Consequences 016

1275 Words
Flint’s POV: “Aww, what’s with the long face?” “Puny*ta ka lubayan mo ko kung ayaw mong dagdagan ko ng saksak ‘yang balikat mo.” Yamot na anas ko at sinamaan ng tingin si Lucas. Tatawa-tawang itinaas niya ang dalawang kamay niya at lumayo nang kaunti. Ibinaling ko ang masamang tingin ko sa impaktong naglalakad sa harapan ko. Noon ko lang din napansin na nakatiklop na ang longsleeves niya hanggang siko. At tama nga ako. Buong braso niya ay may tattoo. Iba’t-iba ang design niyon na para bang ginawang drawing pad ng kung sino ang balat niya. The designs are all somehow related to death. “Stop it, both of you.” Suway niya saamin nang hindi kami nililingon. I just rolled my eyes and made a face. “Saan niyo ba kasi ako dadalhin aber?” Tanong ko. Para kasing mahigit limang miuto na kaming naglalakad. Liko rito, liko doon. Deretso, aakyat, liliko uli. Para bang walang katapusan ang hallway na ito ah. “Sa kwarto.” Maikling sagot niya at tumigil sa harapan ng isang pintuan. Lumingon ako sa likuran ko at nakita kung gaano kahaba ang nilakaran naming hallway bago muling lumingon sa harapan ko. Nakabukas na ngayon ang pintuan at nakaharap na siya saakin. “Your body needs to rest. And your wounds aren’t gonna clean themselves.” “Wow, may pake ka pala?” Sarkastikong sagot ko at pumasok sa loob ng kwarto. It’s a simple room with a few things inside such as a king-sized bed, a wooden cabinet, a bedside table with a lamp on it. Then there’s two other doors that I think leads to the bathroom and the other I don’t know. “I’m not heartless, amor.” He says with a chuckle. “Kanina ka pa amor ng amor nakakapikon na.” Ani ko at lumingon sakaniya. Awtomatikong tumaas ang kilay ko nang pumasok din siya at mukhang planong mag-stay rito. “Hmm, do you prefer love instead?” He asked and closed the door behind him. Nakita ko pa ang nakakalokong ngisi ni Lucas bago tuluyang sumara ang pinto. Lyle started to walk towards me and I instinctively took a step back. Nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad at ako naman itong atras lang nang atras. Natigil lang ako nang maramdaman ang bed frame na nakadikit na sa binti ko. “Dito ka.” Aniya at hinawakan ang magkabilang braso ko bago pinaupo sa kama. Pagkatapos ay nagtungo siya sa isa sa mga pintuan at binuksan iyon. Iyo nang pintuan patungo sa banyo. Pumasok siya ron at isinara ang pinto. Sinamantala ko ang pagkakataong iyon at muling inilibot ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Agad akong tumayo at dahan-dahang binubuksan ang mga drawer sa bedside table, iniiwasang lumikha ng kahit anong ingay. I don’t actually know what exactly I’m trying to look for, but anything that can help me survive in this place will do. So far ang nakikita ko palang ay iba’t ibang passports na may iba’t-ibang pangalan, mga piraso ng papel kung saan may mga nakasulat na numero o ‘di kaya ay mga address sa ibang bansa, at wallet. I opened the wallet and saw nothing but a bit of cash and cards. Ibinalik ko na iyon at sinara tiyaka binuksan ang kabila. Napangiwi ako nang makitang halos walang ibang laman iyon kundi condom at magasin ng baril. “You know it’s bad to snoop around other people’s things without teling them.” I froze. I could feel the heat of his body close to mine. Hindi ko manlang narinig na lumabas na siya ng banyo. Napakatahimik ng galaw niya na ultimong paghinga niya sa likuran ko ay hindi ko naramdaman. Nang isara ko ang drawer at humarap sakaniya ay parang mas lalo ata akong nanigas. Standing in front of me is a topless Lyle. And might I say, if we were in a different situation I’d say this is some sight I’d pay to see everyday. Ang kaso, hindi. Kaya kahit gaano pa nakakalaglag panga ang malapad niyang dibdib at bato-batong tiyan ay yamot na yamot pa rin ako sakaniya. His 8-pack abs are waving hello at me, but what really caught my attention was his chest filled with ink. On the center part of his chest is a dagger with a pair of wings extending just below his collarbone. My eyes travelled on his throat. There’s like a stem filled with leaves crossing each other and there’s ‘PURE’ written below it. Sa paligid ng balikat niya ay may katawan ng ahas. Ang pinakabuntot ay nagsisimula sa kaliwang kamay niya. Its body wrapped around his arms, making its way up to his broad shoulders, medyo naka shape ng U ng katawan niyon sa mismong collarbone niya. Extending to his right shoulder, going through his ribcage and making its way up again to his right arm. The head was placed on the topside of his palm. Iyon ata ang pinakamalaking tattoo niya sa katawan, bukod pa ang iba’t ibang maliliit na disenyo sa iba pang parte ng braso niya. Magulong tingnan, pero yung tipong matutulala ka. “Like what you see?” My eyes went on his face. I stared as he shows me his boyish grin, tilting my head to the side. Nang hindi manlang magbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha ay sinubukan kong titigan ang noo niya. “I’d suggest you take a picture if you want to stare at it longer.” “Ul*l.” Sagot ko at umirap nang hindi manlang siya nailing samantalang ako ilang na ilang na rito kakatitig niya. Muling bumalik ang tingin ko sa katawan niya kaya bago pa muling tumagal ang titig ko ron ay ibinaling ko na sa ibang direksyon ang ulo ko. “Sit.” He ordered and pointed at the bed. Muli nanamang tumaas ang kilay ko. He raised his hand holding a kit. “Ano ‘yan?” Tanong ko kahit na alam ko naman kung ano iyon. What I mean is bakit pinapakita niya saakin iyon at bakit pinapaupo niya pa ako sa kama? “Bomba. Ikakabit ko sa mukha mo.” Sarkastikong sagot niya at inirolyo ang mga mata. Aba? “Gusto mong dagdagan ‘yang bangas mo? Ha?” Banta ko na wala namang epekto sakaniya dahil inirapan niya lang uli ako. “Ano nga?!” “I’ll treat your wound, id*ot!” Singhal niya at tinuro ang mangilan-ngilang gasgas sa mukha at balikat. Kung may itataas lang ang kilay ko malamang aabot na ‘to sa kisame. “Kaya ko mag-isa kaya lumayas ka na rito! Shoo!” Pagtataboy ko at akmang kukunin ang kit pero itinaas niya iyon. “Hindi ko tinanong.” Matigas na sagot niya pero hindi ako nagpatalo. Mas lumapit ako at tumingkayad habang sinusubukang abutin. D*mn his 6’7 height! Tumalon ako para mas abutin iyon pero napatili nang mali ang naging bagsak ko at na off balance. Pero imbis na sa sahig ako tumama ay mabilis niyang nahapit ang bewang ko at hinigit palapit sakaniya. Napahawak ang parehong kamay ko sa dibdib niya upang hindi ako tuluyang mauntog doon. Mga ilang segundo pa ako natulala bago siya itinulak palayo. “Bakit ba wala kang pang-itaas?!” Puna ko at sinubukang humakbang paatras pero muntik nanaman akong ma off balance. I hissed as I felt the pain in my ankle. “Can you please stop shouting? You’re irritating my ears.” He snapped. “Edi umalis ka rito!” Singhal ko nang hindi binababaan ang boses ko pero medyo pinagsisihan ko iyon nang tumalim ang tingin niya saakin. “You’re making me leave my own room?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD