Kagaya ng gusto ni ate Roj at Jiru, dito nga kami sa labas kumain habang naggi-grill. Medyo late nga lang ang pagkain namin ng lunch dahil medyo madami ang ipinaluto ni mommy at naubusan din sila ng ibang ingredients kaya kinailangan pa niyang magpabili.
"Ang sarap ng braised seafoods ni tita Anj!" Puri ko.
Mahilig kasing magluto ang bunso nila Ash, at magaling siya. Masarap din ang mga luto niya at madami pa siyang alam na putahe na kayang iluto.
"Oh my gee, thanks, Ate! Special tea ko 'yan. Kakanood ng mukbang!" Aniya saka tumawa.
"Hindi naman masarap!" Pagtutol ni Ashton sa sinabi ko. "You're just hungry, Maze." Inirapan siya ni Anj.
"Then why are you eating? Kainis 'to!" Asar na saad niya.
"Ash, just admit it. Masarap magluto ang kapatid mo," sabat ni daddy. Ngumiti si Ash nang may pang-aasar pero hindi na siya nagsalita.
"Can I have this, daddy?" Tanong naman ng anak ko habang nakaupo sa pagitan namin ng tatay niya. Nakaturo ito sa hipon.
Naka-bathrobe ito dahil magsu-swimming pa daw ulit siya. Ayaw nga niyang umahon kanina nang sabihin na kakain na.
Umiling naman si Ash.
"It's spicy, baby. Ito nalang." Kinuha ni Ash ang isang slice ng grilled pork at nilagay sa plato niya.
"Bukas nalang kayo umuwi, Ash." Ani mommy. Tumingin pa ito sa akin na parang hinihingi ang oo ko. Tumango ako.
"Bukas nga, my. Nagdala na kami ng damit." Tugon ni Ash.
"Mom, hindi ba tayo mag-a-outing? Two weeks nalang, pasukan na ulit," pahayag ni Jiru.
"You guys want?" Tanong naman ni mommy at tumingin sa aming lahat.
"Of course! Bago magpasukan makapag dagat man lang sana tayo." Si Anj.
"Ano, dad? Beach?" Paghingi niya ng permiso.
Ito 'yong gusto ko sakanila. Hindi sila kaagad gagawa ng isang desisyon na hindi hinihingi ang permiso ng isa. Dapat siguro talaga sa mag asawa, ganito. Iyong bago ka magdecide, ask your partner first.
"If my children wants to go to the beach, then I'm cool with it." Sagot ni daddy.
Natuwa si Anjeaneth at mabilis na hinalikan ang daddy niya.
"Thank you, guys!" Sabi ni Anj at humalik din sa mommy niya.
"But let's ask our little Elly here." Sabi pa ni daddy habang nakangiting nakatingin kay Elly. "Do you want to go to the beach, apo?" Malumanay niyang tanong. Maligalig na tumango si Elly habang puno ang bibig ng pagkain.
"Yes, pawpaw!" Masigla niyang sabi. Muntik pa naming hindi maintindihan dahil nga sa puno ang bibig nito kaya nagsitawanan kami. Pinunasan ko na din ang bibig niya dahil puno ito ng kanin.
"Alright, then. Beach!" Masayang saad ni mommy. Natuwa kaming lahat.
Kahit ngayon pa lang nila napag usapan, sigurado ako na matutuloy. Actually, kahit naman hindi sila magplano, eh. Basta naispan at pumayag sina mommy at daddy, sigurado, matutuloy. Advantage nang mga may kaya sa buhay ito. Makaka alis nang hindi inaalala kung may pera at kung may gagamiting sasakyan.
Napag usapan nila na sa saturday nalang umalis para may time pa na makapamili nang mga kailangan.
Nang matapos kaming mananghalian ay nagpahinga lang sila ng kaunti saka na bumalik sa pool. Naligo na din si Ash na ngayon ay pasan-pasan ang anak. Wala itong suot pang itaas kagaya ni daddy at Jiru kaya malaya mong makikita ang mga tattoo niya.
Naiwan naman ako sa table kasama si mommy habang nagku kwentuhan tungkol sa mga vaccine na kailangan pa ni Elly.
"Maze, this coming school year, hindi ka pa ba mag-e-enroll?" Biglang tanong ni mommy.
Napa isip ako. Ilang beses din akong tinanong ni Ash tungkol dito pero ang sabi ko ay hindi muna.
Pero gustong-gusto ko na din mag-aral kahit na nahuli na ako ng apat na taon sa mga kaibigan ko. Tumigil din kasi ako nung mag-ge-grade 12 na. Magte-third year na sila this coming school year - pati na din si Ashton. At kung mag e-enroll ako, first year pa lang. But that's just fine. Ang importante ay makapag-tapos ako ng kolehiyo.
Pero ang talagang inaalala ko ay si Elly. Ayoko muna siyang iwan mag-isa. Balak ko sana na kapag nag-aral na siya ng kinder garten, doon na ako mag aaral. Isang taon nalang din naman.
"If you're worrying about Elly, hija, pwede mo naman siyang iwan dito." Suggest ni mommy na mukhang nabasa ang iniisip ko. Nilingon pa niya si Elly. "We have Roj to take good care of Elly since pinag-iisipan pa niya kung tatanggapin niya 'yong offer sakanya sa Dubai or hindi. She'll be glad to take care of Elly." Dagdag pa niya.
Graduate si Ate Roj sa kursong Engineer. Pasado na din siya sa board exam. At gaya nang sabi ni mommy, may nag-offer sakanya ng trabaho sa isang malaking company sa Dubai. At malaki-laki din ang offer - ayon kay Ate Roj. Pero mukhang ayaw niya dahil malayo.
"Nakakahiya naman po kung si Ate 'yong mag-aalaga kay Elly," sabi ko. Nakakahiya naman talaga.
Isipin mo, isang Engineer, magbi-babysit? Tsaka, pwede ko naman siyang iwan sa mga magulang ko kung sakali man na mag aral ako. Pero hindi ko iyon sasabihin dahil baka isipin niya na ayokong si Ate Roj ang magbantay.
"Maezel, when will you get used to it? We are your family, hija," malumanay niyang sabi. "Gusto din naman ni Roj na kasama si Elly." Nahihiya ako ngumiti.
"Gusto ko pong mag-aral ang kaso-" pinutol ni mommy ang dapat sana ay sasabihin ko.
"Ashton and I will have to talk about it. Don't worry, hija." Ngiti nito sa akin.
Tumango nalang ako. Ayokong maging pabigat sakanila kahit na lahat ng pabor ay ibinibigay nila sa amin. Kung sakali man na maghiwalay kami ni Ash, alam ko na malaking utang na loob ang tatanawin ko sa buong pamilya niya.
Pwede ko din namang sabihin sa mga magulang ko na gusto ko ulit mag-aral, at sigurado naman akong papayag sila, pero inunahan na ako ni mommy.
Isa siguro sa mga pangarap ng iba ang magkaroon ng mababait na biyenan. At nagpapasalamat ako dahil masasabi ko na mayroon ako. Hindi nga lang kami kasal ni Ash, pero never ko naman naramdaman na iba ako sa pamilya nila -- never nilang ipinaramdam sa akin iyon.
At hindi ko alam kung pupwede pa ba akong mag-enroll dahil malapit na 'yong pasukan.
"I thought you're gonna sleep?" Tanong sa akin ni Ash na kaka-ahon lang mula sa pool. Sinalinan niya ng tubig ang baso saka uminom dito. Naiwan naman doon si Elly na halatang nag eenjoy.
"Hindi na ako inaantok," sagot ko.
"Ash, pwede mo pa bang i-enroll si Maezel?" Tanong ni mommy sakanya.
"Yes, mom. Why?" Tanong niya pabalik saka ako binalingan ng tingin. "Gusto mo nang mag-aral?"
"Oo sana..." atubili kong sagot sakanya.
"Bukas, Maze, punta tayo sa university para makapag-take ka ng admission test." Ngumiti ito. Tumango nalang ako.
"What course do you want to take, hija?" Tanong ni mommy.
"Nursing po," diretsong sagot ko. Pumalakpak ito.
"Thank heavens! Sa mga anak ko, no one wants to be in medicine field. Mabuti naman at sa manugang meron!" Pahayag niya at humagikgik. Bahagya akong nakaramdam ng hiya sa sinabi niya.
Malamya namang tumawa si Ash.
"Well, good luck with that, Maze. Tataas ang expectations sayo ni mommy." Kumindat pa ito. Nginiwian ko nalang siya.
Magha-hapon na nang maisipan nilang umahon na sa tubig. Hindi naman sila nangitim dahil nahaharangan ng mga punong mangga ang direktang pagtama ng sikat ng araw sa may swimming pool. Presko din dito at nakak-relax.
Halatang pagod na pagod si Elly dahil pagkatapos ko siyang paliguan ay pupungay-pungay na ang mga mata niya.
"Baby, kaya pa?" Tanong ni Ash sa anak niya habang nakaupo kami sa couch sa may TV room. Hinahaplos niya ang buhok nito habang nakadukmo ito sa mga hita ko.
Tango lang ang isinagot ni Elly sakanya. Halatang pinipilit nalang niya na imulat ang mga mata.
"Aw! Sobrang napagod ba ang baby namin?" Pagbe-baby talk ni Ate Roj. Hindi siya kinibo ni Elly.
Nandito kaming lahat sa TV room habang nanonood ng movie na gusto ni Elly.
"Kain muna tayo ng dinner bago ka matulog, okay?" Sabi pa ni Ash.
Hindi na nagawang tumango ni Elly sa daddy niya dahil tuluyan nang bumagsak ang mga mata niya.
Sino ba naman kasing hindi tuluyang makakatulog kung hinahaplos-haplos ang buhok mo, 'di ba?
Binuhat siya ni Ash patungo sa kwarto. Sumunod ako sakanila para mapalitan ko na din siya ng damit pantulog.
"Sure ka, Ash, na pwede pang mag-take ng admission test?" Tanong ko habang kumukuha ng damit ni Elly sa bag.
"Yeah. Hanggang Wednesday pa naman 'yung entrance exam para sa mga incoming freshmen and hanggang Friday 'yung last day ng enrollment," tugon nito.
"Sige." Tumango ako.
Lumapit ako kay Elly na nakahiga na sa kama saka maingat na hinubad ang suot niyang damit. Siguradong maaga na naman itong magigising bukas dahil maaga na naman siyang nakatulog ngayon.
"Maze..." halos magulat pa ako sa malamlam na tinig ni Ashton nang marinig ko. Ang buong akala ko ay lumabas na ito.
"Oh?" Tanong ko nang nilingon ko siya. Nakasandal ito sa pader malapit sa pintuan habang 'yung dalawang kamay niya ay nakapamulsa sa suot niyang short.
Nakatitig ito sa akin at hindi ko mawari kung ano ang gusto niya o kung ano ang sasabihin niya. Pakiramdam ko ay mayroong bumabagabag sakanya subalit hindi naman ako sigurado doon.
O baka naiisip niyang magiging handlang ako sakanilang dalawa ni Briella dahil naisipan ko nang mag-aral? Baka gusto niya akong kausapin tungkol doon?
Narinig ko ang paghugot nito ng isang malalim na hininga. Mukha pa siyang nahihirapan na magsalita at hindi ko alam kung bakit.
Hindi naman ako magiging hadlang sakanilang dalawa ni Briella kapag nagsimula na ulit akong mag-aral. Kailan ba ako naging hadlang sakanila? Ni hindi nga ako nagre-reklamo sakaniya kapag ginagabi siya nang uwi, eh. Hindi ko din siya sinusumbatan kapag nagsusumbong sa akin ang mga kaibigan ko na nakita nila silang dalawa na magkasama.
"Bumaba ka na pagkatapos mo diyan, ha? Para makakain na tayo at makapagpahinga."
Umawang ang bibig ko pero kaagad ko din iyong itinikom. Tumango na lamang ako dahil hindi 'yon ang inaasahan ko na sasabihin niya. O baka ayaw muna niyang sabihin sa ngayon? Hindi ko alam.
Nang umalis siya ay sandali muna akong humiga sa tabi ni Elly. Iisa lang ang kama nitong kwarto ni Ash dito at sigurado akong dito kaming tatlo matutulog. Alam ko naman na hindi kami magtatabi dahil igigitna namin si Elly.
Hindi ko pa nakatabing matulog si Ash bukod doon sa nangyari nung gabing nabuo si Elly. Kahit noong buntis ako ay hindi niya ako tinatabihan kahit nasa iisang kwarto lang kami. Mas gugustuhin niyang maglatag ng comforter sa sahig kaysa tumabi sa akin.
Mabilis akong tumayo nang may kumatok sa pintuan. Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang isang kasambahay nila Ash.
"Baba ka na daw, Maze. Magdi-dinner na daw kayo. Ako na muna ang magbabantay kay Elly." Nakangiti nitong sabi.
"Sige po, Ate. Thank you." Ngumiti din ako pabalik.
Tumuloy ito sa loob ng kwarto habang inaayos ang sarili ko. Nang matapos ay nagpaalam ako sakaniya na bababa na ako.
Tumungo ako sa dining room at nadatnan ko na silang nakaupo sa harapan ng mesa. Tumayo si Ash at hinila ang bakanteng upuan sa tabi niya para maka-upo ako.
"Thank you," pasasalamat ko. Tumango naman ito.
Ganyan naman lagi si Ashton; gentleman siya. Maayos siyang pinalaki ng mga magulang niya. Silang lahat naman. Kaya 'yong nangyari sa amin noong gabing iyon, isang malaking pagkakamali na pareho naming hindi ginusto.
"Gusto mo na daw mag-aral, Maze?" Tanong ni Daddy habang kumakain.
Ngumiti ako saka tumango. "Opo, Dad."
"Kailan mo balak mag-enroll, hija?" Tanong pa niya.
"I will take her to the university tomorrow, Dad. Para makapag-take na siya ng entrance exam," sagot ni Ash. "Ilang oras lang naman ang hihintayin bago malaman 'yung result ng exam. Then, if pumasa siya, pwede na siyang mag-enroll sa mismong araw na 'yon or the next day. As long as complete na 'yung mga requirements na need niyang ipasa." Tumango-tango ang Daddy niya.
"Dito niyo muna iwan si Elly kapag nag-simula na ang klase." Si Mommy.
"Ako 'yung magbi-babysit kay Elly, ha? Huwag na kayong kumuha. Magsho-shopping kami lagi!" Excited na sabi naman ni Ate Roj. "Gagasgasin namin 'yung credit card ko, Dad."
Tumawa si Daddy. "Sure, Roj. Basta para kay Elly lahat ng bibilhin, walang problema sa akin."
Napangiti ako sa sinabi niya. Though, medyo napapa-isip kung tama ba na iwan ko siya kay Ate Roj dahil baka nga gawin niya 'yung sinabi niya. Baka kung anu-ano ang ipabili ni Elly sa tita niya at alam ko naman na hindi niya siya tatanggihan.
"Huwag ka sanang mag-boyfriend, hija, ha?" Maya-maya ay sabi ni Mommy. Nanlaki ang mga mata ko saka tumingin sakaniya. Alam ko naman na nagbibiro lang siya sa sinabi niyang iyon.
"H-hindi po ako mag-b-boyfriend!" Agap ko at wala sa loob na nilingon si Ash na nasa tabi ko.
Medyo nakaramdam ako ng kurot sa dibdib nang makita na wala siyang pakialam sa sinabi ng mommy niya. Siguro ay wala lang sakaniya kung sakali man na mag-boyfriend ako. Okay lang siguro sakaniya. Hindi mo nga mabakasan ng pangamba ang hitsura niya ngayon, eh. Parang cool lang siya sa kung anong pwedeng mangyari kapag nagsimula na ulit akong mag-aral.
Pero kahit gano'n pa man, hindi ko gagawin na makipag-relasyon sa iba. Kahit ba na wala namang label ang relasyon namin ni Ash, hindi ko gagawing humanap ng iba. Hindi ako tutulad sakaniya. Ni hindi ko nga alam kung may relasyon nga ba kaming dalawa, eh. Hindi ko alam kung anong meron kami. Siguro, co-parenting.
At mag-aaral ako hindi para mag-boyfriend. Mag-aaral ako para sa sarili ko at para sa anak ko. Para kung sakali man na makatapos ako at maisipan na ni Ashton na iwan kami, masasabi ko na hindi kami kawawa ni Elly. Kaya ko na sigurong mai-provide ang mga kailangan namin kapag dumating 'yung araw na iyon.
Nang matapos ang dinner ay dumiretso na ako sa taas para makapag-pahinga na ang nag-bantay kay Elly. Naka-sunod naman akin si Ashton.
"Maze..." tawag sa akin ni Ash habang nakahiga kami. Nasa kabilang dulo siya ng kama.
Masyadong tahimik sa buong kwarto na pati ang mahinang pag-buntong hininga niya ay narinig ko.
"Hmm?" Tugon ko habang nakayakap kay Elly. Nag-mulat pa ako ng mata para makita siya.
Nakatagilid ito ng higa at nakaharap sa amin. Nakapatong ang ulo niya sa naka-fold niyang braso habang 'yung isa naman niyang kamay ay nakahawak sa tuhod ni Elly na nakatihaya habang mahina niya itong tinatapik-tapik. Diretso din itong nakatingin sa akin kaya bigla akong kinabahan. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko para hindi makita ang namumungay niyang mga mata.
Lumipas ang ilang sandali pero hindi ito nag-salita. Hahayaan ko nalang sana siya at mananatiling nakapikit ngunit naramdaman ko ang tip ng mga daliri kiya sa mga daliri ko kaya napamulat ako. Mas lalong kumabog ang puso ko nang tuluyan na niyang hawakan ng mahigpit ang kamay ko na nasa gilid ni Elly.
"Wala sanang maging kaagaw sa oras at atensyon mo si Elly." Mararamdaman mo ang pangamba sa tinig nito kahit na seryoso ang pagkakasabi niya. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis.
So, nangangamba siya na baka makahanap ako ng aagaw sa akin mula kay Elly? Nakakainis lang isipin na naisip niya ang bagay na iyon. Sa tingin ba niya ay gano'n ako?
At napaka-unfair niya para sabihin sa akin iyon. Wala siyang narinig na salita mula sa akin kahit na alam ko na may kaagaw ang anak ko sa oras at atensyon niya. Hindi niya ako naringgan ng reklamo tungkol sakanilang dalawa ni Briella.
Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya na ikinagulat niya. Mapakla din akong tumawa.
"Sa tingin mo, mag-aaral ako para humanap ng lalaki, Ash?" Mapait kong sabi. Hindi ito sumagot at nanatiling nakatingin lang sa akin. "Hindi ko naman kakalimutan 'yung responsibilidad ko bilang isang ina. At hindi ko hahayaang magkaroon ng kaagaw si Elly sa akin." Katulad mo.