Consequences 009

1138 Words
Flint's POV: “I didn’t know you got curves, lady. What else are you hiding underneath?” Elias says as he blows out a breath. “A f*cking gun, asshat.” I said as I hit his head. Muli ko siyang inirapan at nagpatuloy sa pagbibihis. Saktong inaayos ko ang necktie ko ay nakarating na kami sa kanilang mansion. Napahinga ako nang malalim at napasandal sa upuan. I didn’t know changing clothes inside a car is this tiring. Bumaba ako at pinagpag ang suot ko bago kinuha yung slacks at ipinatong sa cotton shorts na suot ko. Nang makitang presentable na ang pagkakasuot ko sa aking uniporme ay nag-angat ako ng tingin at dere-deretsong pumasok sa loob, walking past Elias who was staring. “Edrix.” Tawag ko at kakatok sana nang biglang bumukas ang pinto. Dere-deretso lang siyang lumabas habang nakatapat ang kaniyang telepono sa tenga. Sinara ko nalang ang pinto at malalaki ang hakbang na sumunod sakaniya. Paglabas ay ibinigay niya saakin ang susi ang kotse nang hindi lumilingon. Nang makasakay na sya sa likuran ay sumakay na rin ako sa driver’s seat at aalis na sana nang bumukas ang passenger seat at pumasok doon si Elias. “Drive fast. Let’s go to this location.” Seryosong utos nito at ibinigay saakin ang kapirasong papel na naglalaman ng address ng isang…warehouse? “Don’t ask any questions and start driving.” Rinig kong saad ni Edrix sa likuran. I looked at him through the rear-view mirror and sa him looking at me too, still holding his phone. “Please.” I only nodded and typed the address sa waze. Nang ma-pin na ang location ay nagsimula na akong paandarin ang kotse at umalis. Makaraan ang ilang oras ay narrating na namin ang warehouse sa Laguna. Hindi naman ito ganon kalayo sa main road, pero tago pa rin. Tiningnan ko si Elias sa aking tabi na tumango lang kaya pinatay ko na ang makina ng kotse tsaka lumabas. Pinagbuksan ko ng pinto si Edrix at hinayaan lang si Elias. Bahala siya riyan. “What are we doing here?” Nagtatakang tanong ko kay Edrix. Hindi na niya hawak ang phone niya pero nakapamulsa siya. Noon ko lang napansin ang suot niya. Naka formal attire siya, ganun din ang kapatid niya. ‘Anong meron?’ tanong ko sa aking isipan. “You’ll see.” Elias whispered and pushed me to follow his brother. Pinagmasdan ko ang paligid habang naglalakad, nakikiramdam sa kung anong meron dito. Medyo naga-alangan akong humakbang pero hindi ko pinahalata. Naglakad kami nang kaunti bago narating ang maliit na pintuan sa gilid ng warehouse. Napahawak ako sa likuran ko kung saan nakatago ang baril nang pareho silang lumingon saakin. Hindi masyadong halata na may hinahawakan ako sa likod ko dahil mukha lang akong nakapamewang sa mga mata nila kaya natawa si Elias. “Let’s go.” Ani Edrix at binuksan ang pinto. Sumalubong saakin ang malamig na hangin, pero walang kasamang alikabok o kung ano pa man. Para bang galing yung malamig na hangin sa aircon. Tumambad saakin ang maayos at organisadong itsura ng loob. May mga makukulay na ilaw din na nagbibigay liwanag sa buong lugar, at masayang tugtog. Naririnig ko rin ang ingay ng bawat taong naroroon na may kani-kaniyang mga usapan. Doon ko lang napagtanto na party pala ito! Pero ang weird, bakit sa warehouse naman ginanap? At anong party ito? “Ah, buti naman andito na kayong dalawa. Makakapagsimula na rin sa wakas.” Bati ng kanilang ama nang makapasok na kaming tatlo. Bumaling siya saakin at mas lumawak ang ngiti. “And you brought Flint. Akala ko hindi niyo siya maisasama.” Aniya. “Nah. I changed my mind.” Edri said nonchalantly before hugging his dad. He gave him a small box and said, “Happy Birthday.” “Ako rin may regalo siyempre. Pero mamaya na, grand surprise.” Malokong saad ni Elias at kinindatan ang tatay niya. Natawa naman ito at tumango-tango nalang bago tumingin saakin. “I’m sorry I didn’t bring anything, Mr. Santos. I wasn’t aware. And no one told me.” I said apologetically and glared at Elias and Edrix who just chuckled. “Oh, don’t bother Flint. It’s okay as long as you know, you’re doing your job.” He said meaningfully, which I only nodded at. “Is that what you’ll wear for the rest of the party?” “Yes—No.” Napatingin ako kay Edrix nang siya ang sumagot. He looked somewhere and nodded his head. Maya maya ay may lumapit saaking matangkad na babae at may hawak na wardrobe. “Please follow me, Ms. Haven.” The woman politely said and gestured me the way. Tumingin muna ako kina Edrix na tumango lang kaya sumunod na ako sa babae. Dinala ako nito sa kadulo-dulohan at kasulok-sulukan ng warehouse. May maliit na parang shed doon at nakabukas ang pinto. The woman opened the lights and gestured for me to get in. Pagpasok ko ron ay inabot niya saakin ang bitbit niyang wardrobe tsaka isinara ang pinto. Mga ilang segundo kong tinitigan ang hawak kong wardrobe bago ito isinabit sa likod ng pintuan at binuksan. It’s a square neck long sleeve bodycon ruched dress. It has a split with a drawstring on the right side. Its color is in deep shade of red, crimson red to be exact. Sinuri ko ito nang ilang minute at tsaka sinuot. I was surprised that it fitted me as if it was made especially for me. I straightened it out and when I was feeling confident enough, I opened the door and walked out. I saw the woman standing right beside the door, waiting for me to finish. She smiled and handed me a shoe box. When I opened it I saw a cut out heels in the same color of my dress, red. I wore it and again, it’s my size. Para bang planado na talaga ni Edrix ang gabing ito. “This way, Ms.” The woman said and led me back to where she first saw me. Pagdating ko ron ay nakita kong andon pa rin sina Edrix, pero may iba na siyang kausap. Nakatalikod saakin yung kausap niya. Mas matangkad ito kumpara sakaniya kaya nasisiguro kong hindi iyon si Elias. When Edrix saw me he looked at the guy he was talking to before nodding. The guy walked on the opposite direction while Edrix walked towards me. He was looking at me from head to toe. Nang hindi siya makuntento ay itinaas niya ang kamay niya at dinala iyon sa likod ng ulo ko. Akala ko kung ano ang gagawin niya pero tinanggal niya lang sa pagkakapusod ang buhok ko. Bumagsak ang mahaba at wavy kong itim na buhok. He then smiled in satisfaction and nodded at his work. “Perfect.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD