Chapter 6

2242 Words
Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ni Ashton sa kung bakit niya ako ipinakilala bilang asawa niya. Na-threaten ba siya sa kausap ko kanina? Pakiramdam ko kasi ay hindi lang para doon sa kaklase niya kaya niya sinabi na asawa niya ako kundi pati na din doon sa kausap ko. Seryoso yata siya noong sinabi niya na ayaw niyang may kaagaw din siya sa akin. May mga katanungan tuloy na nabuo sa utak ko. At ang pinakagusto kong masagot ay kung gusto na ba niya ako? O may nararamdaman na siya para sa akin? Pero hindi ba siya natatakot na baka malaman ni Briella ang tungkol doon sa sinabi niya? O baka talagang wala na sila kaya niya ako ipinapakilala bilang asawa niya kahit na hindi naman kami kasal? "Nasaan daw sina Krystal, Maze?" Tanong ni Ash habang naglalakad kami sa loob ng mall. Para akong nakalutang ngayon habang binabalikan 'yong mga sinabi niya kanina. Sa sobrang gulat ko sa mga lumabas na salita mula sa bibig niya kanina, hindi ko namalayan na lumabas na 'yung result ng exam. Sinabi lang sa akin ni Ash na nakapasa ako saka na siya nagyayang umalis. "Sa Toll House," sagot ko. "Doon nalang tayo mag-lunch?" He asked again. "Ash... ba't mo ako ipinakilala bilang asawa mo?" Lakas loob na tanong ko matapos humugot ng isang malalim na hininga. Hindi ko pinansin iyong tanong niya. "Why not?" Huminto ito sa paglakad kaya huminto din ako. Lumakad ito patungo sa harapan ko. Tumunghay ako sakaniya. Diretso naman itong nakatingin sa mga mata ko. "Seryoso ako nang sabihin kong ayokong may kaagaw ako sa'yo." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tinalikuran na niya ako at muling naglakad. Humabol ako ng lakad sakaniya hanggang sa maabutan ko siya. Ang lalaki kasi ng mga ginagawa niyang hakbang, eh. "Paano kapag nalaman ni Briella, Ash?" "I don't care about Briella. Matagal na kaming hiwalay. Hindi mo pa ipinapanganak si Elly, wala na kami," kaswal nitong sabi na para bang wala silang pinagsamahan. Ngumuso ako at hindi na muli pang nagtanong. Mukha namang hindi siya nagsisinungaling, eh. So kung wala na talaga sila ni Briella... masama na ba akong maituturing kung gusto kong magdiwang? Nang makarating kami sa Toll House ay halos tumakbo ako palapit sa mga kaibigan ko. Nakalimutan ko na kasama ko nga pala si Ashton dahil sobrang nagalak akong makita sila. Ever since dumating si Elly, hindi na ako nakakasama sa mga lakad nila kahit niyayaya nila ako. Minsan ay nakakaramdam ako ng guilt dahil imbes na makagala sila, pipiliin na lang nila na pumunta sa bahay para lang makasama ako. Sila nalang 'yung nag-a-adjust para sa akin dahil lang sa kagustuhan nilang makasama ako. "Nakakapanibago! Ngayon nalang kita ulit nakitang nakasuot ng jeans!" Halakhak ni Shiela matapos ko silang yakapin isa-isa. "Sira!" Tawa ko naman habang umuupo sa bakanteng silya. "Hi, Ash!" Bati ni Krystal na kumaway pa nang umupo si Ash sa tabi ko. "Hi. Naka-order na kayo?" Tanong niya sa mga kaibigan ko. "Not yet. Hinihintay namin kayo, eh. Ba't hindi niyo sinama si Elly?" Ani Clea sa tinig na nanghihinayang. "Mainit, eh." Si Ash ang sumagot. Tipid lang akong ngumiti dahil nakaramdam ako ng guilt. Ang hirap maging isang ina, sa totoo lang. Hindi ka makapag-enjoy dahil laging sumasagi sa isipan mo 'yong anak mo. And I think I share the same feeling with all of the moms out there. First-time mom or not, our feeling about leaving our child is just at the same amount. Kahit pa na alam kong uuwi at uuwi pa din ako sakanya. What more pa 'yong mga ina na naka-abroad at madalang lang makita ang mga anak? Mas mahirap at masakit siguro sa part nila 'yon. Iyong kinailangan nilang umalis para makapag-provide sa mga needs ng mga anak nila. At 'yong mga mommy na walang katuwang sa pag-aalaga ng anak. Being a mom is indeed the toughest job in the world. Napatunayan ko iyon simula nang maging ina ako. Mabuti na nga lang at nandiyan si Ash pati 'yung mga pamilya namin, eh. They never left our side kahit na alam kong masakit para sakanila dahil ang babata pa namin para maging mga magulang. Pakiramdam ko nga ay burden ako sa mga magulang ko dahil sa maaga akong nagbuntis, eh. Though, hindi ko naman ginusto. Who would want to be a mom at sixteen? Not me. Pero nandito na ako. "Tsaka Maze, kailangan mo na din sanayin si Elly para hindi na siya mahirapan kapag umaalis ka," ani Krystal. Tumango ako. "Sabi nga ni Ash." Tinanong kami ni Ash sa kung ano ang gusto naming kainin. Maligalig ang mga kaibigan ko nang idikta nila iyon kay Ash. Nagbibigay sila ng perang pambayad pero hindi kinuha ni Ash. Siguro ay libre niya na mas lalong ikinatuwa ng mga kaibigan ko. "Buti pala kasama mo si Ashton?" Curious na tanong ni Shiela nang umalis si Ash para um-order ng pagkain. "Sinamahan nga kasi niya akong mag-take ng Admission Test." "Alam namin. Pero ba't sumama pa siya dito?" Parang asong nakangisi si Krystal sa akin ngayon. Umirap ako. "Para siguro makapag-lunch din siya. Hindi pa naman kami kumakain, eh," sagot ko. Nakita ko ang paglabi ni Clea na para bang iniisip niya na may iba pang dahilan si Ashton kaya sumama sa akin. "Baka akala niya... may kikitain kang iba!" Humagikhik ito. Sumang-ayon ang dalawa sakaniya. "Mga baliw!" Naiiling na sabi ko habang nakangiti. "Hindi niyo pa ba susundan si Elly, Maze? Ang laki na niya," malokong saad ni Krystal. Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi nga sila magkatabing matulog, eh. Hindi nakaka-score si Ashton sakaniya." Malakas na tumawa si Shiela. "Heh! Kung anu-ano ang sinasabi niyo!" Bulyaw ko. "Bakit kasi hindi niyo pa gawin ulit? O baka naman ginagawa niyo na, hindi mo lang sinasabi sa amin?" Mapanuring tanong ni Clea. "Oy, wala kaming ginagawa ni Ashton, 'no!" Nanlalaking mata na sabi ko. "Tigang na tigang na si Ashton niyan, Maze," pang-aasar pa ni Krystal. Napa-iling nalang ako. Nagpatuloy lang sila sa pang-aasar sa akin. Mananahimik lang ang tatlong ito kapag bumalik na si Ashton dito, sigurado ako do'n. May natitira pa naman silang hiya kapag kaharap nila si Ash, eh. Hindi naman ito 'yung unang beses na mapag-usapan namin ang tungkol sa ganito. Masyado silang straightforward na para bang normal lang sakanila na pag-usapan ang ganoong klaseng bagay. Hindi nila inaalala kung may makarinig man sa pinag-uusapan namin. Tsaka, alam naman nila kung ano ang totoong estado ng relasyon namin ni Ashton. Kaya lang kami nagsasama ay para kay Elly. Hindi dahil sa gusto ko siya o gusto niya ako. At alam ko din na alam nilang may girlfriend pa si Ashton. Baka kay Briella siya nagpapalipas ng init ng katawan niya. Nang bumalik si Ash sa mesa ay iniba na nila ang topic at hindi na kami ang subject nila. Pinag-usapan nalang namin ang tungkol sa Admission Test at kung kailan ako mag-e-enroll habang hinihintay na mai-serve ang mga pagkain. Natuwa naman sila para sa akin dahil mag-aaral na ulit ako at medyo madalas na nila akong makasama. Nakakalungkot nga lang isipin na mauuna silang gumraduate sa akin at maiiwan ako sa college. Malaki din ang pasasalamat ko sa tatlong babaeng ito dahil hindi nila ako iniwan noon at silang tatlo ang naging sandalan ko nang mga panahong sobrang depress ako dahil sa pinagdaanan ko. Sila din ang nagtatanggol sa akin sa mga mapang-husgang mga mata noong kumalat sa buong campus na buntis ako. Madalas nga silang mapa-away nang mga panahong iyon, eh. At mas naipagtanggol pa nila ako noong mga panahong iyon kaysa kay Ash. Siya kasi ay mas gugustuhing manahimik na lang kaysa sa ipagtanggol ako sa mga nanghuhusga. Kahit harap-harapan akong pinagsasalitaan ng masasama, mas pinipili niyang huwag na lang kumibo. Mas pipiliin niya na huwag nalang makialam kahit alam niya sa sarili niya na hindi naman totoo ang iba sa mga sinasabi nila. Oo, may lihim akong sama ng loob kay Ashton. Lalo na kapag naaalala ko ang mga sandaling iyon, kumukulo ang dugo ko. Gusto ko siyang sumbatan at saktan pero pinipili ko na manahimik nalang. Iniisip ko nalang si Elly kapag nasa state na ako ng explosion. Nang dumating ang mga pagkain ay hindi pa din kami tumigil sa pag-uusap at pagtatawanan. Hindi naman malalakas 'yung mga boses namin na maaring maging dahilan para sawayin kami ng iba na kumakain. Wala namang pakialam si Ashton sa amin na tahimik lang at hinahayaan kaming mag-usap-usap. Paminsan-minsan din siyang tinatanong nina Krystal at sumasagot naman ito. "Ash, si Louigie ba... may girlfriend na?" Halos masamid ako sa tanong ni Clea. Para pa siyang nahihiya na hindi. Natawa ang dalawa sakanya. Apologetic namang ngumiti sakanya si Ashton. "I guess." "Sa HTU din ba nag-aaral?" Mararamdaman mo ang interest sa tinig nito. "Kailan ka pa nagkaroon ng interest kay Louigie, Clea?" Takang tanong ni Shiela bago pa man makasagot si Ashton. "Hindi ako!" Irap nito. "Type yata siya nung ka-blockmate ko. Noong nag-enroll kasi ako, nakasabay ko si Louigie sa admin. Nag-kwentuhan kami tapos... nakita yata kami ni Pamela. Naging interesado siya sakaniya.m," kwento nito saka sumubo sa pagkain niya. "Oo yata. Sa HTU din yata nag-aaral 'yung dine-date niya ngayon," sagot ni Ash sa katanungan ni Clea. Hinayaan ko nalang silang mag-usap tungkol doon hanggang sa matapos kaming kumain. Hindi na din ako nakisali. Alam ko naman na hindi type ni Clea si Louigie. Walang type 'yung mga kaibigan ko sa mga kaibigan ni Ashton. Ako lang 'yong may na-tipuhan sa mga kaibigan niya pero noon iyon. Hindi na ngayon. Kinuha ko ang baso na may lamang coke saka uminom. Nang ibabalik ko na sa mesa ang baso ay aksidente kong nasagi ang straw ng strawberry smoothie ko kaya nahulog ito sa sahig. I can be clumsy at times. Yumuko ako para pulutin ang straw. Hindi naman ako pinansin ng mga kasama ko dahil patuloy lang sila sa pag-uusap. Nang makuha ko na ang straw ay inangat ko ang ulo ko at napansin ko ang braso ni Ashton na naka-stretch hanggang sa dulo ng mesa. Naka-cover ang palad niya doon sa corner na para bang pinoprotektahan ako para hindi ako mauntog. Muling akong umupo ng maayos, at doon pa lang niya tinanggal ang braso niya. Pasimple ko siyang sinulyapan ng tingin. Hindi siya huminto sa pakikipag-usap kay Krystal. Ni hindi man lang niya ako binalingan ng tingin. Isang makahulugang ngiti naman ang ipinakita sa akin ni Shiela at Clea na para bang kinikilig. Pati nga si Krystal ay napangiti nang malapad nang mapatingin ako sakaniya kahit na nagsasalita si Ashton. Ngumuso ako at napailing. Pinigilan ko din ang mapangiti pero hindi ko napigilan ang makaramdam ng kilig. Hindi sa akin naka-focus ang atensyon niya pero nagawa pa din niya akong protektahan para hindi ako mauntog sa mesa kung sakali. Natigil sila sa pag-uusap nang biglang pumailanlang ang ringing tone ng isang cellphone. Napatingin si Ashton sa cellphone niya na nasa mesa. Tumingin din kaming lahat doon dahil kanya 'yung tumutunog. "I'll just take this call." Paalam ni Ash sa amin saka na tumayo dala ang cellphone. Lumabas ito at doon nakipag-usap sa kung sino man ang tumatawag. Hindi ko kasi nakita, eh. At hindi ko din siya tatanungin tungkol doon. "Ang sweet ni Ash, 'no? Kinilig ako do'n!" Bahagyang tili ni Shiela. Nag-init ang buong mukha ko sa sinabi niya. "Ako nga din, eh!" Gatong ni Clea. "Hindi naka-focus kay Maezel 'yung atensyon niya pero alerto siya sa mga pwedeng mangyari sakaniya!" Pahayag naman ni Krystal na kinikilig din. Kung anu-ano na din ang mga nabuong eksena sa mga isipan nila dahil doon. Tinawanan ko lang silang lahat. Ayokong umasa sakanya dahil lang doon sa ginawa niyang iyon. Nakakatakot. Nakakabahala. "Maze, may iba pa ba kayong pupuntahan after dito?" Tanong ni Ash nang makabalik siya. Tumingin pa siya sa mga kaibigan ko. "Uh, hindi ko alam. Bakit?" Sabi ko. "Puntahan ko lang sana saglit si Dexter," wika niya na pinatutungkulan ang isa niyang kaibigan. So, si Dexter 'yong tumawag? Pero bakit kailangan pa niyang lumabas, 'di ba? Hindi ba niya pwedeng kausapin dito? Pero hindi ko hahayaang lumabas iyon mula sa bibig ko. "Okay, sige." Tango ko habang nakatingin sakaniya. Titig na titig naman ito sa mga mata ko kaya nag-iwas ako ng tingin. Nakita ko sa sulok ng mata ko na pumindot ito sa screen ng phone niya pero hindi ko nalang iyon pinansin. Tahimik namang nakamasid ang mga kaibigan ko sa amin. "Maze, oh." Napatingin ako sakanya. Hawak niya ang cellphone nito at nakaharap sa akin ang screen. Nabasa ko ang Recents. "It was Dexter who called. Baka hindi ka na naman maniwala." Nakaramdam ako ng hiya lalo na nang tumawa ang mga kaibigan ko. "W-wala naman akong sinasabi, ah?" Depensa ko. "Yeah, baby," cool nitong sabi. Nanlaki ang mga butas ng ilong ko. "Pero 'yung mga mata mo, nagdududa na." Ngumisi ito saka umiling. "Tamang duda ba, Ash?" Asar ni Krystal. Tumango ito sakanya. Hindi ko sila pinansin kahit na inaasar nila ako. Bakit kailangan pa niyang gawin 'yon? At sira yata 'tong mga kaibigan ko, eh. Ginagatungan pa si Ashton! "I'll go ahead. Text mo ako, Maze, kung nasaan kayo, ha? At kung uuwi na kayo para masundo kita." Tinanguan ko nalang siya hanggang sa maka-alis siya. Hindi naman ako tinantanan ng asar nitong mga kaibigan ko. Parang hindi nila alam na wala namang gusto sa akin si Ash. Tsk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD