Heto na po, para sa mga nagrerequest ng update dito. At ngayon plang po ssbhin ko na na hndi ko po ito idedaily update. Once in a bluemoon lang hahaha
Enjoy reading!
----------
Matapos makapagbihis ni Ashton ay bumaba na kami para daluhan ang mga kasama namin na naghihintay sa resto ng hotel.
Natuwa si Elly nang makita niya kaming naglalakad tungo sa pwesto nila. Nagpababa ito sa kanyang Lolo at tumakbo palapit sa amin. Huminto kaming pareho ni Ash sa paglakad nang makalapit sa amin si Elly. Nagpabuhat pa ito sa Daddy niya na malugod namang ginawa ni Ashton.
"Shall we order?" Tanong ni Daddy nang makaupo kami.
Inupo ni Ashton si Elly sa upuan na nasa pagitan namin.
"Sure, Dad." Tango ni Ash.
Sa akin ibinigay ni Ashton ang menu card para makapili ako ng kakainin namin ni Elly. Matapos kong pumili ay ibinigay ko sakanya para makapili din siya. Tumawag na din ng waiter si Mommy para makuha na ang mga order namin at nang ma-prepare na.
"Mom, Dad, punta kaming bar mamayang gabi, ha? Diyan lang naman 'yun," paalam ni Ate Roj sa mga magulang habang hinihintay ang pagdating ng mga pagkain namin.
"Sure, but don't drink too much, Roj. We'll have to leave early tomorrow.," pagpayag ni Daddy.
Maluwag sila sa mga anak nila. Hindi sila mahigpit at ibinibigay sakanila ang lahat ng mga gusto nila. Mukha lang strikto si Daddy at iyon ang first impression ko sakanya noong unang beses ko silang makita. Akala ko nga dati ay matapobre sila dahil sa may kaya sila subalit mali ako. Buong puso din nila kaming tinanggap ni Elly sa pamilya nila.
"Maiiwan muna sa inyo si Elly," sabi pa ni Ate Roj saka nilingon si Elly na tumingin sakanya.
Tumaas naman ang dalawang kilay ko sa sinabi niya. May balak pa yata siya na isama akong mag-bar, ah?
"Sasama ba si Maezel?" Tanong ni Mommy saka tumingin sa akin. Nagkibit-balikat ako.
"Yup. Kaming apat nina Jiru, My," ani Ash. "Kayo muna ang magbantay kay Elly."
Nakaramdam ako ng hiya sa mga magulang nila. May plano na yata ang magkapatid na ito at kasama ako sa plano nilang iyon. Nakakahiya sa mga magulang nila dahil baka isipin nila na nagbu-buhay dalaga pa ako gayong may anak na ako.
"No problem. Sa room nalang namin matutulog si Elly. Two person per bed lang naman 'yung mga kama sa room niyo," ani Mommy. Bahagya akong napanguso.
Kinukuhanan nila kami ng sarili naming room kanina nang mag-check in kami dito sa hotel ngunit hindi kami sumang-ayon para less gastos. Pwede naman ang dalawa ka-tao sa isang bed. Ang plano talaga ay kay Jiru tatabi si Ash at kaming dalawa ni Elly sa kama. Pero mukhang hindi iyon matutuloy at kaming dalawa ni Ashton ang talagang magtatabi mamayang gabi.
Nagpatuloy sila sa pag-uusap-usap tungkol sa lugar na ito at sa mga pagkain dito sa resto. Inabala ko naman ang sarili ko kay Elly na nagku-kwento sa kung gaano na siya kagutom.
Nang dumating ang mga pagkain ay hindi nag-aksaya ng oras ang anak ko at sinimulan nang kumain. Pagkatapos namin ay biglang inantok ang hitsura ni Elleen. Namumula na ang ibaba niyang mga mata at sign iyon na gusto na niyang matulog.
Nauna kaming bumalik sa room habang buhat-buhat ni Ashton ang anak. Naiwan naman sa baba ang iba at naisipang mamasyal muna. Marami kasing pwedeng pasyalan at may mga nagtitinda din ng iba't ibang uri ng mga paninda kagaya ng mga souvenirs.
"You want milk?" Tanong ni Ashton sa anak nang maihiga na ito sa kama.
"Yes, Daddy."
"Mommy, milk daw," tawag sa akin ni Ash. Sakto namang tinitimplahan ko na siya ng gatas.
"Eto na po," sabi ko saka shinake ang bote para mahalo nang husto ang gatas.
Kahit kasi busog na si Elly sa kanin, maghahanap at maghahanap pa din siya ng gatas. Ayoko naman siyang patigilin muna sa pagdede niya at ayaw din naman ni Ashton. Pero mas lalong ayaw ng mga magulang ni Ash dahil kailangan pa daw ng katawan ni Elly 'yung sustansyang nakukuha niya sa gatas.
Ang mahal nga ng gatas niya, eh. Gusto ko nga sanang palitan 'yung medyo mura pero nalang para hindi masyadong masakit sa bulsa ng mga magulang ni Ash pero ayaw niya. Kung ano daw 'yung hiyang niya, 'yun nalang. Tsaka, baka daw biglang pumayat, sabi ni Mommy.
Never ko silang narinig na nagreklamo sa gastos nila sa amin. O baka hindi ko lang alam? Pero so far, wala talaga akong narinig na reklamo mula sakanila. Full support sila sa amin, lalo na kay Elly. At medyo nakakaramdam din ako ng hiya minsan.
Inabot ko kay Elly ang bote at mabilis niya iyong isinuksok sa bibig. Tumabi ako ng higa sakanya saka tinapik-tapik ang hita nito. Kaagad din niyang inilihis ang damit pataas at kinalikot ang pusod. Naging habit na niya ang ganito kapag matutulog na siya. Minsan nga ay humahawak pa siya sa dibdib ko, eh. At kahit naiinis ako, hindi ko siya magawang sawayin. Nakakahiya lang minsan lalo na kapag may ibang taong nakakakita o kaya ay nakatingin si Ashton.
"Hindi ka ba lalabas?" Tanong ko kay Ash na nakaupo sa sahig sa tabi ng kama habang nagsi-cellphone.
"No. Matutulog ako maya-maya. Tsaka mainit na."
Tumango nalang ako at hindi na muli pang nagsalita. Tiningnan ko nalang ang anak ko na namumula ang magkabilang pisngi habang pumipikit-pikit na ang mga mata. Nang tuluyan na siyang makatulog ay dahan-dahan kong tinanggal ang daliri niya mula sa pagkalikot nito sa pusod saka ibinaba ang damit.
Nagulat ako nang bigla siyang tumagilid sa paghiga at humarap sa akin saka kinapa ang dibdib ko. Napatingin ako kay Ashton na saktong nakatingin din habang nakangisi.
Ilang beses kong tinanggal ang kamay ni Elly ngunit binabalik lang niya kaya hinayaan ko nalang. At nang hindi pa siya nakuntento ay ipinasok pa niya ang kamay niya sa loob ng damit at b*a ko. Nilukuban ako nang kahihiyan dahil sa ginawa ng anak ko. Kinuha ko ang kumot at tinakpan ang parte ng dibdib ko dahil natatawa si Ashton sa akin.
Alam ko naman na nakita na niya ang mga 'to noong nag-breastfeed si Elly. Pero siyempre, katulad ngayon, nahihiya din ako dati. Madalas ko din takpan ang sarili ko lalo na kapag napapatingin siya.
"When will I get the chance to touch those? Swerte ni Elly. I'm jealous," mungkahi ni Ashton habang may pang-aasar na ngisi.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at naramdaman ko ang init sa buong mukha ko kahit na malamig dito sa loob ng kwarto.
"Shut up, Ash!" Mahinang bulyaw ko saka siya inirapan.
Napaka-kaswal lang para sakanya na sabihin ang gano'n. At medyo nakakainis din ang sarili ko dahil kapag nang-aasar siyang ganyan, may kakaiba akong nararamdaman sa loob-loob ko. Siguro kung yayayain ako ni Ash, papayag ako.
Wala pa naman talagang nangyari sa aming dalawa sa loob ng apat na taon. Minsan, nang-aasar siya pero hindi naman niya sinasabi sa akin na gusto niya. Ni hinawakan nga ay hindi pa niya ako nahawakan. Well, bukod doon sa gabing may nangyari sa amin nang hindi namin alam. Pero minsan na niya akong nahalikan ngunit aksidente lang ang nangyari. Si Elly talaga ang hinahalikan niya no'n sa pisngi at dahil buhat-buhat ko siya at ang likot ng ulo niya, sa labi ko dumampi ang mga labi ni Ash. Pareho pa kaming nagulat noon. Saglit lang naman iyon. Wala man nga yatang segundo. At hindi ko nalang iyon pinansin. Hindi na din muling naulit.
Alam ko din naman na may pangangailangan siya. At ang sabi ko nga, kung yayayain niya akong gawin ang bagay na iyon, papayag ako. Alam ko sa sarili ko na papayag ako. Medyo nakakatakot nga lang dahil wala naman kasiguraduhan kung may nararamdaman siya para sa akin. Ano 'yon, kung sakali? f*****g while co-parenting? Ang sagwa, 'di ba? Tsk. Tsaka, para ko nalang din inulit 'yung pagkakamali na nagawa ko noon. No feelings involved.
Hindi ko nga alam kung paano namin nagawa iyon noong gabing nabuo si Elly, eh. Bulag ang isip ko sa tuwing inaalala ko kung paano namin ginawa ang bagay na iyon. Wala talaga akong maalala. At hindi ako nagtanong kay Ashton tungkol sa bagay na iyon dahil alam ko naman na wala din siyang alam.
Natatawang tumayo si Ash mula sa pagkaka-upo sa sahig saka lumapit sa kama ni Anj na katabi ng kama na hinihigaan namin ni Elly. Humiga din siya doon saka pumikit. Hindi ko nalang siya masyadong pinagtuonan ng pansin.
Tinanggal ko ang feeding bottle ni Elly na nalaglag na sa kama. Wala na din itong laman. Tinanggal ko na din ang kamay niya na nasa loob ng t-shirts ko.
Pumikit ako para sana makatulog ngunit hindi sumasang-ayon ang isip ko. Nagpalipas nalang ako ng oras sa kama at hinintay na magising si Elly. Nakatulog na din naman si Ashton sa kabilang kama. Kahit kailan talaga, ang bilis niyang makatulog.
Maingay na nagku-kwentuhan si Ate Roj at Anjeaneth nang bumalik sila dito sa room. Nasa likod naman nila sina Mommy, Daddy at Jiru. Pare-pareho silang may bitbit na paper bag.
Sa sandaling mapansin ni Mommy na natutulog si Ashton at si Elly ay sinuway niya ang dalawang nagku-kwentuhan. Hininaan naman nila ang mga boses nila. Marahan akong umupo mula sa pagkakahiga at ngumiti sakanilang lahat. Nagmulat na din ng mga si Ashton na mukhang naantala ang mahimbing niyang pagkakatulog.
"What's all that?" Tanong ni Ash sa inaantok pa na tinig. Umupo ito sa kama saka humikab.
"Pasalubong. We don't have the time to buy tomorrow kaya namili na kami ngayon." Sagot ni Mommy habang umuupo sa kama na kaharap ng sa amin.
"Ang dami naman yata?" Sabi pa ni Ash.
"Well, yes. 'Yung iba ay para kila Manang at 'yung iba ay para sa mga tao sa clinic," ani Mommy. "And Maze, para kila kumare ko 'to." Tinaas niya ang isang malaking paper bag.
Mabilis akong umalis sa kama at malugod iyong kinuha.
"Thank you po." Nakangiti kong pasasalamat. Tumango ito saka gumanti ng ngiti.
"Kanina pa ba tulog si Elly?" Tanong naman ni Daddy na umuupo sa tabi ni Mommy habang nakatingin kay Elly.
"Mga two hours na po." Sagot ko saka iniligay ang paper bag sa tabi ng kama.
"Napagod yata." Nakangiti pang sabi ni Daddy.
Maya-maya ay nagpaalam na ang mag-asawa na tutungo na sa kwarto nila para ilagay ang mga pinamili nila. Nag-aya ulit mag-swimming si Ate Roj kaya mabilis na nag-palit ng kasuotan si Anj at Jiru. Nagpa-iwan naman kami ni Ash at sinabing pupuntahan nalang namin sila kapag nagising na si Elly.
Nang magising naman si Elly ay nakabusangot ito. Para bang hindi kumpleto ang tulog niya o pwede ding sumobra kaya ganito siya ngayon.
"I guess someone woke up on the wrong side of the bed," sabi ni Ashton nang makita ang hitsura ng anak niya.
Mabuti nga ngayon ay hindi na siya umiiyak pagkagising niya, eh. Dati kasi ay basta nalang siya iiyak at hindi namin alam kung bakit.
"You wanna go for a swim?" Tanong ko naman sa malumanay na tinig habang hinahaplos ang likuran niya.
Hindi ito kumibo. Nanatili lang siyang naka-upo at walang imik habang nakatingin sa kawalan. Baka wala pa siya sarili niya kaya ganito siya.
Nang hindi pa din kumikibo si Elleen ay lumakad na si Ashton palapit sa anak niya at nag-squat sa harapan nito.
"What's the matter? May masakit ba sa'yo?" Ashton asks. Hinaplos pa niya ang pisngi ng kanyang anak.
Umiling naman si Elly.
"I wanna go for a swim, Daddy." Mababa ang tinig niya nang sabihin niya iyon. Napangiti ako dahil nagpapa-baby pa talaga siya sa Daddy niya. At siyempre, bine-baby naman siya nito.
"Alright. Pahinga ka muna, okay? Mag-swim ulit tayo." Ngumiti si Ashton saka humalik sa noo ng anak.
Sabay-sabay kaming nagtungo sa dagat matapos makapagpahinga ni Elly. Bumalik na din siya sa pagiging hyper at tumatalon-talon pa habang naglalakad kami palapit sa tubig.
"Wala yata sina Ate dito," wika ko habang nakaupo sa dalampasigan.
Nakaupo din si Ashton at Elly. Tinatabunan ni Ash nang buhangin ang mga paa ng anak niya. Natutuwa naman si Elly lalo na kapag sinasapol ng alon ang buhangin sa mga paa nito at nawawala.
"Baka nasa pool sila," tugon ni Ashton. "Babad na tayo, Maze? Medyo lumalakas na 'yung mga alon," aniya saka na tumayo at kinarga si Elly.
"Sige," sang-ayon ko saka na din tumayo.
Sumuong kaming tatlo sa tubig sa may hindi masyadong malalim na parte. Hinawakan ni Ashton si Elly sa may kili-kili para makapag-babad ito sa tubig. Sinisipa naman niya ang mga paa niya at tuwang-tuwa kapag may alon na parating.
Nagpapakuha pa sa akin si Elly pero hindi ako pumayag. Baka bigla kasing dumating ang malakas na alon saka kami hampasin, baka mawalan ako ng balanse at pareho kaming lumubog. Iyon ang kinatatakutan ko kapag malalakas ang alon kaya ayoko siyang hawakan. Mas safe siya kung si Ashton ang humahawak sakanya.
Alam ko naman sa sarili ko na hindi ko pababayaan ang anak ko, pero siyempre, hindi ko din masabi na hindi mangyayari iyon. Ganito yata siguro kapag naging ina ka; nagiging advance na 'yung utak mo.
"Maze..." tawag ni Ash sa akin saka hinawakan ang siko ko at hinila palapit sakanya. Buhat-buhat na din niya si Elly gamit ang isang braso.
"Bakit?" Takang tanong ko.
"What is this for you?" Tumingin ito sa akin.
Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya. Hindi ko alam kung ano iyong 'this' na tinutukoy niya.
"Ang alin?"
"Us." Tipid itong ngumiti. "Is this just a co-parenting relationship for you?"
Saglit akong natahimik at napaisip sa kung bakit niya tinatanong ang bagay na 'yon sa akin. May iba ba kaming relasyon bukod doon? Siguro meron. Iyong naging magkaibigan na rin kami.
"Well, yeah? Bakit mo tinatanong?"
"Because it is not for me." Pinasadahan nito ng dila ang kanyang ibabang labi saka humawak sa braso ko. "I want us to be more than that."
"H-huh?" Halos pabulong kong tanong sa hindi makapaniwalang tinig. Ayaw mag-sink in sa akin nang lubusan ang gusto niyang iparating.
"I don't want our relationship to be just co-parenting, Maezel. Work things out with me. Please?"
Ilang beses akong kumurap habang naka-awang ang mga labi. Kasing lakas na rin ng mga alon ang hampas ng puso ko sa dibdib ko dahil sa mga salitang narinig ko. He is obviously asking more from me! At hindi ko alam kung ano ang ire-react o isasagot ko.
"A-are you sure... about it, Ash?" May pag-aalinlangan sa tinig ko dahil hindi talaga ako makapaniwala sa kanya.
"Noon pa." Hinila niya ako tungo sa may harapan niya. Iniakbay pa nito ang braso sa may balikat ko.
Puno ng pagtatanong ang isipan ko, ngunit halata ang sinseridad sa mukha nito. Kung hindi lang yumakap at nagpakuha sa akin si Elleen, hindi ko aalisin ang tingin ko kay Ashton hanggang sa makita ko sa mukha niya na hindi naman siya seryoso doon sa sinabi niya.