bc

Consequences

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
mafia
mystery
like
intro-logo
Blurb

Loving someone is hard. Nothing’s easy when it comes to love. Sometimes you have to do something dumb just to save something you don’t know if it exists. We can’t control love. It comes and go until you find the right person. And then I met you. My love for you was young and free. A safe haven where I can let down my guard. But loving you has consequences

chap-preview
Free preview
Prologue
Lyle’s POV: “Hindi ka talaga marunong madala, ano?” I wiped the blood at the side of my lips before standing up and looking at the group in front of me. “Aren’t you scared? We can easily kick your guts out of you.” Olivia said and laughed, together with her girl friends and of course, their boyfriends. “Tch. Diyan sa mga boyfriend niyong parang babae kung manuntok? Yeah, no.” Pang-aasar ko pa sakanila at ngumisi. Great Lyle. Just keep provoking them and you’ll bruised all over your body for a month. Again. “You know what to do.” Sabi niya sakaniyang boyfriend na si Jesper. Ngumisi ito at sinenyasan ang mga alagad niyang uto-uto. “Hawakan niyo ‘yan.” Utos niya na agad namang sinunod ng mga kasama niya. Mabilis akong umiwas nang akmang hahawakan ako ng isa sa kanila kaya mas naging agresibo sila. Nung una ay nasapak ko ka sila pero bandang huli, eto na ako. Hawak nila ng mahigpit habang hinihintay ang suntok o sipang ibibigay nila saakin. “We told you before. Bawal ang lalampas-lampa dito. Hindi ka nga nerd, lampa ka naman.” Ani Olivia na ikinatawa nilang lahat. “Kesa naman sayong puro make up at pagpapaganda lang ang inaatupag.” Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sagutin siya. “Akala mo ba ikinatalino mo ‘yan? Or kinaganda mo? B*bo ka kung ganon ang iniisip mo. Ang utak, ginagamit. Hindi dini-display.” I groaned when Jesper suddenly kicked me at my stomach. I clenched my fist and spit the blood from my mouth. “Don’t you dare insult my girlfriend again!” Gigil na sigaw niya at inangat ang kaniyang kamao. “Hay. Wala bang bago? Gasgas na kasi ‘yang line na ‘yan eh.” Pare-pareho kaming napatingin sa itaas ng puno. Andiyan na siya. Dumating na siya. Ang ‘tagapag-ligtas’ ko. Tss. “Ano kamo?!” Singhal sakaniya ni Jesper. “Pwede naman kasing “Shut your mouth i****t.” or di kaya “If you’re going to insult her, then you better do that without me around. And you better hide ‘cause I’ll find you and make you pay for insulting my girl!” Oh diba. Mas maganda pakinggan.” Aniya at kumagat sa mansanas na hawak niya. “Hoy Flint anong ginagawa mo diyan?! Hindi ka pwede dito!” Bulyaw sakaniya ni Olivia. Sinamaan niya ito ng tingin. “Makasigaw ka naman. Hindi ako bingi, Olivia.” Sabi niya at naupo nang maayos sa sanga ng pungo. “And one more thing, don’t shout. Panget ka na nga, panget pa ‘yang boses mo.” Dagdag niya bago tumalon pababa. Napasinghap silang lahat nang sampalin niya si Olivia nang malakas. Natumba siya sa damuhan hawak-hawak ang pisngi niyang sinampal ni Flint. “Bagay na bagay talaga kayo ng boyfriend mo. Parehong panget.” Pang-iinsulto niya. Olivia immediately stood up and tried to punch Flint, but Flint dodged it with ease and punched her instead. “Hoy! Bakit mo sinapak yung girlfriend ko?!” Galit na tanong ni Jesper at siya naman ang hinarap. “Kesa naman ako yung masapak. My face is too priceless.” Confident na sagot niya at sinuklay ang kulay itim niyang buhok. “Isa pa, that’s what gender equality is. Nananapak ako ng babae, nananapak ako ng lalaki. Kaya nga gender equality, diba? Mindset ba mindset.” Dagdag niya pa na lalong nagpakulo ng dugo ni Jesper. “Ano pang tinu-tunganga niyo diyan?! Hawakan niyo din ‘yan!” Singhal niya sa mga kasama niya. Sabay-sabay nilang sinugod si Flint na naghikab pa at pinag-krus ang mga braso niya. Akmang hahawakan na siya nung isa nang tadyakan niya ito sa hita. Madali lang niyang inilagan ang mga suntok na pinapalipad patungo sakaniya. Muntik na siyang tamaan nung isa kanina kung hindi lang mabilis ang reflexes niya. Umatras lang siya nang umatras hanggang sa tumama ang likuran niya sa puno. Bumwelo nang suntok yung lalaki, at nanlaki ang mata ko nang makitang mukhang wala siyang planong umilag. Ngunit nang gahibla nalang ang distansya ng kamao nung lalaki sa mukha niya ay mabilis siyang gumilid at naglakad pa talaga papunta sa likod nung lalaki. Ang ending, yung puno ang nasuntok. “Oof. That must’ve hurt.” Kumento niya at tinapik-tapik pa sa balikat yung lalaki bago niya hinawi ang paa nito. Suntok dito, sipa doon. Pati yung dalawang nakahawak saakin ay napilitang sumugod dahil halos lahat sila ay napabagsak na nila. “Oh, paano ba ‘yan? Ikaw nalang ang natitira. Papalag ka pa?” Tanong niya kay Jesper na nakakuyom na ang mga kamao sa galit. “Walang hiya ka talaga Flint!” Bulyaw niya at sumugod. Ngumisi si Flint at sinalubong ang kamao ni Jesper. Sinalo niya ito at at binigyan ng uppercut si Jesper tsaka niya ito patulak na binitawan. Pagkabitaw niya ay ni-roundhouse kick niya ito kaya tumilapon si Jesper. “Hindi talaga kayo nadadala, ano? Hindi ba kayo natatakot sa muscles ko?” Tanong ni Flint at finlex ang muscles niya sa braso. Napairap ako. Show off. “Maulit pa ito hindi ako magdadalawang-isip na basagin ang mga mukha niyo. Nagkakaintindihan? Alis!” Mabilis na nagtayuan ang mga pinabagsak niya kanina at nagkanya-kanya ng takbo. Tinulungan ni Jesper si Olivia bago sila tumakbo. Nang masigurong wala na sila ay humagalpak ng tawa bago ako hinarap. Pinagmasdan niya ako saglit bago muling humagalpak ng tawa. “You should’ve seen their faces. Oh no, wait! You saw it!” Aniya. Hirap na hirap pa siyang bigkasin ang bawat salitang iyon dahil sa tuwang-tuwa talaga siya. Sinamaan ko siya ng tingin bago tumayo at pinagpag ang damit ko. “Grabe. Sa laki mong ‘yan? Hindi mo maipagtanggol ang sarili mo? What are you?” “I didn’t need your help.” I said as I picked my bag up. “Oh really? You looked like you need one earlier.” Sabi niya at naglakad nang patalikod. Mabangga ka sana sa mga puno. “No, I didn’t.” Tanggi ko at inirapan siya. “Maybe you need a knight in shining armor? I can apply.” I ignored that and continued walking. “Lyandyle Thorn Sanchez! I’m talking to you!” Singhal niya at tumigil sa mismong harapan ko. I’ll admit I was dreaded by her dagger-like gaze. Given that she’s taller than me by inches. I tiptoed and whispered right in front of her face. “I don’t care, Flint Briella Haven.” I whispered and left her standing there. As I got inside the car, I taught about dad’s reaction once he sees me like this. Both him and mom won’t like it, of course. But I have to face the consequences of my actions, right? Sooner or later, I won’t face any of those again. I swear on my own life. I will never let anyone bully me or anybody else ever again.

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook