Chapter 3

2515 Words
Nang matapos kaming kumain ay umalis na agad kami. Dumiretso na kami sa bahay ng mga magulang ni Ash. Hindi naman ito malayo, pero dahil traffic kahit bakasyon, natagalan kami. Ginagawa kasi nila 'yong kalsada at one way lang ang daanan. Napatingin ako sa center console nang marinig ko ang tunog ng isang cellphone. Hindi ito sa akin kahit na nandoon din ang phone ko. Mabilis itong dinampot ni Ash kaya napatingin ako sakanya. Bigla namang tumigil ang pagtunog nito na para bang nilagay niya sa silent mode ang phone niya o di kaya ay dinecline niya ang tawag sakanya. Pataob din niyang ibinalik ang phone sa storage box. Napaisip ako kung bakit hindi niya sinagot ang tawag ni Briella na girlfriend niya. Nakita ko kasi na siya ang tumatawag dahil nakatayong nakalagay ang phone niya at malaya kong nakita ang caller. Siguro ay nahihiya siyang kausapin ito dahil sa kasama niya kami ngayon? Ayos lang naman sa akin kung kausapin niya ang girlfriend niya. At hindi naman din alam ni Elly kung sino ang kausap ng daddy niya. Hinayaan ko nalang iyon at hindi na pinansin pa. Baka nahihiya lang siguro talaga siya. O ayaw niyang makaramdam ng guilty feeling. Itinuon ko ang paningin ko sa daan nang magsimula ng umandar ang sasakyan. Mabilis lang kaming nakarating sa subdivision kung nasaan ang bahay ng mga magulang ni Ash. Agad na binuksan ng gwardiya ang vehicle gate para maipasok ang sasakyan sa garahe nang makita ito. Medyo mainit na sa labas pagbaba namin ng sasakyan kaya kaagad kaming naglakad ni Elly papasok sa loob ng bahay. "Wala sina Mommy, kuya? Off nila ngayon, ah?" Rinig kong tanong ni Ash sa guwardiya nila bago pa kami tuluyang makapasok sa loob. "Umalis po sila ni Sir Ulysses. May pasyente po yatang naghahanap kay Ma'am sa clinic," sagot nito. Nadatnan namin sa loob ng bahay ang bunsong kapatid ni Ash na si Anjeaneth. Nakaupo ito sa couch habang nase-cellphone. Nakapasak pa ang earpods sa tenga niya at mukhang hindi pa niya napapansin ang pagdating namin. "Elleen!" Tili ng isang babae. Pareho kaming nagulat ni Elly at napatingin sa may hagdan. Nagmamadaling naglalakad pababa ang panganay na kapatid ni Ash na si Rojealyn. Sobrang lapad ng ngiti niya. Kaagad niyang hinalikan si Elly at kinarga ito. Bumeso din siya sa akin bago naglakad paupo sa couch. Napangiti nalang ako sakanila. "Hala! Ba't hindi ko kayo napansin?" Ani Anjeaneth na ngayon ay sinusuot ang tsinelas. Parang nagsisisi pa ito. "Kanina pa kayo, Ate?" Tanong nito nang makalapit sa akin saka bumeso. "Nasa balcony kaya ako ng kwarto kaya nakita ko sila," pahayag ni Ate Roj. "Halos kadarating lang namin," tugon ko naman kay Anjeaneth. Sabay kaming naglakad para daluhan si Ate Roj at Elly na nakaupo. "Look, Ate Roj, she's wearing the shoes!" Masayang puna si Anjeaneth habang nakaturo sa suot ni Elly. "Oo nga, 'no?" Natawa siya. "Kasya na pala sakanya?" Tumingin ito sa akin. "Medyo maluwang pa sila ng konti, pero pwede na," sagot ko. Binili niya ang mga sapatos ni Elly last year noong nag-New York siya. Birthday gift niya daw sakanya kaso, hindi pa kasya kay Elly noon. Nasanay na akong makisalamuha sakanilang lahat. Kahit kasi laki sila sa yaman ay hindi sila matapobre at mapang-mata. Mababait naman sila sa akin kahit na hindi naman talaga ako miyembro ng pamilya nila dahil hindi naman kami kasal ni Ash. Nasanay na din akong makisalamuha sa mga kakilala nila na mayayaman lalo na kapag may party dito sa bahay nila. Malaki kasi ang lugar nila dito at may swimming pool pa sa may likuran ng bahay. Nagpahanda ng makakain si Ate Roj para sa amin. Nakipag-kwentuhan na din ako sakanila at ang topic namin ay si Elly. Kinu-kwento ko din sakanila ang mga unusual na ginagawa niya minsan at para sakanila ay cute daw iyon. Well, para sa akin din naman. "Nasaan nga pala si Ash, Maze?" Tanong ni Ate Roj nang mapansin na wala si Ash. "Naiwan siya sa labas, Ate. Baka nakikipag kwentuhan sa guard." O baka kausap si Briella. Kanina pa kasi siya sa labas, eh. Ni hindi pa niya naipasok ang mga gamit namin dito sa loob. Umismid ito sabay irap. "Nagkikita pa ba sila ni Briella?" Usisa niya. Pilit akong ngumiti saka nagkibit-balikat. "Anj, dalhin mo muna si Elly sa play room. Laruin mo muna doon," utos niya sa kapatid. Sinunod naman ni Anjeaneth ang utos ni Ate Roj. Dinala nga niya si Elly sa play room niya dito sa bahay nila. Magiliw namang sumama si Elly dahil gustong-gusto ang mga laruan at may makakalaro din siya. Dumating na din ang kasambahay nila na dala ang pagkain na ipinahanda ni Ate Roj. Fresh pineapple juice at grahams ang dala nitong makakain. "Sila pa ba?" Tanong ulit ni Ate Roj. Kinuha niya ang isang platito sa ibabaw ng center table at nilagyan ng grahams saka inabot sa akin. "Thank you." Sabi ko nang kinuha ang inaabot niya. "Hindi ko alam, Ate, eh. Siguro? Ewan." Sagot ko sa tanong niya saka bahagyang natawa. Umiling ito. "Baliw ba siya? Hindi ba niya naiisip na babae ang anak niya?" Iritang saad nito habang kumukuha din sa grahams. "At okay lang sa'yo kahit na nakikipag-kita pa siya kay Briella?" "Wala naman problema sa akin 'yon, Ate. Kasi 'di ba, sila naman talaga? Tsaka, ayokong pakialaman si Ash sa personal niyang buhay," pahayag ko dahil iyon ang totoo. Ngumiwi ito sa akin saka sumubo sa grahams niya. "Hindi mo ba gusto 'yong kapatid ko?" Mapanuri niyang tanong pagkatapos lumunok. Inilapag din niya sa mesa ang hawak niyang platito at tinidor. Atubili akong umiling. "Hindi naman sa hindi gusto, Ate. Siyempre, siya 'yong Daddy ni Elly-" kaagad niyang pinutol ang pagsasalita ko. "Yes! Nandoon na tayo na siya ang ama ni Elly. Pero 'yong tanong ko is... hindi mo ba siya gusto? As in, you know, gusto. Siya." Aniya with hand gesture pa. Hindi ako nakasagot. Instead, sumubo nalang ako ng grahams. Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin sa tanong niyang iyon. Gusto ko ba si Ash? Hindi ko alam. Basta, wala siyang ipinapakitang hindi maganda sa akin at kay Elly. "Hindi ko alam?" Hindi siguradong tugon ko. Umirap siya sa akin. "Alam mo, Maezel, kung ako 'yong nasa lugar mo, hindi ko hahayaan na makipag-kita pa si Ashton kay Bri!" Matigas niyang saad. "Oo, you're not yet married but you two are living in one roof. At may anak pa kayo!" "Hindi ko naman kasi mapipigilan si Ash sa kung anong gusto niyang gawin, eh. Ayoko talaga siyang pakialaman kasi parang wala naman akong karapatan." Hindi makapaniwalang tumitig ito sa akin. "Ayokong mag-demand sakanya, Ate. Ayoko siyang kontrolin." "Bakit ayaw? Baliw ka din, ano?" Prangka niyang sabi. "And you have all the rights to demand, girl! Ay, kung ako lang talaga 'yang nasa lugar mo, hindi ko hahayaan 'yong ganyan! Ang hina mo!" Ngumiti nalang ako at hindi na sumagot pa. Maya-maya lang ay pumasok na din sa loob si Ash dala ang mga gamit namin. "Si Elly, Maze?" Tanong niya sa akin bago niya i-akyat sa taas ang mga gamit. "Nasa play room kasama si Anj." Tumango nalang ito saka na naglakad paakyat. Pareho namin siyang hinatid ng tingin ni Ate Roj. Habang pinagmamasdan ko ang likuran niya ay bumalik sa isipan ko ang tanong ni Ate Roj kung hindi ko ba gusto si Ash. Siguro, gusto ko siya. Nagustuhan ko na din siguro siya hindi lang bilang ama ni Elly. Pero hangga't maari, ayoko ng lumabong pa ang nararamdaman ko. "Maze, alis ako, ah? May pupuntahan lang ako saglit," paalam nito nang makabalik siya dito sa sala. "Sige! Ingat." Ngiti ko. Hindi ko na itatanong pa. Mukha kasing alam ko naman na kung saan - kay Briella. "Kadarating niyo lang, aalis ka na?" Mapanuring tanong ng kapatid niya. "Saglit lang ako." Nginiwian lang siya ni Ate Roj na hindi na niya binigyang pansin. Nang umalis si Ash ay siya namang pagdating ng mga magulang niya. Tuwang-tuwa sila nang makita ako, at lalo silang natuwa nang makita ang apo nila. Kaagad na binuhat ng Lolo niya si Elly. Hindi din magkamayaw sa paghalik ang Lola niya sakanya. Lagi naman silang ganito kapag nandito kami. Alam kong sobrang mahal na mahal nila si Elly. Siguro dahil siya ang unang apo nila. Mas kamukha ni Ash ang Mommy niya. Parehas silang matangos ang ilong. Maputi din ang balat ng mommy niya. Mahaba ang straight at maitim niyang buhok, at may kasingkitan din ang mga mata. Gwapo din naman ang Daddy niya. Maganda ang pangangatawan, matangos din ang ilong, pero mas maganda ang ilong ng Mommy niya. Tan ang balat nito na parang si Jiru at Ate Roj. "Maze, hija, kumain na ba kayo?" Tanong ni Mommy. "Saan nga pala pupunta si Ashton? Nakasalubong namin, eh." "Opo, Mom. Dumaan kami sa Jollibee," sagot ko sa una niyang tanong. "May pupuntahan lang daw po saglit. Hindi po sinabi kung saan." "Oh, siya." Aniya at bumaling kay Elly. "Apo, come here! Mawmaw bought something for you!" Masigla niyang sabi. Ibinaba siya ng lolo niya upang makalapit sa lola niya. Kaagad naman itong sumama sakanya paakyat sa taas. Hindi ko alam kung ano na naman ang binili niya para kay Elly, pero ang hula ko ay mamahaling laruan. Na naman. "Kapag ako kaya 'yong nagka-anak ganyan din siya ka-spoiled sa inyo?" Malakas na tanong ni Ate Roj. Tumawa ang daddy niya. "I heard you, Roj!" Saad ni Mommy. Natawa ako. "Of course, Roj! May balak ka na ba na bigyan kami ng apo? Para may kalaro na din si Elly," ani daddy. "Luh, dad! Si Maze at Ashton ang hingan mo ng kalaro ni Elly. Huwag muna ako!" Natatawa niyang sabi. Bigla akong nahiya doon sa tinuran niya kaya nag-iwas ako ng tingin sakanila. Wala naman nangyayari sa amin ni Ash; simula pa nung simula. Noong gabing nabuo si Elly, iyon lang ang unang beses na may nangyari. Ni hindi ko man nga tanda ang buong detalye ng pangyayaring iyon, eh. "You're already twenty-four, Rojealyn. Pwede ka na!" Usal ni daddy. Tumabi pa siya ng upo sakanya saka umakbay. "Ayoko muna. Si Anj, pwede na!" Asar nito sa kapatid niya. "Ba't ako nasali diyan?" Reklamo nito. "Nananahimik ako dito, eh!" Dagdag pa niya. Natawa kami sakanya. Buti nalang at walang pikon sa magkakapatid na 'to. At masaya din silang kasama lalo na si Ate Roj dahil may pagka-kalog siya. "Si Jiru ba lumabas na sa kwarto niya?" Biglang tanong ni daddy. "Dad, hindi ka pa ba nasanay kay Jiru? Lalabas lang 'yon kapag nasusunog na ang bahay!" Sagot ni Ate Roj. Si Jiru ay ang pangatlong kapatid ni Ash. Hindi iyon mahilig makisalamuha sa mga tao dahil mas gusto niyang nakakulong sa kwarto at maglaro sa computer niya. Pero kapag naman nandito kami ay nilalaro niya si Elly. Siguro ay hindi pa niya alam na nandito kami ngayon. "Wow! Ang cute ng doll ni baby Elly, oh!" Ani Anj. Nakatingin ito sa may hagdanan kaya tumingin din kami doon. Pababa si mommy habang karga-karga si Elly na may hawak na doll na medyo malaki compared sa mga usual na barbie dolls. Nakalagay pa ito sa box. Ngiting-ngiti naman si Elly na halata sa mukha niya ang tuwa. Alam ko din na nangangati na ang mga kamay nito at gustong-gustong nang ilabas ang doll sa box. Nang makakaba na sila ay ibinaba na din siya ng lola niya. Mabilis itong tumakbo palapit sa akin at ipinakita ang bigay sakanya ng lola niya. "Isn't she beautiful, mommy?" Tanong nito. "Of course! Did you say thank you to mawmaw?" I asked her. Tumango ito. "Very good." Sabi ko saka hinalikan ang ulo niya. Nagpaalam siya sa kanyang lola na aalisin na ang doll sa loob ng box nito. Malugod namang tumango ang lola niya sakanya. Sabik na sabik si Elly na laruin ang manika niya. Inaya pa niya si Anj na pumunta sa play room para maglaro. Hindi naman tumanggi ang tita niya sa gusto niya. "Kamusta na sina balae ko, Maze?" Tanong ni mommy habang nasa may pool area kami. Magkaharap kaming nakaupo sa harap ng pabilog na mesa na gawa sa kahoy. Nag-ayang magswimming si Elly sa mga tita niya. Pati si Jiru ay napalabas niya nang kwarto dahil sa pambubulabog niya. Wala naman akong narinig na reklamo sakanya. Natuwa pa nga siya nang makita ito. "Okay lang naman po sila. Galing po kami doon noong isang araw," tugon ko. Maganda din naman ang trato ng pamilya ni Ash sa pamilya ko. Wala naman akong masabi sa ugali nila dahil talagang mababait sila. Tumango-tango ito. "Sabihin mo sakanila na pumasyal sila dito minsan kapag day off namin. Namimiss ko nang makipag kwentuhan kay kumare ko." Ani mommy habang nakangiti. May sarili silang clinic kaya parang hawak nila ang oras nila. Pediatrician si mommy at siya ang pedia ni Elly. Si daddy naman ay family physician, at may iba pa silang kasamang doctor doon. Plano na nga yata nilang magpatayo ng sarili nilang hospital. "Oh you're all here, huh?" Sabi ng isang tinig mula sa likuran ko. Nilingon ko si Ash na naglalakad palapit sa pwesto namin. "Hi, son!" Bati ng mom niya. Lumapit si Ash sakanya saka humalik. "Hi, daddy!" Bati naman ni Elly mula sa pool. Kumaway pa ito sakanya habang pasan-pasan siya ng tito Jiru niya. "Hi, baby! Isn't it cold?" Tanong niya kay Elly. Umiling si Elly na naka two piece ngayon. "Where have you been?" Tanong naman ng daddy niya na nasa may pool din. "Kila Louigie, dad." Ngumisi ako sa isip ko. Talaga ba? Bakit hindi kaya niya sabihin sa daddy niya ang totoo kung saan siya nanggaling. Lumakad si Ash tungo sa bakanteng upuan sa tabi ko saka umupo dito. Ipinatong pa niya ang kamay niya sa sandalan ng inuupuan ko habang pinapanood ang mga nagsu-swimming. Para tuloy siyang naka akbay sa akin ngayon kahit hindi naman. "Guys, dito nalang tayo mag-lunch?" Sabi ni mommy. "Sure, mommy!" Sagot ni Ate Roj. "Let's grill too, mom!" Suggest ni Jiru. "Okay! Ipapalabas ko na 'yong griller at magpapaluto na din," ani mommy. Nagpaalam din ito na papasok muna sa loob para asikasuhin ang tanghalian namin. "Why are you not swimming?" Tanong sa akin ng katabi ko. Umusog pa ito palapit sa akin kaya pasimple akong umusog palayo. "Ayoko. Inaantok ako, eh," kaswal na sagot ko kahit na medyo naiilang na ako. Ang aga kasing nagising ni Elly kanina. "After nating kumain, matulog ka muna. Ako na ang bahala kay Elly." Aniya habang nakatitig sa akin. Nakangiti pa ito kaya kumunot ang noo ko at nakaramdam ng pagka-ilang sa mga titig at ngiti niya. Nag-iwas nalang ako ng tingin sakanya dahil sa ginagawa niya. May dumi ba ako sa mukha? O muta sa mata? Tsk. "O-okay." Naiilang kong sabi habang nakatingin sa mga nagsu-swimming. "I really like it when you blush." Marahas ko siyang nilingon habang nakabusangot dahil sa sinabi niya. Itinago ko ang nahihiya kong ekspresyon sa pamamagitan ng pagbusangot. "Problema mo?" Masungit kong sabi na tinawanan lang niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD