilang ginagawa. "Baliw ka!" Saway ko saka siya sinabuyan ng tubig. Tumawa lang ito saka pinilig ang ulo dahil tumama sa mismong mukha niya iyon. Pinakawalan niya ang bewang ko at bahagyang lumayo sa akin dahil masyadong kaming dikit na dikit. At nakaka-ilang. Ayokong bigyan ng false hope ang sarili ko dahil sa mga ginagawa niya. "Ba't hindi ka nag-swimsuit?" Tanong nito. "Roj is complaining. Hindi mo daw sinuot 'yung binili niya sa'yo." "Mamayang gabi para walang masyadong tao," sagot ko saka siya inirapan. Marami kasi ang mga tao ngayon na nandito at ine-enjoy ang bakasyon nila. Madami ding mga babaeng sexy ang naka-swimsuit na palakad-lakad. Walang ibubuga 'yung katawan ko sakanila. "Kuya, let's go! Nakapag-rent na ako!" Tawag ni Jiru na nasa dalampasigan. "Susunod ako," ani Ash sa kapatid. "Wanna ride a jet ski?" Tanong nito sa akin. "No." Iling ko. Nang puntahan ni Ashton si Jiru ay pinuntahan ko naman si Elly na kasama na si Roj. Tinuturuan niya itong mag-float na gustong-gusto ni Elly. Sinasama ni Ashton ang anak niya para sumakay sa jet ski pero hindi pumayag sina Mommy at Daddy. Baka daw mahulog ito at malunod pa. Kinuha ko si Elly at binuhat nang mapagod si Ate Roj sa pagbuhat sakanya. Sabay kaming tumatalon kapag may paparating na alon. Hanggang sa may tiyan ko lang ang taas ng tubig at kapag medyo malaki ang alon ay sinasangga ko ang katawan ko para hindi tumama sa mukha ng anak ko. Abala naman si Ashton sa pagmamane-obra sa jet ski. Gamay na gamay na niya ang pagsakay sa ganito at ang astig niyang tignan. Minsan ay tumatayo pa ito na para bang nagyayabang. Nang mapansin ko na medyo nangingitim na ang mga labi ni Elly ay umahon na kami. Ayaw pa niyang umalis sa tubig noong una pero di kalauna'y wala na siyang nagawa dahil karga-karga ko siya. Sinabi ko din na magpapahinga muna kami at babalik din maya-maya. Hinayaan lang kami ng mga kasama namin nang magpaalam ako sakanila. Nakita din kasi nila na nilalamig na si Elly. Tumungo kami sa nipa hut saka siya pinunasan sa tuwalya at mabilisang binihisan. Isinuot ko na din sakanya ang robe niya. Binalot ko din ng tuwalya ang sarili ko dahil medyo nilamig ako. Mas mararamdaman mo talaga ang lamig kapag umahon ka mula sa tubig. "Let's swim again, Mommy," Elly whines. "Yes, pero mamaya na. Ang itim na ng mga labi mo, oh." Turo ko sa bibig niya. "What happened?" Nag-aalalang tanong ng isang tinig mula sa likuran. Lumingon ako sakanya. "Wala naman. Nilalamig na kasi siya kaya umahon na muna kami," sagot ko kay Ashton na halata sa mukha ang pag-aalala. "Oh! Akala ko kung napano siya," aniya saka naglakad palapit kay Elly. Kumuha ito ng isang chichirya saka binuksan at umupo sa tabi ng anak niya. Lumakad naman ako sa maliit na mesa at kinuha ang iPad na nakapatong doon at ibinigay kay Elly para makalimutan muna niya kahit saglit ang pagsu-swimming. Unti-unti na ding bumabalik sa normal na kulay ang mga labi nito. "Maze, tara, pa-tattoo tayo!" Masiglang sabi ni Ate Roj na kakapasok lang dito. "Meron diyan?" Tanong ni Ash saka kinuha ang damit at isinuot. Tumango si Ate Roj. "Henna lang?" "Yup," sagot nito. "Tara, Maze?" Lumingon ako kay Elly na abala na ngayon sa panonood sa iPad niya. May mga naka-download naman siyang pwedeng panoorin dito kaya kahit walang internet connection ay makakapanood siya. "Ako na bahala kay Elly dito. Sumama ka na kung gusto mo din magpa-henna," wika ni Ash saka dumukot sa plastic ng chichirya at inilagay sa bibig niya. "Thanks!" Sabi ko saka na sumama kay Ate Roj. Nang makarating kami sa stall ng tattoo artist ay saktong katatapos lang nung mga nauna sa amin. Naunang magpa-tattoo sa akin si Ate Roj, at sa lower back niya ipinalagay ang kanya dahil naka-bikini ito. Nang turn ko na ay sa may upper back ko naman ipinalagay ang henna tattoo na lotus flower. Hindi ako mahilig sa mga tattoo ngunit na-aastigan ako sa mga mayroon. At alam ko na mabubura din naman itong sa akin -- maybe after a week or two. Pero kung permanent siguro, ayoko. Para kasing masakit. Pagkatapos naming magpa-tattoo ay si Ate Roj ang nagbayad. Sinabi ko na babayaran ko nalang siya sa room mamaya dahil wala akong dalang cash dito ngunit tumanggi ito. Libre na daw niya iyon sa akin. "Si Elly?" Tanong ko nang makasalubong namin si Ash. At hindi ko alam kung saan siya pupunta. "Sinama na ni Mommy sa hotel room. Tapos na kayo?" "Oo. Ayaw mong magpa-tats?" Tanong ni Ate Roj. "No. Mabubura din naman 'yan. Permanent 'yung gusto ko," sagot nito. Nagpatuloy kami sa paglakad pabalik sa nipa hut. Sumama naman si Ashton sa amin. Baka kami lang 'yung pinuntahan niya. Pakiramdam ko ay ang astig kong tingnan ngayon dahil sa tattoo ko. "What's your tattoo?" Tanong ni Ashton sa akin habang sinasabayan ako sa paglakad. "Lotus flower." Tinuro ko ang upper back kung saan nakalagay ang tattoo. "Patingin?" Huminto ito sa paglakad kaya huminto din ako. Tumungo siya sa may likuran ko at inilihis ang buhok ko. Kinilabutan ako nang tumama ang tip ng daliri niya sa batok ko. "Maganda ba?" Nilingon ko siya. Ganito lang naman talaga kami mag-usap minsan. Ako lang talaga 'yung nakakaramdam ng pagkailang sa aming dalawa. "Yup." Tango nito. Muli kaming naglakad dahil nauuna na sa amin si Ate Roj. "'Yun nga palang tattoo mo sa likod, Ash, anong meaning?" Curious kong tanong nang maalala ko ang permanent tattoo niya sa likuran. "Curiosity sucks..." he wrinkled his nose. Napahinto ako sa paglakad kaya huminto rin ito. Sandali akong tumitig sa kanya, at hindi alam kung papaano ite-take iyong sinabi niya. Iyon ba ang meaning ng tattoo niya o para sa akin iyong sinabi niya dahil nagtatanong ako? Ma-o-offend na ba ako? "Uh, okay," tipid kong sabi. "That's it?" Tanong ko pa makaraan ang ilang sandali. Hindi ko na lang pinansin kung para sa akin ba iyong sinabi niya o baka iyon talaga ang nakalagay sa tattoo niya. Pero kung iyon lang naman pala ang meaning, parang hindi tugma sa haba. Well, what do I know? Baka gano'n kahaba iyong 'curiosity sucks' sa Arabic. Marahang umiling si Ashton habang tipid na nakangiti. "Because it made me fall in love," aniya. At habang sinasabi niya iyon ay nakatingin pa siya sa akin. Para akong tanga dahil bigla nalang kumabog ang puso ko kasabay ng kung anong kumikiliti sa loob ng tiyan ko. Pakiramdam ko ay para sa akin iyong tattoo niya at sa akin siya na-in love kahit hindi naman talaga. "Nice!" Sabi ko nalang saka tumango para maitago ang walang dahilang kilig na bumalot sa katauhan ko. Dumiretso kami sa hotel room dahil nandoon na daw sila, ani Ashton. Dinala na din nila 'yung mga gamit na nandoon sa nipa hut. Nadatnan namin sina Mommy at Daddy sa quad room kung saan kami maglalagi. Kasama namin dito 'yung mga kapatid ni Ashton, samantalang 'yung mga magulang naman niya ay sa isang kwarto na pang-dalawang ka-tao. Napaliguan na din ni Mommy si Elly at nabihisan. Pare-pareho na din silang nakapagbanlaw na at nakabihis. "It's almost lunch, guys," anunsyo ni Daddy saka bumangon mula sa pagkakahiga. "Lunch na lang tayo sa baba, Dad?" Tanong ni Anj. "Yup. Hintayin namin kayo doon," ani Dad saka na inaya si Mommy para mauna sa resto kasama si Elly. Sumama na din sakanila si Jiru at Anjeaneth. Nasa banyo naman si Ate Roj at naliligo na. Naghanda na ako ng damit ko para makaligo na din pagkatapos ni Ate Roj. Tumambay naman si Ashton sa balkonahe para manigarilyo. "Lumabas na sina Mommy?" Tanong ni Ate Roj paglabas niya ng banyo habang nagpupunas ng buhok. "Oo, Ate." Tango ko. "Ikaw? Hindi ka pa bababa?" Tanong pa niya. "Si Ashton?" "Maliligo muna ako." Sagot ko saka tinuro si Ashton na nasa balcony. Nakatalikod ito sa amin at naka-bend ang katawan na nakahilig sa railings. "Sige. Una na ako do'n, ha? Sunod na kayo pagkatapos." Nang lumabas si Ate Roj sa kwarto para puntahan ang iba ay tumungo na ako sa banyo para makaligo na. Paglabas ko sa banyo matapos akong makaligo ay nadatnan ko na si Ashton na mabilis tumungo sa harapan ko. "Hintayin mo na ako para sabay na tayo," pahayag nito saka nilahad ang kamay. Kumunot ang noo ko saka tumingin sakanya nang may pagtatanong. "A-ano?" Tanong ko. Hindi ko alam kung ano ang hinihingi niya o kung ano ang gusto niya -- kung meron man. "Towel, Maze. Pahiram ako." Mabilis kong inabot sa naghihintay niyang palad ang tuwalyang hawak ko. Mabilis naman itong umalis sa harapan ko saka tumuloy sa loob ng banyo. Ngumiwi ako sa sarili ko habang naglalakad palapit sa kama. Akala ko ay balak niya akong isama sa pagligo niya. Nakakainis 'yung mga naiisip ko! Pakiramdam ko ay ang landi ko dahil sa naisip ko na 'yun. Nagpahid ako ng lotion at pagkatapos ay sinuklyan ang basa kong buhok saka umupo sa gilid ng higaan. Pakiramdam ko ay ang itim-itim ko na kahit na hindi naman matagal ang pagbabad ko sa tubig. Buti pa si Ashton, namula lang 'yung balat dahil sa init. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang makita kong lumabas si Ashton mula sa banyo. Nakabalot lang ng tuwalya ang lower part ng katawan nito. Bakit hindi pa siya nagbihis sa loob? Nakalimutan yata niya na nandito pa ako! "Ba't hindi ka pa nagbihis sa loob, Ash?" Saway ko nang lumapit ito sa kinaroroonan ko. Hindi ko siya tinignan dahil naiilang ako. Paano kung malaglag 'yung tuwalya niyang nakabalot sa ibabang parte ng katawan niya, 'di ba? "Because I forgot my clothes here," saad niya. Nakita ko ang pagturo niya sa may bandang gilid ko. Nilingon ko iyon at nakita ang mga nakalapag niyang damit sa ibabaw ng kama. Natuod ako sa kinauupuan ko at nakaramdam ng nerbyos nang i-bend niya ang katawan niya para abutin ang mga damit. Halos dumikit na kasi ang h***d niyang katawan sa braso ko. Mas lalo akong nakaramdam ng tensyon nang ilapit niya ang bibig niya sa may tenga ko saka bumulong. "Take it easy, love. We'll get there." At para bang nakikita ko ang nang-aasar niyang ngiti sa mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD